Sa bahay ng Koamoto na pagmamay ari ni Hikaro Koamoto kasama nya ngayon si David
Habang umiinom ng wine si Hikaro
"Shanga pala, Ano nang binabalak mo itutuloy nyo parin ba ang pinaplano nyong patayin ang dating chairman ng association pati na rin yun babaeng Coach ng ano nga ba yun shohoku?" Tanong ni David
"Oo, Hindi pa kami pwedeng kumilos" sagot ni Hikaru
"Yung tungkol sa babae, gusto mo bang ako na magtrabaho?" Tanong ni David
"Sigurado kaba? Hindi ka papalpak?" Tanong ni Hikaru
"Oo nman, nakalimutan mona ba kung paano ko patayin ang secretary ng papa ko, at sya nman ang isusunod ko kapag gumawa na sya ng documento na saakin na nya ipapamana ang kumpanya, Hindi ko sinasabi na makikita mo pa ang bangkay ng babaeng Coach ng Shohoku kilala mo nman ako, brutal magtrabaho" sagot ni David
"Sige basta siguraduhin mo lang na malinis ang trabaho mo na hindi ka papalpak" sagot ni Hikaru
Ang tinutukoy nila na babaeng Coach ng Shohoku ay si Kaede Kate
Hindi alam ni Hikaru na ang babaeng pakakasalan ni David balang araw ay si Kate
Kaya gumawa ng plano si David para iligtas si Kate at yan ang naisip nya
Kahit na utak kriminal at nabahiran na ng dugo ang mga kamay nya, mahalaga parin kay David si Kate dahil kababata nya ito at higit sa lahat seryoso sya sa nararamdaman nya para kay Kate, alam nyang isang halimaw na kriminal na mamatay tao ang pamilya Koamoto kaya sa plano nyang ito maililigtas nya si Kate
"Kamusta na nga pala yung kapatid mo balita ko hindi na sya umuuwi sa inyo, Hindi kaba nag aalala" sabi ni David
"Bakit ako mag aalala?" Tanong ni Hikaro
"Na baka ipamana sa kanya ang lahat ng kayamanan ninyo" sagot ni David
"Wala akong pakialam sa bagay na yan, Alam ko nman na kay Hisaka ipapamana ni daddy ang lahat ng kumpanya namin, Maliban lang sa basketball association" sagot ni Hikaru
"Ganun ba?" Sagot ni David
Si Hisaka Koamoto ang bunsong kapatid ni Hikaro, sya ang babaeng ang turing kay Sakuhako ay Aso
May dumating na isang babae sya si
"Babe" sabi ng babae
"Kaina, diba sinabi ko sayo na busy ako ngayon bakit ka pumunta dito?" Tanong ni Hikaru
Kaina Mudarashi 16 years old, Ang Pamilya Mudarashi ay isa rin sa pinakamayaman na angkan sa bansa
Nang makita ni David si Kaina nagandahan sya sa mala model na mukha at ganda ng katawan nito
"Magpapahinga lang muna ako" sabi ni Kaina
Pagkaalis ni Kaina
"Sino ang babaeng yun?" Tanong ni David
"Hindi kita napakilala sa kanya, Sya ang girlfriend ko" sagot ni Hikaru
"Ganun ba? Hhhmmm tinali mona ba?" Tanong ni David
"Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ni Hikaru
"Alam mo kasi, may mga babaeng simple kung gumalaw pero kapag wala ang partner nya gumagawa ng kababalaghan, Mayron din akong girlfriend at tinali kona sya, Hindi na sya makakawala sakin" sagot ni David
"Tsu! Kahit na kailan hindi gagawin sakin ni Kaina ang sinasabi mo, Minsan dito sya natutulog patay na patay sya sakin kaya malabo ang sinasabi mo" sagot ni Hikaru
"Hhhmmm paano kung mayron umaligid sa kanya? Anong gagawin mo?" Tanong ni David
"Isa lang gagawin ko sa lalaking aaligid sa kanya, Walang iba kundi papatayin ko, Ganun karin nman diba sa girlfriend mo" sagot ni Hikaru
"Oo, Papatayin ko kahit na sino man sya, ilalabas ko mga lamang loob nya at ipapakain sa mga alaga ko" sagot ni David
"Huh Mas demonyo kapa mag isip kaysa sakin, ipakilala mo sya sakin diko inaasahan na may girlfriend ka pala" sagot ni Hikaru
Habang ang girlfriend ni Hikaru na nasa kwarto naliligo sa banyo
"Ano kayang pangalan ng lalaking yun? Ang mga ngiti nya" sabi nya sa kanyang isipan
Isang lalaki ang naiisip ni Kaina, ang lalaking nakita nyang kasama ni Hisaka Koamoto walang iba kundi si Sakuhako
Samantala
Dahil makakalaban ng Shohoku ang Takezono ang isa sa pinakamagaling na Team sa Kanagawa, At kapag nanalo sila pasok na sila sa semi finals
Nagdesisyon si Kate na magkaroon ng practice game, laban sa Junior players na dalawang araw na lang din ay magsisimula narin ang Elimination para sa Interjunior Tournament
Ace Sakuchiro adopted son ni Sora at Kumi
Mayron dalawang kapatid si Ace, Ang mismong tunay na kapatid at kakambal pa nya na si Miu Hitogami na ampon ng Hitogami Family
At ang mismong anak ng umampon sa kanya na si Kumi at Sora na si Shelia Sakuchiro
Mayron nararamdaman si Ace para kay Kaede Kate, anak ni Kaede Rukawa
Umamin si Ace kay Kate at binigyan nman ng chance ni Kate subalit mabigo si Kate sa kanya nang pwersahan syang kunin ng nanay nya na walang ginawa si Ace
Pagkatapos non, dumating si Sakuhako panganay nman na anak ni Sakuragi at Haruko
At nangako si Sakuhako na proprotekhan nya si Kate
Nakita nman ni Kate ang katapangan ni Sakuhako na syang hinangaan ni Kate
At ngayon magkaharap sa isang practice game si Ace at Sakuhako
Habang drinidribble ni Sakuhako ang bola nasa harapan nya si Ace
"Totoo ba?" Tanong ni Ace
"Huh?"
"Totoo ba na kayo na ni Kate?" Tanong ni Ace
"Ahhh pa-pano mo nalaman?" Tanong ni Sakuhako
"Kung ganun totoo nga, Totoo nga ang sinabi sakin ni Miu" sabi ni Ace
"Si Miu?" Sabay lingon ni Sakuhako kay Miu na nasa gilid ng court masama ang tingin sa kanya
"Aahhh naiintindihan kona, kaya pala hindi ako pinapansin ni Miu kahapon, Ano nman ngayon kung kami na ni Kate?" Sagot ni Sakuhako
"Walang hiya ka mang aagaw ka" sabi ni Ace
"Ako mang aagaw? Nabanggit nga sakin ni Kate na umamin ka sa kanya" sabi ni Sakuhako
Lumapit sya kay Ace at bumulong ng
"Hindi mo pwedeng pormahan ang girlfriend ko, baka nakakalimutan mo kung sino ako Ace" bulong ni Sakuhako at dahil sa nabigla si Ace sa sinabi sa kanya ni Sakuhako
Lumusot si Sakuhako sa kanya tumakbo ng mabilis si Sakuhako
"Habulin nyo wag nyo syang hayaan makapuntos" sigaw ni Takehiko Akagi pinsan ni Sakuhako at Akito, tumakbo si Ace para habulin si Sakuhako subalit
Ipinasa ni Sakuhako ang bola kay Akito
Pagkatapos shaka ipinasa ni Akito kay Renz na nasa ilalim ng basket, nasa likod ni Renz si Takehiko
Humarap si Renz kay Takehiko sabay talon nya
Subalit hindi tumalon si Takehiko nakaramdam sya ng takot sa malakas na pagtalon ni Renz alam nyang maari syang bumagsak o baka ma-injury pa kapag sinalubong nya ang gagawin nitong dunk
Gamit ang dalawang kamay malakas na dinakdak ni Renz ang bola sa ring
"Bat dimo ko pinigilan? Kapag sa ilalim ng basket, bawal ang duwag Takehiko" sabi ni Renz
"Senpai" sagot ni Takehiko
"Marami kapag kaylangan matutunan, kaya wag kang matakot na harapin kahit na sino pa kaharap mo" sagot ni Renz
Matapos makapuntos, pinulot ni Takehiko ang bola pagkatapos ipinasa kay Kiyou ang Junior players nman ang nasa opensa
Tumakbo ng mabilis si Kiyou, nang biglang lumitaw si Lyion sa kanya at mabilis na tinapik ang bola
"Ahhh" gulat na si Kiyou
Pagkatapos matapik ni Lyion ang bola agad na kinuha ni Daigo ang bola tumakbo sya ng mabilis at mabilis na tumira ng long shot
Wala talagang laban ang mga junior high Player ng Shohoku sa High School players ng shohoku
Para lumakas ang loob ng mga Junior players
Tudo suporta sa kanila ang mga kapwa nila Junior players mga ka-batch nila ngunit pagdating sa mga babaeng junior players na nasa likod ng bench ngayon nila Kate at Zoey
"Makinig kayo kaylangan natin suportahan sina Ace, ka-batch natin sila , hindi dapat matalo si Ace ng lalaking yan" sabi ni Miu 3rd year junior high school
"Ano bang nangyayari sayo Miu? Parang kailan lang puro hako! Hako! laman ng bibig mo" sabi ni Tsubame
Tsubame Rikka 3rd year junior high school isa sa player ng shohoku
"Oo nga nag away ba kayo ni senpai?" Tanong nman ni Wakana
Wakana Yukina 2nd year junior high school isa sa player ng shohoku
"Tumahimik nga kayo! Kaylangan natin i-cheer sina Ace, kapag natalo sila parang natalo narin tayo dahil ka-batch natin sila" sagot ni Miu
"Bahala ka sa buhay mo, basta i-checheer si Hakohh" sagot ni Karen Tsukiyama 3rd year junior high
Nabigla si Miu dahil
"Galingan mo Senpai" sigaw ni Tsubame, Wakana, Karen at iba pang babaeng junior players
Lumingon sa kanila si Sakuhako
"Hihi" ngiti ni Sakuhako na nakalabas ang ngipin at nakangiting mga mata
"Ahhhhhhh" nagsigawan sa kiligin ang mga babaeng junior players ng shohoku habang si Miu
"Ggrahhh mga draydor!" Galit na galit na si Miu
At dahil sa maraming nag checheer kay Sakuhako
"Paano maging si hako?" Parang gripong iyak ni Louki
"Ewan ko" sagot ni Otano