Suramu Danku: Next Generation...

Da ThunderFlex95

10.2K 826 251

Dalawang Kambal si Sakuhako at Akito sino sa kanila ang Tunay na Henyo sa Basketball? Altro

Suramu Danku 1: Next Generation Characters
Chapter 1: Ang Pagpasok Sa Basketball Association, Sakuhako Vs Kaite
Chapter 2:Pasado sa Pagsubok? Maligayang Pagdating Sa Male Training School Hako
Chapter 3: 3rd Generation Ng Shohoku
Chapter 4: Ang Lihim Tungkol Kay Akito at Sakuhako
Chapter 5: Hanamichi Sakuhako Vs Ace Sakuchiro
Chapter 6: Sa Bahay Ni Sora, At sa Takashita Family
Chapter 7: Ang Pagdating ni Rukawa, Ang Pagkikita ng Mag Ama
Chapter 8: Ang Pagdating Ni Sakuragi, Sakuhako Vs Sakuragi
Chapter 9: Laban ng Mag Ama Ang Slam Dunk Ni Sakuhako Laban Kay Sakuragi
Chapter 10: Shohoku A Vs Soulferus
Chapter 11: Ang Nakaraan Ni Ace Ang Takot Nya Kay Akito
Chapter 12: Ang Unang Laro Ni Sakuhako, Team Shohoku B Vs Team Riot
Chapter 13: Team Shohoku B vs Team Riot Ang Point Guard na si Lyion
Chapter 14: Ang Unang Dunk Ni Sakuhako
Chapter 15: Ang Pagbabalik Ni Sakuhako Sa Kanagawa Kasama Si Sakuragi
Chapter 16: Ang Tatlong Araw Na Training Ni Sakuhako Kay Sakuragi
Chapter 17: Ang Simula ng Shohoku
Chapter 18: Shohoku A Vs Shohoku B, Ang Pagpapasikat ni Sakuhako
Chapter 19: Ang Anak Ng Henyo
Chapter 20: Ang Kakayahan Ng Basketball Statistics Na si Kate Kaede
Chapter 21: Nakapasa Ang Lahat Maliban Lang Kay Sakuhako
Chapter 22: Ang Pagkikita Ni Sakuhako at Zoey, Ang Mission ni Sakuhako
Chapter 23:Ang Pagbabalik Ni Sakuragi Sa Basketball at Ang Pag Alis Ni Sakuhako
Chapter 24: Ako Parin Ang Bida Sa Kwento, Ang Hari Ng Slam Dunk - Sakuragi
Chapter 25: Sakuna Vs Inami, Ang Simula ng Training Ni Sakuhako
Chapter 26:Ang Pagpapatayo sa Shohoku Gym House
Chapter 27: Mga Bagong Kasama Ni Sakuhako Na Sina Miu at Otano
Chapter 28:Akito Vs Kate Ang Paghikayat At Paghamon sa Pinakamagaling Na Player
Chapter 29: Ang Tunay Na Kakayahan ni Akito, Ang Pagdating Ni Zoey
Chapter 30: Ang Shohoko
Chapter 31: Ang Pagbabalik Ni Sakuhako Kasama ang Hitogami Family
Chapter 32: Sakuhako and Otano Vs Akito and Ace 2on2
Chapter 33: Mastered Speed Ni Sakuhako
Chapter 34: Ang Kahinaan Ni Akito
Chapter 35:Ang Inggit Ni Sakutou Kay Sakuragi, Gusto Kong Maging Asawa Si Aisha
Chapter 36: Veterans Vs Generation
Chapter 37: Boyfriend Ni Kate? Ang Laban Ng Mag Ama Sakuragi vs Sakuhako
Chapter 38:Ang Paghanga ng mga Babae at Pagaling Ng Pagaling Na Si Sakuhako
Chapter 39: Si Sakurou at Inoue, Ang Pag gising ng kakayahan ni Sakuhako
Chapter 40: Ang Hikaw Ni Sakutou, Palatandaan Ng Galing Ni Sakuhako
Chapter 41: Ang Combination Attack Ni Sakuhako at Akito
Chapter 42: Ang Nalalapit Na Elimination Games para sa Interhigh Tournament
Chapter 43: Ang Kwento Ng Henyo Tungkol Sa Sapatos
Chapter 44:Ang Pagdating Ni Sora at Kumi At Ang Elimination Games
Chapter 45: Ang Kakayahan Ng Grupo
Chapter 46: Ang TUNAY na #1 Player sa Distrito, Si Sandro Watanabe
Chapter 47: Ang #1 Rookie Ang Matinding Galit Ni Sakuhako
Chapter 48: Ang Kapatid Ni Sandro na si Zairyl, Ang Umpisa ng 2nd Half
Chapter 49: Ang Pagbagsak Ni Sakuhako
Chapter 50: Isang Pamilya
Chapter 51: Inspiration, Ang Paglabas ng Kanilang Galing Dahil Kay Sakuhako
Chapter 52: Ang Rebound Shot Ni Zoey
Chapter 53: Ang Simula Ng Paghihirap Ni Kate Para Sakanyang Ama Na si Rukawa
Chapter 54: Ang Pagtatapat Ni Sakuhako at Aisha sa Isat Isa
Chapter 55: Hitogami's Aura
Chapter 56: Ang Pag Amin Ni Ace Kay Kate, At ang Sagot Ni Kate
Chapter 57: Si Boy Kulangot At Ang mga Kaibigan Ni Althena at Sakuhako
Chapter 58: Ang Isa Sa Nagpapasaya Kay Kate, Ang Tunay Nyang Nararamdaman
Chapter 59: Si Irene ang #1 Female player sa Distrito vs Althena Tobirama
Chapter 60: Ang Pinagmulan Ni Althena at ang Bagong Sakuragi Jr (Akito)
Chapter 61: Pangako Sa Isat Isa Hihintayin Kita Balang Araw
Chapter 62: Ako si Hanamichi Sakuhako, At ang Pagliligtas ni Sakuhako kay Kate
Chapter 63:Ang Babaeng Minahal Ni Rukawa At Ang Pagpapanggap Ni Kate at Sakuhako
Chapter 64: Ang Kwento Ni Kate, David at Renz Sa Amerika Part 1
Chapter 65:Ang Pagpapahirap kay Kate, At ang paghamon ni Renz ng 1on1 kay David
Chapter 66: Ang May Ari Ng Basketball Association, Ang Pamilya Koamoto!
Chapter 67: Ang Aso Ni Hisaka Koamoto Na si Sakuhako
Chapter 68: Shohoku Junior Players Vs Shohoku High School Players
Chapter 69: Ang Slam Dunk Ni Sakuhako vs Ace Sakuchiro
Chapter 70: Ang Utak Kriminal na si David at Hikaru Koamoto
Chapter 71: Ang Unang Pagkikita Ni Hisaka at Sakuhako, At Ang Red Pear Bracelet
Chapter 72: Selos?
Chapter 73: Kate Vs Althena, Ang Mala Kaede Rukawa Female Version na si Kate
Chapter 74: Ang Pagkamatay Ni Aisha
Chapter 75: Ang Mission Ni Zoey. Shohoku Vs Takezono
Upcoming And Spoiler
Chapter 76: Book 1 Season 2 Slam Dunk: New Generations
Chapter 77:Ang Kakayahan ni Yuriko At ang Laban Ni Sakuragi Vs Nikola Jones

Chapter 78: Ang Isang Daang Porsyento Ni Hanamichi Sakuragi Jr (Akito)

165 12 3
Da ThunderFlex95

Dahil sa pang aasar at pangmamaliit ni Yuriko kay Akito, di napigilan ni Akito ang galit nya

Bababa sana ang Girlfriend nyang si Zoey dahil tila magkakaroon ng malaking gulo, ngunit di na nya tinuloy nang makita nyang si Sakuhako na ang nagpakalma kay Akito

1 years nang in a relationship si Akito at Zoey, nasa Junior high school palang sila ay sila na kaya alam na alam ni Zoey kung paano magalit si Akito na tanging sya lang ang nagpapawala ng galit sa boyfriend nya

Malapit ng matapos ang 1st half meron silang napansin kay Akito

"Akito" sabi ni Sakuhako

Nakita nila na sa bibig na humihinga si Akito pagod na ito sa pagbabantay kay Yuriko

"Hay nako, pagod na sya wala na syang magagawa" sabi ni Althena nang biglang hinawakan sya ni Milliana sa damit nya

"Tumahimik kahh hindi mo sya kilala, sya ang pinakamagaling at pinakamabait na tao na nakilala ko, kapag nagsalita kapa ng masama sa kanya kakalbuhin kitahh" umiiyak na si Milliana

Nagulat nman sina Zairyl Aimi, Akia, Miu at iba pa sa reaction ni Milliana dahil sa nangyayari ngayong kay Akito

Si Zoey nman na nanonood

"Saku" sabi nya wala syang magawa kundi manood lang

"Hindi nman pala sya kagalingan, Lamang ang kalaban nila kaylangan may gawin si hako" sabi nman ni Hisaka

"Nagkakamali ka sa bagay na yan, Ako ang dahilan kaya sya nagkakaganyan" sabi ni Zoey at may tumulong luha sa kanang mata nya

"Huh?" Napalingon si Hisaka kay Zoey

Samantala matapos ma rebound ni Sakuhako ang bola

Kaagad nyang ipinasa kay Lyion tumakbo ang shohoku

Sumenyas si Akito sa kanya kaya ipinasa ni Lyion ang bola

"Kaya mo yan" sabi ni Lyion

Tumatakbo si Akito habang sinasabayan ni Yuriko

"Kaya mo yan Akito-samahh" sigaw ni Milliana na nasa taas

Alam ng mga kasamahan ni Akito na hindi nya ipapasa ang bola

Pagdating ni Akito tumalon sya tumalon din si Yuriko

"Mahina kahhhh" sigaw ni Yuriko

Nakita ni Akito na papalapit ang kamay ni Yuriko sa bolang idudunk nya at nang tuluyan na nitong mahawakan

Malakas na sinupalpal ni Yuriko ang bola bagsak si Akito sa sahig na kinagulat ng buong Team ng Shohoku, pumito ang referee

"Akitoh" na nagmadaling nilapitan ni Sakuhako

"Hi-hindi" gulat na nasabi ni Milliana napatayo pa sya

"Sakuhh" napasigaw nman na si Zoey

"Akito-sama" sabi ni Gildar habang tahimik lang si Kate

"Ggrahhh ikaw sumusubra kana" sabi ni Sakuhako kay Yuriko

Tamang ngiting pang aasar lng si Yuriko, maging sina Lyion, Renz, Daigo ay sagad narin ang pagkainis sa Team Takezono

Nang hahawakan na ni Sakuhako si Akito biglang

"Wag mo kong hawakan" sabi ni Akito

Tumayo si Akito habang hinihingal at nang makatayo na sya bigla na lang naging normal ang paghinga nya

"Akito" sabi ni Sakuhako

"Huhuhahahaha" malakas na tawa ni Akito na nagulat ang shohoku, pati ang Takezono nagtataka

"Anong nangyari sa kanya, Ngayon ko lang nakitang tumawa ng ganito si Akito" sabi ni Lyion

Umupo si Milliana at sinabing

"Lagot na sila" sabi ni Milliana

"Huh?" Napalingon sa kanya sina Althena

"Talagang ginalit na nila si Akito sama, Ngayon mag sisimula na ang tunay na laban" sabi ni Milliana

Sa bench ng shohoku

"Magtatawag na ako ng timeout mukhang grabe nangyari sa kanya" sabi ni Kate

"Wag. Nagsisimula palang ang laban, Lagot na sila ngayon, Hindi nila kilala ang ginalit nila" sagot ni Gildar

Naglalakad na si Akito napansin ng mga kasama nya na mukhang nawala ang pagod nito, normal na ang paghinga at higit sa lahat nakangiti pa ito papunta sya sa free throw line para tumira ng 2 shot

"Hindi dapat nila ginalit si Akito sama, Noong hindi pa nagiging sila ni Zoey, Ang maitim nyang puso ang naging lakas nya noong junior high school sya, kaya kahit hindi sya sumali sa mga practice sya parin ang pinakamagaling, Hindi sya dumaan sa basics training dahil ang totoo sya mismo ang basketball, Nang maging sila ni Zoey unti unting nawala ang kadiliman sa puso ni Akito sama, pero ngayon lagot na sila bumalik sya sa dati" sabi ni Gildar

"Ano?" Patanong na sabi ni Kate.

Tumira si Akito pareho nyang naipasok ang 2 shot

"Lyion sakin mo ipasa ang bola" sabi ni Akito

"Ayos ka lang Akito?" Tanong ni Sakuhako

"Oo, Para mahabol natin ang lamang nila, Kaylangan natin mag Full court Press" sagot ni Akito

"Sigurado ka ba talaga?" Tanong ni Sakuhako

"Oo" sagot ni Akito, napansin ni Sakuhako ang kakaibang mga mata ni Akito kahit na nakangiti ito

"Akito, Bumalik ka sa dati" sabi ni Sakuhako sa kanyang isipan

Lumingon sya sa taas at nakita nya si Zoey na nakatayo kasama si Hisaka na nakaupo nanonood sa kanila

Dahil sa foul ni Yuriko sa shohoku parin ang bola

Nakadepensa na ang Takezono, habang drinidribble ni Lyion ang bola, nasa harapan nya ang Point Guard ng Takezono na si Ryoiji

Ipinasa nya kay Sakuhako, tumakbo si Sakuhako dumaan sa gilid ng court subalit mahigpit ang depensa ng Power Forward ng Takezono na si Yizuma

Kaya ipinasa na lang ni Sakuhako kay Daigo na agad nman ipinasa kay Renz sa ilalim ng basket naglalaban si Yasuma

"Yan ba ang kakayahan ng national player na nagtraining sa basketball association? Walang kwenta" sabi ni Yasuma

Aminado si Renz malakas si Yasuma kasing lakas ni Hideyoshi, si Hideyoshi ang mahigpit na nakalaban noon ni Renz sa exam nila noon sa basketball association kung saan natalo sya lalo na sa rebound

Pero hindi magpapatalo si Renz, marami syang kahinaan ngunit maraming naniniwala sa kanya

Nakita nyang sumenyas si Akito sa pamamagitan

Kaya kunwaring idudunk nya ang bola tumalon sya kaya tumalon din si Yasuma sabay pasa kay Akito

"Ayan na" sabi ni Gildar

"Bakit? Meron bang mangyayari?" Tanong ni Kate

"Kapag nasa serious mode na si Akito-sama ginagamit nya ang 99 basketball technique nya sa opensa at depensa hindi matatapos iyon hanggang hindi nya nakukumpleto ang 99 technique na alam nya" sagot ni Gildar

Nakatayo si Yuriko sa harapan ni Akito

Nang biglang drinidribble ni Akito ang bola sa likuran nya gamit ang dalawang kamay nya

"Ang dribble na yan, parang nakita kona yan. Ang dribble ng dating basketball association si Tito Sakuragi" sabi ni Kate

Tanging si Sakuragi lang ang may kakayahan na mag dribble sa likuran habang tumatakbo isa sa mga katangian ng kakayahan ng isang point guard na kayang gawin ni Sakuragi bilang master of five position kaya medyo nabigla si Kate dahil kaya din gawin ni Akito

"Ano nman kakaiba sa dribble na yan? Kalokohan" sabi ni Yuriko nang biglang unti unting nanlaki ang mga mata nya nang unti unting kumakanan kumakaliwa ang kalahati ng katawan ni Akito na nakakapaglikha ng shadow na nagpalito kay Yuriko

"Ang galaw na yan, Yan ang technique ni Ace" sabi ni Kate

At wala pang segundo mabilis na lumusot si Akito kay Yuriko sa paglusot nya sa unahan na nya drinibble ang bola

Paglingon nya sa likuran nya malayo na sa kanya si Akito

"Ang bilis nya" tumakbo si Yuriko subalit mabilis na nilusutan ni Akito ang mga kasamahan nya at walang kahirap hirap na dinakdak ang bola na kinagulat ng Takezono

Nagbago din ang timpla ng mukha ni Hikaru habang si Sakuhako medyo natulala kay Akito

"Tama sa ginawa nyang atake tatlong technique ang ginamit nya, una ang dribble moves ng papa nya na si Sakuragi, pangalawa ni Ace at pang huli ang God speed ng isa sa legendary king na si Kenzo Borosume, Ganyan kagaling si Akito sama" sabi ni Gildar

"Ginagaya ba nya yung mga ano" tanong ni Kate

"Hindi sya nang gagaya, Dahil ang totoo nyan sya mismo nagmamay ari nyan, Sabihin na natin dahil sa lolo nyang si Tadahako Inoue ang pinakamagaling na player" sagot ni Gildar

Kahit na wala na ang ala ala ni Tadahako Inoue kay Akito, ang paglalaro nito ngayon ng basketball ay katulad parin ng Lolo nilang si Tadahako Inoue, Si Akito ang perpektong experimento ni Zenes na kung saan inilagay ni Zenes ang mga ala ala ng basketball career ni Inoue kay Akito

Nagtawag ang time out ang Takezono dahil kinakabahan na ang Coach ng Takezono

Sa taas na nanonood si Zoey

"Magaling pala ang boyfriend mo bakit hindi nya agad nilabas ang galing nya" sabi ni Hikasa

"Kapag kasi naglalaro si Saku ng buong galing nya nagbabago din ang ugali nya, Para syang hindi si Saku na minahal ko kaya ayokong magkaganyan sya" sagot ni Zoey ngunit biglang lumingon si Akito sa kanya

"Ahhhh" nanlaki ang mga mata ni Zoey na namumula ang pisngi nang makitang nakangiti sa kanya si Akito

Doon napagtanto ni Zoey na hindi nagbago si Akito, noon kasi kapag naglalaro si Akito ng buong galing nya, nagiging mayabang, mapagmataas sya ganyan ang ugali ni Akito noon kaya nagkaroon sila ng matinding away ng kakambal nyang si Sakuhako, pero ngayon hindi na

Ang nakikita ngayon ni Zoey ay ang totoong Akito, si Akito na minamahal nya

Ngumiti si Zoey at sinabing

"Wala nman pala akong dapat na ipag alala" sabi ni Zoey habang nakatingin sa kanya si Hisaka at napapaisip na

"Ganyan ba talaga kapag mayron boyfriend?" Tanong nya sa kanyang isipan nang makitang namumula at halatang inlove at masaya si Zoey na kahit na kaylan hindi pa nya nararanasan

Sa bench ng shohoku tahimik na nakaupo si Akito habang nagpupunas ng pawis

Lumingon ng mata si Sakuhako sa kanya at napapaisip na

"Ngayon alam kona, Noong 1on1 namin hindi sya nagseryoso, pero ayos lang sakin yun. Ang mahalaga ay bumalik na si Akito sa dati" sabi ni Sakuhako sa kanyang isipan na umiinom ng tubig

Hindi na nakikipag kompitensya si Sakuhako kay Akito, Noon si Akito ang dahilan kaya gustong matuto ni Sakuhako mag basketball para talunin ito, pero ngayon hindi na iyon ang hangad ni Sakuhako, Kundi ang maging mabuting kuya sa mga kapatid nya

Samantala sa Basketball Association nman nagsimula na ang laban ng Team Kanagawa Representative laban sa limang dayo, na ang tatlo ay manlalaro sa NBA at isa nga dito ang boyfriend ni Jasmin

Kalaban ni Sakuragi si Nikola Jones ang lalaking mapapangasawa ni Jasmin doon napansin nya ang lakas ni Sakuragi

"Ggrahhhhh" matapos irebound ni Sakuragi ang bola

Tahimik lang na nakaupo si Jasmin ngunit

"Sakuragi, wala parin kupas ang galing mo sa pagrebound, naalala ko pa noong nakaharap mo si Oliver Williams kahit na may injury kana naglaro ka parin, pero ngayon hindi ako papayag na matalo kami laban sa inyo" sabi ni Jasmin sa kanyang isipan

Continua a leggere

Ti piacerΓ  anche

81.7K 2.3K 77
WARNING⚠: THIS IS A MIN YOONGI TAGALOG FANFICTION!! By: Redchilaaax/blackminlai
1.2M 44.6K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...