Summer Break Series #1- Love...

By missaynaaa

98 6 0

"There is a chance to meet him again when the summer break is over?" Summer Break Series #1 Start: February 2... More

Love Under The Summer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3

Chapter 4

6 1 0
By missaynaaa

Dumating ang hapon at ako ay kakatapos lang maligo dahil pupunta kami ng plaza ni Zeke pero syempre may kasama kami baka may makarating na chismis sa amin at iba na naman yung ichichismis nila at di yung ang nakita nila.

"Ate, sigurado ka ba na isasama ko kami sa plaza baka niloloko mo lang kami ah" napataas naman bigla ang kilay ko sa sinabi ng kapatid ko.

"Mukha ba akong nagbibiro?" tanong ko.

"Hindi" kinuha ko ang suklay ko at sinuklay ko ang basa kong buhok. Nagdala na rin ako ng pamusod para kapag natuyo ay pupusurin ko na ang buhok ko.

"Wow kuya para kang artista sa suot mo na yan" bigla naman ako napatingin sa kanila. Napaamang naman ang mga labi ko sa nakita ko.

'Shet! ang gwapo niya at yummy pa' bigla akong napaiwas dahil nakatitig na ako sa kanya at tuksuhin pa niya ako.

"Uy si Ate gwapong-gwapo kay Kuya Zeke" panunukso ni Shan.

"Sapak you want" pinakita ko ang kamao ko at napangiwi naman siya.

"Eto naman di mabiro" saad niya.

"Tss!" Inirapan ko lang ang bwisit kong kapatid.

"Inihanda ko na si Drie" tumango na lang kami at inintay si Drie.

"Oo nga pala ate di ba malapit na yung fiesta rito may plano na ba para sa handaan?" tanong niya.

"Titingnan ko pa baka kasi sila Mama na ang magpameeting sa mga trabahador natin may mga pasyente kasi si Doc Caballero kaya medyo busy ako" sabi ko.

"Di ba ate after mong magday-off sa clinic ka na mapupunta?" tumango ako.

"Pero kapag in case na ooperahan siyempre nasa hospital ako" saad ko.

"What's your specialization sa hospital?" tanong niya.

"Hmm... Di ko mawari kasi halo-halo yung hawak namin na pasyente at isa pa di lang naman iisa yung doctor na inaassisst ko" sagot ko.

"Pero sa ngayon kasi ay kinuha na ako ni Dra. Caballero as secretary niya sa clinic" dugtong na sabi ko.

"Ate tara na po" kinuha ko na ang shoulder bag ko at lumabas na kami ng bahay.

__

"Buti na lang pala di matraffic ngayon" nandito na kami sa plaza kung saan papunta pa lang ang mga tao rito.

"Tara, pasok tayo sa loob" pag-aya ko.

"Maganda dito kapag gabi alam mo ba dati nung di pa nagpapalit ng mayor rito halos yung buong bayan ay wala magandang mapasyalan dahil corrupt yung mayor namin dati pero ngayon nung may pumalit na sa kanyang pwesto ay naging maayos na yung lugar dito" tiningnan niya ang bawat paligid nito na punong-puno ng ilaw.

"Madalas ba kayo pumunta rito?" umiling ako.

"Nung bata pa kami oo pero nung nagtatrabaho na ako ngayon lang ulit kami nakapunta rito kaya lang di naman kasama sina Mama at Papa pero masasabi ko memorable yung pagpunta namin dito dahil kasama namin si Abuela noon nabubuhay pa siya" kwento ko.

"Ate tara kain tayo nagugutom na ako" napakamot na lang kami sa ulo dahil sa ungot ni Drie.

"Okay sige dadalhin ko kayo doon sa madalas na pagtambayan namin nung college pa kami" pag-aya ko sumunod naman sila sa akin.

"Ay! Alam ko ito ate dito nagpupuntahan yung mga nagcutting classes sa school namin" saad niya.

"Baka nagcutting classes ka rin Shan?" biglang tanong ni Zeke.

"Ay hindi po kuya edi lagot ako kina Mama lalo na kay ate" sagot niya.

"Mabuti naman" sabi ko. Bigla naman nakasimangot si Shan.

"Okay lang ba sayo kung dito tayo kakain? Kung di ka comfortable may alam pa akong lugar na pwede tayong kumain"

"No, it's okay na rito mapapalayo pa tayo at isa pa magandang spot ito kasi kita yung mga ilaw sa plaza and sariwa pa yung hangin" sagot niya kaya pumasok na kami sa loob para makaorder ng pagkain.

"Hanap na lang kayo ng mapupwestuhan natin" sabi ko.

"Sige ate" pumunta na ako sa counter at nagulat ako ng sumunod pala sa akin si Zeke.

"Pumili ka na ng gusto mong ulam" sabi ko.

"Yung kaldaretang manok na lang yung sa akin" saad niya.

"Sige"

"Maayong gabii, unsa imong order?"  bumuntong na lang ako ng hininga dahil naalala ko  nga pala wala kami sa bahay kaya no choice ako kung di magsalita ng Cebuano. Iniisip ko kasi yung kasama ko baka ma-out of place siya rito.

"Palihog palit ug kaldareta nga manok unya 3 ka chicken curries unya chopsuey. Mokaon lang kog bugas" sabi ko. Natawa naman bigla ang katabi ko at kinurot ko ito sa tagiliran para sawayin.

"Mao ra na?"  bigla akong napaisip.

"Naa kay 1.5 coke?"  Tanong ko.

"Adunay" 

"Usa usab"  sabi ko.

"Ihatod ra nako imong order" saad niya. Tumango ako at hinila na si Zeke baka kasi tumawa pa.

"Ikaw ah wag kang tatawa kapag nagsasalita ako ng Cebuano sa mga tao baka isipin nila na pinagtatawanan mo sila" saway ko.

"Sorry naman" napairap na lang ako.

"Iniiwasan namin gumamit ng dialect namin sa bahay baka maout of place ka kapag nag-uusap kami kaya wag mong pagtawanan yung style na pananalita nila" saad ko. Napakamot na lang ito sa ulo.

"Ania ang imong order"  nilapag na ni kuya ang mga inorder namin na ulam at kanin.

"Sundon ra nako ang 1.5 nga coke" 

"Adto na lang ko sa counter para dili mawala ang kabugnaw sa coke"  saad ko. Tumango naman si Kuya at umalis na.

"Parehas ba kayo influent magsalita ng Cebuano?" tanong niya.

"Si Drie ang may masyadong alam sa pagsasalita ng Cebuano dahil dito yan pinanganak yan. Kasi kami ni ate ay ipinanganak dati sa Maynila kaya medyo di pa kami masyadong magaling magsalita ng Cebuano kahit matagal na kami nakatira rito" paliwanag niya.

"Ate, kuhaa ang coke nga gusto nakong imnon"  sinamaan ko ng tingin si Drie.

"Drie, mamaya na yun uminom ka ng tubig muna baka gusto mo isumbong kita kay Mama mamaya" napanguso na lang si Drie at uminom na lang ng tubig.

"Pagkatapos natin kumain pwedeng uminom ng coke" inubos na lang ni Drie ang pagkain nito.

"Parang mas marami pa bawas ng chopsuey kaysa sa chicken curry" saad niya.

"Naku kuya madalang lang kumain ng karne yan puro gulay ang kinakain niya. May times nga kapag nasa bahay at day off niya laging nagluluto ng gulay sa umaga si Mama dahil routine na niyang kumain ng gulay kapag breakfast" sabi ni Shan.

"Gusto mo bang tikman ito?" binigay ko ang ulam kong chopsuey para ipatikim sa kaniya.

"No, it's okay busog naman din ako" ngumisi ako.

"Di ka kumakain ng gulay noh?" tukso ko.

"Kumakain naman pero busog na kasi ako" pero siningkitan ko lang ito ng mata.

"Weh? Baka pili lang naku sinasabi ko sayo kapag kumain ka ng gulay tatagal yung buhay ng isang tao di ba doktor ka dapat alam mo yun" paliwanag ko.

"Yeah, I know that" napahagikgik na lang ang dalawa namin kasama.

"Kunin mo na yung coke na 1.5 doon sa counter Shan at humingi ka rin ng tubig" kumunot naman ang noo ni Zeke sa akin.

"Why you need water?" tiningnan ko ang batang sabik na sabik uminom ng softdrinks.

"Dahil sa batang sabik na sabik uminom ng coke" sabay turo kay Drie.

"Nahospital na kasi si Drie nung 9 years old pa lang siya sa sobrang katakawan niya sa softdrinks nagkaroon siya ng UTI" kwento ko. Ako kasi ang nakaassign na nurse sa kanya, nalaman ko na lang kay Mama na nanakit yung tiyan niya kaya dinala agad dito sa hospital. Gusto ko nga tompyangan si Drie pero dahil trabaho kong mag-alaga ng pasyente ay minabuti ko na lang palagpasin pero pagkalabas niya ng hospital ay sandamakmak na sermon ang inabot niya sa akin kaya simula noon ay kapag nakakabili kami ng softdrinks ay nilalagyan niya ng tubig kahit ayoko ay wala na akong magawa dahil walang lasa na kasi kung may tubig.

"Kaya naman pala nung nagtimpla si Tita Shara ng juice ay wala akong nalalasahan kung di konting tamis" natawa ako bigla sa sinabi niya.

"Pasensya na baka kasi makigaya si Drie iniiwasan na rin kasi namin na bumalik yung sakit niya" saad ko.

"Eto na ate" pinabukas ko kay Shan ang bote at isinalin sa isang pitsel na may laman tubig saka ko ito nilagay sa baso ni Drie pero pasikreto ko rin inilagay ang mga natitirang coke sa mga baso namin.

"Siya nga pala ate anong next natin pupuntahan?" bigla akong napaisip.

"Edi maglakad-lakad tayo sa loob ng plaza tapos punta tayo doon sa may pantalan mamaya" saad ko.

"Okay sige" tinapos na namin ang pag-inom ng coke pero uminom rin ako ng tubig pagkatapos.

"Salamat kaayo"  tumayo na ako at bigla akong inalalayan ni Zeke.

"Thanks" ngumiti siya.

"Tara na" lumakad na kami at inakbayan ko si Drie baka kasi mawala at magagalit sa akin si Mama kapag nawala ito.

***

Nakaupo kami sa may pantalan at nilalanghap ang simoy ng hangin. Tumayo ako at nagpaalam na may bibilhin lang ako.

"Palihog palit ug balot"

"Pila man?"

"Tulo, unya usa ka penoy. Idugang lang ang suka"  sabi ko. Nagbayad na ako at kinuha ko na ito saka ako bumalik sa pwesto namin.

"Oh, balot" lapag ko. Kinuha ko ang penoy saka ko binigay kay Drie.

"Ibigay mo na lang sa akin yung kiti Shan ah" tumango siya at binuksan na yung balot.

"Ikaw gusto mo ba?" tumango siya. Kumuha naman siya ng balot sa hawak kong plastik.

"Marunong ka pa lang kumain niyan?" tanong ko.

"Oo noong high school days ko" sabi niya.

"Ate oh" tumingin ako bigla kay Shan.

"Ibigay mo na pala yan kay Kuya Zeke mo di kasi ako pwedeng mapasobra sa pagkain niyan dahil baka tumaas yung blood pressure ko" sabi ko. Binigay naman ni Shan ang kiti kay Zeke.

"Tss! Parang ako ata ang magdudusang kumain nito ah" sabay subo ng kiti ng balot.

"Siya nga pala di ba magtitingin ka ng lupang pagtatayuan mo ng resthouse?" tumango siya.

"Sasamahan kita bukas may kakilala si Abuela na nagbebenta ng lupa pero malapit naman yun sa hacienda" sabi ko.

"Okay sure" tumingin ako sa dagat at parang gusto kong mas tumagal ang pagtambay rito dahil nakakalimutan ko ang stress sa trabaho at sa hacienda.

"MAAYONG buntag, Mang Kanor"  bati ko.

"Maganda umaga rin iha, anong sadya niyo at naparito kayo?" tumikhim ako.

"May tanong lang po ako, binebenta niyo pa rin po ba yung lupang nasa malapit po sa gulayan?" tanong ko.

"Ay yun ba oo iha bakit bibilhin mo ba?" Umiling ako.

"Yung kakilala ko po interesado po sa lupa na binebenta niyo po" sagot ko.

"Ahmm kasama ko nga po pala yung bibili po ng lupa" tinawag ko si Zeke na nakasandal sa sasakyan habang hinihintay ako.

"Magandang umaga po" bati niya.

"Ikaw ba ang tinutukoy ni Yssey na bibili ng lupa?" sumimangot ako dahil sa binanggit niya ang second name ko.

"Opo ako nga po" sagot niya.

"Tara dadalhin ko kayo doon" sumunod na kami kay Mang Kanor.

"Parang nakabusangot yung mukha mo?" tumingin ako sa kanya.

"Tss! Binanggit na naman niya yung second name ko, hate ko pa naman yun" maktol ko.

"Malayo ba yun?" tanong niya.

"Medyo" tipid kong sagot.

Makalipas ng 20 minutes ay narating na namin yung lupang binebenta ni Mang Kanor.

"Ilang metro po ba ito?" tanong ko.

"Kulang 1,245 sq meter yan" sabi niya.

"Magkano po ba yung lupa per sq. meter po?" tanong ko.

"800 per sq meter siya iha"

"Mura siya" sabi niya.

"Oo iho kahit mura ay marami nang nagpapatayo ng resthouse rito at isa pa malapit lang ito sa ilog" saad niya.

"Grab mo na" sabi ko.

"Okay pag-usapan na po natin" tumango si Mang Kanor at bumalik na kami sa bahay niya.

"Kamusta yung pagtingin niyo ng lupa?" tanghali na kaming nakauwi at sobrang init ng panahon parang gusto kong magkulong sa kwarto ko para magpalamig.

"Ayun po nagkabayaran na sila tinawagan niya yung daddy niya sa Maynila para ibigay yung bayad tru bank" sagot ko.

"Nasaan siya?" tanong niya.

"Pinuntahan lang po si Papa kakausapin ata" kumuha ako ng tubig na malamig at ininom ko ito.

"Kumain na kayo?" tumango ako.

"Sa daan po may nakita po kaming karinderya" sabi ko.

"Oo nga pala 'ma mura ba talaga yung lupa rito sa Cebu?"   tanong ko.

"Kapag tagong lugar katulad nito at kay Mang Kanor kung katulad sa mismong lungsod ng Mandaue ay mahal talaga ang lupa doon" sagot niya.

"Magpapahinga muna po ako ma" tumango na lang si Mama at umakyat na ako sa kwarto ko. Iniisip ko pa rin ang sinabi niya kanina.

'Kung sakali pong dumating na yung tamang tao para sa akin ay liligawan ko na po siya at papakasalan' bigla itong napatingin sa akin.

'Sa tingin ko ay masyado siyang nagmamadali pagdating sa pag-ibig pero mukhang kailangan na niyang magsettle down dahil wala na siya sa kalendaryo para mag-asawa' pumikit na lang ako at tuluyan nang natulog.

***

"Kamusta yung lakad niyo nung saturday?" siningkitan ko lang ito ng mata ko dahil sa kakaibang uri ng tanong niya.

"Wala lang namasyal lang kami" sabi ko.

"Weh? Namasyal lang?" humarap ako sa kanila.

"Anong sa tingin niyo? Nagdate kami, fyi lang ah may kasama kami para iwas chismis ng mga taga-bayan. Alam niyo naman ayokong maging center of attention dahil lang sa ipinagtsitsismisan nilang minsan fake news" sabi ko.

"Oo na masyado ka naman defensive" inirapan ko lang si Leah.

"Siya nga pala narinig ko pala binili na niya yung lupang pagmamay-ari nung kapatid ni Mang Kanor?" tumango ako.

"Kaya lang grabe yung lalaking yun ang laki ng binigay niya kay Mang Kanor" sabi ko.

"Magkano ba yung binigay niya?"

"Kulang 2 million, sabi raw yung iba para pandagdag daw ng puhunan niya sa gulayan" sabi ko.

"Ay! Mayayamanin" sabi nila.

"Syempre may sarili silang hospital" sabi ni Lian.

"Talaga?" tumango siya.

"Akala ko ba nasa clinic ka na?" napalingon ako kay Aidee.

"May operasyon mamaya si Dra. Caballero kaya nandito ako sa hospital" sagot ko.

"Ay, ano ba yung pinagchichismisan niyo dyan?" nag-umpisa na naman ang pagiging tsismosa ni Aidee.

"Tungkol sa nangyari nung saturday" napatango na lang si Aidee.

"Anong kwento?" napairap na lang ako at tumayo na.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Check ko lang yung relative ng pasyente ni Dra. Caballero, kailangan siya makausap ni doktora tungkol sa operasyon dyan na kayo" tumayo na ako at umalis na sa nursing station.

'Kapag nalaman pa nilang may gusto ako kay Zeke panigurado magdidiwang ang mga yun'  napahinto ako bigla sa paglakad dahil naiisip ko na naman yun.

'Yun na ba talaga ang sign para magustuhan ko na siya?'


A/N:  Sorry for sa ilang buwan na di pagupdate dahil po nakapokus po ako sa kabila dahil hinabol ko po yung word counts para makuha ko yung bonus niya. I try na tuwing weekend mag-update rito para matapos ko na siya agad. Konti lang yung chapter niya kaya madali lang siya matatapos.


Continue Reading

You'll Also Like

398K 8.1K 40
WARNING: MATURED CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! . . . . . Jan Anthony Ace Castro or simply Jace Castro of Formula One. He was set to wed Fashion Des...
3K 147 38
Sabi nila, love is sweeter the 2nd time around. Madudugtungan kaya ang naudlot na pagmamahalan sa nakaraan ng kasalukuyang napakaikling pagmamahalan...
63.5K 1.7K 51
ALPHABETUS SERIES 4: The rebellious son and the heir of wealthy billionaire of Spouse International Hotel. Isa ito sa kilala sa mataas na marangal na...
4.2K 497 27
Masakit man ngunit kailangan ng palayain ang pusong nakakulong sa paraisong kahit kailan hindi naging akin. -completed-