Sheʼs Temporary Teacher Of Se...

By PatriciaAlih

70.4K 1.9K 252

Her name is Brielle Lauren Griffin, the youngest student teacher from Merrol Hyde Academy. Sheʼs not just an... More

Sheʼs Temporary Teacher Of Section Gang
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19

Chapter 18

1.4K 58 36
By PatriciaAlih

“Annyeong!” maarteng kumaway si Eunice kay Henry nang napadaan ito sa table namin. He just smiled at her and bowed slightly as a sign of respect before going straight to the counter.

Weʼre here now in the cafeteria, kumakain ng lunch. Kanina ang iingay ng mga estudyante rito dahil usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang pagkamatay ni Nathan, tumigil lamang nang pumasok dito ang mga Section Gang na hindi ko alam kung bakit natagalan.

Nasabi ko na rin sa mga kasama ang katotohanan na ang SSG President ang mastermind. Iyon nga lang hindi pa rin kumbinsido sina Kuya Roman at Darwin dahil iniisip nilang kinakampihan ko ang mga estudyante ko kahit hindi naman.

“Parang young version niya si Cha Eun Woo,” sabi ni Eunice habang sinusundan ng tingin si Henry.

Siniko ko siya kaya naputol ang paninitig niya sa binata. “Sino naman ‘yon?” Wala naman akong pakialam sa mga oppa niya sa Korea pero curious ako kung may kamukha nga ba talaga si Henry?

She blinked twice as she turned to me. “Wait a minute! Iʼll show you,” she said before picking up her phone.

Umusog ako at dumungaw sa cellphone niya. Even though she quickly typed the password, I still read the name she typed. I just kept my mouth shut to avoid asking. Sheʼs too obvious. Why isnʼt her lock screen password just a PIN if she doesnʼt want anyone to know?

She opened the Gallery and I saw many pictures of her and Korean actors. My eyes caught the picture of a familiar man but she scrolled quickly until she stopped and pressed something. 

“Here!” sabay pakita niya sa akin.

Ngumiwi ako. “Ang layo...”  I said because they donʼt look alike. Siguro kaya niya nasabing magkamukha dahil parehong singkit ang mga mata at maputi. Theyʼre both handsome but it seems unbelievable that one looks so natural. 

“Heʼs got plastic surgery?” May nabasa kasi akong article noon na mahilig daw magparetoke ang mga Korean lalo na kapag celebrity. In fact, Korea is number one when it comes to plastic surgery. Hindi naman siguro nagparetoke si Henry, he wouldnʼt have joined the gang kung ayaw niyang mabugbog ang maamo niyang mukha.

“Of course not! Thatʼs his real face! I even have a picture of him when he was young,” Eunice defended even though Iʼm just asking.

Ganito ba talaga kapag solid fan ka? Iyong tipong buong pagkatao ng idol mo saulo mo lahat? You always updated on his or her life? So weird.  Buti na lang hindi ako ganʼon kahit mayroon din naman akong hinahangaan na celebrity sa Hollywood.

“Is that an actor?” tanong ko dahil hindi naman lahat ng guwapo artista, minsan mga gangster na walang pakialam sa mundo.

“Yup! He was also a member of the boy band group,” she said proudly.

“Mas guwapo pa rin ang mga gumaganap na James Bond.” Umismid ako pagkatapos sumimsim ng lemon juice. 

“Hater ka talaga!” Inirapan niya ako bago nagpatuloy kumain.

“Nope, Iʼm just telling the truth. Mas natural na matangos ang ilong ng mga Amerikano,” katwiran ko.

“Mas bet niya kasi kapag daks!” sabad ni Sofia. 

“Bibig mo,” banta ni Kuya Roman sa kanya kaya napatakip siya ng bibig habang humahagikgik.  

Kunot-noo ko naman siyang binalingan. “Anong ducks? Pato?” hindi ko alam kung bakit napunta roon ang usapan.

She shook her head while holding back her laughter. “Nevermind.”

We were surprised when the students suddenly screamed. Hinanap ng mata ko ang pinagmulan at nakita kong papasok dito sa cafeteria ang mga varsity players na pinangungunahan ni Jaxon Sullivan. They are wearing different colors of Jersey, I donʼt even know which one is original. Medyo hinihingal pa sila at pawisan na mukhang katatapos lang mag practice.

Kung kanina ang tahimik ng mga estudyante rito, ngayon nag-iingay na naman sila na para bang nakakita ng artista.

“Jax, diligan mo ako!”

Napalingon ako sa sumigaw. Si Kyrie iyon na tinutukso ng mga kaibigan.

Baʼt ka magpapadilig? Halaman ka ba?

Gusto kong mapairap. I still havenʼt forgotten what she did to me. Parang gusto ko rin kalmutin ang mukha niya dahil sa dinami-rami ng lalaki rito, estudyante ko pa talaga ang nilalandi niya! 

Mabuti na lang hindi siya pinansin ni Jaxon, ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin dahil diretso itong lumapit sa bakanteng lamesa kasama ang teammates. Pang lima lang ang rectangular table kaya pinagdugtong nila ang dalawang mesa para magkasya silang lahat. They compressed the banquet chairs before sitting there.

Dumako ang tingin ko sa table ng mga Section Gang. They were eating and talking in silence, sometimes catching a glimpse of Jaxon having fun with his teammates. I even heard Josiahʼs rant that he called Jaxon a fake friend

Wala namang ginagawang masama si Jaxon, normal naman na makihalubilo siya sa mga kapwa niyang manlalaro lalo naʼt may practice sila ngayon sa basketball. Hindi lang siguro maiwasang magtampo ang mga kaibigan niya dahil parang mas pinipili niya ang mga iyon kaysa sa kanila.

I wonder kung ganʼon din ba sila sa future girlfriend nila? Are they the type who get jealous when their loved ones is with someone else? I canʼt imagine that, especially since they hurt women and arenʼt interested in relationships. 

Bumaling ako kay Eunice na nakatutok sa cellphone. Every time she watches K-drama and K-pop music videos, umiilag ako kasi nanghahampas siya kapag kinikilig. Hindi ako makarelate kasi hindi naman ako mahilig dʼon. 

“Whoʼs that on your wallpaper?” I asked her, pretending to be interested.
I tried to focus on something just to avoid Henryʼs gaze on me.

“Si Chen Feiyu. Asawa ko!” kinikilig niyang sabi habang hinahampas ako sa braso. Kaya ayaw kong tumabi sa kanya kasi nananakit ang babaeng ‘to!

“Korean din?” Sinubukan kong sumulyap kay Henry at naabutan kong nakatitig pa rin ito sa akin. Even though their table was a little far from us, I could clearly see him staring at me.

Ako ba talaga ang tinitingnan niya o nag delulu lang ako?

I looked behind to confirm if he was looking at someone there, kaso sa tabing lamesa namin ay puro mga lalaki ang naroon.

Muli akong napabaling sa kanya at pinandilatan siya ng mata. Ngumuso naman siya at nag-iwas ng tingin sa akin.

“Hindi. Chinese-American actor. Mahilig din kasi akong manood ng C-Drama... ang guwapo niya, ‘no?”

Napatitig ako sa larawan na iyon at bahagyang napaismid. “Badboy looks.” Parang si Braxton. Pero mas guwapo ito kaysa kay Braxton na mukhang adik.

“Ganyan ang type ko.”

“Hoy, kayong dalawa! Dapat gawang pinoy ang tinatangkilik niyo hindi mga banyaga! There are many handsome actors here in the Philippines at marami ring magandang palabas!” sabad ni Sofia.

“Nanonood din naman ako paminsan sa TV kaso nakakaumay dahil pulos kabit ang pinapalabas,” sabi ni Eunice. “Ikaw, Brielle?” Paling niya sa akin.

“Napanood ko na lahat ng pelikula ni Fernando Poe Jr,” pagmamalaki ko pa. Syempre sa YouTube ko lang napanood, hindi ko naman naabutan ang kapanahunan niya.

Sumimangot siya. “Puro action naman ‘yon!”

“Thereʼs also romance in his movie... iyong pelikula nila ni Sharon Cuneta.” 

“Kinikilig ka?”

Naglapat ng mariin ang mga labi ko. “Hindi,” simpleng sagot ko.

“Wala ka talagang sweetness sa katawan! Iyong gusto mo siguro puro patayan.”

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ganito kawalang kwenta ang pinag-uusapan namin. Sinakyan ko lang naman ang kalokohan ni Eunice upang mawala ang gumugulo sa aking isipan at isa pa gusto kong maibaling sa iba ang atensiyon kaysa sa makipagtitigan kay Henry.

Pagkatapos naming mag lunch dumiretso na sila sa faculty, samantalang dumaan muna ako sa Principal Office.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal doon si nurse Audrey. Pulang-pula ang kanyang mukha at nahagip pa ng mata ko na bahagyang nakabukas ang blouse niya kaya kitang-kita ang itim na bra. Mabilis din naman niya iyon tinakpan gamit ang clipboard. 

“U-Uh... h-hi,” awkward siyang ngumiti at kumaway.

My eyes slowly squinted at her. I wanted to ask her but she immediately left. Nilingon ko siya at nakita kong nanginginig ang mga kamay niyang inaayos ang suot na puting blouse habang mabibilis ang kanyang hakbang.

Kumatok ako nang malakas sa pinto upang ipabatid na may tao sa labas. Ayoko namang buksan agad ang pintuan dahil baka madatnan ko siyang walang saplot sa katawan.

When I heard the response, I quickly turned the doorknob and went inside. 

Naabutan ko siyang nagbubutones ng suot na black long sleeve polo shirt. Nakatalikod ito sa akin at kahit may katandaan na matipuno pa rin ang pangangatawan.

Iʼm not stupid enough to not understand what theyʼre doing here in the office. Mabuti sana kung hindi ko sila nakita sa ganitong sitwasyon baka iisipin kong nagpapagamot lang itong si principal sa nurse kaso mukhang iba na yata ang dinaramdam ni Mr. Alvarez. Matanda na pero malakas pa rin sa babae.

“Anong sadya mo, hija?” tanong niya nang humarap sa akin.

Hindi na ako magtataka kung bakit mayroong nahuhumaling sa kanya kahit may katandaan na ito. Heʼs freaking handsome! Hindi tumutugma ang edad niya sa hitsura dahil kung ako ang tatanungin, parang magkasing-edad lang sila ni Laurence.

Sa pangalawang pagkakataon na natitigan ko siya ng husto, ngayon ko lang natukoy kung sino ang kamukha niya. Walang iba kundi si Surge! His last name is also Alvarez, so maybe this is his father or grandfather?

Hindi nga lang ako nakakasiguro dahil maraming Alvarez na apelyido. At kahit pamilya niya ito, hinding-hindi ko sasabihin kay Surge kung ano ang nasaksihan ko.

Sinabi ko sa principal kung ano ang sadya ko kung bakit naparito ako. Hihingi sana ako ng textbooks para sa mga estudyante ko. Thereʼs no problem when it comes to their reading comprehension kaso dahil mababa ang grado nina Josiah at Evan, I want them to improve.

Malaking tulong ang libro para sa karagdagan nilang kaalaman sa pag-aaral. Of course, as a teacher, I will help my students learn by providing learning materials upang mahasa ang kanilang talino.

He sat on the swivel chair and clasped his hands. “I salute you, because you still agreed to be their temporary teacher even though you know theyʼre dangerous. Kayo lang ng nanay mo ang nakakatiis sa ugali nila... kaya maraming salamat,” aniya.

“Iʼm just doing my duty as a student teacher,” agap ko.

Nakatuko ang dalawang siko sa lamesa, he intertwined his fingers and put his chin on top of them. “Arenʼt you afraid of them?” he asked seriously.

I raised my eyebrows at him. “Why should I be afraid of them? Baka sila pa mismo ang matakot sa akin,” hindi ko maiwasang magtunog mayabang.

Pagak siyang tumawa. “Bilib ako sa tapang mo,” tumatango-tango niyang sabi. “Pero hindi mo man lang ba naisip na magturo sa ibang section?” pang-iintriga pa niya.

Umiling ako kahit minsan ng sumagi sa isipan ko iyon.

“Hindi ka naman pinipilit, you have many choices if youʼre not comfortable with them. But while Mrs. Griffin isnʼt here, you better stay there first.”

Bumuntong-hininga siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Nakikita ko naman na pursigido kang makapagturo. Just keep doing it. Baka balang araw... ikaw ang makakapagpabago sa kanila,” dagdag pa niya.

“All I have to do is get along with my students, even I wasnʼt the reason for their change...” wika ko.

After he told me where I can get the textbooks, he talked to a client on the phone because besides being the principal, this man is also a businessman. Napakanormal niyang magsalita at kumilos na para bang wala siyang ginawang kababalaghan kanina.

Bago pa man maglayag sa kung saan ang aking isipan ay minabuti kong umalis na roon matapos makapagpaalam.

Pumunta ako sa library na kaharap lang ng principal office. Isang gusali na may malapad na dalawang palapag, kitang-kita ang mga matataas na shelf at mga iilang taong nakaupo sa table dahil glass wall ang nasa front.

Medyo guminhawa ang pakiramdam ko nang sinalubong ako ng malamig na aircon pagkapasok ko roon sapagkat napakainit sa labas. Napahimas ako sa magkabilang braso habang inilibot ang paningin sa mga naroon hanggang sa napako ang tingin ko kay Henry na mag-isang nakaupo sa table habang nagbabasa ng libro.

Lalapitan ko sana siya ngunit naunahan ako ng babae.

Napatigil ako sa paghakbang at maigi ko silang pinagmasdan. The girl sat across from Henry.  Dahan-dahan naman nitong binaba ang libro at kinausap ang dalaga na tila matagal na silang magkakilala.

Girlfriend niya ba ang babaeng ito? Ito ba ang dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan nila ni Lucius? At saka, gnito ba ang tipo niya? Malapad ang noo na parang landing-an ng airplane?

Maganda naman siya. Maputi at bilugan ang mga mata. Straight ang mahabang buhok na hanggang baywang, nahiya ang buhok kong bihira lang suklayan. And if Iʼm not mistaken, sheʼs one of the SSG Officers I saw earlier. 

Lumapit na lang ako sa librarian upang makisuyo sa hinihingi ko. Medyo istrikta ang babaeng may katandaan na. Sa likod ng suot niyang salamin, nanliliit ang mga mata nitong nakatitig sa akin. May permission naman ako mula sa principal kaya wala siyang naging komento tungkol doon.

“Sumunod ka sa akin,” aniya at nagpatiunang naglakad.

Agad naman akong tumalima, pilit kong huwag lingunin ang dalawa na mukhang nagkakamabutihan na.

Umakyat kami sa hagdan patungo sa bodega. Maraming nakatambak na sirang libro na tingin koʼy puwede pa namang gamitin, ang mga bago naman ay nasa loob pa ng kahon.

Nagpatulong kami sa janitor dahil hindi namin mabuhat ang mga pinagpatong-patong na malaking karton. When he put the six boxes on the floor, I opened them one by one with a sharp cutter blade and took out thirteen textbooks per subject. Medyo na pressure ako dahil hindi ko alam kung paano ko ito dadalhin, mabigat ito at masyadong marami. Kaya naman nagpasalamat ako nang sinabi ng librarian na ipapadala na lang niya ang mga ito sa mga trabahante.

I went downstairs because the class was about to start in a few minutes. Binagalan ko lang ang paglakad nang mapatingin ako sa dalawa na masinsinan pa ring nag-uusap.

Biglang kumulo ang dugo ko. Bakit sa klase ko nagbabasa siya ng libro at hindi nakikinig sa akin pero pagdating sa babaeng iyan nakatuon ang atensiyon niya na para bang napakainteresado ang pinag-uusapan nila?! How disrespectful! Kanina lang wagas makatitig sa akin tapos ngayon may ka-study date na sa library?

I rolled my eyes and continued walking. When I got out of the library, I was even more annoyed because of the sunlight that hit my eyes, sinasabayan pa ang init ng ulo ko!

“Brielle!” si Sofia na patakbong lumapit sa akin. Kung makaasta rin ang isang ‘to akala mo ngayon lang ako nakita.

“What?!” singhal ko sa kanya.

Umangkla siya sa braso ko at nagpa-cute. “Ipakilala mo naman ako—” Napatigil siya sa pagsasalita nang bigla kong hinawi ang kamay niya.

“Marami akong gagawin.” Lalagpasan ko sana siya ngunit marahas niya akong hinila sa braso.

“Ano ba!” iritado kong lingon sa kanya dahil ang higpit ng pagkakapit niya sa akin.

“Bakit ba ang damot mo? Pangalan lang naman ang hinihingi ko!” pagmamaktol niya.

Pumikit ako ng mariin dahil naiinis na ako sa babaeng ito. “Puwede ba, Sofia? Tumigil ka na! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang nagkagusto ka sa estudyante? Mahiya ka naman sa sarili mo! Ang tanda mo na pumapatol ka pa sa bata.”

Hindi ko pagsisihan ang sinabi ko. Dahil minsan kailangan makarinig tayo ng mga masasakit na salita upang matuto at itama ang pagkakamali.

Alam ko naman na hindi niya didibdibin ang sinabi ko kahit prangka ako magsalita.

“Whatʼs your problem? Bakit ang init ng ulo?” tanong niya, nakakunot ang noo.

“Wala kang pakialam.” Saka ko siya tinalikuran.

Doon ko lang narealize na ang selfish ko pala. Tama siya. Madamot ako. Pangalan lang naman ang hinihingi niya, ‘di ba? Bakit hindi ko maibigay?

Wala akong karapatan manghimasok sa buhay ng mga estudyante ko. Hindi ako ang magdidikta kung sino ang babaeng nararapat para sa kanila, kaya hahayaan ko sila kung saan sila masaya.

As I said earlier, Iʼm not the one who can change their personality.

𝗣𝗔𝗧𝗧𝗬’𝗦

Continue Reading

You'll Also Like

380K 16.9K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...
52.8M 1.3M 70
after a prank gone terribly wrong, hayden jones is sent across country to caldwell academy, a school for the bitchy, the dangerous and the rebellious...
261K 2.6K 14
Si Keith Wyn Smith, meron syang isang pamilya mahirap lamang sila, pero kahit mahirap ang pamilya ni keith ang daming umaaligid sa kanya dahil sa tag...
20.2M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...