The Don's Boys (Rodrigo) - Va...

By Tadzrei2

7.4K 68 12

Alam ni Teresa na isa lamang ang gusto ni Rodrigo sa kanya: ang umalis uli siya sa bayang kinalakhan niya. Sh... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 6

340 2 0
By Tadzrei2

CHAPTER SIX

HlNDI inaasahan ni Teresa ang naramdaman niya
sa muling pagkikita nila ni Agapito. Una ay inakala
niyang magagalit pa rin siya, na pamumukhaan niya
ito sa kabila ng pang-iiwan nito sa kanya sa ere ay
nabuhay niya at napalaki niya nang maayos ang anak
nila. Ibig niyang ipamukha rito na sa kabila ng
katotohanang alam nitong nasa poder siya ng pinsan
nito ay hindi man lang ito nag-exert ng effort para
makita silang mag-ina at kumustahin. Ni hindi nga ito
sumulat sa pinsan nito para itanong silang mag-ina.
Ngunit wala na pala ang galit sa kanyang sistema.
Sa isang banda ay naunawaan na niya sa wakas ang
isang bagay na noon pa niya nakita rito, kaya lamang
ay hindi kaagad niya tinanggap: na mahina ang karakter nito. Marahil sa nakalipas na ilang taon ay nabahag
ang buntot nito kay Lita. Hindi totoong kailangan ito
ni Lita, hindi totoong kailangan ito ng mga anak nito.
Ito ang may kailangan sa babae at marahil nang
panahong nagkahiwalay sila ay naisip nitong mas
mayroong magagawa si Lita para sa buhay nito kaysa
sa kanya.
, Marahil ay may nadama rin ito para sa kanya, kaya
lamang ay mananatiling mas mahal nito ang sarili nito,
mas mahal nito ang pagkakomportable nito sa puwesto
nito sa mundo kaysa sa anumang bagay sa mundo.
Heto ngayon si Agapito, mukhang maayos naman
ang kalagayan at sa wakas ay nagkaroon ng gulugod
na makita ang anak nito. Naaawa siya rito na hindi
nito nakilala kaagad ang isang tulad ni Lara. Sayang.
Ang daming nawala rito.
"Gusto kong humingi ng tawad sa mga nagawa
ko noon, Teresa," wika nito, mukhang sinsero naman.
Noon ay ilang ulit niyang pinapangarap iyon sa
isip.niya, ang ganoong-ganoong tagpo, na humihingi
ito ng tawad sa kanya habang siya ay maayos na rin
ang kalagayan sa buhay at ito ay palalayasin niya, hindi
ipapaharap dito ang anak nito, at sasabihin dito ang
masasakit na bagay na noon pa sana niy a nasabi kung nagpakita lang kaagad ito sa kanya. Ngunit nanatili
siyang tahimik, walang madamang kahit na anong galit
at wala ring makapang bakas ng pagmamahal niya rito.
Marahil ay iyon na ang pinakamasayang araw
sa buhay niya sapagkat naunawaan niyang malaya
na siya sa pait ng kahapon at malaya na rin sa
pagmamahal na bumihag sa kanya noon, isang uri ng
pagmamahal na napatid sa pagdaan ng panahon at
sarisaring pagsubok.
"Natutuwa akong makitang nasa maayos na
kalagayan ka," anito.
"Gusto mo bang makita si Lara?" tanong niya
rito. Wala siyang makitang dahilan para hindi nito
makita ang anak nito gayong ilang linggo nang hindi
mapakali ang anak niya. Alam niyang ibig ding
makilala ng anak niya ang ama nito. Hindi niya
ipagkakait dito ang ganoong karanasan. Ayaw niyang
lumaki itong nagtatanong kung bakit hindi niya
nagawang ipakilala rito ang ama nito.
Nagliwanag ang mukha ni Agapito, tila labis ang
kasiyahan sa narinig. "Napakabait mo, Teresa."
"Gusto ka niyang makilala, noon pa. Sige,
tatawagin ko siya."
Ganoon nga ang ginawa niya. Anong kasiyahan din niya nang makitang natuwa rito nang labis ang anak
niya. Kahit sino sigurong bata ay ganoon din ang
madarama sa unang pagkakataong makilala ang ama i
nito. Hinayaan muna niya ang dalawa na mag-usap >
at nagtungo siya sa kusina.
"Hmp! Kung bakit kailangan mo pang ipakilalat
si Lara sa walang butong lalaking vyon," ani Nanang
Guada, sabay ingos. Hindi nito napatawad si Agapito
at hindi nito ikinakaila iyon. "Kung ako lang, naku,
mamatay siya sa kakasilip diyan sa labas. Ni hindii
siya makakapasok sa loob ng pamamahay ko. Hay,
naku, hindi ka pa rin nagbabago, Teresa. Masyado)
ka pa ring mabait."
"Hindi sa mabait, Nanang. Nagkataon lang nai
noon pa siya gustong makilala ni Lara. Ayaw kong:
magalit sa akin ang anak ko o magtanim ng gaht kung
bakit hindi ko ipinakilala sa kanya ang ama niya."
"Eh, paano kung mabola ka na naman?"
"Mukha ba akong mabobola uli, Nanang?"
"Hindi nga, pero ang sabi ni Lara, wala ka raw
naging nobyo kahit kailan, kahit daw iyong si Monding."
Napangiti siya. Nag-aalala na kaagad ito sa kanya
at naiisip pala nito na ang dahilan kung bakit wala siyang naging nobyo sa nakalipas na ilang taon ay dahil
mayroon pa rin siyang nadarama para kay Agapito.
Malayo iyon sa katotohanan at sinabi niya iyon dito.
Mukhang hindi ito kumbinsido ngunit nakontento na
rin sa kanyang sagot.
"Aba'y mas gugustuhin ko nang tumanda kang
dalaga, ganyang may anak ka na, kaysa naman
habang-buhay kang maging miserable sa isang tulad
ng Agapito na iyon. Pasalamat siya at maalwan-
alwan ngayon ang buhay niya at hiwalay na sila ni
Lita, pero wala pa rin siyang binatbat!"
Hinayaan na lamang niya si Nanang Guada sa
mga opinyon nito kay Agapito. Nagpasya siyang
magtimpla na lamang ng tanglad juice o mas sosyal
sa tawag na "lemongrass ieed tea." Binalikan niya
ang mag-ama at nakitang masayang nag-uusap ang
mga ito. Nakinig siya sa usapan ng dalawa.
Maraming tanong dito ang kanyang anak, katulad ng
kung nasaan ang mga anak nito, kung saan ito
nagtatrabaho at mga ganoong simpleng bagay.
Natuklasan niyang mula nang mapaalis ito ng
haeienda ay namasukan ito sa pabrika sa katabing
bayan at hanggang ngayon ay doon ito namamasukan. Sa tagal na marahil ng pagtatrabaho nito ay na-
promote ito bilang supervisor. Nakapagtapos na rin
pala ito ng kolehiyo sa kabilang bayan. Nag-aral ito
sa gabi.
"Nakapagtapos ka pala," aniya. Mabuti pa ito.
"Oo. Kailangan, eh. Kung hindi, hindi ako aangat
«a trabaho. Naisip ko rin kasing lumalaki na ang
mga bata."
Kahit paano ay nakakatuwang malaman na nag-
mature na ito. Nagtaka tuloy siya kung bakit iniwan
ito ni Lita. Kahit gusto sana niyang itanong ay hindi
niya ginawa. Baka kung ano pa ang maisip nito.
Mayamaya ay nagpaalam si Lara. Ipapakita raw nito
kina Nanang Guada ang regalo rito ng ama nito.
Nagboluntaryo si Agapito ng impormasyon sa
kanya. "Isang araw, nagising na lang si Lita na
ayaw na raw niya sa akin dahil masyado nang
maliit ang kinikita ko kahit kapo-promote lang sa
akin bilang supervisor. Ayaw kong pakawalan ang
mga anak ko pero kailangan din nila ang nanay
nila. Ang balita, may ibang nakilala si Lita. Pero
wala akong balita kung sino ba talaga. Masyadong
maraming mga pangalan at hindi ko alam kung
iyon nga ba talaga ang dahilan kaya niya ako iniwan.
"Sa isang banda, masaya na rin ako dahil parang
natagpuan ko uli ang sarili ko na ang tagal-tagal nang
nawala. Plano ko talagang puntahan kayong mag-
ina sa Maynila nitong susunod na buwan. Inipon ko
ang leave ko... Pero naunahan mo ako. Maraming
salamat na pinayagan mo akong makita ang anak ko
at sana pagdating ng tamang panahon, matutuhan mo
akong patawarin."
"Napatawad na kita, Agapito. Salamat sa 'yo,
may Lara ako. Para kay Lara, habang-buhay na siguro
akong magpapasalamat na minsan sa buhay ko ay
nakilala kita."
"Maraming pagkakataong nagalit ako sa sarili
ko na wala akong magawa para makita ko ang mag-
ina ko sa Maynila. Siguro ay talagang bahag ang
buntot ko at ayaw ko na ring magulo ka pa ni Lita
kung sakali man. Hindi nararapat sa 'yo ang ganoon.
Magulo rin ang buhay ko. Hindi dapat na madamay
pa kayong mag-ina."
Inabot nito ang kanyang kamay. Babawiin sana niya
iyon ngunit parang nakahiyaan niya, lalo na at wika nga
ng popular na termino ngayon—nagmo-moment ito. Hindi siya bastos para basagin ang moment na iyon.
"Kung sasabihin mo sa aking lumuhod ako,
gagawin ko."
"Napatawad na talaga kita."
"Talagang ibang klase ka, Teresa. Noon at
ngayon. At napakasuwerte—"
, "I hate to barge in on sueh a melodramatie seene
but I need something eold to drink and maybe a
sandwieh."
Napalingon siya sa nagsalita. Isang lalaki lang
naman ang maaaring asahang maging ganoon ka-
demanding at iyon ang lalaking sinabi niyang hindi
na weleome sa lugar niya: si Rodrigo. Ang lakas ng
loob nitong magbalik pa. Unang-una ay hindi pa
bukas ang kanyang restaurant sapagkathindi pa tapos
ang pagpipintura niyon at kulang pa siya sa kagamitan
kaya ano ang ginagawa nito roon?
Tumuloy na ito sa sala, umupo sa sofa na tila ba
pag-aari nito ang buong kabahayan. He was probably
the most egotistieal bastard in the world! Hayun at
nakatingin lamang ito sa kanya na para bang kailangan
niyang magmadali at pagsilbihan ito. He was probably
treated like a king every where he went. But not in her plaee. Wala itong mapupuwestuhan sa kanyang lugar.
Mapapahiya lang ito.
Tumayo siya. Handa na siyang itaboy ito nang
marinig niya ang tinig ng kanyang anak.
"Sir Rodrigo, Sir Rodrigo! Hello po!"
"Lara, anak, bumalik ka na sa kusina," aniya rito
ngunit tila wala itong narinig na lumapit pa rin kay
Rodrigo.
"How are you, sweetie? So what's today speeial?"
"Today's speeials, Sir: pork blood stew with
ginger and lemongrass, relyenong bangus, tinolang
manok with papaya and pandan riee."
Kung naiba-iba marahil ang pagkakataon ay
napapalakpak na siya sa pagkabibo ng kanyang
anak. Natatandaan nito ang lahat ng leksiyon nito
kay Monding. Sadya ring matalino ito upang alamin
kung ano ang mayroon sa kanilang kusina. Nang
nagdaang araw pa siya nakagawa ng relyeno, ulam
naman nang nagdaang gabi ang dinuguan, habang
ang tinola ay ulam nila kaninang tanghali. Mahilig
siyang magtabi ng sobrang ulam. Kapag tiyak
niyang hindi iyon mauubos, inilalagay niya sa
freezer at ilang araw na hindi gagalawin upang sa
pag-iinit niyon ay bago na naman sa paningin ng kanyang anak. Sawain kasi ito sa ulam.
"Everything sounds so delieious. I' 11 order
everything."
"Yes, Sir!"
Noon siya nakakita ng pagkakataong tumutol.
"You will not be served here, Sir," aniya rito, nakataas
ang noo, sinigurong pormal ang kanyang pananalita.
"We haven't opened yet and I have the right to refuse
entry to the guests who are eoming in."
"And you only weleome weaklings and lame
people."
Napasinghap siya sa labis na pagkabigla sa
kagaspangan at lakas ng loob nito. Nakatingin lamang
ito kay Agapito habang nang-iinsulto ito. Wala pa
siyang nakikilalang taong tulad nito. Mar-'nl dahil
nabigla rin si Agapito ay hindi ito nagsasalita,
bagaman mayamaya ay napansin niya ang pagdilim
ng mukha nito. Nagpaalam na ito sa kanya, gayundin
kay Lara na inihatid ito sa labas.
"Mas mabuting umalis ka na rin dito," wika niya
kay Rodrigo.
"I'm comfortable here."
"Well, I'm not. Gaya ng sinabi ko, hindi ka na welcome dito.' Wag ka nang mag-abalang bumalik."
"I'm hungry. Feed me, babe."
Bilib siya sa lakas ng loob nito. Where the hell
did this man eome from anyway? Saan ito nakilala
ng kanyang kapatid? Ano ang ginagawa nito sa bayan
na iyon? Bakit wala ito sa Maynila kung saan ito
nababagay?
"How dare you eall me 'babe.' Kung ikuwento
ko kaya ito sa kapatid ko?"
Tumawa ito, lumapit sa kanya kaya napaatras
siya. He eupped her face. Sinalag kaagad niya ang
kamay nito.
"I don't think you and your sister are that elose,
babe."
He was an asshole! Tinapakan niya ang paa
nito, isang bagay na marahil ay hindi nito
inaasahang gagawin niya. Ngunit kung inaakala
nitong katulad pa rin siya ng dating babaeng mabait
at walang kahit kaunting angas sa katawan ay
nagkakamali ito. Maybe he listened to what Lita
said. O baka hindi lang si Lita ang mayroong
masasabing ganoon tungkol sa kanya. Ano ang malay
niya kung sinu-sino na ang mga taong nagkukuwento
tungkol sa kanya. At posible talaga na ganoon ang naiisip nito tungkol sa kanya kaya ganito ang iniaakto
nito ngayon.
"You little witeh!"
Napangiti siya. Ngayon ay patalun-talon ito gamit
ang isang paa, habang hawak ang isa pang paa. May
takong ang suot niya, matigas ang kahoy at mapuwersa
ang pagtadyak niya sa paa nito. Hindi niya
sinasadyang patamaan ang mga dulo ng daliri nito
ngunit tila iyon ang natamaan base sa pagkakahawak
nito sa dulo ng sapatos nito. Tila hindi ito nakatiis.
Umupo uli ito at hinubad ang suot na sapatos.
"Ah, shit!" sambit nito, saka hinubad ang suot
na medyas. Napatda siya nang makita ang dugo sa
paa nito. Ganoon ba kalakas ang naging pagtadyak
niya rito.
"Lara, anak, sabihin mo kina Nanang, magpakulo
ng dahon ng bayabas. Kumuha ka ng maligamgam
na tubig, ilagay mo sa palanggana. Kumuha ka rin
ng bimpo."
"Oh, you're going to make the bleeding stop? I
thought you were going to sprinkle some salt over
my wound."
Hindi na lamang niya pinansin ang pasaring nito kahit parang ibig niyang matawa. Sino ba ang mag-
iisip na ang isang lalaking gaya nito ay aaktong
parang batang pikon?
"You're smiling. I ean see that you find my pain
amusing, babe."
"For the last time, do not eall me that again.
Nakakahiya. Baka may makarinig sa 'yo at kung ano
pa ang maisip tungkol sa akin. Ang huling kailangan
ko ay isang bagong intriga na naman. Tiyak kong
alam mo ang kuwento tungkol sa akin."
Noon dumating ang kanyang anak dala ang lahat
ng ipinakuha niya rito. Sinimulan naniyang linisan
ang sugat ni Rodrigo.
"Masyadong sensitibo ang balat mo, parang hindi
ka lalaki," aniya.
Halatang nainsulto ito sa kanyang sinabi. "Well,
pardon my sensitive skin, m'lady. I happen to have
suffered an injury when I went diving last month."
"Hindi ka na dapat nagsasapatos kung ganoon.
Dapat, hinayaan mong gumaling i uina bago mo
ikulob sa sapatos."
"It was almost healed until you deeie 'd to erush
my toes with your lethal bakya."

Noon niya hindi naiwasang matawa. "Para ka
palang bata, Mr. Villafuerte. Para iyan lang, gigil na
gigil ka na sa akin. Halos araw-araw akong may
banli ng mainit na mantika o tubig."
He obviously thought she was insulting him onee
again for he snorted but said nothing. Tapos na
niyang linisan ang paa nito kaya nilanggas naman
niya iyon ng katas ng dahon ng bayabas.
"Tinuli mo ang paa ko," mayamaya ay komento
nito. Hindi na niya kailangang tumingin sa mukha nito
para maunawaan ang biro nito. Natawa na naman siya
nang malakas, saka nilingon kung naroon ang kanyang
anak. Wala ito, lusot ang lalaki. Nilagyan na niya ng
Betadine ang sugat, saka binalutan ng gasa. "'Wag
mo na munang basain. Mas maganda kung hindi
makukulob kahit isang linggo lang."
"Yes, doetor."
"You may stay here for a while."
Nang tingnan niya ito ay natagpuan niyang nakatitig
ito sa kanya. Naulang na nagbawi siya ng tingin. Bakit
ba kailangan nitong hulihin ang kanyang mga mata?
Kung hindi man nito sinasadya iyon, bakit hindi nito
magawang mag-iwas ng tingin? Why was he making her feel uncomfortable?
Dahil alam nitong hindi niya nakakausap ang
kanyang kapatid, ano pa nga ba? The man was like
any other man in the planet—he was an asshole.
Mayroon siyang pakiramdam na hindi titigil ang
lalaking ito hangga't hindi nakukuha ang gusto nito—
ang paalisin siya roon, sapagkat iyon ang gusto ng
kanyang kapatid.
Ngunit kung pakaiisipin, kung sinusunod nito ang
kapatid niya, ibig sabihin ay mayroon itong paggalang
kay Clara, mayroong malalim na pagmamahal. Kung
ganoon, bakit siya nito animo inaakit? Bakit nagiging
isang flirt ito sa kanya? Was he really flirting with
her or just insulting her?
Maybe the latter. And it was driving her crazy.
Marahil ay estilo nito ang tratuhin siya nang ganoon
nang sa ganoon ay mainis siya. Ano ba ang alam
niya sa plano nito?
"Sir Rodrigo, nakahain na po ang mesa para sa
inyo," wika ni Lara.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Saglit pa
lamang si Lara sa probinsiya ay mukhang tumitigas
na ang ulo nito. O baka hindi nito naisip na seryoso siya
sa habilin niya ritong huwag nang pagsisilbihan uli si Rodrigo.
"Really? You are a very good host indeed, not
like your mama who always wants me to leave."
Tumingin sa kanya ang kanyang anak.Tila nahiya,
ito. Marahil ay noon lamang nito naalala ang kanyang
habilin. Gayunman ay ayaw niyang mapahiya ito.
Hindi siya ganoon magpalaki ng anak kaya naman
ngumiti siya rito at sinabi ritong ito na ang bahala
'sa kanilang eustomer.
Sinamahan nga nito si Rodrigo sa dining area
kung saan mayroon nang mga upuan at bar na halatang
hindi pa ginagamit. Sinindihan ng kanyang anak ang
mga ilaw kaya nagmukhang napakaganda roon,
eleganteng Filipiniana ambianee—mula sa mga
sinaunang lampara hanggang sa mga antigong upuan
at mesa. Dinala ng kanyang anak sa tulong ni Nanang
Guada ang pagkain ni Rodrigo.
The man asked her daughter to join him and she
did. Mas mainit pa ang pakitungo nito sa estranghero
kaysa sa sarili nitong ama. Ah, marahil ay dahil wala
itong nadaramang pagkailang kay Rodrigo kompara
sa ama nito. Bukod doon ay mukhang nadadaan ni
Rodrigo sa eharm ang kanyang anak. Marunong itong makitungo sabata. She even wondered why. Mukhang
hindi ito ang tipo ng taong mayroong pasensiya sa
mgabata.
Nakinig lamang siya sa usapan ng dalawa. Kahit
paano ay natuwa siyang malamang nasasarapan ang
lalaki sa luto nila. Malaking bagay iyon para sa kanya
sapagkat nasa pagluluto ang kanyang passion at ang
gusto niyang gawin buong buhay niya. Natuklasan
lamang niya iyon nang nasa Maynila na siya.
"Siyempre naman po, masarap talaga ang pagkain
namin dito. Simple pa nga po 'yan, eh. Kapag nagluto
na ang mama ko ng pasta at eake, lalo ninyong
sasabihing masarap, kasi magaling talaga siyang
magluto."
"Really?"
"Opo."
Tumingin sa kanya si Rodrigo. Muli ay nailang
siya kaya minabuti niyang i wan na lamang ang dalawa.
Walang mangyayari kung parati siyang maiilang dito
at kung parati siyang tititigan nito. Mamaya ay muli
niyang kakausapin ang kanyang anak.
"Mukhang magkasundo talaga ang dalawa," wika
ni Nanang Guada. "Salamat po na kahit paano ay mabait siya sa
anak ko kahit nasa panig siya nina Papa at Glara."
"Nabanggit ni Tita na noong nakaraan daw,
parang hindi kayo magkasundo ni Rodrigo. Ano ba
ang nangyari?"
"May transaksiyon daw po siyang gustong
sabihin. Alam ko namang V hit anong alok nila ay
iisa lang ang suma: kapalit n'on ay ang pag-alis ko
'rito sa Tierra. Ayaw ko na sanang kausapin pa ang
taong iyon pero kung siya naman ang nagpipilit, wala
akong magagawa. Siya ang nagsasayang ng laway,
hindi ako. Pero pagsasabihan ko si Lara. Tuwang-
tuwa siya sa lalaking iyon dahil binibigyan siya ng
tip. Ngayon lang natututo ang batang iyan sa mga
ganyang bagay." Natural lang siguro iyon. Iyon ang
unang "suweldo" ni Lara—ang tip nito mula kay
Rodrigo—kaya natural na masaya ito. Ang sabi pa
nga nito sa kanya ay iipunin daw nito ang lahat ng
tip nito para makabili ito ng matagal na nitong
pangarap na bahay ng Barbie. Hindi niya iyon mabili
para dito sapagkat namamahalan siya. Hanggang
ngayon ay iyon pa rin ang gusto nito samantalang
matagal na nang iungot nito iyon sa kanya. Hindi niya
alam na gusto pa rin nito iyon sapagkat hindi na naulit ang pag-ungot nito nang sabihin niya ritong
masyadong mahal iyon.
"May napapansin ka ba kay Tita, Teresa?"
mayamaya ay tanong sa kanya ni Nanang Guada.
Mukhang nauwi ito sa malalim na isipin.
, "Napapansin?"

"Madalas na bigla na lang nawawala iyan. Tulad
(ngayon. Ni hindi nagpaalam."
"Baka naman po may pinuntahan lang saglit."
"Sa gabi, madalas na balisa. Hindi ko alam kung
bakit. Wala bang nababanggit na kahit na ano sa 'yo?"
Umiling siya, bahagya ring nabahala sa
obserbasyon ng matanda. Kung hindi nito ipinunto
na parating nawawala si Tita ay hindi iyon titimo sa
isip niya. Oo nga, madalas nga itong umaalis ngunit
ang nasa isip niya ay mayroon lamang itong inaasikaso.
Wala itong obligasyon na tumao sa bahay niya.
"Mama, hinahanap ka ni Tito Drigs."
Muntik na siyang magkandasamid-samid. Tito?
Kunsabagay ay nobyo ito ng tita ng kanyang anak.
Napilitan siyang lumabas. Nang makita siya ay
nagpaalam na sa kanya si Rodrigo.
"Thank you." Tumango siya. "Sorry sa nangyari sa paa mo,
pero ikaw ang may kasalanan."
"Whatever. 1*11 see you again."
"You won't eome baek."
"I promise I will, don't worry."
Pinamay wangan niya ito.
"Try to loosen up, will you?"
"You're always pissing me off!"
Tumawa ito at pinisil ang pisngi ni Lara, saka
tumalikod na. Nang wala na ito ay kinausap niya
ang kanyang anak.
"Sinabi ko na sa 'yo na ayaw ko na siyang
babalik dito. Ine-entertain mo pa siya parati. Ano
ba ang nakita mo sa kanya?"
"Mabait siya, Mama."
Hindi siya nakaimik sapagkat ayaw niyang
magsabi sa isang sampung taong gulang na bata na
walanghiya ang isang tao. Gayunman ay ayaw niyang
maulit iyon kaya sinabi niya ritong, "Hindi ko siya
gusto."
"Pero bakit nagtitinginan kayo?"
Ganoon na lamang ang pag-iinit ng kanyang mga
pisngi. Salamat at wala na roon si Rodrigo, kung hindi,
tiyak na mayroon na naman itong maikokomento sa sinabi ng kanyang anak. Ginulo niya ang buhok ni
Lara.
"Walang ibig sabihin iyon, anak. Alangan namang
mag-usap kami nang nakatingin ako sa kisame? Hala,
mag-ready ka na lang ng isusuot mo bukas sa beaeh."
Nakangiting tumalima ito. Matagal na sila dapat
nakapamasyal sa dagat ngunit sa dami ng inaasikaso
ay hindi nila nagawa.
Isasara na sana niya ang gate nang makita niyang
dumating si Tita sakay ng isang trieyele. Babatiin
na sana niya ito nang makita niyang hinagkan ito sa
, mga labi ng trieyele driver. Nagtago siya sa
, pagkabigla, hanggang sa maalala niyang hindi na nga
pala sila mga bata. Bigla siyang napangiti. Kaya
pala nagiging malihim ang kanyang kaibigan, may
isa itong sekreto.

Continue Reading

You'll Also Like

23.5K 573 26
⋆⭒˚。⋆ WHEN two young actors meet on the set to play a fantasy couple , things linger beneath the surface and create a bond for all of eternity. ...
1.3M 120K 43
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
1.4M 33.7K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
1.2M 62.2K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...