Sa nagaganap parin na Elimination games sa Kanagawa
Hinamon ni Yuriko si Akito, sa bench ng Shohoku
"Ang lakas ng loob nya para hamunin si Akito sama ng 1on1" sabi ni Gildar
"Hindi, Hindi sya nagmamayabang" sabi ni Kate
"Huh?" Napalingon sa kanya si Gildar
"Si Yuriko totoo na hinikayat ko sya noon na sumali sa ating team. Pero dahil sa hindi coach ang tingin nya sakin. Hindi kona sya sinali" sabi ni Kate
"Kung totoo nga na hinikayat mo sya noon, ibig sabihin magaling sya?"tanong ni Gildar.
"Oo magaling sya, Sya sana ang magiging" sabi ni Kate
Nang biglang nag Long shot si Yuriko na kinagulat ni Akito sa bilis ng kamat ni Yuriko di na nakabanat pa si Akito
"Yan ang dahilan, Sya sana ang magiging Shooting Guard ng Team natin" sabi ni Kate
Isang taon na nakakalipas, habang nasa under construction pa ang Shohoko gym house, Noong panahon na iyon na naghahanap si Kate ng mga maaring maging miyembro ng Shohoku, kasama si Ace, Lyion, Renz, Louki
Habang papunta sila sa isang skwelahan sakay ng isang kotse napatigil sila dahil
"Sandali hinto" sabi ni Kate sabay huminto ang kotse
Bumaba si Kate sa isang public court sumunod nman sina Renz
Nakita nila ang isang lalaking tumitira ng Half court shot
"Ang galing nya" sabi ni Lyion
Pumasok si Kate at tinawag ang lalaki
"Ikaw gusto mo bang sumali sa Team namin?" Tanong ni Kate
Paglingon ng lalaki bigla na lang nanlaki ang mga mata nya at nakaramdam ng kuryente kasunod non naging porteng puso ang mga mata nya
Tumakbo sya papalapit kay Kate subalit agad na humarang si Renz at Louki
"Ggrahh tumabi kayo" sabi ng lalaki
"Ayos lang Kuya Renz, Louk" sabi ni Kate kaya umalis ang dalawa sa harapan ni Kate
"Anong pangalan mo?" Tanong ni Kate
"Ahhh ehhh ako si Yuriko Tatsumasa hehe" sabay abot ni Yuriko ng kamay para makipag shake hands subalit hindi sumagot si Kate
"Yuriko, Ako si Kaede Kate iniimbitahan kita na sumali sa Team namin. Anong year kana at san ka nag aaral?" Tanong ni Kate
"2nd year sa Takezono high" sagot ni Yuriko
Nagbulong bulungan sina Lyion, Renz, Louki, dahil mas matanda ng isang taon sa kanila si Yuriko
"Pumapayag kaba na sumali sa Team namin? Sa Shohoku?" Tanong ni Kate
"Hhmmm ako ang susunod na Captain ng Team namin kaya di ako pwedeng sumali sa ibang Team" sabi ni Yuriko sabay lapit nya kay Kate at sinabing
"Pero kung papayag kang makipag date sakin o di kaya maging girlfriend ko, sasali ako sa Team ninyo" sabi ni Yuriko na agad kina highblood ni Louki
"Ggrahhh ikaw, hindi ako papayag sa gusto mong mangyari" galit na galit na si Louki
Habang biglang kumilot ang noo ni Kate sabay
"Nagbago na ang isip ko, Tayo na" sabi ni Kate
Paalis na sila ng
"Sandali Kate, Pumayag kana sasali ako sa inyo basta maging babae lang kita" sabi ni Yuriko
Tumigil sa paglalakad si Kate at lumingon ng nakakatakot na mga mata
Di na nakapagtanong pa si Yuriko hinayaan na nyang umalis sina Kate na sumakay na sa kotse
Sa loob ng Kotse
"Magaling sana sya pero mas lala sya kaysa sa isa dito" sabi ni Lyion
"Ggrahh Lyion" nabwisit na si Louki
"Oo magaling sya, Kung magiging Shooting Guard sya ng ating Team magiging mas malakas ang Team natin, Ngunit ayoko sa mga taong mataas ang sa sarili at mayabang" sabi ni Kate
"Huh? Parang yung isa diba" na naalala ni Lyion si Sakuhako
"Iba nman si Hako sa kanya" sabi ni Kate
Nagsalita si Renz
"Hindi na natin kaylangan ng Shooting Guard sa Team lahat nman kami mga shooter" sabi ni Renz
"Nagkakamali ka Kuya Renz, Importante ang Shooting Guard sa Team dahil sila ang nagpapataas sa score, lalo na sa 3 point area. Ganun sila ka importante, kaya kaylangan natin maghanap" sagot ni Kate
"Pero marunong din nman kami tumira sa 3 point area kaya ayos lang kahit walang shooting guard sa team" sabi ni Lyion
Yan ang dahilan kaya walang magaling na shooting guard ang Shohoku ngayon
"Naiintindihan kona, may ipagmamalaki din pala ang lalaking yan" sabi ni Gildar
"Louki, maghanda kana ipapasok kita. Kapag natambakan nila tayo, Ikaw ang magdedepensa kay Yuriko" sabi ni Kate
"Akong bahala Kate my love" sagot ni Louki
Samantala sa gitna ng court ipinasa ang bola kay Yuriko
Walang ibang maaasahan ang Takezono kundi si Yuriko
Tamang depensa lang, support ang apat nyang kasama, gumagawa sila ng daan o di kaya babakuran nila ang apat na shohoku
Habang si Akito tila nahihirapan depensahan si Yuriko
Dahil na insulto ng dalawang beses agawan ng bola ni Akito, inilabas na ni Yuriko ang tunay nyang kakayahan
Tumakbo si Yuriko papalayo sa kanilang basket habang sinsundan ni Akito
Nang nasa gitna na ng court ang dalawa biglang itinira ni Yuriko ang bola
"Bwisit" bulong ni Akito
"Ahhhh" gulat na sina Renz, Lyion, Sakuhako at Daigo
Maging sa bench ng Shohoku pero di na nagulat si Kate alam kasi nya ang kakayahan ni Yuriko
"Ganyan nga Yuri" sigaw ng Coach ng Takezono
Pumasok ang bola sa ring, parang naging semento ang Team ng Shohoku sa. Nakita nila lamang ang Takezono ng 6 points
"Papano nangyari yun? Bigla na lang nabaliktad ang sitwation, Sakuh" sabi ni Zoey na nasa taas nakatayo habang tahimik na nanonood si Hisaka habang sigawan ang mga supporters ng Takezono
Pati mga babaeng players ng Shohoku na sina Althena, Akia, Milliana, Aimi, Zairyl at iba pa di makapaniwala sa nangyayaring krisis ng mga kasamahan nila
"Akito-sama" sabi ni Milliana
"Ano bang ginagawa ni Kate? Dapat magtawag na sya ng timeout nahihirapan na sila" sabi ni Althena
Sa bench ng Shohoku
"Dapat magtawag na tayo ng timeout" sabi ni Gildar na nakaupo sa bench
"Hindi muna. Inaasahan konang mangyayari toh, kapag lamang na sila ng sampu tatawag na tayo ng timeout" sagot ni Kate
"Hindi ako makapaniwala na hindi sya mapigilan ni Akito Sama" sabi ni Gildar
"Dahil sa shooting form nya" sagot ni Kate
"Shooting form?" Tanong ni Gildar
"Ang shooting form ni Yuriko, Ang Shooting Technique nya ay tinatawag na Scratcher Shot" sagot ni Kate
Ang Back Scratcher Shot ay isang uri ng Shooting form na kapag nasa shooting form ang isang player ang bola ay halos nasa likod ng ulo nya, pagtapos shaka nya ito ibabato ng malakas sa bilis nito hindi magawang supalpalin ni Akito ang bola
Yan din ang dahilan kaya kayang tumira ni Yuriko ng Half court shot o kahit saan sya papwestuhin
"Maghintay muna tayo, shaka ako tatawag ng time out" sabi ni Kate
Maya maya lang isang fade away 3 point shot nman ang pinakawalan ni Yuriko
"Ggruuhhhjkk" nang gigigil na nasi Akito
"Anong problema Akito? Junior high ka palang matunog na ang pangalan mo, naririnig kona. Magaling ka raw. Pinag uusapan ka lang, O baka nagkamali lang sila, sikat ka dahil sikat ang papa mo tama ba" sabi ni Yuriko
Nang biglang sumabog na parang bulkan si Akito, kitang kita ang galit sa mukha nya
"Akito relax lang" sabi ni Lyion
"Ggrahhh napakayabang mo talaga Yuriko" sabi nman ni Sakuhako
Habang si Zoey na nasa taas
"Kaylangan kong bumaba don" sabi ni Zoey
"Hindi ka pwedeng umalis" sabi ni Hisaka
"Pero, ako lang makakapagpigil sa galit nya" sagot ni Zoey
Aalis na sana si Zoey ng
"Kapag umalis ka tandaan mo tanggal sa trabaho si Hako" sabi ni Hisaka
Lumingon ng mata si Zoey at sinabing
"Magpakatotoo ka sa sarili mo, alam kong hindi mo sya kayang tanggalin" sagot ni Zoey
"Anohh, hoy bumalik ka dito" nabwisit na si Hisaka, takot na takot si Hisaka dahil nag iisa na lang sya wala syang kilala kaya mas tinago pa nya ang mukha nya gamit ang jacket ni Sakuhako
"Nakakainis" bulong na sabi nya
Pababa na sana si Zoey nang makita nyang
"Akito" sabay hawak ni Sakuhako sa balikat ni Akito
Nawala ang pagkabangis sa mukha ni Akito
"Relax lang. Wag kang magpatalo sa panget na yan. Tandaan mo pinagmamalaki tayo ni mama. At ang papa natin ay isang henyo" sabi ni Sakuhako
"Kuya" sagot ni Akito na nawala bigla ang galit nya sa mukha nya
"Okey. Hindi tayo magpapatalo sa kanila tayo ang mananalo" sabi ni Sakuhako sa mga kasamahan nya
"Tsu ikaw nga itong pang gulo" banat ni Lyion
"Ggrahh Lyion gusto mo bang mabukulan" nabwisit na si Sakuhako
Napangiti nman si Kate na nasa bench
"Ganyan dapat. Yaan muna natin makabawi si Akito kay Yuriko, sigurado sa pagkakataon na toh hindi na sya magpapatalo. Pagkatapos tatawag tayo ng timeout" sabi ni Kate
Ngayon naiintindihan na ni Gildar kung bakit hindi parin nagtatawag si Kate ng timeout dahil sa gusto nitong makabawi si Akito kay Yuriko
Mataas ang pride ni Akito ayaw nyang natatalo sya. Yan ang dahilan kaya naghihintay ng tamang oras si Kate para magtawag ng timeout
Samantala sa Basketball Association magsisimula na ang Game ng Team Kanagawa Representative kasama na ngayon si Sakutou
Ang mga maglalaro ay si Sakuragi, Sakutou, Miyagi, Mitsui at Rukawa
Habang nagpupulong sila sa kanilang bench
Sa kabilang bench nman ay kausap ni Jasmin na tumatayong Coach nila
"Alam natin na magaling sila, Nandyan pa si Jasmin pero hindi tayo magpapatalo sa kanila" sabi ni Sakuragi
"Rukawa ikaw nang magbantay dun sa #17" sabi ni Miyagi na ang tinutukoy ay ang boyfriend ni Jasmin
"Hindi na, man to man ang depensa natin" sagot ni Rukawa
"Oh sige ako na magbabantay sa kanya, Ikaw na dun sa #24" sabi ni Sakuragi
Ang mga makakalaban ng Team Kanagawa Representative ay sina
Keith isang Australia player na manlalaro sa nba. Makapal ang bigote sa mukha. At may taas na nasa 206 cm isa syang shooting guard
Thomas isang Black American na kalbo na manlalaro din sa NBA isa syang Point Guard nasa 201 cm ang taas nya
Nikola Jones ang boyfriend ni Jasmin, isang black amerikan na nasa 210cm malaki ang katawan na nasa 120kg ang laki ang posisyon nya ay Center isa syang manlalaro sa NBA, Next Month ay ikakasal na sila ni Jasmin na isang buwan ng buntis ngayon
Jerome Lucas isang white American na nasa 208cm hindi sya nba players ngunit kasing galing nya ang NBA player, Representative sya sa bansa nila sa mga international competition ang posisyon nya ay Small Forward, sya ang makakaharap ni Rukawa
At ang huli ay si Larson isa rin Black American na kasalukuyang papasok palang sa Nba nakuha sya ng isang sikat na team sa NBA kung saan ka Team nya si Nikola Jones na boyfriend ni Jasmin. Isa syang Power Forward
Maraming mga reporters ang dumating dahil heto ang pagkakataon na mayron bumisitang mga Nba players at kakalabanin ng mga players ng Japan
Kitang kita ang pagkakaibahan nila Sakuragi sa kanila, sa tangkad sa laki pero hindi sila natatakot
Sa gitna ng court tinawag na sila ng referee para lumaban sa jumball
Center ngayon ang posisyon ni Sakuragi, Makakalaban nya ay si Nikola Jones na boyfriend ni Jasmin