The Barista's Heartbeat (GXG)

By explicitmind_

71.7K 2.6K 279

In the heart of the bustling city, amidst the inviting aroma of freshly brewed coffee, unfolds a tale of chan... More

Synopsis
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Announcement(PLS READ)
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII

Chapter XXVII

1.4K 58 8
By explicitmind_

"Inay!! Itay" Masayang sigaw ko sa mga magulang ko na kakarating lang ulit sa aming bahay

"Anak kamusta kayo dito?" Tanong ng Itay na kakalapag lang ng mga dala dala nilang bag

"Okay lang naman itay, Kayo ba kamusta doon?" Tanong ko dito, iimik na sana ang itay ngunit bigla naman umimik ang inay

"Aba linis ng bahay ah" Masayang sabi ni Inay habang tinitingnan ang buong paligid

"Aba syempre inay noh para naman hindi makalat ang madatnan niyo pag uwi niyo." Sabi ko dito at saka yumakap sa mga magulang ko

"Nasaan na ang kuya mo?" Tanong ni Itay

"Nako pumasok na po iyon kanina pa"
Sabi ko dito at tumango naman ito

"Ikaw ba wala ka bang pasok ngayon?" Tanong niya sa akin

"Absent ako itay wala naman din ginagawa sa school pero may pupuntahan po ako mamaya" Sabi ko dito

Pupunta akong coffee shop mamaya kasi pinapapunta ako doon ni Aaliyah, may mga ikwekwento daw kasi siya

Pagkatapos ko paghandaan ang mga inay ng pagkain nila ay naghanda na din ako ng aking sarili para umalis na ng bahay at pumunta sa Coffee shop.

Pagkarating ko ng shop ay inilibot ko agad ang aking paningin sa loob ngunit hindi ko siya nakita doon, balita ko din kay Aaliyah na halos isang Linggo na din siyang hindi bumibisita dito. Lumabas na muna ako para doon na lang intayin si Aaliyah wala pa din kasi siya akala ko mauuna pa yon pero ako pa din nauna sa kanya.

Habang nag iintay ay may nakita akong kotse na pumarada malapit sa akin kaya naman di ko din maiwasan na hindi mapatingin dito. Maya maya ay lumabas doon ang kanina ko pang iniisip, nakakapagtaka na iba nanaman ang ginamit niyang kotse ngayon, grabe ang yaman niya naman kung ganon

"Hey you! come over here" Tawag nito, hindi pa nga ako sigurado kung ako ba kaya naman tinuro ko pa ang sarili ko pero tumango lang naman siya. Lumapit naman ako agad sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko dito ngunit hinigit niya lang naman ako papalapit sa kanya kaya nagtataka ko itong tiningnan

"Come with me" Sabi niya at saka ako idinala sa passenger seat. Mag rereklamo pa sana ako ngunit agad agad niya naman itong pinaandar ang kotse. Icoconsider ko bang kidnapping to kahit maganda ang kumidnap sa akin?

Nakita ko naman si Aaliyah na papalabas na ng kotse niya kaya dali dali ko naman binuksan ang bintana at saka sumigaw

"BESTFRIEND!" Sigaw ko kaya nagtataka naman itong tumingin sa akin ngunit hindi na ulit ako nakapagsalita dahil pinaharurot na nitong kasama ko ang kotse

"Saan ba kasi tayo!" Sabi ko dito pero tumawa lang naman siya.

"We'll have a date" Sabi niya kaya napatahimik naman ako, grabe naman siya mag aya nangingidnap

Kanina pa siyang hindi umiimik at nakatingin lang sa daan na para bang may malalim na iniisip

"Where do you want to go?" Tanong niya, kaya tiningnan ko lang naman siya, kita mo to siya nag aya pero hindi alam kung saan pupunta.

"Well how about we go somewhere important?" Tanong niya kaya tumango na lang ako bahala siya kung saan niya balak pumunta.

Medyo pamilyar yong mga daan na tinatahak namin, feel ko ay narating ko na. Maya maya ay nakita ko ang Park na madalas ko puntahan noon, kaya naman pala familiar. Nakita ko din ang mga lumang gusali na aming nadadaanan at maya maya pa lang ay pumasok na kami sa loob ng eskwelahan. Bakit naman kami nandito?

"Here we are, my old school" Sabi niya, kaya inilibot ko naman ang paningin ko dito. Ayos din maganda, mukhang mamahalin nga pero kumpara sa school ko ngayon mas onti dito ang mga building.

Naglibot libot naman kami, andami din estudyante sa aming paligid more on siguro mga junior high school student pa. Nakakamangha kasi ang ganda din talaga ng school may pagka old vibes pero maganda pa din talaga.

"Wait me here, I'll go visit someone at the office" Sabi niya pero hindi ko na siya napansin na umalis. Nakatingin lang ako sa may fountain ng school, di ko maiwasan na hindi tingnan ito kasi agaw atensyon talaga, bakit kaya walang fountain sa school namin?

Muli akong tumayo at naglibot libot pa sa school nakita ko naman ang GYM at canteen nila na naglalakihan din. Napangiti na lang ako, ang swerte ng mga nag aaral dito. Nagulat ako ng may biglang kumulbit sa akin kaya naman napatingin ako dito.

"Ate pwede po mag pa picture?" Tiningnan ko lang ito if ako ba talaga ang kinakausap niya, bigla naman din naglapitan ang iba pang mga kaklase niya at nagpapicture pa ang iba sa akin. Nagtataka ngunit ngumiti pa din ako sa mga camera.

"Ate antagal na po namin kayong inspiration sayang lumipat na po kayo ng school" Sabi ng isang estudyante, nagtataka naman akong tumingin dito.

"Ha?" Tanong ko dito pero ngumiti lang ito at tinuro ang isang malaking tarpaulin na may mukha ko at nakasuot pa ng uniform ng school nila. Naputol naman ang pag tingin ko sa tarpaulin ng biglang may umimik nanaman.

"Kayo po kasi ang naging model student matagal na, at sobrang kilala po talaga kayo dito" Sabi nong isa pang estudyante tatanungin ko pa sana siya ngunit nakita ko bigla si Ma'am na nakatingin sa akin na may kaunting ngiti sa labi, na mas lalo ko naman ikinataka.

Nagulat naman ako ng biglang may humigit sa akin na isang matandang guro.

"Ms. Lazarte! I know you'll comeback" Sabi niya at saka ako niyakap ng mahigpit. Ms. Lazarte??

"Oh kasama mo pala si Ms. Arquilla, I'm amazed that till now you two are still close" Sabi ng matanda at napaisip naman ako sa sinasabi niya, baka napagkamalan niya akong ibang tao?

"Sorry po, hindi po ako si Ms. Lazarte" Nahihiya kong sabi dito, iimik na sana siyang muli ngunit bigla naman itong pinutol ni Riah

"Ma'am Reyes, it was so nice seeing you! but we're actually going somewhere so unfortunately we have to go" Sabi nito at saka ako hinawakan sa aking braso, kumaway lang naman ako sa matandang guro

"Balik kayo mga iha!" Pagpapaalam ng matanda at saka kami tumungo na muli sa kotse niya.

"You have to understand that she's old and forgetful." Banggit ng isang to

Kung natawag lang naman ako ng maling pangalan ay matatanggap ko pa lalo na at matanda ang  tumawag sa akin, pero ang pinaka malaking katanungan sa isipan ko ay kung bakit ako nasa tarpaulin ng school na to at paano ako naging model student nila? Eh ngayon lang naman ako nakarating sa lugar na to.

"Hey stop thinking so much, how about we go eat somewhere?" Pagpuputol nito sa aking mahabang pag iisip. Tumango na lang ako at muling napaisip sa mga nalaman ko ngayong araw.

Gusto ko siyang tanungin ngunit baka mali naman din ang akala ko, what if hindi naman pala ako ang tinutukoy ng Guro?

Bumaba na kami ng kotse at tahimik lang naman kaming naglalakad sa isang mall, 

"Where do you want to eat?" Tanong nito sa akin, nagkibit balikat lang naman ako 

"How about we eat in here?" Tanong niya muli at tumango na lang ako dito, wala talaga ako sa mood ngayon, dahil na din ng mga nalaman ko, sobrang litong lito na talaga ako.

Umupo na ako sa restaurant na napili niya. Habang siya ay nandoon sa may counter at umoorder ng mga pagkain namin. Bigla naman tumunog ang cellphone ko at agad ko itong chineck

"Zephyra, where are you?" isang text galing kay Riah, hindi niya ba ako napansin na umupo?

"sa loob po sa gilid" Sabi ko dito pero pagkatapos ko masend nakita ko naman si Riah na hinahanap ako kaya kumaway na ako dito habang may dala dala siyang paper bag.

"Come on let's go somewhere, and let's just eat this on the way" Sabi nito na mukhang nagmamadali kaya naman agad akong tumayo at sumunod dito.

"Saan po tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya, humawak na ako sa kamay niya dahil ang bilis niya talaga maglakad.

"To my house" Sabi niya at nagulat naman ako, ano gagawin namin sa bahay niya?

"Good afternoon, Ma'am Arquilla" Bati ng isang guard ng mall ngunit nilagpasan lang nito.

Sumakay na kami ng kotse niya  habang inabot niya sa akin ang dala niyang paper bag galing restaurant kanina.

Habang nag mamaneho ay inutusan niya naman ako na kumain na, gutom na din naman ako kaya binuksan ko na ang supot at tiningnan ang laman, may isang bucket don ng chicken at isang bucket ng potato wedges.

Kumuha naman ako ng chicken at sinimulan na kainin ito, meron din kanin kaya kinuha ko nadin at kinain ng parang burger. Natatawa naman akong tiningnan ng kasama ko, aba kasalanan niya to ginutom niya ako eh.

Nag tingin tingin lang naman ako sa paligid at hindi talaga pamilyar ang dinadaanan namin, medyo parang magubat din.

"Could you pass me the wedges?" Tanong niya kaya inabutan ko naman ito, kanina pa siya puro wedges eh may chicken naman.

Nakita ko na medyo pawisan din siya kahit na ang lamig naman sa loob ng kotse niya, tsaka bakit ba siya parang nagmamadali? 

"Chicken oh" Pag aalok ko sa kanya ngunit nagulat naman ako nong tumingin ito sa akin na mukhang pawisan ang noo. Inabutan ko naman siya ng tissue at saka niya pinahidan ang noo niya. Tumingin naman ako sa supot na hawak ko para kumuha ng manok na ibibigay sa kanya.

Pag tingin ko sa kanya ay tanging kaba at takot lang ang naramdaman ko. At doon na nag tagpi tagpi lahat ng isa pang matagal ko ng iniisip at mukhang tama nga talaga ang hinala ko.

"I don't eat chicken, Aeiou" 

Continue Reading

You'll Also Like

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
16.7M 529K 77
Enid is moving across the world to attend university. Away from all that she knows, she soon finds herself at the center of three men's unyielding a...
194K 6.8K 37
"You have no idea how my hands crave to roam around thirsty in your body with my tongue lusting to taste something I'm not allowed to.." Warning: Thi...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...