The Sex Teacher

Od nonwingedangel1

823K 6.2K 391

SELENA'S POV Ilang taon na ang nakalipas pero di ko parin maiwasang maging bitter. Paano kasi di pa ko nakaka... Více

The Sex Teacher
TS - Chapter 1
TS - Chapter 2~ Maximillo AKA Maxene
TS - Chapter 3 ~ Meeting him...
TS - Chapter 4 ~ The Consultation
Chapter 5 ~ The Incident (Part 1)
Chapter 6 ~ The Incident (Part 2)
Chapter 7 ~ Her Decision
Chapter 8 ~ His Answers
Chapter 9 ~ Her Rules
Chapter 10 ~ The Checklist
Chapter 11 - Damn the Checklist
ANGEL'S NOTE (not an update)
TST - Chapter 12: Dating 101
TST - Chapter 13: Dating 102
TST ~ Chapter 14: She's back
TST ~ Chapter 15: Sisters forever
TST ~ Chapter 16: Kissing 101
TST ~ Chapter 17: Kissing 102
TST~ Chapter 18: Panic Mode
EXTRA CHAPTER: The Lost Boy and the Other Girl
SURVEY: THIS IS NOT AN UPDATE

TST~ Chapter 20: Facing Fear

12.6K 173 84
Od nonwingedangel1

Chapter 20: Facing Fear

 Selena’s POV

 Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ilang beses ko nang inisip kung ano ang sasabihin ko sa kanya sakaling mangyari ito. Pero parang tutop ang bibig ko at tanging  pagpintig lang ng puso ko ang naririnig  ko. Parang bumalik ako sa dating ako. Ang Selena na mahina, at walang alam kundi ang maging stalker ni The Great Patrick Salcedo.

 Pero nagbago na ako hindi ba? Naging mas malakas ako. Marunong pa nga ako ng Judo eh. Pero bakit parang nanlalambot ako? Ugh, I hate this! Kaya ko to! Si Selena ako eh! Si Patrick lang siya!

 Huminga ako ng malalim at hinarap ko siya. “Yes?” bored kong sabi.

 “Can we talk?” parang nagmamakaawa ang tingin niya sa akin. Pero di ako papatinag.

 “Aren’t we talking already?” Ha! Bitch na kung bitch!

 “I mean, privately. I booked a private room.” Teka, bakit parang kakaiba siya ngayon? Wala na yung maangas na Patrick. Parang kakaiba.

 “At bakit kailangan nating mag-usap?” nagbaba siya ng tingin at pinaglaruan ang relo niya. Medyo matagal bago siya sumagot. Pero nagulantang ako sa sinagot niya.

 “I want to apologize.” Halos pabulong niyang sabi. Pero rinig na rinig ko pa rin.

 Ano daw? Hihingi siya ng tawad? Para saan? Para sa mga ginawa niya dati? Pero bakit?

 “For what?” kalmado kong sabi. Ayokong ipahalata na curious ako.

 “Let’s not talk here,”  tumingin siya sa likod ko. Napatingin din ako. At ayun nakita kong nakasungaw yung mga barkada niya bago pa man nila isara yung pinto. May narinig din akong mahinang aray. May naipit siguro sa isa sa kanila. “Tara.”

 Hinawakan niya ako sa siko ng marahan. Pagdikit niya sa akin, parang nanigas ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung manlalaban ba ako o susunod sa kanya. At hindi ako sanay na gentleman siya. Naramdaman niya yata dahil napatigil siya sa paglalakad.

 “Sorry. Sumunod ka na lang sa akin.” Bumitaw siya at naunang maglakad pakanan. Pumasok siya sa isang pinto na katabi lang ng private room nila. Hinayaan niya lang na nakabukas ang pinto.

 Sumunod ako at sinara ang pinto ng marahan. Kalmado ang mukha ko pero ang sistema ko parang nanghihina.Nang hinarap ko siya, nakaupo siya sa isang two-seater na table set up. May mga pagkain ding nakahain.

 Umupo ako at nakita kong iba-iba ang mga pagkain. Nangunot ang noo ko. Para saan ba talaga ito? Isa na naman ba ito sa mga laro nila? Well, I can play their game good.

 “Sorry, di ko alam kung anong gusto mo kaya ayan ang dami.” Kinamot niya ang batok niya. Yun yung habit na kapag nakita ko noon eh para akong matutunaw sa kilig. At yun din ata ang nararamdaman ko pero in a mature way. Natawa ako sa kinikilos niya.

 “Ang sabi mo, you want to apologize pero huwag mo naman simulan lahat ng sasabihin mo sa ‘sorry’.” At ngumiti siya. Potek! Ayan na ngumiti na siya!

 “Sorry.” Napakagat-labi pa siya.

 Oh gosh! Bakit ba hot pa rin siya! Pero no, hindi ako dapat kiligin sa kanya! Tuloy lang sa laro.

 “Ayan na naman!” at tumawa siya.

 Potek talaga! Tumawa pa! Pero iba na yung tawa niya ngayon. May class na.

 “Sorr - … Okay, hindi ko na muna sasabihin.” Hinawi niya ang buhok niya.

 Dun biglang tumalbog ang puso ko. Oh no!

 “So… you’ll apologize right?” straight na para makauwi! Di ko na siya kinakaya eh!

 “Yeah. Uhm, I don’t know how to begin… I… uhm…” para siyang di mapalagay.

 “Okay, ganito. Start on the reason why you are saying sorry.” Payo ko. Gosh, pati dito di ko napigil yung pagiging advisor ko.

 “Sige. I want to apologize because I really messed up before. You know, when we were in highschool. Marami akong hindi nagawang mabuti noon. I really want to say sorry to you. For all of the things I did. I was stupid back then. Di ko alam na marami na pala akong nasayang na pagkakataon. Sana nakinig na lang ako kay Jace.” Nailing siya. Pero di siya nakatingin sa akin.

 “Yeah, Jace was really nice.” He looked at me then umiwas din.

 Bumuntong hininga siya.

 “I want to apologize because I know I hurt you. Gusto ko sanang humingi ng tawad nung graduation pero di ka umattend. Sabi ng madre noon sa ampunan, may nag-ampon na daw sa’yo at umalis kayo ng bansa.” Huh? Alam niya kung saang ampunan ako noon? Pero paano? Hindi ko iyon sinabi kahit kanino dati. Kahit pa sa mga kaibigan ko. Hindi niya ata ako napansin kasi tuloy-tuloy lang siya.

 “I tried to find you pero hindi mapakiusapan yung madre. Even Dad tried to.” At pati ang Dad niya nadamay? Balita ko ay makapangyarihan ang mga Salcedo dati sa lugar namin noon.

 “Bakit?” Nagulat ako na sakin mismo nanggaling ang pagtatanong. Pilit ko pa ring tinatago yung nararamdaman ko. Ayokong malaman niyang apektado ako.

 “Kasi may narealize ako. Akala ko may pagkakataon pa. Pero nahuli ako.” Ngumiti siya ng mapait.

 Teka nga, kung nanghihingi siya ng tawad ibig sabihin balewala lang yung mga pagpaplano ko noon na gantihan siya? Ibig sabihin… Pero sinaktan niya ako noon. At kilala ko ang sarili ko. Di ako matatahimik hangga’t hindi ako nakakaganti.

 “After that, umalis din ako ng bansa. Sa Europe ako nag-aral ng business degree. Inayos ko ang buhay ko. Hoping that I can fill the hole in my heart by doing what is right. I took over the family’s business in Paris. And it went well. Pero may kulang. That’s when I decided na bumalik dito sa Pinas. Dahil na rin sa payo ni Jace. Natuwa nga siya ng finally, sinunod ko na siya.” Napailing siya.

 “Why are you telling me this?” Ayoko kasing maguluhan eh. Puro pa siya paligoy-ligoy.

 “Because I want to be forgiven by you. Will you give me that?” At parang nagdilim ang paningin ko sa sinabi niya.

 How dare him! Ganun na lang ba siya hihingi ng tawad? No way! Hindi ko ibibigay sa kanya yon! Neknek niya! Napatayo ako sa inis.

 “And you just want me to forgive you easily? Wow! Ang lakas din ng loob mo ah! You haven’t given me any reason why should I forgive you. Bakit naman kita patatawarin? Dahil lang hiningi mo? I’m sorry but I can’t forgive you. Not today, not ever!” paalis na ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko. Pumunta siya sa harap ko at nagulat ako sa ginawa niya.

 Hindi ko inaasahang luluhod siya sa harap ko. Yes, mga kapatid! Luhod talaga!

 “I understand you. Alam kong hindi ganoon kadali ang magpatawad –”

 “No! You don’t understand what I feel! Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan! Hindi mo alam kung gaano katagal naghilom yung sugat na nilagay mo dito! Wala kang alam!” nanginginig ako sa inis. Lalo pa akong nainis ng maramdaman ko yung mga pesteng luha ko na pumapatak na naman.

 “I’m sorry! I’m really, really sorry. Handa kong tanggapin lahat ng galit mo –” hindi na niya natuloy yung sinabi niya ng automatic na maglanding yung palad ko sa pisngi niya.

 Handa pala ah? Well, nagsisimula pa lang ako.

 “Bakit? Bakit ka ba talaga humihingi ng tawad?” nakuyom ko ang mga palad ko sa sobrang inis.

 “Dahil… Dahil huli na ng marealize ko na mahal pala kita.” Nakayuko siya at hawak niya ang ulo niya.

 “Kung isa ito sa mga laro niyo, itigil mo na.” Ayoko ng makipaglaro sa kanya. Sawa na ako.

 Iniangat niya ang mukha niya at tinignan niya ako sa mata.

 “This is not a game. Sa tingin mo ba iiwan ko ang lahat ng meron ako sa Paris para lang maglaro? No. I’m here for your forgiveness.” Nakita kong seryoso siya.

 Hindi siya luluhod kung hindi siya seryoso. Pero ayokong magtiwala sa kanya. Natatakot ako. Umiling ako. Ayokong ibigay sa kanya yun ng ganun kadali.

 Inalis ko ang tingin ko sa kanya. At patakbo  akong pumunta sa pinto. Naiwan siyang nakaluhod doon. Pero wala akong pakielam. Ang gusto ko lang ay makaalis sa lugar na ito. Malayo sa kanya. Malayo sa lahat.

 Bago pa man ako makalabas ng pinto narinig ko ang huli niyang sinabi.

 “Hindi ako susuko Selena. Hindi.”

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

 Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Gabi na pero wala akong paki. Kailangan ko ng kausap. Nagdoorbell ako ng sunud-sunod. Ilang saglit pa at bumukas din ang pinto. Gulat na gulat siya ng makita ako.

 “Selena? What happened?” Pero imbis na sagutin ko siya ay niyakap ko siya ng mahigpit. Siya lang ang pinaka-pinagkakatiwalaan ko. Lalo na tungkol kay Patrick.

 Inakay niya ako patungo sa sala at pinaupo. Bumalik siya dala ang isang basong tubig at isang tablet.

 “Inumin mo muna ito.” Sinunod ko siya. Alam niya naman ang makabubuti sakin eh. Pagkainom ko bahagyang nawala ang panginginig ko. At naramdaman kong nakalma ako ng konti.

 “Okay ka na?” tumango ako, “Ano ba talagang nangyari?” hinahagod niya ang likod ko.

 “Jesse, si Patrick. Nagkita ulit kami.” Tahimik lang siya at patuloy na hinagod ang likod ko. Ganyan ang ginagawa niya noong may phobia pa ako. ilang minute kaming ganoon hanggang sa tinignan ko na siya.

 “Tapos? Anong nangyari?” kalmado niyang sabi.  kinuwento ko ang buong pangyayari.

 “Humingi siya ng tawad ng ganoon na lang! I can’t believe it! Kulang pa ang sampal na iyon kung tutuusin. Kulang na kulang.” Pabagsak akong umupo sa sofa. Kanina pa ako pinapakinggan ni Jesse. At walang tigil naman ako sa pagrereklamo.

 Kinuha ko ang baso ng tubig at inubos ang laman noon. Natawa naman yung katabi ko.

 “Want more?” bungisngis niya. Tumango naman ako. Pumunta siya sa kusina at may bitbit nangpitsel ng malamig na tubig pagbalik. Sinalinan niya ang baso ko at ininom ko ulit iyon.

 “Okay ka na?” muli ay tumango ako. “Okay. Ako naman ang pakinggan mo, hmm?” tumango ulit ako.

 “Sa tingin mo bakit niya hinihingi ang tawad mo?” taong niya.

 “Bakit? Edi syempre para di siya makonsensya!” Tama naman ako diba?

 “Pero ano ang binigay niyang dahilan?” tanong niya ulit.

 “Kasi daw… kasi daw mahal niya ako.” nahihiya kong sabi.

 “Oh, iba naman pala ang dahilan niya sa tingin mo eh. Bakit ba ayaw mong maniwala sa kanya?”

 “Niloloko niya lang ako panigurado. Teka! Kanino ka ba kampi?” nakakainis ah! Kaibigan ko siya diba dapat sakin siya kakampi?

 “Hindi lahat ng gusto mong marinig ay maririnig mo. Minsan kasi kailangan din nating buksan yung isip natin sa mga posibilidad. Hindi lang sa kung ano yung tingin natin.” Tinignan niya ako sa mata. At umiwas ako.

 “Sigurado akong nagsisinungaling siya!” depensa ko

 “Sigurado ka nga ba? Hinayaan mo bang magpaliwanag siya?”

 Hindi ako sigurado pero mas posible yun kesa sa binigay niyang dahilan.

 “Bakit ko siya bibigyan ng pagkakataon? He doesn’t deserve that!”

 “Don’t be unfair. Everyone deserves second chance, you know.”

 “I know! Pero iba siya! Manloloko siya!” napasigaw ako sa inis.

 “Bakit ba ganyan ang mga tao? Ayaw nating hinuhusgahan tayo pero tayo itong husga ng husga sa kapwa. Selena, buksan mo iyan,” tinuro niya yung parte kung nasaan yung puso ko, “at malalaman mo ang tunay na sagot at kung ano talaga ang gusto mong gawin. At huwag kang matakot na magkamali ulit. Sa mga pagkakamali natin tayo natututo.”

 Bago pa ako makasagot, may narinig kaming busina. “Ayan na pala yung kuya mo eh.” Tumayo si Jesse at pinagbuksan ang sundo ko.

 “Selena, are you okay?” ininspeksyon niya ako na parang galing ako sa isang aksidente.

 “I’m fine, just tired.” Tumayo na ako at umangkla sa kanya. “Salamat, Jesse.” Nginitian ko siya.

 “Salamat? May bayad yun noh! Joke! Sige na shoo! Matutulog pa ako para fresh ako bukas.” Nakangiti pa rin siya hanggang sa makalabas kami ng bahay niya.

 Haay~ what a long day! Pagkaupo ko sa passenger seat hindi ko na napigilan ang antok at pumikit ako.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...