Naputol ang pag-uusap namin ni Agent Zero nang may kumatok sa pintuan. Bumukas ito at pumasok si Justin.
"Agent 3 called saying, 'the meeting's over'," aniyang idinirekta ang mensahe kay Agent Zero.
Tumango naman ito at muling ibinalik ang pansin sa akin. "I have to go back to Olympus. The Blacksmith will report to me there. Justin will escort you to District One where the new group is camped. Sila na ang magdaragdag ng impormasyong kailangan mo pang malaman." The stern look slipped back to her face. "As of now, you are the most valuable piece in this case. Only you could tell where the possible location of the diamond is."
I was taken aback. "How did you know about the diamond?"
"Your whole conversation was recorded. I wanted to know what it is for that they need to go this far just to look for it."
She was curious and she wanted to satisfy her curiousity by using me.
"And? What will we do if mahanap nga natin kung nasaan 'yung hinahanap nila? Hindi ba mas magandang hayaan lang itong nakatago? My parents died protecting it—whatever makes it special."
Umiling ito. "You don't understand. The members of the cult are being killed because of it."
"My mother was a member of that cult. Hindi ba't kaya niya nga isinugal ang buhay niya na protektahan 'yung diamond na 'yun dahil 'yun ang gusto ng kultong 'yon." Confusing. Really confusing. Something was off.
Hindi na siya sumagot pa. Sa halip, si Justin na ang binalingan nito. "Tell Veronica we will be going."
Sumunod naman si Justin.
Muli akong hinarap ni Agent Zero bago siya makalapit sa pinto. "I expect you to cooperate with your new team. No solo flights." 'Yun lang at nagtuluy-tuloy na itong lumabas ng silid.
Naiwan akong tigagal, hindi makapaniwala sa kinahantungan ng kasong ito.
Hindi nagtagal, pumasok muli ng silid si Justin. Wala 'yung usual na pagka-arogante sa tindig nito. Bagkus, seryoso itong nakatingin sa akin.
"What? No smart remarks?" I meant it to be a joke, but it came out sarcastic. Well, whatever. We were all on edge.
"I'm sensing something fishy," aniya.
That's Justin's instincts. I trusted it to be accurate.
Maingat akong tumayo. Bagaman nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo, ininda ko lamang ito. Inalalayan ako ni Justin na hinayaan ko lang upang hindi maghinala ang mga nagmamatyag.
I saw security cameras in the corners of the ceiling and I had a feeling I was being spied.
Inalis ko ang dextrose na naka-inject sa likod ng kaliwang palad ko. Tinanggal ko na rin ang bendang nakapulupot sa ulo ko.
"Kaya mo na bang bumyahe sa lagay mong 'yan?" tanong ni Justin.
"Yeah." Maingat ang ginawa kong paglalakad patungo sa banyo. Tsaka ko lang napansin ang benda sa kanang paa ko. Hindi na masakit ang sugat sa talampakan ko bagaman automatikong maingat ang ginawa kong paghakbang. Nakaalalay pa rin si Justin.
Nang makapasok sa banyo, bahagya kong isinara ang pinto upang maharangan ang kuha ng CCTV sa isang sulok ng kisame.
"Paglilinaw lang, hindi kita type," ani Justin.
Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay. "Don't worry. Hindi tayo talo." Kinuha ko ang cellphone niya sa kanyang bulsa. Pumalag pa ito, pero hinayaan ko lang. Sumandal ako sa lababo at nag-type sa cellphone niya.
Are we bugged?
Ipinabasa ko sa kanya ang tinype ko.
Ngumisi ito. "Paranoid?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Lalo lang lumawak ang pagkakangisi niya.
"'Wag ka mag-alala. We are not."
Napahinga ako ng malalim. Ibinalik ko sa kanya ang cellphone niya. "Kamusta nga pala si Tito Louie?"
"He's fine. Your brother is taking care of him."
My brother. Tss. Mamaya ko na siya iisipin. Important things first.
"Now tell me what you ought to tell me," sabi ko.
"Which is?" kampante itong namulsa. Inaasar ako.
"Stop toying with me. You damn well know things I should know."
Saglit itong nag-isip bago seryosong sumagot. "Betrayal. It was what killed your father. Greed. It was what convince your mother to take responsibility."
Nangunot ang noo ko sa mga sinabi niya. "What do you mean?" Pero bumabalik 'yung hinuhang ilang araw ng bumabagabag sa isip ko.
He shrugged. "I mean, find it yourself. Mawawala 'yung thrill kapag sinabi ko agad sa'yo."
Hindi ko inalis ang tingin ko sa mga mata niya. No, he didn't know the details of the information. The real details. He was hovering above confident assumptions and he was either so sure of himself or he was getting close to uncovering the truth.
Iniiwas niya ang tingin nang mapansin marahil na binabasa ko na ang sinasabi ng mga mata niya. Bumalik ang ngisi sa mukha niya.
"May gusto akong itanong."
"Well, go ahead."
Pinaningkitan ko siyang ng mga mata. "Paano mo nakuha 'yung files tungkol sa kaso ng pagkamatay ng parents ko?"
Kumunot ang noo niya. "What files?"
Frustrated akong bumuntong hininga. "'Wag ka ngang magmaang-maangan diyan. Ikaw ang nagdikit nung pesteng papel sa labas ng opisina natin sa Singko. Sa sasakyan mo nakuha ang kopya ng Dante's Inferno na may nakasiksik na maliit na papel. At ikaw ang nag-iwan ng note sa motor ko. All to direct me to Angel's Tea and Pastries para makuha 'yung files."
"Seryoso. Hindi ko alam ang sinasabi mo."
Tinitigan ko siya at pilit na kinilatis kung nagsasabi siya ng totoo o hindi. But shit. Mukhang hindi niya nga alam. Pero kung hindi siya, sino ang nagbigay?
"'Yung files, may mga document din tungkol sa mga estudyanteng biktima ng mga bampira. Eh, ikaw lang naman ang maaaring makakuha ng mga dokumentong 'yun mula sa university, so I assumed sa'yo nanggaling."
"Alam mo, Nyx hindi ko talaga alam ang sinasabi mo. Wala akong matandaang ipinabigay sa'yong files. At tsaka 'yung sa mga estudyante, wala naman akong access sa registrar."
That was awfully strange.
"You went missing sa araw na matanggap ng Zero 'yung false alarm na nasusunog ang Singko. Wala naman talagang humabol sa'yo, 'di ba?"
Siya naman ang pinaningkitan ako ng mga mata. "Paano mo naman nasisiguro 'yan?"
Nagpapalatak ako. Syempre, hindi ko naman sasabihing 'nakita' kong nasa isang sinehan siya nung tumawag siya at nagsabing may humahabol sa kanya. "Why, you appeared at the exact time na muntik na rin kaming maging putahe ng mga bampirang 'yon."
Muli siyang ngumisi. "That's right, pero hindi ko talaga alam 'yung tungkol sa files. Ang hirap kaya i-infiltrate ang PUGITA well, until these things happened."
Huh. I would never believe Justin would find it hard to infiltrate Psyche.
"Alam mo, gago ka," sabi ko na lamang, kalahating biro, kalahating tuya.
Pagak naman itong tumawa. "Nevertheless, I'm the only person you can trust now."
"And why's that?"
"Your family's a mess eversince. PUGITA is into something which I could feel is against your...I don't know. Belief perhaps or principle." He was enumerating. "Apollo's missing. Alexander is on foot searching for him..."
Wait. What? Nawawala daw si Apollo?
Tumigil si Justin sa pagsasalita at nakatunghay lang sa reaksyon ko. "Not the reaction I was expecting," aniya.
Pinagtaasan ko lang naman siya ng kilay. Ano bang reaksiyon hinihintay niya? Maghisterikal ako?
"How come? Nagsuicide mission na naman ba 'yon?" tanong ko, naalala 'yung nangyaring mag-isa niyang hinarap 'yung mga bampira.
"Who knows." Nagkibit-balikat lang siya. "Anyway, he's changed."
"Changed?"
"Like his brother, Alexander."
Natigilan ako. I remembered Michael's hand on Apollo's neck.
"A living corpse."
Oh, dear.