The Barista's Heartbeat (GXG)

By explicitmind_

73.1K 2.6K 285

In the heart of the bustling city, amidst the inviting aroma of freshly brewed coffee, unfolds a tale of chan... More

Synopsis
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XX
Announcement(PLS READ)
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII

Chapter XIX

2.3K 88 23
By explicitmind_

"I like you too, Zephyra, so much" Parang sirang plaka na paulit ulit sa utak ko. Totoo ba? gusto niya din ako? AHHHH parang sasabog na ata ang puso ko sa narinig.

"Why are you smiling like that?" Tanong ng katapat ko, andito kasi kami sa isang restaurant na mamahalin, akala ko libre ko pero hindi pala, nag insist na siya na siya na daw ang mag babayad

Hindi pa din ako makapaniwala sa narinig ko kanina like what the hell, parang kaninang umaga lang broken hearted pa ako tapos ngayon grabe nanaman yong kilig na nararamdaman ko. Napaka mixed emotions naman hays.

"Don't tell me, you're thinking about my sister are you?" Tanong nito sa akin habang nakakunot ang noo, natawa naman ako pano ko ba maiidentify kung iniisip ko siya o twin niya eh halos pareho lang naman ang mukha.

"Ano po bang difference niyo ng kapatid mo" Tanong ko dito ng seryoso ngunit lalo naman siya nainis sa tanong ko.

"Stop asking questions about her; I'm literally more stunningly attractive." Sabi niya habang flinick pa ang hair, legit naman nga mas may dating talaga siya kesa don sa kapatid niya. 

Pero kung andon kayo sa sitwasyon ko, hindi niyo talaga makikita ang difference nilang dalwa like as in, kahit hanggang ngayon di ko pa din matukoy ang pagkakaiba.

"Fine, I'll tell you the difference so you'll easily differentiate us two." Sabi niya at tumango tango naman ako

"She has a barely visible scar on her eyebrow, and her eye color is a much darker shade of blue compared to mine. Did you happen to notice?" Tanong niya sa akin at napa isip naman ako, kaya pala nakakapanibago yong mata niya non kasi di naman pala siya yong nakita ko.

"Ahhh okay, napansin ko nga po, pero di ko naman alam na may kakambal kayo" Sabi ko dito 

"Now you know, just look on our eyes and feel your heart maybe you'll know the difference" Sabi niya sa akin na ikinatungo ko, It's fascinating how our hearts can discern individuals, even when they bear striking resemblances.

"Akala ko talaga kayo yon" Sabi ko dito ng mahina habang iniisip pa din yong nadatnan ko kahapon sa school

"I would never dream of treating anyone else that way, but when it comes to you... well, let's just say I'm irresistibly drawn to the idea of kissing you." Sabi niya habang nakangisi sa akin, na ikinainit naman ng mukha ko. Bigla ko naman naimagine na kami yong magkahal-

"Stop thinking about the naughty things!" Sabi niya habang pinitik ang ilong ko

"You're literally blushing don't ever try to deny it" Sabi niya habang natatawa tawa.

Kinain ko na lang yong steak na nasa plato ko, ang sarap talaga ng steak na to first time ko makatikim ng mamahalin na ganito. Mas masarap pa ata sa tapa. Napatingin naman ako sa lips nitong katapat ko and gagi sobrang kissable lips talaga.

Parang ang sarap ikiss

"Is that what's on your mind right now? While we're in the middle of dining? I must say, I didn't realize you had such thoughts stirring within you." Sabi niya habang nakatingin sa akin na may pang aasar, Nagulat naman ako nasabi ko ba ng malakas yon? Hala nakakahiya

"Don't worry, it's okay. Just as long as I'm the only one on your mind." Sabi niya hays parang sira talaga to minsan.

"Nga pala, bakit di po kayo close ng kakambal mo" Tanong ko dito para mag change topic na, masyado niya na ako nahohotseat at napapahiya ko lang ulit ang sarili ko. After ko tanungin ay bigla naman itong napasimangot pero sasagutin niya din naman.

"I told you to stop talking about her" Sabi niya, super curious talaga ako

"I suppose you won't quit until I've answered every one of your questions, will you?" sabi niya kaya napapalakpak naman ako sa narinig ko

"Avianna and I really have a complicated relationship. She always tends to make everything a competition, while I'm just trying to focus on building my life. Every time I'm close to building something good, she's always there to ruin it." Sabi niya at nagtataray nanaman

"Then one time, she stole everything from me, even the most important part of my life was mostly gone. Till now, I'm still trying to fix her mess." Sabi niya at makikita mo talaga ang lungkot sa kanyang mga kulay asul na mata. "Until then, I haven't forgiven her, and I never will. I don't need her in my life." Sabi niya ng may pagsisigurado sa mata. Kinabahan naman ako sa pinupukaw niyang tingin, her eyes literally hold so much emotions, pano pa kaya ang puso niya.

"How about you and your siblings?" Pagbabalik tanong niya sa akin, ay wow getting to know each other pala to, di niyo naman ako ininform ma'am

"Well, typical lang naman yong closeness namin ng mga kapatid ko, I really do tried na hindi maleft out but sometimes hindi talaga siya maiiwasan especially na adopted lang naman po ako" Sabi ko dito na ikinagulat niya.

"When did you found out that you're adopted?" Tanong niya sa akin 

"Matagal na po eh, I forgot but I was reminded lang ulit recently " Sabi ko dito habang nakangiti para di niya maisip na nasasad ako pag nalalaman ko na adopted ako.

"But are you okay with your parents?" Tanong niyang muli ngunit tumango lang ako dito

Nagulat ako sa paglapit niya sa akin at hawak sa gilid ng labi ko, A-Anong ginagawa niya?

"You've got a bit of steak sauce on the corner of your lip there." Sabi niya ng seryoso at sabay tingin sa akin ngunit napalitan naman ito ng ngisi ng makita niya ang reaksyon ko.

"Your cuteness never changed Zephyra, why must you always be so irresistibly cute?" Sabi niya habang natatawa tawa pa, binato ko naman ito ng tissue sa mukha pero natatawa tawa pa din siya.

"By the way, I was trying to contact you since last week but I always failed to reach you" Sabi niya sakin pero napakamot lang ako ng ulo ng maalala na wala pa nga pala sa akin ang cellphone ko.

"Ah sira po kasi yong charger ng cellphone ko" Sabi ko dito na nagpakunot naman ng noo niya.

"Why are you telling me that now, my gosh" Sabi niya na para bang problemadong problemado sa buhay. 

"Hindi naman po kayo nagtatanong" Sabi ko dito ng may katotohanan, totoo naman kasi di siya nagtatanong alangan bigla ko sabihin "sira po cellphone ko" mamaya sabihin niya "So what?" oh edi ako pa napahiya

"Come let's go" Sabi niya sa akin habang nagsisimula na siya mag ayos ng mga gamit niya, tumayo naman siya at inilaan ang kamay niya para tumayo ako. Tinanggap ko naman ito ngunit hindi na niya ito ulit binitawan.

Lumabas kami ng restaurant habang naglalakad ng magkahawak ang kamay. Maya maya lang eh bigla niyang inintertwined yong kamay namin, dahilan ng paglambot ng aking mga tuhod. Grabe naman magpakilig tong babaeng to.

"Why you walk so weird?" Pag pupuna naman niya, kanina pa to namumuna ah. Di na lang kasi maglakad ng sarili niya. 

"Kasalanan niyo to" Bulong ko na ikinakunot naman ng noo niya

"What are you whispering about?" Tanong niya sa akin ngunit iniwas ko lang naman ang tingin dito.



"Ala wag na po" Sabi ko dito, andito lang naman kami sa cashier ng bilihan ng cellphone, pero don pa talaga sa mamahalin. Apple store daw, akala ko naman bibili lang ng mansanas, yon pala eh literal na Iphone na.

"I want to" Sabi niya habang inilapag ang dalawang box ng cellphone sa counter

"I'd love for us to have matching phones. Am I asking for too much?" Sabi niya sa akin habang ngingiti ngiti pa at inabot ang isang black card sa counter.

"Ah wait a second" Sabi niya sa kahera, ano nanaman ba?

Umalis naman ito sa pwesto niya kasama ang isang staff, hindi na ako sumunod kasi nalulula ako sa mga presyo ng electronics dito. Bumalik naman ito na may dala dalang basket na puno ng mga boxes.

"I'll also get this" Sabi niya sabay isa isang inabot ang mga box sa cashier. Sobrang dami naman nito aanhin nya yon lahat.

Matapos Ipack lahat sa dalwang paper bag ay binitbit niya na ito pareho, bigla naman itong umimik at tumingin sa akin

"Hand please" Utos niya sa akin habang nakalahad nanaman ang kamay, wala na akong nagawa kundi ilagay ang kamay doon at agad naman niya ulit itong inintertwined. Lakas talaga magpakilig ng babaeng to, yare to sakin pag ako nagpakilig dito.

Naglakad lang kami papalabas ng mall at pumunta kami sa pinagpapark ng kotse niya, pinagbuksan niya naman ako ng pinto at inalalayan na pumasok.

Pumasok naman din siya sa kotse niya at saka inabot sa akin ang hawak hawak niyang paper bag. Nagstart na siyang magmaneho ng kotse at kinuha naman niya ulit ang kamay ko at ngayon ay hawak hawak niya ito habang ang isa niyang kamay ay naka hawak sa manibela.

Kay ganda gandang babae pero ang pogi niya kumilos, my heart is literally so confused right now. 

"Did you noticed how perfect our hands are together" Sabi niya habang hinahaplos haplos pa ng thumb niya yong kamay ko, di ko mapigilan na matunaw ang puso ko sa mga nararamdaman ko.

"Ma'am bakit sobrang pafall mo?" Sabi ko dito ng seryoso

"Well that's literally my plan, to make you fall in love with me a-" bigla naman siyang napatigil ng may maalala siya bigla "Hey! Did you just called me ma'am?" Tanong niya ng nakataas pa ang kilay

"Ha? hindi ah" Sabi ko dito at sabay iwas ng tingin dito

"No, my ears are perfectly clear, I literally heard it right" Sabi niya at natawa naman ako dito, pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Just you wait, Zephyra. You'll face the consequences for calling me that during our date." Pananakot niya sa akin, and for the first time hindi ako nakaramdam ng takot tanging pagpipigil lang ng kilig ang naramdaman ko.



"Ahhh no matter how slow my driving is you always end up leaving my car" Sabi niya habang nanguso nguso pa. Kakadating lang kasi namin dito sa kanto ng bahay namin. Kahit ako parang ayoko pa din umuwi.

"Tara may papakita ako sayo" Sabi ko dito, sakto medyo madilim na, dadalhin ko siya sa favorite place ko. 

"We'll just walk" Tanong niya at tumango lang ako dito, bumaba naman kami ng kotse, kinuha ko naman yong flashlight sa bag ko at biglang napatingin sa akin si ma'am na nakakunot pa ang noo

"You carry that with you all day?" tanong niya at maya maya pa ay natatawa na siya, napasimangot naman ako, ano bang problema niya. Wala kaya akong cellphone kaya nagdala na ako ng malaking flashlight.

"Wala po kasi akong cellphone eh kaya dinala ko na lang ang flashlight ni Itay" Sabi ko dito habang umiwas ng tingin sa kanya.

"Oh come on I didn't mean to bully you or some sort" Sabi niya habang nakatigil, kinuha naman niya ang flashlight na hawak ko pati na din ang kamay ko at siya na ang nag flashlight ng daan, napangiti naman ako dito.

Habang naglalakad ay mararamdaman mo talaga yong comforting presence ng bawat isa, maya maya pa lamang ay nakarating naman kami sa aming pupuntahan.

"wow it looks so beautiful and relaxing here" Sabi ng katabi ko, habang tumitingin tingin siya sa paligid. May maliit kasi ditong fish pond tas may malawak na space at may mga upuan din na bato dito. Basta super relaxing dagdag mo din yong mga ilaw na nakalagay sa bawat sulok ng lugar. Ako talaga nag lagay ng ilaw dito, naging safe haven ko na to eh kaya mas pina ganda ko din.

"Riah, dito oh" Sabi ko habang inilapag ko naman ang suot suot kong jacket kanina at saka umupo dito sa may damuhan.

Tinanggal niya naman ang blazzer na suot niya akala ko ilalagay niya din sa damuhan pero laking gulat ko na ipinatong niya ito sa balikat ko. Ngumiti naman ito sa akin ng matamis at tinitigan lang ako.

"Night lights are enchanting, especially when they illuminate your beautiful face." Sabi niya sa akin habang hinahaplos ang pisngi ko.

"Ang ganda mo" sabi niya nang mahina at medyo nahihiya pa sa kanyang Tagalog. Napangiti naman ako nang marinig ko ang kanyang boses.

Ngumiti lang ako at tinitigan siya. Makikitang naglalaro sa kanyang mga mata ang kislap ng kulay asul, at ang ligaya na ramdam niya. Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi ngumiti sa nakikita ko.

Niyaya ko siyang humiga sa malambot na damuhan, at walang pag-aalinlangang sumunod siya, ang kanyang presensya ay nagbigay ng dagdag na kasiyahan sa gabi. Sa paligid, ang langit ay kumikislap sa paglitaw ng mga bituin, anuman ang kanilang lihim na kwento. Ang buwan ay naglalaro ng kanyang liwanag, nagbibigay ng romansa sa paligid. Ang simoy ng hangin ay bumabalot sa amin, ang amoy ng damo at mga halaman ay nagdudulot ng kakaibang kapayapaan at kasiglahan. Sa ilalim ng ganitong kagandang gabi, tila ang oras ay huminto, at kami lang dalawa, nagmamasid sa kabila ng kamangha-manghang likha ng kalikasan. Napakaganda talaga ng langit kada gabi.

Napatingin naman ako sa katabi ko at nagulat ako ng makitang nakatingin siya sa akin na medyo maluha luha na. 

"Hala okay ka lang?" Tanong ko dito at nagaalalang tumingin sa kanya

"Yes, I just missed you. I thought we weren't going to talk anymore. I never imagined this scenario with you. And I'm just so happy, Zephyra" Sabi niya habang pinahidan niya naman ang luhang namumutawi sa kanyang mga mata.

"Gosh you dont know how much I missed you" Sabi niya at bigla bigla na lang umiyak, natataranta naman akong napatayo sa kinahihigaan ko at di ko alam ang dapat kong gawin

Kinuha ko naman ang panyo sa bulsa ko at ipinunas ng dahan dahan sa mukha niya, nagulat naman ako ng bigla niya akong hinigit at niyakap kaya naman napadapa na ako sa katawan niya.

"I miss you so much" Sabi niya, habang nakayakap sa akin at humihikbi, hinayaan ko lang siyang umiyak sa aking balikat. Maya-maya pa, medyo bumaba na ang kanyang pag-iyak. Akoy umupo muli at hinigit ko siya patayo. Ngayon, magkaharap na kaming dalawa.

"Namiss din kita" Sabi ko dito at ngumiti, pinahidan niya lang naman ang luha niya at tumingin sa akin. Bigla namang nagkusa ang katawan ko at di ko na namamalayan na onti onti na palang lumalapit ang mukha ko sa mukha niya.

Pumikit lang ako para halikan ang noo niya, at ipinag dikit ang mga noo namin. Nakapikit lang ako habang ninanamnam ang bawat sandali. Hinayaan kong bumilis ang aking puso habang hinahangad na hindi matapos ang araw na ito

Sa tagal tagal na panahon, ngayon ko lang naramdaman ang contentment na para bang sa wakas nahanap ko na ang hinahanap ng puso ko.

Naramdaman ko naman na bigla niya akong niyakap muli ng mahigpit at bumulong ito sa akin.

"Please don't ever let go again"

Continue Reading

You'll Also Like

20.5K 523 86
My wildest Nonsense thoughts šŸ˜‚šŸ˜ kailangan i-share baka umapaw šŸ˜‚šŸ˜‚šŸ˜‚ ā˜†ā˜†ā˜†ā˜†ā˜†ā˜†ā˜†ā˜†ā˜†ā˜†ā˜†ā˜†ā˜†ā˜† Adviser ā™” #min
194K 5.8K 51
I need to pretend that I am her student to execute my plan. - Royce
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...