| Arick |
"Di ka na ba talaga namin mapipigilan?", tanong ni Rickson sakin
"All set na ko. Nandito na din si Tita Emie kaya lalong gusto ko na umalis. Hassle kaya tsk kahit anong galaw ko sa bahay pinapansin nya"
"Ewan ko sayo! Ganyanan tayo you're gonna leave us!!!!",tukso ni Seth
"Aalis ka, Arick?"
Natigilan ako
Alam ko yung boses na yun ah
Boses na na-miss ko
"You're here Denisse! Long time no see!", sabi ni Seth sa kanya
Ewan ko ba
Ayaw ko magpakita kay Denisse
Kasi nahihirapan ako isipin na aalis ako pag nandyan sya
Tinignan ko sya
Gusto ko sya yakapin
"Bakit? Bakit ka aalis?"
Nilayo ko yung tingin ko sa kanya, "Yup, diba yun yung deal namin ni mama na i-train kita for 6 months, after 6 months aalis na ko."
Tumayo ako at pumunta sa locker room
Hindi ko na talaga kayang pigilan pa yung feelings ko para kay Denisse
Kaya't hanggang maari iiwasan ko na sya
1 month na lang naman at aalis na din ako makakalimutan ko din sya
Sana...
Sinilip ko si Denisse sa gym
Kausap nya si Seth at tumatawa sya
Ang ganda nya talaga
At yung mata nya kumikislap habang tumatawa
Yung cheeks nya, ang cute, ang fluffy
Kahit na mukhang siopao sya dahil naka-ponytail sya ang hot nya tignan
Hayyy, kung pwede lang forever ako nakatitig ng ganto sa kanya....
"Walang forever!"
"Wahhhhh!!!!!!"
Kainis na Rickson to, nakatago pala sa gilid ng pinto!
"Forever ka nakatitig kay Denisse dyan! Alam mo ikaw wag ka na magdeny noh halatang-halata naman na gusto mo si De-"
Hinila ko sya papasok ng locker room
"Wag ka nga maingay! Baka marinig ka niya!"
"Ang problema sayo, masyado kang torpe! Ay no pala, manhid ka. Manhid ka sa totoo mong feelings! Kahit ano pilit ng utak mo na hindi mo sya gusto, rinig na rinig namin tibok ng puso mo na si Denisse yung isinisigaw!"
Natahimik ako sa sinabi nya
"Wag ka patorpe-torpe baka maunahan ka!"
Kinuha ni Rickson yung water bottle nya at umalis
Ang tagal magsink-in sakin ng mga sinabi nya
Pero totoo lahat yun
In-denial ako
Torpe
Pero halata naman
Masyado lang madami ako naiisip.
At wala sa priority ko yang love na yan
Tama!!!!
Mawawala din to....
Nagshower na ko at nagbihis
Nung lumabas na ako ng locker room
*tick*
"Shet! BROWNOUT?????"
Kinuha ko yung phone ko para gamiting flashlight
Pumunta ko sa entrance. Fck naka-lock????
Kinapa-kapa ko yung susi sa table sa may lobby. Pero wala dun!!!
"Oy Rickson!! Seth!! Hindi magandang biro to ah! Palabasin nyo ko dito!"
Kinabog ko yung pinto at nagsisigaw pero wala pa rin tao
Nagtetext ako para malaman nilang andito ako sa loob ng may biglang
"AAAAAAHHHHHHHHHHH"
Nabitawan ko yung phone ko sa takot!!!!!!!
Kung minamalas ka nga naman oh!!
"Si-sino yan? Sino ka? A-asan ka?", takot na takot ako magsalita
Hanggang sa may nakita akong white na papalapit sakin na tumatakbo....
At habang papalapit sya sakin lumalakas yung ungol nya....
"WAAAAAHHHHH", sigaw nya
"Wag ka lalapit. Wag ka lalapit!!! Wag ka!!!!!!!"
Niyakap nya ko.....
"Natatakot ako huhuhuhu Arick huhuhuhu"
Muntik nya na ko patayin sa takot! Hayyyyy
"Denisse? Bat andito ka pa?"
"Nagaayos na ko sa girls' locker kanina eh tas biglang nagbrownout huhuhu kala ko nga ako na lang magisa eh huhuhu"
Pinulot ko yung phone ko
Tsk nasira pa ata ayaw na magopen
"Nasan phone mo? Kailangan natin makaalis dito"
"Nasa locker"
"Sige kukunin ko. Dito ka lang wag ka aalis"
"Ayaw!!!!"
Hinila nya yung kamay ko at yumakap dito
"Wag mo ko iiwan, Arick, please?"
"Si...sige tara. Hindi kita iiwan...."
Kahit 10 steps away lang yung locker nag-mukha 10 hectares sa layo dahil hindi namin makita yung dinaraanan
"Aray!!"
Nauntog si Denisse
"O magiingat ka nga!"
Tinignan ko yung noo nya at hinawakan baka nagkabukol
At nagkatinginan kami
Bumilis yung tibok ng puso ko....
Nagpatuloy na kami sa paglakad
Pagdating namin sa girls' locker
"Hala!!! Lock yung pinto!!!!"
"Ay nalock ko ata dahil sa sobrang takot hehe sorry"
"Shet. Pano na tayo nyan????"
"Tayo? Merong tayo?"
"Denisse!!!!!!!!"
"Sorry joke lang!!! WAHHHHH TULUNGAN NYO KAMI DITO!!! AYAW KO PA MAMATAY PLEASE!!!!!"
Wala kami choice kundi bumalik ulit dun sa may entrance
Katok ng katok si Denisse at nagsisigaw sya
Pero kahit anong sigaw nya walang nakakarinig
Ako naman inaayos ko tong phone ko
Pinipilit ko i-on para naman macontact ko kahit sino at ipaalam na na-lock kami
After 30 mins,
Ayun nag-on na!! Hay salamat!!!
Hala! 2% na lang batt ko???
Dali-dali ako pumunta sa contacts at tinawagan si Rickson
"Hello!!! Hello Son!!! Nasa gym kami ni Denisse? Huh anong chappy? Hello! Nasa gym kami!!! Na-lock kami ni Denisse! Puntahan nyo.. Hello Rickson!!!! Puntahan nyo kami!!!!"
Arghh at namatay na yung phone ko
Naintindihan nya kaya yun!!!!
Sinilip ko si Denisse, nagsisigaw pa rin sya sa may pinto
Pero pagod na
Katok din sya ng katok
"Uy, tama na. Wala nakakarinig sayo. Timigil ka na masisira mo na yung pinto oh!"
Umupo sya
"Natawagan ko na si Rickson, makakalabas na tayo maya-maya"
...
Ang tagal naman nila
Tumingin ako sa relo ko
Halos mag isa't kalahating oras na kami andito
Wala pa rin sila Rickson tsk
"Kailangan mo ba talagang umalis?", tanong ni Denisse sakin
"Bakit? Ayaw mo ko umalis noh? Yieee ikaw ah!! :">"
"Pag sinabi ko bang ayaw ko, sapat bang dahilan yun para magstay ka?"
Natigilan ako
Hindi ko alam ang isasagot ko sakanya
Bigla akong pinagpawisan sa sinabi nya
"Bakit nga? Andito naman parents mo ah, pati mga friends mo andito bat kailangan bumalik ka pa sa Paris?"
"Di mo maiintindihan"
"Edi ipaintindi mo sakin"
Nagsmile lang ako sa kanya :)
10 minutes of awkward silence
Nakatingin pa rin sya sakin at hinihintay ako magkwento
At na-a-awkwardan na talaga ko
"Adopted ako..."
Namilog yung mga mata nya
"13 years ago nang makita ako nila mama. Pakalat-kalat sa kalye. Kinuha nila ko, binihisan , pinakain. Tinurin nilang parang totoong anak nila."
"Yung... Yung totoong..."
"Patay na yung totoong tatay ko. Yung... Yung mommy ko..."
Maiyak-iyak ako, tsk ayaw ko kasi magkwento eh -__-
"Naalala ko kung gano kasaya kaming pamilya non, lagi nila ko binibili ng laruan pag umaalis kami, kumakain sa labas..."
"Kaso sa isang iglap, biglang nag-iba. Yung masasayang ngiti naging lungkot, naging luha...."
"Akala ko sama-sama naming lalabanan yung lungkot na yun. Pero paggising ko isang araw, iniwan na kami ng tatay ko...."
"Maaga sya namatay?", tanong ni Denisse
"Hindi. Iniwan nya kami. Sumama sya sa ibang babae. Pinagpalit nya kami, Denisse!! Hanggang sa tuluyan ng nanghina si mommy..."
"Sobrang bata ko pa para makaranas ng lahat ng yun.... Galit na galit ako sa mundo, lalo na nung nakita namin yung bagong pamilya ng tatay ko...."
"Naalala ko nun, gustong-gusto ko tumakbo sa kanya, yakapin sya, tawagin pero hindi pwede dahil kasama nya yung babae at anak nya...."
"Bakit, Denisse???? Bakit kami pa yung kailangang lumayo? Bat kami yung nagtatago? Kami yung iniwan, kaming pamilya nya!!!"
"Namatay dahil dun yung mommy ko...."
"Sorry....", nilapitan ako ni Denisse sa kinauupuan ko
Hinwakan nya yung balikat ko at pinapatahan ako
"At nakita ko sila. Nakita ko yung mga taong gumuho ng mundo ko. Akala ko nakalimutan ko na yung pait ng nakaraan ko, pero nung nakita ko sila bumalik ulit lahat ng sakit. Yung ginawa nila sa mommy ko, yung trauma ko naramdaman ko ulit...."
"Kaya sabihin mo sakin kung anong magandang rason para magstay pa ako dito?"
"Sorry, Arick! Hindi ko alam na ganyan pala yung pinagdadaan mo... Sorry alam kong hindi ko matatanggal yang sakit ng nararamdaman mo-"
Hindi ko na pinatapos pa si Denisse sa sinasabi nya at niyakap ko na lang sya
Niyakap ko sya ng mahigpit
Kailangan ko ng yakap nya para mapanatag ako
Para makalimutan ko yung sakit
"Ito lang ang kailangan ko, Denisse. Ito lang..."
...
Hindi ko alam bat nagawa ko i-share ulit rong buhay ko at kay Denisse pa! Yung mga kabarkada ko nga ang tagal nila nalaman kung ano talaga nangyare sakin eh
Sobrang kumportable kaso talaga ako oag kasama sya
Ang gaan lang ng feeling
Yung parang kahit 24 hours kayo magkwentuhan eh hindi ka magsasawa :)
"Pero alam mo kahit gano kalagim yung nangyari sakin nung bata ako. May masaya pa rin namang nangyari, at sa twing nakikita kita naaalala ko yun. Ang taba-taba nya parang ikaw, inaasar ko din gaya ng pang-aasar ko sayo, may tawag pa ng ko sa kanya eh. Tababoy!"
Napasandal na yung ulo ni Denisse sa balikat ko
Ang dami ko pa sinasabi nakatulog na pala sya :)
Hinihimas-himas ko yung buhok nya. Ang bango nya :)
Para syang anghel kung matulog, ang ganda :)
*blag blag blag*
Hinawakan ko agad yung ulo ni Denisse para hindi mahulog sa balikat ko
May kumakatok sa pinto ang lakas
"Okay lang kayo dyan, Sir?", tinapat pa nya yung flashlight nya samin
"Mukha bang okay kami?! Kung sana kinukuha mo na yung susi para makalabas na kami diba?"
Ginising ko na si Denisse. Pinabukas ko na din yung girls' locker para makuha nya yung gamit nya.
Dali-dali naman nyang tinext parents nya para sabihing okay sya. Nagpilit na din ako na ihatid sya sa kanila para maexplain ko rin yung nangyari
"Kuya pa-check nga din yung fuse, browout eh!", sabi ko kay manong guard
"Sir, okay naman. Hindi brownout, tignan nyo may aircon. Baka lang may aksidente nagpatay nung main switch ng ilaw"
Nung pag-explain na yun ni Maning Guard alam ko na agad kung sino may kagagawan nito
Mga lokong kaibigan ko talaga!!!!!
...
"So, late ka na daw umuwi kagabi? Hindi ko alam kung bakit ka pinapayagan ng mommy mo na ganyan"
"May nangyari lang po sa gym, Tita"
"Hanggang dito gym pa rin? Barkada pa rin inaatupag mo?"
"Emie..."
"Hay nako, ewan ko ba sayo Lucillia pati dito ini-spoiled mo yang anak-anakan mo eh!
"Stop it, Emie!"
"It's okay, Ma. I have to go. May aasikasuhin lang po ko sa school."
...
Where are you, Denisse?
I need you
Nandito ako sa rooftop ng school
Hinahanap ko si Denisse sa baba
Ang bv lang kasi sa bahay, nandun yung tita ko na pinaglihi sa sama ng loob
Wait, yun yung tawag sakin ni Denisse ah hahaha ganun ba kasama ugali ko sakanya? Hindi naman siguro
Si Tita Emie at dad ko lang yung magkapatid at nung inampon ako nila daddy, kasabay rin nun yung pagtanim ng sama ng loob nya sakin
Di ko sya masisisi kasi di naman talaga nya ko pamangkin pero sakin kasi ipapasa ni daddy yung business nilang family na pinama ng lolo't lola sa kanila
Wala daw ako karapatan angkinin yun kasi nga ampon lang nila ko
Sus! Wala naman ako pakealam sa pera nila! Edi sakanya na yun
At lalong nagalit pa sakin tita ko dahil ex ni Ivan si Erica, nagiisang anak ni Tita Emie
Hay buhay. Natatawa na nga lang ako sa mga nagyayari sakin
Pinaglalaruan ata ako ng life -__-
Nakita ko si Red habang nakasilip ako dito sa rooftop
Si Red, sya yung batang kasama. Ng totoong tatay ko noon. Yung mukha ng mommy nya, hinding-hinding ko makakalimutan yung mukhang yun
Sila yung sumira ng pamilya ko, ng buhay ko!!!
Napabuntong-hininga ko...
"Lalim nun ah!"
Lumingon ako at nakita ko si Denisse
Tumabi sya sakin
"Hi. Sino sinisilip mo jan? Di ka ba nalulula?"
"Hindi"
"Tapos ka na sa clearance mo? Nakuha mo?"
"Yup, ikaw ba?"
"Kakatapos lang. Alam mo ikaw ang daya mo hindi ka naman umattend nung feasib natin tapos pasado ka! Unfair ha!", nagpout pa sya sa sobrang inis. Nakakaasr lang sa ka-kyutan :)
"Nandito ako noh! Pumunta ako!"
"Weh! Wala ka nun. Di kaya kita nakita. Si Red pa nga tumulong mag-ayos ng booth natin eh!"
"Pumunta ko nun! Ikaw nga yung wala eh! Pero nakita kita dito sa rooftop. Diba andito ka nun?"
"Huh? Nakita mo ko dito?"
"Oo! Sarap nga ng tulog mo eh!! Hahahaha"
"Wait so...."
Shet may nangyari nga pala nun!!
Fck ano sasabihin ko ba yubg totoo?
Awkward naman pag nalaman nya!!
Nagpanic ako at kahit sya parang natataranta din
Eh malay ko ba na iki-kiss nya ko nung time na yun
Gusto ko lang naman sya pagmasdan habang natutulog eh
Tapos hinila nya yung leeg ko at kiniss yung labi ko
After nun bumalik na sya sa pagtulog
Akala ko alam nya nangyayari yun pala akala nya na nanaginip sya
"Ah... Eh ano kasi.... Umm.. Kailangan ko na umalis. Si ano... Si Ivan, tama si Ivan. Magkikita kami ngayon eh. Sige na. Babye na. Kita na lang tayo sa gym ha.. Sige bye!!"
Dali dali akong umalis
Woooh muntikan na yun ah
Nahalata kaya nya? Hindi naman siguro
Baka kasi iwasan or mailang sya sakin pag sinabi ko yung totoo eh
Hinawakan ko yung lips ko
:)
Kasing lambot ng cheeks nya yung labi nya :)
========================
Dear Diary,
Wahhhhhhh! Wag mong sabihing si Arick ang first kiss ko!!!!
Kaya pala parang totoo huhu
O M G hindiiiii! Hindi totoo yun. Panaginip lang yun. Panaginip lang!
~sexybaboy
========================