Journey of Forgiveness

By _Isabelle_

160K 6.6K 1.7K

Forgiveness is a choice but for those who are badly hurt and tainted, forgiveness doesn't seem to be a better... More

Chapter 1 - Anger
Chapter 2 - Unforgivable
Chapter 3 - The right to hate
Chapter 4 - A different turn
Chapter 5 - Birthday
Chapter 6 - Baby
Chapter 7 - Moments of Care
Chapter 8 - Sammy
Chapter 9 - Older Brother
Chapter 10 - Win or Lose
Chapter 12 - Crushed Flowers
Chapter 13 - A little bit complicated
Chapter 14 - Inlove
Chapter 15 - Try
Chapter 16 - Tiny bits of heartfelt memories
Chapter 17 - Lovesick (Part 1)
Chapter 18 - Lovesick (Part 2)
Chapter 19 - Time is not
Chapter 20 - Closer
Chapter 21 - Choice
Chapter 22 - Wish
Chapter 23 - Past
Chapter 24 - Happy, Sad, Love
Chapter 25 - Goodbye
II Part - Chapter 1 - New People
II Part - Chapter 2 - First Day and First Impression
II Part - Chapter 3 - Sowing Seeds of Faith
II Part - Chapter 4 - Trust and Secrets
II Part - Chapter 5 - Hope, Love and Forgiveness
II Part - Chapter 6 - Two Years
II Part - Chapter 7 - Again
II Part - Chapter 8 - It's too late
II Part - Chapter 9 - Truths and Regrets
II Part - Chapter 10 - Love & Forgiveness (Part 1)
II Part - Chapter 11 - Love & Forgiveness (Part 2)
II Part - Chapter 12 - Sammy & Teo
II Part - Chapter 13 - Afresh
II Part - Chapter 14 - Teo's love
II Part - Chapter 15 - Third time

Chapter 11 - Love Story

3.5K 182 33
By _Isabelle_

"Hi Joelle! Hi Amos!" Bungad ko sa bahay namin. Nanlaki naman ang mga mata ng bunso kong kapatid na si Amos. Walong taon na ito.

"Ate!" Tumakbo patungo sa akin si Joelle. Siyam na taon gulang na ito. "Kamusta ka na ate?" Pinigilan kong hindi umiyak habang yakap-yakap ko si Joelle. Lumapit rin si Amos sa akin at niyakap ako.

"Papa..." Ngumiti ako ng nagpakita si Papa mula sa kusina. Sumilip rin mula sa kusina si Mama. Silang dalawa lang ang may alam na pupunta ako sa bahay. Lumapit pa sa akin si Papa at matapos akong yakapin ng dalawang kapatid ko ay tumakbo ako at niyakap si Papa. Hindi ko na mapigilan ang tinatago kong luha ng makita ko si Papa.

"Sam...ano ba iyan isasalubong mo sa akin?" Yumupyop lang ako sa dibdib ni Papa at umiyak doon. Namiss ko si Papa. Ngayon ko na lang siya nakita sa loob ng isa't kalahating taon. "Tahan na iyan. Maupo ka muna at nagluluto kami ng Mama mo."

"Mama..." bumaba mula sa kusina si Mama at ngumiti sa akin.

"Hi, Sam." Tumingin sa akin si Mama na tila proud sa akin. Hindi ko maintindihan ang tingin ni Mama. Matapos kong yakapin si Papa ay pumunta ako kay Mama at niyakap ito. Sa kanilang lahat tanging si Mama ang malimit kong makita. Bumisita pa siya sa akin noon bagong panganak ako at binigyan niya ako ng payo sa pag-aalaga kay Sammy. "Kamusta na siya?" Ngumiti ako.

"He is growing so fast Mama." Ngumiti ito sa akin at niyakap akong mahigpit.

Dito ako matutulog kina Mama at hindi mapagsidlan ang saya ko na makakasama ko silang muli. Tinanong ko sina Mama at Papa kung saan nila gustong pumunta pero mas pinili nila na sa bahay na lang daw kami sa unang araw ko at kinabukasan ay sama-sama raw kaming magsimba dahil Linggo.

Maraming niluto si Mama at Papa at lahat iyon ay paborito ko. Naparami ang kain ko dahil na rin sa kwentuhan na pinagbibidahan ng dalawa kong kapatid. Matapos namin kumain ay binigay ko na ang mga regalo ko sa mga kapatid ko at tuwang-tuwa sila. Ipon ko iyon mula sa allowance na binibigay sa akin ni Matt at natutuwa ako na napasaya sila ng maliit na regalo ko para sa kanila. Binilhan ko rin ng blouse si Mama at polo shirt si Papa. Tuwang-tuwa rin silang dalawa.

Mabilis natapos ang isang araw namin at talagang pinilit ko na matulog sa kwarto nila Mama at Papa para makasama sila. Queen size lang kama nila Mama at Papa at siksikan kaming tatlo. Nandoon ako sa gitna at nagpayakap ako sa kanilang dalawa. It will be a while before I visit them again so I am making the most out of it.

"Kamusta na ang apo ko?" Tanong ni Papa sa akin.

"Talon siya ng talon kapag tinatayo ko siya. Sabi ni Matt baka iyon daw ang maging career ni Sammy. Professional Kangaroo." Tumawa si Papa sa sinabi ko.

"Patingin nga kung kanino kamukha?" Kinuha ko ang telepono ko at pinakita kay Papa ang litrato ni Sammy. Ngayon ko lang kinuhanan gamit ang phone ko si Sammy dahil ipapakita ko ito sa mga magulang ko.

"Kamukhang-kamukha ng ina." Salita ni Mama. "Wala atang namana kay Matt."

"Meroon Mama." Salita ni Papa.

"Ano po?" Tanong ko.

"Iyon kasarian."

"Ang corny mo Papa." Salita pa ni Mama pero tumawa rin naman ito.

"Tingnan mo itong Mama mo corny raw ako pero kung makatawa. Ganyan ka inlove ang Mama mo sa akin, anak." Ngumiti ako. Halata ko naman iyon. Inlove sila sa isa't isa at pinamalas nila sa akin iyon noon namamalagi pa ako sa bahay namin. Ni hindi ko nakitang nag-away ang Mama at Papa ko. Siguro ay hindi nila sadyang pinapakita pero kahit ganoon ay lumaki akong nakita ang pagmamahalan ng mga magulang ko.

"Good thing your relationship is founded with love, Ma, Pa." Mahina kong sabi. Will I ever find that kind of relationship? Kapag ba umalis na ako kay Matt ay mararanasan ko rin kayang magmahal gaya nila Mama at Papa? Makakatagpo rin kaya ako ng taong mamahalin ako kahit na malaman niya ang nakaraan ko? Kaya ko bang kalimutan si Sammy?

"Sam..." Salita ni Mama.

"I hope one day I'll find that love." Mahina kong salita. "Gusto ko ng love story na kagaya niyo, Ma, Pa."

"Anak, lahat naman tayo ay may unique na love story."

"Hindi ko pa po alam ang love story ko, Ma. Hindi ko pa po nakikita ang taong mamahalin ko." Tumahimik na sina Mama at Papa. Alam na alam nilang totoo ang sinasabi ko. "Meroon pa po bang tatanggap sa kagaya kong batang ina? Sa isang babaeng narape. Meroon bang taong magmamahal sa akin kahit na malaman nila lahat iyon?"

"Meroon." Tumingala ako kay Mama sa sinabi niya.

"Sino? Kakilala ko ba siya, Ma? Kaedad ko ba siya?"

"Kilalang-kilala mo siya..."

"Wala po akong kilalang lalaking ganoon. Ang kilala ko lang pong lalaking nasa buhay ko ngayon ay si Papa at si Matt. Hinding-hindi si Papa iyon at mas lalo na si Matt. Siya ang sumira ng buhay ko, Ma. Hindi pwedeng siya. Wala ako sa ganitong sitwasyon kung hindi dahil sa kanya. Hindi ako magtatakip ng maraming kasinungalingan kung hindi dahil sa kanya. Hindi ako masasaktan ng ganito kung di dahil sa kanya. Ma, hindi si Matt...hindi."

"Wala akong sinasabing si Matt, anak."

"Eh sino po?"

"Si Jesus." Natigilan naman ako sa sinabi ni Mama.

"Mama, hindi naman siya kasama sa love story ko."

"Anak, kasama siya. Lahat tayo ay may love story kasama si Jesus."

"Kung may love story kami, Ma bakit hindi man lang niya ako tinulungan noon kailangan ko siya. Kung mahal niya ako bakit hindi siya sumugod noon sumisigaw ako at umiiyak? Kung may love story pala kami bakit hindi ko maramdaman na mahal niya ako? Bakit Ma? Bakit?"

"Hindi ko alam ang love story mo sa kanya anak dahil iba-iba tayo pero sa buhay ko, sa buhay namin ng Papa mo pinakita niya kung gaano kaganda ang love story namin kasama siya."

"Ma..."

"Hindi natin alam bakit nangyari sa'yo ang ganitong mga bagay anak. Walang nakakaalam kundi ang Diyos. Pero sinasabi ko sa'yo na hindi niya gusto ang mga nangyari na iyon. Nasasaktan ka man ngayon pero hindi mo dapat sarhan ang mga mata mo para makakita ng mga magagandang pangyayari ginagawa niya para sa'yo. Kasi sa huli anak malalaman mo rin kung bakit, kung anong purpose niya at plano niya sa love story niyong dalawa."

"Love story namin ni God?"

"Parang ganito lang iyan anak. Di ba nasa construction business si Papa?" Tumingin ako kay Papa sa sinabi niya. "Di ba kapag gumagawa kami ng mga building makikita mo iyon construction site na madumi, walang porma at mukhang walang patutunguhan. Pero sa mata ng architect maganda iyon. Kahit na punong-puno lang ito ng hollow blocks, semento at putol-putol na kahoy. Alam mo kung bakit?"

"Siyempre siya ang nagplano noon. Siya ang nagdrawing ng building na iyon."

"Hay ang talino talaga ng anak ko." Hinalikan pa ako sa ulo ni Papa. "Manang-mana sa akin." Umiling lang si Mama sa sinabi ni Papa. "Tumpak! Kasi si God ang engineer or arkitekto ng buhay mo. At kung pipiliin mong makipagrelasyon sa kaniya makikita mo rin ang plano niya sa'yo. Sa love story niyong dalawa. Makikita mo na mas maganda pa sa kahit anong building ang plano sa'yo ni God."

"Love story ko kasama si Jesus?" Napaisip ako. "Hindi ko po alam, Ma, Pa. Hindi ko alam kung kaya ko pang magkaroon ng relasyon sa kanya. Mahirap...mahirap."

"Sinong maysabing mahirap anak? Natatandaan mo ba noon bata ka at tinanong kita na kung gusto mong maging friend si Jesus at sinabi mo na oo? Kapag tinanggap mo siya bilang kaibigan mo, bilang Panginoon at Tagapaligtas mo, doon magsisimula ang love story niyo."


"Ma, kilala ko na siya..."

"Iba ang kilala sa pagkakaroon ng personal na relasyon sa kanya."

"Ma...I don't know. Ito bang sinasabi mong pagtanggap ko sa kanya kung sakali ay gagaan ang buhay ko? Mawawala ba ang problema ko at mga iniisip ko? Magiging malaya na ba ako? Hindi na ba ako matatakot?"


"Hindi anak, magkakaroon at magkakaroon ka pa rin ng problema at pagsubok sa buhay mo kahit tanggapin mo siya."

"Then what's the use, Ma?" Hindi ko maintindihan ang gustong iparating ni Mama.

"Pero pinapangako ko sa'yo anak kapag tinanggap mo siya sa buhay mo may magbabago. Magkaroon ka man ng pagsubok pero dahil may personal na relasyon ka na sa kanya mag-iiba ang pananaw mo at ang iyong buhay."


"Paano iyon, Ma?"

"Because He is God, anak. He is the only one that can change your heart and your life if you fully entrust yourself to him."

Tumahimik ako sa sinabi ni Mama. Hindi na nagsalita si Papa.

"A love story with God." Mahina kong salita.

"Think about it, Sam. Kung ibibigay mo lang ang puso mo ibigay mo na sa tamang lalake. Ibigay mo na kay Jesus dahil hinding-hindi ka niya sasaktan. Trust him."

...
Nagsimba kami sa maliit na simbahan sa may lugar namin. Nag-altar call ang pastor at tinanong ni Mama kung gusto ko raw pumunta sa harapan at tanggapin si Jesus bilang Panginoon at tagapaligtas.

Wala na akong nagawa dahil nakatingin sa akin ang mga tao sa halera ng kinauupuan namin. Sumama ako kay Mama dahil usher si Papa. Nandoon lang ako at nakatayo sa harapan samantalang ang pastor ay pinagdasal kami.


Noon lumalaki ako ay hindi siya ang pastor ng pinagsisimbahan namin ni Mama. Naalala ko ang matandang pastor na nagsasalita sa unahan noon sa unahan pero iba na ngayon. Ilang taon na rin naman akong tumigil sa pagsisimba. Simula noon nagkolehiyo ako ay wala na akong panahon magsimba dahil working student ako noon. Ang Sabado at Linggo ang oras ko para magtrabaho gayundin ang bakasyon.

Natapos ang church service at may binigay sa amin booklet at maliit na bible ang isa sa mga taga-simbahan. Matapos magsimba ay kumain kami sa mall at nanunuod kami ng sine kasama ang mga kapatid ko. Dala ko ang isang sasakyan ni Matt pati na rin ang driver.


Ganoon kabilis ay natapos ang dalawang araw na bakasyon ko kina Mama. I will surely miss them. Nagtatanong pa nga ang dalawa kong kapatid kung saan ako pupunta. Sinabi ko na lang na sa malayong-malayong lugar pero pinangakuan ko sila na bibigyan ulit ng laruan at damit pagbalik ko at tanung sila ng tanong kung kailan iyon.

"Bye, Papa." Yumakap ako kay Papa at niyakap rin ako ni Papa. Umiyak na naman ako. "Alagaan mo ang sarili mo, Pa. Iyon mga gamot mo at check up, Pa."

"Opo. Sinasamahan ako ni Matt huwag kang mag-alala." Sinapo pa ni Papa ang buong mukha ko. "Ikaw, Sam, alagaan mo ang sarili mo at ang pamilya mo. Alam ko anak na masyado ka pang bata para sa ganitong responsibilidad pero alam kong makakaya mo iyan dahil tutulungan ka niya." Tinuro pa ni Papa ang itaas at tumango ako.

"Oh tama na iyan at gabi na. Halika na, Sam." Kinuha na ako ni Mama kay Papa. Si Mama ang kasama ko na naglakad sa gate ng bahay. Nang makarating na kami ay niyakap ko siyang mabuti at iyak pa rin ako ng iyak.

"Mommy Sam, hindi ka na dapat iyakin. Gusto mo bang maging iyakin rin si Sammy?" Umiling ako sa sinabi ni Mama. "Good. Let me pray for you, anak." Tumango ako sa sinabi ni Mama. Hinawakan naman ni Mama ang ulo ko. "Panginoon, salamat po sa pagkakataon po na ibinigay niyo na makasama po namin si Sam. Maraming salamat po at ginawa niyong masaya at meaningful ang pamamalagi po sa amin ng aming anak. Ibinibigay ko na po sa inyo ang buhay niya at tinatanggap niya na po kayo bilang Panginoon, tagapagligtas at kaibigan. Gabayan niyo po siya sa kanyang pag-aaral, bigyan niyo po siya ng sapat na lakas at dedikasyon sa pagiging ina at ibless niyo po ang pagsasama nila ni Matt at ang pagyabungin niyo po ang pagmamahalan nila sa isa't isa. Nawa ay maghari po kayo sa buhay niya at sa kanyang pamilya. Amen." Niyakap ko lang si Mama ng mabuti.

"I still cannot feel God's love, Mama." Sinapo ni Mama ang mukha ko.

"Just wait and see, anak." Hinalikan pa ako nito sa noo ko. "Open your eyes to the goodness that He will shower you now that you have a personal relationship with him."

"Mama, hindi ko rin po kayang mahalin si Matt..." Lalong lumakas ang pagpatak ng luha ko at hindi ko mapigilan. "Sorry, Mama, pero hindi ko po kaya."

"Shh...tahan na anak." Pinunasan pa ni Mama ang luha ko. "Hindi mo siya kailangan pilitin mahalin anak. Hindi naman iyon ang kailangan mong ibigay sa kanya sa ngayon at palagay ko hindi rin iyon ang hinihingi ni Matt sa'yo. Kapatawaran anak, iyon ang kailangan mong ipagkaloob kay Matt."

"Mahirap, Mama...minsan napapanaginipan ko pa rin ang mga nangyari."

"Hindi agad-agad, anak. Let God move you and do not resist. See the goodness in everything, anak. Subukan mong tingnan ang kabutihan ni Matt sa'yo. Subukan mong buksan ang mga mata mo sa nangyayari ngayon at hindi sa nakaraan niyong dalawa."

"Ma..."

"Just look at your son, anak. Isa siya sa magagandang pangyayari sa buhay."

...
"Welcome back, Mommy!" Bungad sa akin ni Simone sa kwarto ni Sammy at dala-dala nito si baby. Kinuha ko agad ito at niyakap.

"Hi baby! Miss na miss na kita. Namiss mo ba si Mommy?"

"Oo, Mommy miss na miss ka..." Napasulyap naman ako sa boses na narinig ko at nakita ko si Matt na bagong ligo. Kaya pala si Simone ang may hawak kay Sammy. Napakarare ng chance na hindi si Matt ang kumakarga kay Sammy lalo na at nandito ito. "...ka ni Sammy. Miss na miss ka ni baby, Mommy." Ngumiti ito sa akin.


"Isang buong araw pinahirapan ni Sammy si Sir Matt, Sam. Hinahanap ang amoy ni Mommy." Napangiti ako. "At eexit na muna ako sa eksena." Napailing na lang ako kay Simone na kaagad lumabas ng kwarto.

"Hinahanap mo ba si Mommy, Sammy? Hinahanap mo ako baby?" Nakatingin lang sa akin ito matapos ay yumupyop sa akin. "Ang lambing naman ng anak ko. Namiss nga ako. Sa ganitong buwan palang ay marunong nang maglambing ang anak ko.


"How's your two days?" Tumingin ako kay Matt at ngumiti.


"I had fun bonding with them. Thank you." Tumango ito at aakmang kukunin sa akin si Sammy.

"Magbihis ka muna." Salita nito at kinuha sa akin si Sammy. Tiningnan ko lang itong mabuti at napapaisip ako dahil sa sinabi ni Mama. "Gutom ka ba? Gusto mong magpahanda ako ng pagkain o gusto mo ng Spam?" Umiling ako.

"Busog ako, Matt, salamat."

"O-okay. Anything else that you need or you want? Anong gusto mong breakfast para bukas para sabihan ko si Ate Aida." Umiling ako at ngumiti sa pag-aabala niya. Ito ba ang 'kabutihan' sinasabi ni Mama?

"Matt...pwede ko bang isama pagtulog si Sammy kahit ngayon gabi lang?"

"Oo naman...sure. Ikaw ang Mommy ni Sammy kaya may right ka na gawin iyon." Tumingin lang ito sa akin ng matagal bago ngumiti. "Tawagin mo lang ako kung kailangan mo ng tulong sa kanya mamayang madaling araw." Tumango ako sa kanya. To see goodness in everything...Matt's goodness... Napabuntong hininga ako sa alaala ng sinabi ni Mama.




...

Dito na po nagtatapos ang tuloy-tuloy na update ko dahil busy week na naman. Thanks so much for reading and supporting this. Your comments to this story means alot to me. Pasensiya na kung hindi ko lahat narereplyan.

Godbless us all!

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 550 43
Jonalise Esceva had a almost perfect life in her mind, in her heart and for herself but the word 'perfect' is shattered into pieces. God from above c...
4.7K 412 44
ROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she wa...
46.5K 1K 49
"unang mahulog talo" ngumiti ako noong maalala ko ang mga sinabi nya matagal na akong talo..
36.7K 1.8K 43
Pangarap ng bawat tao na makatuluyan ang minamahal nila. Pero magiging masaya ka pa ba kung mangyayari ito pero hindi kayo pareho ng nadarama?