3:20 ng hapon sa bahay nila Sakuragi at Haruko
Personal na kinausap ni Sakuna si Aisha dahil sa kutob nito na
"Aisha pwede ba akong pumasok?" Tanong ni Sakuna na nasa pinto ng kwarto ni Aisha, pero pumasok parin si Sakuna sinara ang pinto
"Anong gusto mong sabihin?" Tanong ni Aisha
"Akala mo ba hindi ko alam?" Sabi ni Sakuna
"Ang ano?" Tanong ni Aisha
"Kayong dalawa ni hakohh nakita ko kayo kagabi, narinig kayong dalawahh" pasigaw na sagot ni Sakuna na kinagulat ni Aisha
"Narinig kita kung paano mo landiin si Hako hindi kaba nahihiya ahh tinuturing mo ang sarili mo na parte ng pamilya ito ngunit pinatulan mo ang pamangkin mohh" sigaw ni Sakuna.
"Ahhhhh" tulala sa gulat na si Aisha
"Kapag nalaman toh ni insan, siguradong palalayasin ka nya, Lalo na si Ate Haruko, Kung ako sayo tigilan mona pagbibilog mo sa ulo ni hako dahil kung hindi pati ang kapatid mo madadamay, Nakakahiya kah" sabi ni Sakuna at lumabas na sya ng kwarto ni Aisha
Habang si Aisha ay unti unting napaupo sa sahig bakas ang takot sa mukha nya
Samantala isang babae nman ang naglalakad kasama ang kanyang dalawang kaibiga
"Bakit tayo nanonood ng game? Hindi pa nman kayo maglalaro diba?" Sabi ng isang babae
Ang babaeng ito ay si Matsuka Ai kaibigan ni Althena
"Ewan koba dyan siguro gusto lang nyang makita si hako" sagot ng isang babae
Ang babae naman na ito ay si Fujiwara Asuma
"Hindi no, hindi nman maglalaro si hako-kun kaylangan natin suportahan ang Shohoko, wag na nga kayong magreklamo dyan" sagot ni Althena
Si Asuma at Ai ay kaibigan ni Althena manunuod sila ngayon ng laban ng shohoku at takezato
Nang makasalubong nila ang pangkat ni
"Althena" tawag ni Kenta isa sa kaibigan ni Sakuhako
"Kenta, Eishin, Genji, manonood ba kayo ng game?" Tanong ni Althena
"Syempre nman, susuportahan namin si Daigo, hindi kami nakapunta nong unang game para suportahan sana si hako at ang Shohoko dahil busy kami pero ngayon, Teka kung ganun pupunta rin kayo?" Tanong ni Kenta
"Hhhmmm" tango ni Althena
"Syanga pala, si Ai at Asuma mga kaibigan ko sila, Ai, Asuma mga teammates ko sa shohoku" pagpapakilala ni Althena sa dalawang kaibigan nya sa grupo ni Sakuhako
Ngunit natatakot ang dalawang kaibigan ni Althena sa kanila.
"Mukha silang mga kriminal" sabi ni Ai
"Hindi ako makapaniwala na sumasama si Althena sa kanila" bulungan ni Ai at Asuma
"Ano ba kayong dalawa? Pagpasensyahan nyo na sila, mabuti pa sabay sabay na tayong pumunta sa Astrodome" sabi ni Althena
"Oh sige pero bibil muna ako ng popcorn" sabi ni Genji
"Oy taba hindi sinehan pupuntahan natin" banat ni Eishin
"Tumahimik na nga kayo dyan malalate na tayo" sabi ni Kenta sa kanila
Samantala sa loob ng Astrodome nasa tataas si Sakuhako naghahanap ng magandang pwesto manonood kasi sya, habang naglalakad sya kausap nya si Inami sa pamamagitan ng video call, nakasuot sya ng headset para marinig ang boses ni Inami
"Shanga pala hako, next week baka pumunta ako dyan" sabi ni Inami
"Talaga mommy? Hihintayin po kita, sige mommy manonood kasi ako ng laro ng shohoku, alam kung busy kayo sige bye" sagot ni Sakuhako
"Hakohh wait" ngunit binaba na ni Sakuhako
"Hay, ano bayan, kakatawag palang nya kanina tumawag nanamn, Isa pa bakit hindi nagrereply si Aisha sa mga text ko? Hindi nman sya pumasok sa trabaho nya ehh" sabi ni Sakuhako at nang makahanap na sya ng magandang pwesto kaagad na syang naupo
Ilang minuto lang dumating narin sina Althena kasama ang dalawang kaibigan nya at sina Kenta
Nakahanap sila ng magandang pwesto hindi nila alam na nasa harapan lang nila si Sakuhako, may suot na headset nag sosoundtrip habang nanonood
Sa ibaba, pinili ni Kate na starting five si Gildar, Renz, Akito, Daigo at Otano
"Gildar, ikaw sa ilalim, Ikaw Kuya Renz, Forward ka ngayon, Ikaw Akito Small Forward ka ngayon sayo nakasalalay ang puntos natin, kayong dalawa ni Daigo, Otano bahala kana sa Point Guard nila" sabi ni Kate
"Akong bahala" sagot ni Otano
Ang Ace Player kasi ng Takezato ay si Sayamuro Hayuta isang Point Guard
Tumayo na ang mga maglalaro
"Abahh kasama si Daigo sa Starting five" sabi ni Eishin
"Tara cheer natin sya" sabi ni Kenta
"Boy Kulangot! Boy Kulangot! Boy Kulangot" sigaw ng apat na bugok
Napangiwi ang kaibigan ni Althena na si Ai at Asuma habang tudo parin sa pagchecheer sina Kenta, Eishin, Genji
Nang biglang
"Boy Kulangot! Boy Kulangot! Boy Kulangot" na nakisabay narin si Althena
"Althena" na di na makaya ang kahihiyan na nararamdaman ni Ai at Asuma
"Ano ba kayo guys sumabay na kayo. Boy Kulangot! Boy Kulangot! Boy Kulangot" sigaw ni Althena
"Magpanggap na lang tayong hindi natin sila kilala" sabi ni Ai
"Oo nga, nakakahiya pati si Althena nakisabay narin sa mga gong gong na yan" sagot ni Asuma
Habang si Daigo na nasa baba
"Ggrahhhmm tumahimik nga kayo napapahiya ako" na namumulang mukha ni Daigo sa subrang hiya na nararamdaman nya
Boy Kulangot ang bansag ng buong shohoku kay Daigo
At si Sakuhako na nasa unahan lang nila na hindi nila nalalaman ay biglang napalingon sa kanila
"Huh?" Napatigil sa pagsisisigaw sina Kenta, Eishin, Genji, habang si Althena
"Guhhhh haku-kun" gulat na napangiwi na si Althena sa subrang hiya nya dahil
"Paano kung narinig nya ako? Nakakahiyahh" sabi nya sa kanyang isipan
"Bosseeehhngg" sigaw ni Kenta, Eishin, Genji
"Ggrahhh anong ginagawa nyo dito ahhh" tanong ni Sakuhako
"Nandito kami para suportahan ang Shohoko" sagot ni Kenta
"Ganun ba?" Sagot ni Sakuhako nang biglang inagaw ni Sakuhako ang kinakain nilang popcorn
"Akin yahhnn" umiiyak na parang gripo na si Genji
"Tumigil nga kayo dyan, ang mabuti pa icheer nyo na lang ang shohoku" sagot ni Sakuhako at nilantakan ang popcorn habang si Althena
"Hindi man lang nya ako napansin, hindi ba nya ako nakikita?" Tanong nya sa kanyang isipan
At habang kumakain si Sakuhako ng popcorn
Naalala nya ang sinabi sa kanya ni Milliana noong nasa bench sya ng shohoku
"Hindi mo parin ba nahahalata? May gusto sayo si Althena" sabi ni Milliana
Simula kasi nang malaman ni Sakuhako iyon medyo dumestansya sya kay Althena, close si Sakuhako sa mga babaeng player ng shohoku ayaw nyang mag bago ang tingin na iyon sa kanila
Magsisimula na ang game, maglalaban sa jumpball si Gildar at ang Sentro ng Takezato na si Ugo
Pagtapon ng referee ng bola sabay na tumalon si Gildar at Ugo
At nang pareho na nila mahawakan ang bola nagsubukan nman sa lakas at kitang kita na
"Sabi na si Gildar mananalo" sabi ni Sakuhako na nanonood
Agad na kinuha ni Otano ang bola
"Fastbreak" sabi ni Renz na Power Forward ngayon
Tumakbo ang shohoko, ipinasa ni Otano ang bola kay Akito
Pagkatapos derederetso lang sa pagtakbo si Akito mabilis na nilusutan ang dalawang Takezato
"Ano?" Gulat na si Odaki ang Power Forward ng Takezato pagdating ni Akito
Tumalon sya at dinakdak ang bola
"Yahhhohhhh ang galing mo Sakuh" sigaw ni Zoey habang ang Takezato
"Ang bilis nya, yung lalaking pula ang buhok" sabi ng isang substitute player ng Takezato
"Sakuragi" na may gigil sa mukha na coach ng Takezato kilala kasi nya si Sakuragi at alam nyang ang lalaking pulang buhok na naglalaro ngayon at anak ni Sakuragi
Pagkatapos makapuntos ng shohoku aatake na ang Takezato subalit mabilis na naagaw ni Otano ang bola, sa shohoku ulit ang bola
Tumakbo si Akito sa pagkakataon na iyon ipinasa nya ang bola kay Daigo na nasa labas
"Humanda kayo" sabi ni Daigo at tumira ng 3 point shot, pumasok ang bola
Takezato 0
Shohoku 5
Tamang sigaw ang mga kaibigan ni Daigo sa taas ng
"Boy Kulangot! Boy Kulangot! Boy Kulangot" sigaw ng mga kaibigan ni Daigo
Habang si Althena nanahimik na lang
"Anong problema Althena, i-cheer natin si Daigo, Boy Kulangot! Boy Kulangot" tanong ni Kenta subalit nahiya na si Althena dahil nasa harapan lang nila si Sakuhako na nanonood ngayon ng laban ng Shohoku
Nagsisimula palang ang game anong klaseng laban nman kaya ang mangyayari?