Nagising si Milgray na nakahiga na siya sa mahabang sofa. Nakapatong ang ulo niya sa
kandungan ni Zuriel. Pupungas-pungas na bumangon siya. Nakita niyang nakatulog na rin ito sa
nakaupong posisyon.
Hindi na nga niya namalayan na nakatulog na pala siya. Ang huling natatandaan niya ay
nagkukuwentuhan pa sila.
Tiningnan niya ang relo. Mag-aalas-sais na ng umaga. Kinuha niya ang suklay sa bag at
sinuklay ang buhok. Pagkatapos ay lumapit siya sa kama ni Miles. Mahimbing pa rin ang tulog
nito.
Makaraan ang labinlimang minuto ay nagpasya siyang pumunta sa canteen para bumili ng
kape at tinapay. Wala na kasing lamang mainit na tubig ang thermos na naroon.
Bumili na rin siya ng toothpaste at dalawang tooth-brush. Pagbalik ay nadatnan niyang gising
na si Zuriel.
“Good morning,” nakangiting bati niya rito.
“Bakit hindi mo ako ginising?” tanong nito.
“Ang sarap ng tulog mo, eh, kaya hinayaan na lang kitang matulog muna.” Iniabot niya ang
isang plastic cup na may lamang kape rito. “Good morning, too, Gray,” pabirong sabi niya sa
kanyang sarili.
That brought a smile to his lips. “Good morning, my lady,” sabi na nito.
“Good morning to both of you.”
Sabay silang napabaling kay Miles. Gising na rin ito. She was relieved to see her smile.
“Good morning, Miles,” ganting-bati ni Zuriel.
“Pati pala si Zuriel ay naabala ko na rin,” ani Miles.
“I’m glad to be of service, Miles,” wika ni Zuriel. “Kumusta na ang pakiramdam mo?”
Tinanggap nito ang iniabot niyang tinapay.
“Ready to go,” sagot ni Miles.
“Kung gano’n, kain ka muna.” Inabutan niya ito ng tinapay at kape.
Pagkakain ay sinabihan niya si Zuriel na mauna na, ngunit nagpaiwan pa rin ito. Sabay-sabay
na raw silang lumabas dahil lalabas na rin naman si Miles nang umagang iyon. Alas-nuwebe,
pagkatapos na masuri si Miles ni Doctor Rivera ay inayos na niya ang mga release papers nito.
Tinulungan siya ni Zuriel sa pagliligpit ng mga gamit ni Miles nang dumating si Delfin.
“Ahm, iwan muna namin kayo,” aniya, saka hinila na palabas si Zuriel palabas ng silid.
“That was her husband, right?” tanong ni Zuriel nang makalabas sila.
Tumango siya. “Bakit ngayon lang siya nagpakita? Hindi kaya mabinat si Miles sa pag-uusap
nila? Dapat ba talagang iniwan natin—”
“Hey, hey!” pigil nito sa kanya. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. “Gray, relax,”
sabi nito. “Sa palagay ko, tama lang na iniwan natin sila. Alam naman siguro ng asawa ni Miles
ang kalagayan niya. Hindìyon gagawa ng ikalalala ng kalagayan niya. Besides, he looked like a
mess. Like he was really sorry.”
“Gano’n?!” bulalas niya. “Niloko niya si Miles. He betrayed her trust and he betrayed his
family. Hindi siya makontak the whole time, 'tapos, susulpot siya looking sorry? Gano’n lang?”
Hindi niya naitago ang galit sa tinig niya.
“Hush, I’m not your enemy, okay?” pagpapakalma nito sa kanya. “Hintayin na lang natin ang
resulta ng pag-uusap nila. Hindi naman tayo aalis dito kaya malalaman din agad natin kung
magkakaproblema sa loob, which I doubt.”
Pagkaraan ng tila napakahabang tatlumpung minuto, lumabas sina Delfin at Miles. Tapos na
raw mag-usap ang mga ito.
Nilapitan niya si Miles. Halatang nanggaling ito sa pag-iyak. “Are you okay?” nag-aalalang
tanong niya.
Sa kanyang pagkasorpresa, hindi pilit ang ibinigay nitong ngiti sa kanya. “Okay lang ako,
Gray,” sabi nito. “Puwede na siguro tayong umalis,” sabi nito.
Si Delfin na ang umalalay kay Miles at hindi naman ito tumanggi sa buong pagtataka niya.
Habang palabas sila ng ospital ay nakasalubong pa nila si Doctor Rivera. “Tutuloy na ba
kayo?” tanong nito na tumingin muna sa kanya bago sa mga kasama niya.
“Yes, Doc,” tugon ni Miles. “Maraming salamat.”
“Pagaling ka,” anito.
Malapit na sila sa pintuan nang tawagin siya ng guwapong doktor.
Humarap siya rito, aware that Zuriel’s gaze was on her.
“Nasa Porta Vaga ang coffee shop mo, right?” anito.
“Yes.”
“I’ll visit your coffee shop one day,” anito.
“Sure. Sa unang punta mo, walang charge,” nakangiting sagot niya. Pasimpleng sinulyapan
niya si Zuriel. Salubong ang mga kilay nito.
“Thanks,” wika ng doktor.
“We’ll go ahead,” paalam niya.
Inihatid nila ni Zuriel ang mag-asawa sa bahay ng mga ito. Pagkatapos matiyak na okay na si
Miles ay nagpaalam na rin sila ng binata dahil mukhang ang asawa na nito ang mag-aalaga rito.
Tahimik siya habang nasa loob sila ng kotse. Hindi naman sa hindi siya natutuwa dahil
mukhang magkakasundo nang muli sina Miles at Delfin. Hindi lang kasi maalis sa isip niya ang
ginawang pambababae ng huli. Na naging halos gahibla na lamang ang layo sa kamatayan ang
inabot ng kaibigan niya dahil doon.
Just be happy for Miles, Gray, sabi ng isip niya. Alangan namang ipagtabuyan pa rin niya
ang asawa niya kahit ang totoo, gustung-gusto niyang makasama ito.
“Merong mga bagay na hindi pa rin natin alam o hindi maintindihan sa kaso nina Miles at
Delfin. Sila pa rin ang higit na nakakaalam kung ano ang nararapat kahit pa sa tingin natin ay
parang hindi tama,” wika ni Zuriel. Wari ay nabasa nito kung ano ang gumugulo sa kanyang
isipan.
Napabuntong-hininga siya. “I just think na ang bilis namang napatawad ni Miles si Delfin.
Not that I’m not happy na posibleng mabuo muli ang pamilya niya.”
“Maaaring alam ni Miles na ganoon ang iisipin ng mga taong nakakaalam ng ugat ng
paghihiwalay nilang mag-asawa. Pero isasaalang-alang pa ba niya iyon kung ang totoong
ikaliligaya naman niya ay ang makasama si Delfin at ang mga anak nila?”
“Yeah. Maybe you’re right,” sang-ayon na lamang niya.
“HINDI na kita aanyayahan pang pumasok. Masyado nang malaking abala ang ginawa ko,” wika
ni Milgray nang ihinto ni Zuriel ang kotse nito sa tapat ng bahay ng Tita Susie niya.
“Hindi abalàyon. Gusto ko rin talagang makatulong,” anito.
“Salamat. And don’t bother to open the door for me,” aniya, saka bumaba na siya ng
sasakyan.
Nabuksan na niya ang gate nang tawagin siya nito. Nakita niyang bukas ang pinto sa driver’s
seat.
“Bakit?” tanong niya.
Rumehistro ang pag-aalinlangan sa mukha nito.
“Ano?” aniya nang mainip sa paghihintay na magsalita ito.
“'Di bale na lang.”
“Ano ngàyon?” pamimilit niya.
“Huwag na.”
“Zuriel!” Nagbabanta na ang tinging ibinigay niya rito. Pakipot! sa loob-loob niya.
“Pa’no kung imbitahan ka n’ong doktor nàyon na mag-date, pagbibigyan mo ba siya?”
Hindi ito nakatingin sa kanya habang nagtatanong.
Natawa siya. “Hindi pa nga pumupunta sa coffee shop, date na agad 'yang nasa isip mo. For
all we know, hindi naman talaga siya seryoso. Maybe he was just being... polite.”
“Pupunta siya sa coffee shop, itaga mòyan sa bato. At yayayain ka niyang lumabas, for
sure. S-sasama ka ba?”
She stared at him. She was sure that he was not proud of what he was doing. But then he
looked as if he really needed to ask.
“I’ll just cross the bridge when I get there. Okay na po bang sagot 'yon?” hindi diretsang
sagot niya.
“Gray!” reklamo nito.
“Bye, Zuriel!” masiglang sabi niya, sabay pasok sa loob. Hindi na niya muling nilingon ito.
Narinig niya ang pagbuhay nito sa makina na sinundan ng tuluyang pag-andar ng sasakyan.
Ngingiti-ngiting pumasok siya sa loob ng bahay.
TULAD ng sabi ni Zuriel, isang araw pagkatapos nilang mailabas ng ospital si Miles ay
nagpunta nga sa coffee shop si Dr. Rivera. Guwapung-guwapo at napakalinis tingnan nito sa
maputlang dilaw na polo at light brown slacks na suot nito.
“Hi, Gray!” bati nito nang makalapit sa counter.
“Hi, Doctor Riv—”
“It’s Vic. Nakalimutan mo na ba?”
“It’s good to see you, Vic. Ano’ng gusto mo?”
“I’ll try the... vanilla latté,” sabi nito habang nakatingin sa menu. “Thrice na rin akong
nakapunta rito pero ngayon lang kita nakita,” sabi nito nang maibigay niya ang order nito.
“Sa Manila kasi talaga ako naka-base. May dalawa pang Gray’s Coffee Shop doon. Nagba-
bakasyon lang ako rito sa Baguio.”
“Nagbabakasyon ka, 'tapos, trabaho rin ang inaatupag mo rito. Na-tour mo na ba ang
magagandang lugar sa Baguio?”
Tumango siya. “Hindi lang naman kasi ngayon ako nagpunta rito. This is my second home.
Dito ako nag-college.”
“Really? Where?”
“Sa SLU.”
“Oh,” sambit nito. “Magpiprisinta pa naman sana akong maging tour guide mo,” birong-
totoo nito.
Kung saan-saan pa napunta ang usapan nila. Nakatatlong order ito ng kapeng iba-iba ang
flavor. Alas-dos pasado na nang magpaalam ito pagkatapos siyang yayaing sumama rito sa
Sabado.
Sinabi niyang may lakad siya sa araw na iyon at marami rin siyang gagawin sa mga susunod
pang araw. Ang totoo, ayaw niyang paunlakan ang paanyaya nito. Nahihiya lamang siyang
sabihin iyon. Medyo nahahanginan kasi siya nang kaunti rito.
Pilit niyang binubura sa isip na si Zuriel ang dahilan. Kahit itanggi pa niya, ang totoo, ayaw
niyang makipag-date sa iba. Ayaw niyang nagsasalubong ang mga kilay ng binata. Pero nunca
na aminin niya iyon dito.
Narinig niyang tumunog ang chime. Nag-angat siya ng mukha. Madilim ang mukha ni Zuriel
nang pumasok sa loob.
“May naipatalo ka bang kaso?” pabirong tanong niya rito, sabay lapag ng cappuccino sa
harap nito.
“Didn’t I tell you? Isang araw pa lang ay nagpunta na agad ang doktor nàyon dito,” anito.
Nakasalubong pala nito si Vic sa labas. Kaya pala salubong na naman ang kilay nito. Bakit
ba pakiramdam niya ay siyang-siya siya sa ipinakita nitong pagkadisgusto sa ginawang pagdalaw
roon ng binatang doktor?
“Don’t tell me na niyaya ka na agad makipag-date n’on?” anitong hindi pa ginagalaw ang
cappuccino.
“Akala ko ba, siguradung-sigurado ka na sa sinabi mo sa akin? Ba’t parang gulat na gulat ka
ngayon?” nakangiting tanong niya. She was enjoying this!
“So nagyaya nga ang putlang 'yon,” pintas nito kay Vic.
“Sunog ka naman,” sopla niya. Moreno kasi ito.
“At least, mukhang buhay, hindi bangkay,” parang batang wika nito.
Natawa siya. “Naririnig mo bàyang sarili mo? Para kang bata.”
“Kinikilig ka naman dahil dinalaw ka niya?”
“Para kang sira.”
“Ano’ng sabi niya? Saan ka raw niya balak dalhin?”
“Gusto niyang i-tour ako sa buong Baguio.”
Sumimangot ito. “'Baduy naman ng doktor nàyon.”
Hindi na lang siya kumibo.
“Ano naman ang sabi mo?”
“Kailangan ko ba talagang mag-report sàyo?” nakataas ang kilay na tanong niya.
“Magkaibigan na naman tayo, ah. Kaya okay lang,” katwiran nito.
“'Sabi ko, may lakad ako—”
“Para mo na ring sinabing papayag ka kung wala,” akusa nito.
“At busy ako. At saka wala naman akong balak na makipag-date sa kanya. Bukod sa hindi
ako agad-agad na nakikipag-date, may pagkamayabang pa yata ang doktor na iyon. Hindi ko
siya—” Natigil siya sa paglilitanya nang makitang ngiting-ngiti ito.
“So hindi mo type si Vic? Alam mo bang iyan ang kauna-unahang magandang balitang
natanggap ko sa araw na ito? Umurong ang kliyente ko sa kasong attempted rape na isinampa
niya sa isang kilalang negosyante rito sa Baguio. Kahit na ilang beses ko nang sinabing
maipapakulong ko ang Gallego na iyon ay umurong pa rin ang kliyente ko, kapalit ng malaking
halaga,” pagkukuwento nito.
“To answer your question, hindi.”
“That’s my lady,” nakangising sabi nito.
“Heh!”
“Susunduin kita ng mga alas-siyete sa bahay ninyo. Okay lang bàyon?”
“Ang aga naman. Saan mo ba ako balak dalhin?”
“Bastos!”
Bago pa ito nakasagot ay narinig na nilang isinigaw iyon ng isang customer. Kilala niya ang
customer na iyon. Si Lola Modesta iyon, ang matandang dalagang gawaing pumunta roon nang
ganoong oras.