Sa nagaganap na practice game tila ngayon palang magsisimula ang laban nagkaroon ng fighting spirit ang mga junior high dahil sa captain nilang si Ace
Tumindi ang paghaharap ni Sakuhako at Ace
Walang nagpapatalo sa dalawa, Ngunit sa katagalan lumalamang si Sakuhako dahil sa galing nitong mag dribble ng bola na walang pagkakataon si Ace na maagaw ang bola sa kanya
Habang si Ace pinapasa sa mga kasamahan nya ng sa ganun kahit papaano ay makapuntos sila
Lumipas ang ilang minuto
"Napansin ko parang kanina pa nila binabanggit ang pangalan mo" sabi ni Zoey
"Ehhhh?"
"Hindi mo ba narinig? Naalala ko noong inamin mo sakin ang tunay mong nararamdaman na ayaw mong mawala si hako dahil may gusto ka sa kanya diba?" Sabi ni Zoey
Medyo napangiwi si Kate at namula ang pisngi umiwas ng tingin
"Hay hindi natin alam kung ano talaga nararamdaman ni hako sa dami ng nagkaka-crush sa kanya, Pero siguradong meron na syang nakita na special sa kanya, kung sino man sa inyo ang pipiliin nya dapat tanggapin nyo yun" sabi ni Zoey
Habang nakayuko lang si Kate na namumula ang mukha di makatingin ng deretso
"Babae yung kausap ni hako kanina diba? At mukhang hindi sya taga shohoku high taga dito sa kanagawa, nakita mo yung ngiti nya habang kausap nya yung babaeng sa cellphone kanina, Heto yung First time na nakita natin syang ngumiti habang may kausap na babae, Siguradong hindi sya pangkaraniwang babae" sabi ni Zoey
Medyo nabigla si Kate sa narinig nya habang tudo ang cheer ng mga babaeng players ng shohoku kay Sakuhako na nasa likuran lang nila
Hunarap muli sya sa mga naglalaro ngayon
Gamit ang katawan ni Sakuhako sa likuran nya tinutulak nya si Ace nang magkaroon ng space umatras sya at mabilis na nag jumpshot
Sumenyas si Gildar na counted ang tira na yun subalit biglang tumayo si Kate
"Hoy Gildar hindi mo ba nakita na foul ang ginawa ni Hako" sigaw ni Kate
"Huh!?" Nagulat ang mga nakarinig maging si Ace at Sakuhako natigil ang laro
"Huh? Foul?" Tanong ni Gildar
"Pushing Foul kaya hindi counted yung tira nya" sabi ni Kate
"Pero" sabi ni Gildar
"Mas marunong kapa kaysa sakin" inis na mukha ni Kate
Habang si Sakuhako at Ace
"Anong nangyayari?" Tanong ni Ace
"Ggrahhhmm hoy Kate anong foul ang sinasabi mo ahh" tanong ni Sakuhako subalit kumulot lang ang noo ni Kate sa kanya
"Uhhffpp anong problema nya" napangiwi na si Sakuhako
Pagkatapos umupo na ulit si Kate
"Napasubra ba ako kanina? Diko inaasahan na ganyang magiging reaction nya" sabi ni Zoey sa kanyang isipan
At habang tumatakbo si Sakuhako nakatingin sya kay Kate na nakaupo ngayon sa bench
"Kakainis! Bakit bigla na lang syang nakialam, Paano naging pushing foul yun? Hindi ko nman tinulak gamit ang kamay" sabi ni Sakuhako sa kanyang isipan na naiinis
Nakita nya ang masungit na mukha ni Kate na nakatingin din sa kanya
"Ahhk galit ba sya?" Tanong muli ni Sakuhako sa kanyang isipan
Sa pushing foul kapag itinulak mo ang player gamit ang mga kamay mo, Pushing Foul iyon
Kung katawan ang gagamitin ay hindi pushing foul iyon, Specially sa mga Centers kapag naglalaban sila sa ilalim ng basket katawan ang ginagamit nila walang tulakan gamit ang kamay
Sa ginawa ni Sakuhako kanina hindi pushing foul yun subalit dahil mukhang badmood ata si Kate wala na silang nagawa
Maya maya lang
"Kaya mo yan Ace" sigaw ng mga kapwa Junior players ni Ace
Tumalon si Ace para idakdak ang bola subalit biglang tumitaw si Sakuhako nagkabanggaan sila ng katawan subalit naipasok parin ni Ace ang bola habang si Sakuhako bagsak sa sahig
Pumito si Gildar
"Not Counted, Offensive Foul #4" sabi ni Gildar
Tamang ngiti nman si Sakuhako habang nainis si Ace
Nang biglang
"Foul si Hako, At hindi si Ace" sabi ni Kate
"Ahhhkk" parang naging semento na si Sakuhako
"Teka Kate kitang kita nman kung sino ang foul" sabi ni Zoey
"Mas marunong pa kayo, Kaya mabibigyan si Ace ng 1 shot" sabi ni Kate
"Okey" sabi ni Gildar
Habang si Sakuhako
"Ggrahhhhh" parang asong ungol ni Sakuhako
"Hindi nman ata tama yan, Ano kayang nangyayari sa kanya" sabi ni Lyion
"Kate" sabi nman ni Renz
Pati narin si Althena at ilang mga babaeng players ng shohoku ay naiinis na kay Kate
Nagsalita na si Althena
"Hindi nman ata tama yan, kitang kita nman kung sino ang foul, Kaede" sabi ni Althena
"Ano bang alam mo? Althena? Ihanda nyo na lang ang sarili nyo dahil mamaya tayo nman magtutuos" sagot ni Kate
Di magawang lumaban ni Althena dahil si Kate ang tunay na pinuno ng Shohoku sya ang Coach at sinusunod ng lahat
Kaya sa huli ang resulta ng laban ay talo ang High School player nanalo ang Junior players na ang lamang nila ay 2 points
Tulala na nakaupo sa sahig sa gitna ng court si Sakuhako
Habang ang apat na kasama nya ay mukhang okey lang sa kanila na natalo sila lalo pa ng makita nila na masayang masaya ang starting five ng shohoku junior players pero si Ace alam nya ang ginawa ni Kate kaya hindi na sya nagsalita
"Ggrahhhh isa tong malaking pagkakamali, kami natalo ng mga junior players? Ggrahhhh ahhhhhh" sigaw ni Sakuhako sabay tayo nya
Lumingon sya kay Kate habang si Kate na papunta na sana sa female locker napangiwi dahil naramdaman nya ang matinding enerhiya ni Sakuhako
"Kaedehhh" at mabilis na nilapitan ni Sakuhako
"Ano bang problema mo" tanong ni Kate
"Hakohh" saway nman ni Renz
"Wag kang makialam" sigaw ni Sakuhako
"Halika nga dito Kate, mag usap tayo" sabay hinawakan ni Sakuhako ang kamay ni Kate pilit na hinihila palabas ng gym house
"Ano kaba bitawan mo koh" pagpupumiglas ni Kate nang biglang binuhat ni Sakuhako si Kate para hindi makawala
Nagulat sina Althen, Zairyl, Miu, Zoey at iba pang mga players ng shohoku sa ginagawa ngayon ni Sakuhako kay Kate
Hinawakan ni Akito si Renz sa balikat dahil tila pipigilan ni Renz si Sakuhako
"Anong nangyayari?" Gulat na si Zoey
"Wow ganyan sila ka close?" Sabi nman ni Aimi
"Hindi yan ginawa sakin ni Hako, Ggrahhhh hakohh ngayon alam na si Kate talaga pala gusto mo" sabi ni Althena
Habang si Kate na nagwawala
"Ibaba mo koh ano kaba" sabi ni Kate
"Tumahimik ka, ngayon magbabayad ka sa pakikialam mo" sagot ni Sakuhako
Napatahimik si Kate sa pagpupumiglas
Pagkalabas ibinaba ni Sakuhako
"Ggrahhhh galit kaba sakin ahhh ggrahhh kung hindi ka sana nakialam kami sana ang nanalo, Siguro may gusto ka sa ace nayun kaya mo sya kinakampihan" sabi ni Sakuhako nang biglang kumulot ang noo ni Kate at naging masungit
"Ano nman ngayon kung may gusto ako kay Ace? May pakialam kaba?" Sagot ni Kate
Biglang sumabog ang galit ni Sakuhako lumabas ang ugat sa sintido nya at noo
"Kaede Kate talaga bang ginagalit mo koh ahhh" seryosong boses ni Sakuhako
"Wag ka ngang masyadong assuming hakoh, Ano nman ngayon kung may gusto ako kay Ace at maging kami? Labas kana dun personal na buhay ko na yun naiintindihan mo?" Sagot ni Kate
"Kung ganun, Anong ibig sabihin ng sinabi mo sakin noon? Isa ba yung kalokohan? Diba sabi ko wala ng taguan ng sekreto? Hindi mo alam kung anong sakripisyo ginagawa ko ngayon para sayo" sabi ni Sakuhako
"Taguan ng sekreto? Ehhh ano bang sinasabi mo, ikaw nga itong may tinatagong sekreto, At anong sakripisyo na sinabi mo?" Tanong ni Kate
"Wala akong tinatagong sekreto, Sinabi kona sayo lahat, yung tungkol kay Ate Aisha wala na kami lahat lahat sinabi ko sayo at sinabi mo rin sakin ang lahat ng sekreto mo, Kaya nga ako nagtratrabaho ngayon para sayo tapos yan ang igaganti mo" sabi ni Sakuhako
Medyo nabigla si Kate sa narinig nya
"Nagtratrabaho ka? Bakit?" Tanong ni Kate
"Sasabihin ko nman sana sayo mamaya, Nagtratrabaho ako ngayon sa isang mayaman, Don sa babaeng ang pangalan ay Hisaka Koamoto nalaman ko na nag iisa syang anak na babae ng Koamoto Family, mayron syang dalawang kapatid at yung isa dun ay pangalan na nabanggit ni Renz na kinuwento mo sakin, Isang beses tinanong ko sya kung may kilala syang David Clifton, Confirm kilala nya, Nagtratrabaho ako sa kanya bilang body guard at ang bayad nya sakin buwan buwan 100,000 dollars" sabi ni Sakuhako
"Koamoto? Teka sya ba yung tumawag sayo kanina na babae?" Tanong ni Kate
"Oo, pinapapunta nya ako ngayon sa bahay nya" sagot ni Sakuhako pero kumilot parin ang noo ni Kate
"Ehhh bakit My Little Cat ang pangalan nya sa cellphone mo" tanong ni Kate
"Guhhhk ahhh yun kasi ano, Kinuha nya sakin yung cellphone ko at sya nagsulat non, wala nman akong magagawa, Grabe ang sakripisyo ko ang turing sya sakin ay parang aso, kaya para sayo tinitiis ko yun" sagot ni Sakuhako
Biglang naglambot ang mga mata ni Kate sa kanya at sinabi
"Sorry hindi ko nman kasi alam, Hindi mo nman kailangan magtrabaho para sakin" sagot ni Kate
"Teka wag mong sabihin kaya ka nagagalit dahil sa" sabi ni Sakuhako
"Hindi noh, Tignan mo sila masayang masaya sila na sila ang nanalo, nadagdagan ang fighting spirit nila kaya siguradong magtatagumpay sila sa elimination games ng Interjunior Tournament, Wag ka ng magalit, Sorry na" sabi ni Kate
"Hhuuhhmmm" nagtatampo parin na si Sakuhako
"Hakoh nangako tayo sa isat isa na wala tayong itatago na sekreto, At naniniwala ako sayo, yung tungkol kay Ace hindi totoo yun, matagal kona syang ni-reject at wala akong gusto sa kanya, shaka bakit ka nagagalit? Magkaibigan lang nman tayo" sabi ni Kate
"Ahhhh ano wala basta ayoko na pormahan ka ni Ace kapag pinormahan ka nya i-reject mo, Sinabi kona sayo ililigtas kita sa walang hiyang David na yun basta yun na yun" sagot ni Sakuhako
"Kung ganun, Ako rin ganun din ako hindi ko alam kung bakit kinuha ka ng sinasabi mong anak ng Koamoto Family, Siguradong maganda, shaka ayoko din na kapag may lumandi sayo bibigay ka, Lumayo ka sa kanila" sabi ni Kate
"Hindi sya maganda, Mas maganda ka kaysa sa kanya" sagot ni Sakuhako
Napatitig sa isat isa ang dalawa
"Ahhh bakit ba pinag uusapan natin tohh hindi ko maintindihan" sabi ni Sakuhako nang biglang
"Lovely Dovely dito pa kayo nag uusap nag aaway ba kayong dalawa?"
"Guhhhh" parehong nanginig at napangwi si Kate at Sakuhako
Lumingon sila sa likuran nila nakita nila si Haruko kasama si Haruka at Sakura sinundo pala ni Haruko sa skwelahan
"Ma-mama" sabi ni Sakuhako
"Tita Haruko" sabi ni Kate
"Hakoh inaaway mo ba ang girlfriend mo?" Tanong ni Haruko
"Gi-girlfriend?" Namula ang mukha ni Kate
"Hindi ko sya inaaway, mayron lang kaming pinag uusapan, Teka ano bang ginagawa nyo dito?" Tanong ni Sakuhako
"Dumaan na kami dito, hakoh wag mong aawayin ang girlfriend mo ahh" sabi ni Haruko
"Hindi ko sya inaaway" sagot ni Sakuhako
"Hindi nya po inaaway" sagot ni Kate
"Ate Kate, manonood kami ng practice game ninyo" sabi nman ni Haruka
"Tamang tama kami na maglalaro, tara pasok po kayo Tita" sagot ni Kate
Kitang kita na gustong gusto ni Haruko si Kate para kay Sakuhako subalit habang papasok na sila sa shohoku gym si Sakuhako nman na naiwan bigla na lang napasabunot sa buhok nya
"Ahhkk paano toh? Paano kung sabihin ni mama na girlfriend ko si Kate sa buong Shohoku kakalat na toh sa buong skwelahan, Nagpapanggap lang kami, bahala na kung ano mangyari ang importante" sabi ni Sakuhako
Nang biglang lumingon si Kate sa kanya
"Ano pang ginagawa mo dyan?" Tanong ni Kate
"Hakoh" sabi ni Haruko
"Ang importante mailigtas ko sya yun lang" sabi ni Sakuhako sa kanyang sarili at sumunod na rin sya pumasok sa shohoku gym