BY THE WAY, HIS NAME IS JACK...

By mimhytot

15.7M 473K 126K

Odd name it is and one thing is for sure: Next to his name is nuisance. This story is now available in leadin... More

By the Way, His Name is Jack Frost
[1] Summer
[2] First Day of Class, Day of My First..
[3] The Gangster
[4] Unending Fights
[5] Storm
[6] Tan Siu International Academy
[7] Jasmine
[8] By the Way
[9] His Name
[10] Eggs
[11] Egg Party
[12] Don't Let Him Know
[13] The Lost Gangster
[14] The Popular Jasmine
[15] A Good Friend
[16] Bad News
[17] The Jack Frost Equation
[18] True Color of a Flower
[19] Avellino High
[20] Thunder
[21] In The Midst Of a Rainy Night
[22] This Must Be Something
[23] Jasmine The Second
[24] Okay
[25] Words That Were Not Left Unsaid
[26] Promise
[27] First Times
[28] Type AB
[29] Snow White
[30] Three Years Ago
[31] Betrayal
[32] The Risk
[33] The Tresspassers
[34] Judgment Day
[35] Hear His Heart
[36] Friendship
[37] The Rejection
[38] The Transformation of Jack Frost
[39] Break You A Little
[40] Wanted: Jack Frost
[41] Tangled
[42] Two Broken Hearts
[43] Suicide Mission
[44] The Superior
[45] Jasmine Herrera: Who Are You? (Part 1)
[45] Jasmine Herrera: Who Are You? (Part 2)
[47] All About Revenge
[48] Change of Heart?
[49] Like a Knife
FINALE
EPILOGUE
BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROST BOOK

[46] Stupid Bravery

173K 6.7K 1.8K
By mimhytot

"W-What?" ang tanging salitang lumabas mula sa mga labi ni Storm matapos marinig ang sinabi ni Jasmine. Bakas sa mukha niya ang labis na pagkabigla sa natuklasan. Maging ako ay aminado rin na hindi ito inaasahan. Anong ibig niyang sabihin na siya ang superior nila? Ibigsabihin ba noon ay kalaban siya? Na friname up niya lang kami?

Kahit na narito na sa harapan ko ang sagot sa mga katunangan ko ay hindi ko pa rin magawang ipasok sa utak ko ang katotohanan. Paanong si Jasmine Hererra ay isang kalaban? For we all effin' know, Jack and Storm love her so dearly! Anong ibigsabihin nito?

"Kahit kailan talaga, hindi mo pa rin ginagamit ang utak mo, Storm. Anong klaseng pag-iisip ba ang meron ka at naisipan mong pumasok mag-isa rito?" matapang na tanong ni Jasmine.

Ibang iba ang itsura niya ngayon at halos hindi ko na siya makilala. Nawala na ang mala-anghel na imahe niya.

"What the hell is going on?" gulong-gulong tanong ni Storm sa kanya.

"Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin alam? Wow, I didn't know you were that stupid."

Naisara ko ang kamao ko matapos marinig ang sinabi ni Jasmine. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nakisabat na sa kanila. "And I didn't know you were that evil." Puno ng galit na saad ko.

Mabilis na nalipat ang atensyon niya sa akin. She crossed her arms at bahagyang lumapit sa akin pero mabilis na humarang si Storm sa daraanan niya upang hindi siya makalapit sa akin. Natawa naman siya ng napakasarkastik sa ginawa ni Storm.

"Dalawang pathetic. Wow, perfect match." Sarkastik na puri niya.

Mas lalo akong napuno sa sinabi niya. "Paano mo nagagawang sabihin iyan? Hindi mo ba naisip na kaya nagkaganyan si Storm ay dahil sa pag-aakalang napahamak ka? Hindi mo ba naisip na kaya naglakas loob pumasok si Storm dito mag-isa ay dahil nais ka niyang iligtas?!" tuluyan nang napataas ang boses ko.

Tama ako. Noong unang kita ko pa lang sa kanya ay alam ko nang may masamang halimaw ang nagtatago sa likod ng mala-anghel niyang mukha.

"Well, my dearest super heroes, you should've known, what you did is not f*cking heroic. It's f*cking suicide." Mabilis na sagot niya.

Inis na lang akong napakagat sa labi ko at hindi na magawa pang sagutin siya dahil tama siya. Isang suicide talaga ang ginawa namin ni Storm. At tapos ay ganito pa. Hindi namin inaasahan ito. Para kaming naambush attack.

"Why, Jasmine?"

Parehas naming inilipat ang tingin kay Storm nang bigla siyang magsalita. Napansin ko ang biglaang pagbabago ng expression ng mukha ni Jasmine. Iniwas niya ang mukha niya kay Storm.

"I have my reasons," matipid na sagot niya at saka dali-daling lumakad palayo sa amin. "Kung gusto niyo pang makalabas ng buhay rito ay wala kayong ibang dapat gawin kundi ang manahimik sa silid na ito." Saad niya habang patuloy sa pag-alis.


"Jasmine..." Saglit siyang natigilan dahil sa pagtawag ni Storm sa pangalan niya.

"Thank you," saad ni Storm. Dahan-dahan siyang lumingon sa amin matapos marinig iyon. "Thank you for being fine." Pagtutuloy ni Storm.

Halata sa reaksyon niya na hindi niya inaasahang marinig iyon kay Storm. If I were her I'm pretty sure she's expecting Storm to loathe her and curse her to death, but it turned out this way.

"Isa lang ang nasa isip ko habang tinataya ko ang buhay ko papasok rito. Iyon ay ang masiguradong okay ka. At ngayon na nakikita kong nakatayo ka sa harapan ko na walang galos at pasa, makakahinga na ako ng maluwag. Thank you."

Saglit na namagitan ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa unti-unting natawa ng sarkastik si Jasmine nang makabawi na siya mula sa pagkabigla sa mga sinabi ni Storm. "You're indeed pathetic," tanging nasabi niya bago tuluyang lumabas ng silid.

Pagkalabas ni Jasmine ay mabilis akong lumapit kay Storm at nagulat na lang ako nang makitang matutumba siya

"Storm!" sigaw ko at dali-dali siyang sinalo. "Oh my God. Ayos ka lang ba?" puno ng pag-aalalang tanong ko at dahan-dahan siyang inalalayan paupo sa sahig.

Pagkaupo namin ay nanatili lang siyang nakayuko at nakatulala. Nagulat na lang ako nang may luhang nag-uunahang tumulo sa kanyang magkabilang pisngi.

"S-Storm..." nanghihinang tawag ko sa kanya.

"He's right." Saad niya at saka ngumiti ng pilit habang may mga luhang patuloy na bumubuhos sa kanyang pisngi. "It hurts so bad none of us can handle it," dagdag niya.

Wala akong ibang nagawa kundi ang panuorin lang siyang tahimik na lumuluha sa tabi ko. Nais ko siyang icomfort pero wala akong mahanap na tamang salita na siyang magpapatahan sa kanya. Hindi ko maimagine ang pighati na pinagdaraanan niya ngayon. He literally gave up everything for that girl yet in the end, he ended up being alone and betrayed.

Mas lalo nang namumutla ang mukha niya ngayon kumpara kanina. Nagpatong-patong na lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon. Pero alam kong kumpara sa sakit sa natamong niyang saksak ay di hamak na mas masakit ang sakit sa puso na pinagdaraanan niya ngayon. And funny how all I could do is to watch him go through it all.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas simula nang makulong kaming dalawa ni Storm. Mabuti na lamang at nakatulog siya. Hinayaan ko siyang matulog muna sa may hita ko, at kahit na namamanhid na ako kanina pa ay tiniis ko na lang para matakasan niya muna ang bangungot na dala ng reyalidad sa kanya.

Napatingin ako sa may pintuan nang dahan-dahan itong bumukas. May isang lalaki ang pumasok habang may dala-dala siyang tray na naglalaman ng pagkain. Mukhang kahit na mamamatay na kami dito ay gusto pa rin nilang busog kami.

Dahan-dahan kong iniayos ang ulo ni Storm at ipinatong muna sa may sahig. Mabuti na lang at hindi siya nagising.

Inobserbahan ko lang ang lalaking may dala-dalang tray. Mukhang nautusan lang talaga siyang maghatid ng pagkain sa amin. Hindi ko alam kung tama ba ang naiisip ko pero ito lang ang tanging nakikita kong paraan para makaalis kami.

Ibinalik ko ang tingin kay Storm na mahimbing na natutulog. Huwag kang mag-alala, Storm. I-aalis kita rito.

Ibinalik ko ang tingin sa lalaking bagong pasok. Sinuri ko muna kung may nakakamatay bang armas na nakalagay sa bulsa niya at nakahinga ako ng maluwag dahil wala. Tumingin ako sa paligid na maari kong gamitin laban sa kanya at wala akong ibang nakitang pwedeng gamitin kundi ang tray na dala-dala niya.

Sinasabi ng isip ko na this is not a good idea, definitely it isn't pero kung hindi ako kikilos ngayon, hindi ko alam kung anong susunod na mangyayare.

Nakarating na nang tuluyan sa harapan namin ang lalaki. Tiningala ko ang mukha niya at wala akong ibang mabasa sa expression niya. Mukhang talagang ang mission lang niya ay ang ihatid ang pagkain namin.

Saglit siyang yumuko upang ipatong sa harapan namin ang tray. "Your dinner," saad niya. Pasimple akong sumilip sa likuran niya at nakita kong naiwan niyang bukas ang pintuan.

Aalis na sana siya pero kaagad ko siyang pinigilan. "Sandali," pigil ko. Iritable niya akong tiningnan.

Dahan-dahan akong tumayo. "I need to pee. Where's the comfort room?" tanong ko.

Sarkastik siyang natawa at napakamot sa kilay niya. Bigla na lang nagtaasan ang balahibo ko. Masyado ata akong nagpalinlang sa mukha niya. Nakakatakot pala siya.

"Tingin mo ba talaga magagamit mo sa akin ang taktikang iyan? Masyado ka nang makaluma, mag-isip ka naman ng bago." Saad niya.

"Ah, ganun ba." Mabilis kong sagot at bigla-bigla ay sinipa ko siya sa may pagitan ng kanyang legs. Yeah, 'to where it hurts the most' ika nga ng karamihan.

"Uggggghhhh!" kaagad siyang napahawak sa sinipa ko at namimilipit na napaupo.

Kinuha ko naman ang pagkakataong ito upang tumakbo papuntang pintuan. Nagmamadali akong lumabas roon at nakahinga ako ng maluwang nang walang ibang tao na nag-aabang sa may labas. Patuloy lang ako sa pagtakbo at natatakot na lumingon dahil baka may humahabol sa akin sa likod at malapit na akong maabutan.

Sa sobrang laki ng paaralan ay hindi ko alam kung nasaan na ako. Madilim na sa buong campus dahil gabi na at walang mga ilaw ang hallway. Advantage iyon para sa akin upang hindi ako mahuli. Ngayon, ang kailangan kong gawin ay ang makahanap ng paraang makalabas sa school na ito at humingi ng tulong sa mga pulis.

Magsisimula na sana akong maglakad muli upang ipagpatuloy ang paghahanap ng exit pero kaagad akong natigilan nang maramdaman ko ang isang malamig na metal na dumikit sa may sintido ko. Nanlamig ang buong katawan ko nang tingnan ko ang metal na nakatutok sa akin at makitang isa itong baril.

"Don't confuse stupidity for bravery, Summer." Saad niya at saka kinasa ang baril habang nakadikit pa rin ito sa aking sintido.

"J-Jasmine." Nanginginig na tawag ko sa kanya.

"Bang," bulong niya at diniin lalo sa sintido ko ang baril bago tuluyang inalis.

Kaagad akong nakahinga ng maluwang nang ilayo niya ang nakakatakot na metal na iyon sa akin. Halos mapaupo na ako sa kinatatayuan ko sa sobrang takot.

"Nakakatawa ka. Hindi ko inakala na ganyan ka pala talaga katanga." Pangkukutya niya.

Gusto ko siyang sagutin pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko dahil hindi ko pa nagagawang makabawi mula sa takot matapos ang ginawa niya.

Lumapit siya lalo sa akin at hinawakan ako ng mahigpit sa braso ko. "Tingin mo ba sa gagawin mo ay makakatulong ka? Marahil sa gagawin mo ay papatayin nila si Storm. Naisip mo ba iyon bago mo siya iwang duguan mag-isa?"

Natatakot kong tiningnan ang mukha niya at may nakita akong kakaiba sa mga mata niya. Hindi ko alam kung tama ba ang interpretasyon ko rito pero tila may pake rin siya kay Storm.

"Huwag mong sayangin ang napakarami ko ng effort para iligtas ang buhay niyong dalawa. Maswerte kayo't hanggang ngayon ay humihinga pa rin kayo." Saad niya at saka ako hinila ng marahas pabalik sa dinaanan ko.

Hindi ko maintindihan kung tama ba ang mga narinig ko mula sa kanya o kung tama ba ang iniisip ko. She's trying to save us? What does she mean?

Pagkabalik namin sa silid na pinanggalingan namin ay bumungad sa akin ang napakaraming gangster na nakapalibot kay Storm at ang iba pa sa kanila ay may hawak-hawak na baseball bat. Mas lalong nabalot ang buong pagkatao ko ng takot nang mapansing may mga dugo ang dulo ng baseball bat na hawak-hawak nila.

"S-Storm!" sigaw ko at mabilis na tumakbo papunta sa kanya. Hinawakan ko ang mukha niya at hinarap sa akin. "Oh my God, Storm, sinaktan ka ba nila?" naiiyak na tanong ko.

"S-Summer..." nanghihinang tawag niya sa akin. Napatakip ako sa bibig ko nang may dugo ang bigla na lang dahan-dahang tumulo mula sa ulo niya. Tuluyan na akong napahagulgol.

"Mga hayop kayo! Paano niyo nagawang saktan ang taong walang kalaban-laban?!" sigaw ko sa mga lalaking nakapalibot sa amin.

Nagulat ako nang biglang may humila sa buhok ko, pagtingin ko kung sino ito ay kinalabutan ako nang makitang si Thunder ito.

"Nakita mo na ang resulta ng pagiging padalos-dalos mo?" tanong niya habang nanatiling hila-hila ang buhok ko.

"B-Bitiwan m-mo siya," hirap na hirap na saad ni Storm at sinubukan siyang itulak palayo sa akin pero iniwasan lang ni Thunder ang kamay niya dahilan para nanghihina siyang napahiga sa sahig.

"S-Storm!" puno ng pag-aalalang tawag ko sa kanya. Sunod-sunod na lang na tumulo ang mga luha ko. "Storm..." umiiyak na tawag ko sa kanya. I'm sorry, Storm.

Napahawak ako sa may ulo ko nang mas lalong hilahin ni Thunder ang buhok ko. "Hindi na uso ang magpakabayani sa mundong ito, Summer. Ikaw lang ang gumagawa ng dahilan ng ikapapahamak niyo, hindi ako."

Nanlulumo at puno ng galit ko siyang tiningnan. "Nakakaawa ka." Puno ng galit na saad ko.

Kaagad napakunot ang noo niya sa sinabi ko. Halatang hindi niya inaasahang marinig iyon.

"Anong sinabi mo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Nakakaawa ka." Ulit ko.

Hindi siya makapaniwalang natawa at mas lalong hinila ang buhok ko. Masakit man pero hindi ko iyon ininda at nanatiling masamang nakatingin sa kanya.

"Ikaw na ang pinakamababang klase ng tao na nakilala ko, Thunder. Nakakaawa ka. Punong puno ng puot at galit ang pagkatao mo. Hindi ko alam kung paano mo pa nagagawang mabuhay sa mundo—"

Isang napakalakas na sampal ang natamo ko mula sa kanya. Mabilis kong nalasahan ang dugo mula sa pumutok kong labi resulta ng pagkakasampal niya. Imbes na ipakita sa kanya na nasaktan ako ay ibinalik ko lang ang masamang tingin ko sa kanya at unti-unti siyang tinawanan.

"Hindi ko magawang masikmura na nagawa mong hawakan ako. Hindi kaya mahawa ako sa kasamaan mo?" inis na tanong ko.

Isang malutong na sampal ang muli kong inabot sa kanya. Saglit akong natigilan pero unti-unti lang ulit akong natawa sa ginagawa niya. Ibinalik ko ang tingin sa kanya. "Nakakaawa ka talaga," ulit ko.

Umasta siyang sasampalin sana ulit ako pero natigilan siya nang isang pamilyar na boses ang biglang nagsalita.

"Touch her again and I swear I'm gonna f*cking kill you and your entire family line, Thunder."

Ang mga salitang iyon... Ang boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Dahan-dahan kong inilipat ang tingin ko sa direksyon kung saan nanggaling ang boses at tama nga ako.

"Jack..." mahinang tawag ko sa pangalan niya.

~***~

YOU FRIGGIN MISSED THAT COLD HEARTED ARROGANT GANGSTER ADMIT IT! CUZ I DID, I CONFESS!!! LOL.

I'M ALREADY FREAKING OUT JUST BY SUMMER MERELY CALLING HIS NAME. HOW MUCH MORE ON THE NEXT UPDATE? HAHA JUX. PINAPAEXCITE KO LANG KAYO HAHAHA. SO YOU BETTER WAIT FOR IT CUZ DARLING, WE'RE ALMOST AT THE END. :D BEAR WITH ME, OKAY? I LOVE YOU ALL. THANK YOU FOR NOT GETTING TIRED OF MY MABAGAL NA UPDATE. I HOPE YOU ALL ENJOYED.

COMMENTS WILL BE HIGHLY APPRECIATED. :)

THIS BOOK IS ALREADY OUT IN BOOKSTORES FOR ONLY 175PHP. PLEASE SUPPORT ME! THANK YOU!

#BTWHNIJF

Pw

Continue Reading

You'll Also Like

24.2M 983K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
1.6M 24K 53
All rights reserved. © 2013-2014. Credits to the owners of the quotes and banats I posted here. ☠ uy salamat sa pagbabasa nito kahit na sobrang corny...
1.2M 50.6K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
8K 2.2K 25
Kung ang mga tinta sa sulat mo ang tanging magpapaalala sa akin sa 'yo, hindi na ako mag-aalanganing balik-balikan muli ito. Tulad ng itim na tinta...