BHO CAMP #4: The Retribution

By MsButterfly

3M 72.3K 5.6K

I'm Serenity Hunt. A simple woman with a simple life. Or that is what I'm trying to show everyone. Maayos na... More

BHO CAMP #4: The Retribution
CHAPTER 1 ~ Serenity ~
CHAPTER 2 ~ Supladong Alien ~
CHAPTER 3 ~ Kiss ~
CHAPTER 4 ~ Forever ~
CHAPTER 5 ~ Visit ~
CHAPTER 6 ~ Detective ~
CHAPTER 7 ~ Game Time ~
CHAPTER 8 ~ Unravel ~
CHAPTER 9 ~ Fifth ~
CHAPTER 10 ~ Storm ~
CHAPTER 11 ~ Ale ~
CHAPTER 12 ~ Code ~
CHAPTER 13 ~ Yat Yat and Mi Mi ~
CHAPTER 14 ~ Beauty ~
CHAPTER 16 ~ Warning ~
CHAPTER 17 ~ Tears ~
CHAPTER 18 ~ Start ~
CHAPTER 19 ~ XX ~
CHAPTER 20 ~ Promise ~
CHAPTER 21 ~ Call ~
CHAPTER 22 ~ Face ~
CHAPTER 23 ~ Failure ~
CHAPTER 24 ~ End ~
CHAPTER 25 ~ Through The Years ~
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Up Next

CHAPTER 15 ~ Fiancé ~

97K 2.5K 405
By MsButterfly

CHAPTER 15

STORM'S POV

(1 month later)

Hindi kumukurap na pinagmasdan ko si Hermes na kasalukuyang nakikipagkulitan sa asawa ni Sky na si Adonis. Sa hindi ko mapagtanto na dahilan ay 'wifey at hubby' ang tawagan nila. Mukhang hindi naman nagtataka ang ibang mga agent kaya hindi na lang din ako nagsalita pa.

Nakakatuwa ang closeness nilang dalawa. Ang sabi ng kapatid ni Hermes na si Athena na kanina ay naligaw dito sa Craige's, magkasama daw si Adonis at si Hermes sa iisang ampunan. Ang nakakapagtaka lang wala akong naaalala tungkol kay Adonis. Basta alam ko lang na galing sa ampunan si Hermes, inampon siya ni tita Fierce at tito Cloak at magkasabay kami na lumaki.

The thing is isa pala si Adonis sa mga kababata ko. And I don't know why, but whenever I look at him, my heart aches for no reason. Natutuwa ako kapag nakikita ko na masaya si Sky kapag kasama siya. But sometimes I feel different towards him. Like some part of me is reaching out for him.

Siguro imahinasyon ko lang. Wala naman akong matandaan na may attachment ako sa kaniya. Siguro kaya nawala siya sa memorya ko. Dahil hindi naman importante ang mga alaala ko tungkol sa kaniya.

Napadiretso ako mula sa pagkakakalumbaba ko ng mapatingin sa gawi ko si Hermes. Kita sa mukha niya ang kasiyahan pero kaagad na nawala iyon nang sundan niya ang tinitignan ko. Nag-iwas siya ng tingin at pilit na ngumiti. "May kailangan pa pala akong gawin sa kusina."

Naguguluhang sinundan ko siya ng tingin ng tumayo siya at naglakad papunta sa kusina. Ibinalik ko ang tingin ko kay Adonis at nakita kong sinundan niya rin ng tingin ang kaibigan. Huminga ang binata ng malalim at pagkatapos ay alanganin ang ngiti na binalingan ako.

"Anong nangyari ro'n?" tanong ko.

"Baka may importante lang na naalalang gawin. Alam mo naman iyon basta nandito ka walang gagawin kundi magpacute sa iyo kaya ang daming nakakaligtaan."

Namula ako sa sinabi niya. Natatawang lumapit siya sa pwesto ko malapit sa counter at umupo siya sa harapan ko. Hindi lumagpas sa atensyon ko na napatingin sa gawi namin si Dawn at Triton na nasa di kalayuan. Nagkatinginan sila at nagpalitan ng makahulugang tingin.

"Parang ang weirdo ng mga tao ngayon." sabi ko.

Ngumiti si Adonis. "Puyat lang ang mga iyan. Alam mo na, ang daming trabaho eh."

"Sabagay. Nasan na nga pala si Sky?"

"Nasa BHO CAMP Hospital siya para sa check-up nina Russia at Nero. Kasama niya ang mga magulang niya."

"Bakit hindi ka sumama?"

Napakamot sa ulo niya si Adonis. "Sabi ni Sky samahan ko daw kayo ni Hermes dito. Baka sakaling matrigger ko daw ang alaala mo."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ang alaala ko? "May importante ba ako na kailangang maalala tungkol sa iyo?"

Saglit na tinitigan lang ako ni Adonis pagkatapos ay umangat ang gilid ng labi niya at umiling. "Wala naman. 'Wag mo na lang intindihin ang kapatid mo. Siguro ayaw niya lang patagalin ang paghihirap ni Hermes."

"What?! Bakit anong problema ni Hermes? May gumugulo ba sa kaniya? May nananakit? Sinong walang kaluluwa ang pahihirapan si Hermes?! Sabihin mo sa akin at ng makatikim sa akin 'yan!" nanlalaki ang mga matang sunod-sunod na tanong ko habang unti-unti ring tumataas ang boses ko.

Napapitlag ako ng bigla na lang tumawa ng pagkalakas-lakas ni Adonis. Naluluha pa ang mga mata niya na parang sinabi ko ang pinakamalaking joke na naimbento sa mundo.

Nakasimangot na humalukipkip ako. "Tapos ka na ba? Baka gusto mo na munang sagutin ang tanong ko."

"I'm sorry." he chuckled. "Can't help it."

Lalo akong napasimangot ng tumawa na naman siya. "Sabihin mo na lang kasi sa akin!"

Tumikhim si Adonis at pilit na pinapormal ang ekspresyon niya. "That person have a soul, Storm, trust me. One of the purest soul if only that person would believe it. Ilang beses siyang nagkamali, nakasakit, at nasaktan pero hindi ba ganoon naman ang tao? Lahat nagkakamali, lahat nakakasakit kahit hindi naman niya gustuhin, at lahat nasasaktan."

"What?"

"That person's fatal flaw? Masyado niyang sinisisi ang sarili niya. Hindi niya naisip na hindi lahat ay dahil sa desisyon niya. The only key towards getting hurt is by letting yourself to get hurt."

"Ibig mong sabihin ay may babaeng nanakit sa kaniya?"

Tumaas ang kilay ni Adonis. "May sinabi ba ako na babae?"

Naguguluhang ginulo ko ang buhok ko at impit ako na tumili. "Sandali nga! Naguguluhan na ako ah. Anong kinalaman nito sa memorya ko? Kilala ko ba ang babaeng iyon? At anong kinalaman mo dito?"

"Well-"

"Sandali!" pigil ko sa kaniya at itinaas ko ang isa kong kamay. "Baka may isang babae na may gusto sa iyo na gusto rin ni Hermes. Kaya siya nasasaktan di ba? Dahil ikaw ang gusto ng babaeng iyon. Ikaw ang may kasalanan!" nakasimangot na sabi ko.

Namutla si Adonis at napasandal sa kinauupuan niya. "T-Teka...bakit ako?"

"Basta kasalanan mo!" muli akong napatigil ng may maisip ako. "Hindi kaya...Oh God. Kaya ba may kinalaman ako dito? Dahil...dahil..."

"Storm, don't force it. It's okay-"

"No!" tili ko.

"Storm..."

"May gusto si Hermes kay Sky!"

Laglag ang panga hindi lang ni Adonis kundi pati nila Dawn at Triton na nakikinig pala sa amin, si Erebus at Nyx na napatigil sa pagseserve sa mga guest at kay Ocean na papasok sana sa counter.

"Anong nangyayari dito?"

Mabilis pa sa alas kwatro na tumayo ako at pinuntahan si Hermes na sumilip mula sa pintuan ng kusina. Itinulak ko si Ocean na nakaharang na napasubsob sa kung saan at dumiretso ako kay Hermes para hawakan siya sa kwelyo ng chef's jacket niya. "Are you crazy?!"

"May problema ba Storm?" kunot ang noo na tanong ni Hermes.

"Hindi mo pwedeng magustuhan si Sky! May dalawa na siyang anak! May asawa! Hindi pwede!"

Namilog ang mga mata ng lalaki sa pagkabigla sa sinabi ko. Pagkaraan ay pabulyaw na rin siyang nagsalita. "Hindi ko gusto si Sky!"

"Sinungaling!"

Namula ang mukha ni Hermes sa inis. "Kasasabi ko lang sa'yo na mahal kita di ba?! Ikaw ang mahal ko for pete's sake!"

May kung anong humaplos sa puso ko sa sinabi niya pero gumugulo pa rin sa isip ko ang tungkol kay Hermes at Sky. "Nakakainis ka! Nakakainis nakakainis nakakainis!"

"Goodness Storm! I just shouted for the world to hear that I love you!"

"But you liked her before!"

"Of course not!"

Galit na binalingan ko si Adonis na napataas ang dalawang kamay nang makita ang nagbabaga ko na tingin. "Wala akong sinabing pangalan ha."

Muli akong tumingin kay Hermes. "Sino iyong babae na nanakit sa iyo? Sabihin mo dali!"

Nawala ang inis sa mukha ni Hermes at napalitan iyon ng pamumutla. Saglit na tumingin siya sa direksyon ni Adonis bago niya ibinalik sa akina ng atensyon niya. "It's all in the past, Storm. 'Wag na natin pang ungkatin."

Namewang ako. "Nandito ba siya?"

"Wala." pilit ang ngiti na sabi niya. "Ang nandito lang ay ang taong mahal ko. So calm down okay?"

"Fine." I huffed.

"Sumama ka na lang sa kusina ha? Ipagluluto na lang kita."

"Okay."

Inalalayan niya ako papunta sa kusina. Naririnig ko pa ang mga agent na mukhang nawala na mula sa state of shock sa mga pangyayari.

"I don't know if I should laugh or cry, Triton."

"Hayaan mo na lang sweetie. Mukhang okay naman na ang lahat."

"Hello? People? Wala bang maaawa man lang sa akin na basta na lang itinulak sa kung saan? Paano kung nadamage ang abs ko?"

"Shut up Ocean."

"You shut up, Erebus!"

"Matext nga si Tita Eika."

"Joke lang! Ang gwapo mo ngayon Erebus ah! Pakiss nga."



PATINGIN-TINGIN ako kay Hermes habang naglalakad-lakad kami at tulak tulak ko ang stroller ni Ale. Kanina kasi ay kasama niya ang mga magulang niya kaya ngayon lang kami nagkita ulit ngayong araw.

"Okay ka lang Hermes? Parang ang lalim ng iniisip mo."

Nag-angat siya ng tingin sa akin at sumilay ang maliit na ngiti sa mga labi niya. "Hindi naman. Nag-iisip lang ako ng mga bagong recipe."

Malakas ang kutob ko na may itinatago siya sa akin. Nararamdaman ko na nagsisinungaling siya. Pero kung itinatago niya, siguro naman ay dahil sa makakabuti iyon. Hindi naman nagdedesisyon si Hermes na hindi para sa ikakabuti ng lahat.

Napahinto ako ng may mamataan ako di kalayuan. Nanlaki ang mga mata ko. "Fuck!"

Natutop ko ang bibig ko sa nasabi ko. Tinignan ko si Ale pero kasalukuyan lang siyang ngiting-ngiti habang inaabot ang paru-paro na padapo-dapo malapit sa kaniya.

"What's wrong Storm?"

"Look!"

Itinuro ko sa kaniya ang isang puno ng mangga di kalayuan. May nakaupo sa sanga niyon at nakayukyok sa mga binti niya habang halatang umiiyak. Kilalang kilala ko ang taong iyon. Pero...pero bakit mag-isa siya?

"Snow!" sigaw ko.

Nag-angat siya ng tingin at pinunasan ang mga mata niya. "A-Ate..."

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Kumukuha ako ng mangga."

"Alam ko!" frustrated na sigaw ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Paano kung bigla siyang mahulog? Oo at magaling naman na agent si Snow kahit na kadalasan ay pumapalpak siya. Pero hindi din biro ang taas ng puno na inakyat niya. Hindi siya sasantuhin ng babagsakan niya kapag nagkataon. "Bakit hindi mo kasama si Phoenix?"

Suminghot siya. "W-Wala siya."

Nagkatinginan kami ni Hermes. Paanong wala? Imposible na basta basta na lang umalis si Phoenix at pabayaan si Snow. Noong binabantayan lang ako ni Phoenix saka niya iniwan si Snow.

"May mission?" tanong ko ulit.

"Wa...wala. Kasama niya ata 'yung girlfriend niya."

Nanlaki ang mga mata ko. Parang gusto kong yugyugin si Snow para sabihin sa amin kung totoo ang sinabi niya. Paanong magkakagirlfriend si Phoenix? Paano?

"Baka naman nagkakamali ka lang." pilit ang ngiti na sabi ko.

Malungkot ang ngiti na nag-angat siya ng tingin sa kalangitan. "He told me that, you know? I asked and he told me why he's always gone." nagbaba siya ng tingin sa amin at ngumiti. "That's good right? It's about time for him to have a girlfriend."

Sandaling katahimikan ang namayani. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin na hindi siya masasaktan. Pero noon, wala siyang ginawa kundi ipilit na magkaibigan lang sila. Pero bakit ganito? Bakit kitang-kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya?

"Come on, Snow." Hermes said, stretching his arms. "Bumaba ka na diyan bago pa kung ano ang mangyari sa iyo."

Tinulungan siya ni Hermes na makababa. Nang bitawan niya na si Snow ay walang sali-salitang tumakbo ang babae paalis.

"I'm really worried." I whispered.

"It'll be alright. Tama naman si Snow. Panahon na para magkaroon ng girlfriend ni Phoenix. But that doesn't mean that he'll marry that woman right?"

"Right." I said with no conviction.

"Ikaw talaga." sabi ni Hermes at itinulak na lang ang stroller ni Ale. "Maaga ka na tatanda niyan sa ginagawa mong kakaalala."

"Ang kapal mo." sabi ko at inismiran siya.

Pumuwesto kami sa isang bench di kalayuan sa parking lot. Iniintay kasi namin sila kuya Blaze at Stone na siyang bumili ng mga bagong ingredients ni Hermes.

"Hindi kaya." nang-aasar na sabi ni Hermes. "Totoo naman ah. May wrinkles ka na nga eh."

"Ikaw naman may gray hair." pinitik ko pa ang parte ng buhok niya na may isang naligaw na puting buhok. "Lolo."

"Sa kunsumisyon lang iyan sa'yo."

Inirapan ko siya. "Eh di umalis ka na para hindi ka nakukunsumi."

"Kahit puro puti na lang ang buhok ko, mahina na ang mga buto at wala ng ngipin, nandito pa rin ako sa tabi mo para kulitin ka."

Pinigilan ko ang ngiti na gustong sumilay sa labi ko. Naiimagine ko na ang itsura ni Hermes. Ang weird. "Yeah right."

"Tapos tatanungin kita...chinese shar pei ka ba?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit?"

"Kasi puro kulubot ka na." natatawang sagot niya at iniangat ang phone niya na may picture ng isang aso na kulubot ang balat mula ulo hanggang paa.

"Abnormal ka talaga."

"Hindi kaya." reklamo niya.

"Oo kaya."

"Ang sama mo! Sayo lang naman ako nagpapakaabnormal. Baliw na baliw kasi ako sayo." sabi niya at pinisil ang pisngi ko.

"Aw! Bitawan mo nga ako!"

"Never."

"May sarili ka namang pisngi kaya iyan ang kurutin mo!"

"I won't be as cute as you are."

Hinampas ko siya sa balikat at natatawang binitawan niya na ang pisngi ko. Simangot na simangot na hinimas ko ang panigurado na namumulang pisngi ko. "Gigil na gigil ka talaga sakin no?"

Namula ang buong mukha ko ng makita ko na may kung ano na nagbago sa mga mata ni Hermes. Na para bang bigla na lamang nag ningas ang mga mata niya. "What would you do if I say yes?" he said while leaning towards me.

"S-Syempre...wala."

"Really?" he asked as he moved an inch closer.

"O...oo."

"Really really?" and closer.

"I...well..."

Animo na wala na ako sa katinuan ng tumama sa mukha ko ang mainit niya na hininga. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na lumapit din sa kaniya. It's as if my body is familiar with him. Attuned with him.

"Storm..."

"Hermes..."

"And I'm Phoenix. Get a room guys."

Mabilis pa sa alas kwatro na naghiwalay kami ni Hermes. Nakahanda na ako na mangatwiran ng mapatingin ako kay Phoenix at sa babaeng kasama niya.

She's beautiful. But she also looks innocent, fragile, soft. She looks so much like Snow. Her hair, her skin, the way she hold her body...except for her eyes. It's as if I've seen that pair of eyes. The expression in it.

"W-Who..."

Nilingon ni Phoenix ang kasama niya at hinawakan ang kamay ng babae. "Storm, Hermes, meet Mira. She's my fiancé."

Continue Reading

You'll Also Like

520K 26.5K 50
I always feel like I'm floating through life. There was nothing to hold me in one place, there's nothing that has enough weight for me to stay. Stil...
26.6K 558 24
WARNING: Extreme sexual content, language, themes Single since birth sina Angela, Patricia at Dondie. Angela is a passionate activist. Patricia is a...
Toxic (R-18) By Lush Ericson

Mystery / Thriller

2.4K 56 10
Isang babae at isang bakla ang nadiskubre na pinagsasabay pala sila ng boyfriend nila. Instead of having a confrontation scene ala Ika-6 na Utos, the...
27.6M 531K 55
Hunter Dela Cruz, known for being the sexy beast and the brother of Thunder Dela Cruz, swore that he would never fall in love again. Love for him mea...