The Barista's Heartbeat (GXG)

By explicitmind_

71.3K 2.6K 279

In the heart of the bustling city, amidst the inviting aroma of freshly brewed coffee, unfolds a tale of chan... More

Synopsis
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Announcement(PLS READ)
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII

Chapter VI

2.1K 84 7
By explicitmind_

Tapos na ang kalahating araw, first day pa lang andami na agad nangyayari. Hindi pa din talaga ako maka get over sa nalaman ko kanina.

Ngayon ay kasama ko naman sina Luke. Niyaya kase nila ako after matapos ng last subject, sabay sabay daw kami kumain tapos sasamahan din daw nila ako na umikot sa buong campus. Pumayag naman ako, wala din naman kase akong masasamahan na iba. Nakwento nga daw nila na nag babanda pala sila simula nong High School pa. Kaya naman pala kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao dito. Sabi nga daw andami daw fans ni Luke, pogi naman nga siya pero syempre pogi din daw hanap niya.

"Grabe gurl naloka ako kay Ma'am Arquilla kanina, ngayon ko lang din siya nakita dito sa campus" Sabi ni Luke na medyo nanginginig nginig effect pa.

"Baliw ka nag tuturo na yon, kakastart niya lang last sem pero ang alam ko 4th year students mga handle niya eh hindi ko alam bat nag palipat siya sa 3rd year" Sabi naman ni Gabby. Napatingin naman ako kay Jess na kanina pa walang imik.

Kakatapos lang din namin kumain kaya naglalakad lakad na muna kami. Anlaki din pala ng gym dito, lalo naman ang canteen, may mga ibat ibang food stalls at carts pa. Kaya kanina hindi din ako makapili ng kakainan sa dami ba naman. May iba iba din ditong kilalang fast food stalls kagaya ng mcdonalds, jollibee at greenwich.

Dumiretso lang din ako sa kung saan man kami tahakin ng aming mga paa.

Nalaman ko naman na mga programmers pala sila, si Luke daw ay more on back-end ang alam iprogram which is yong mga functions ng system tapos front-end naman pala si gabby which is focus sya sa mga user interface. Hindi talaga umiimik si Jess, kaya minsan nasasanay na lang ako na tahimik siya.

"Ikaw beshy front or back?" Tanong ni Gabby

"Full stack ako eh" Sagot ko dito ng medyo nahihiya

"SHEESH Grabe ka naman pala gurl kahit mag isa ka na lang sa capstone natin this sem" Sabi ni Luke na ikinatawa ko naman.

"Nakakaya mo talaga pagsabayin pareho yong design at function?" Tanong ni Gabby na namamangha at tumango naman ako dito.

"Idol na kita gurl." Sabi ni Luke

"Nice" Sabi ni Jess na nagulat naman ako na napatingin dito at mas lalong nagulat ako na nakangiti na ito sa amin

Marunong naman pala siya ngumiti eh sinuklian ko din naman to ng ngiti.

"VOWEL MY LOVES" Napatingin naman ako sa sumigaw na walang iba kundi sino pa ba edi si Aaliyah na may nilunok na megaphone.

Hay eto nanaman siya

"Aaliyah!" Tawag ko din dito at niyakap siya. Pinakilala ko naman ito sa aking mga kasama at isa isa niya namang niyakap ang mga ito. Wow ang friendly niya naman.

"Bessy kilala ko yang mga yan sikat yan dito sa school natin" Bulong sakin ni aaliyah napatawa naman ako dito may pagbulong pa siya eh ang lakas naman ng bunganga niya. Nakita ko naman na natatawa na si Luke dito.

Maya maya lang eh nagpaalam na din agad si Aaliyah dahil malapit na daw siya mag time. Napagpasyahan na din namin na pumunta na sa sunod na subject. Dalwang subject na lang kasi at uwian na.

Major subject pala yong subject na to kaya more on programming ang topics, diniscuss din ni sir na magkakaroon nga daw ng capstone project and doon daw siya kukuha ng aming marka. May invidual subject pa kase para sa capstone na to pero may meeting din kami dito mamaya. Ito ata yong last subject namin.

Umalis naman agad si Sir Mendoza at may meeting daw ang mga prof ngayon. Kaya naman nag simula nanaman mag ingay ang mga kaklase ko. Nilibot ko ang aking mata at nakita na may iba pala kaming kaklase na wala kanina. Nasa likod kasi kami ngayon nina Luke di naman daw malabo ang mata namin bakit daw kami ay nasa unahan pa. Sumunod na lang ako sa kanila.

Nag kwentuhan pa ang mga ito, at nag tatanungan na sila kung ano ba daw magandang capstone title, ang advance naman nila mag isip di pa nga kami namemeet ng prof namin sa capstone 1 eh.

Tiningnan ko lang ang orasan ko at nakitang malapit na pala matapos ang time. Ang boring pala pag first day of school, wala masyadong ginagawa.

Tuloy lang ang daldalan ng mga kaklase ko, may iba pang lumilipat ng silya para lang maki chismis at may iba ding lumalabas ng room para bumili sa canteen.

Maya maya pa ay nagulat kami ng nag takbuhan lahat ng kaklase ko sa labas papasok sa room at umupo sa kanikanilang silya kasabay ng pag tapak ng mga takong sa sahig na papalapit din sa amin. Nag si tahimik naman ang aking mga kaklase at naghihintay ng papasok sa pinto. May iba din namang nagdadaldalan pa at di nag papatinag kahit na halos tahimik na lahat ang nandito. Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang aming professor na kakakita lang namin kanina. Sa isang iglap, ang mainit na atmospera ng aming room ay biglang naglaho habang tinatahak niya ang daan patungo sa harapan. Ang kanyang mga mata, nananatiling matigas at malamig, parang yelo na bumabalot sa paligid. Ngunit kahit sa ganitong pagkakataon, hindi ko mapigilang maantig sa kanyang kagandahan. Ang kanyang ilong na may sakto at tamang tangos, at ang kanyang mga labi na kulay pula ay nagdadagdag ng kagandahan sa kanyang kabuuan. Subalit, walang tatalo sa kabigha-bighani ng kanyang mga mata na kulay bughaw, para bang nakatingin ka mismo sa kalangitan.

Nagulat ako ng nakipag titigan din ito sa akin. Medyo nagtataka na din ang aking mga kaklase na kanina padin palang nakatingin sa akin. Kumulbit naman sa akin ang aking katabi.

"Nako gurl yare ka kay ma'am kanina ka pa niya tinatanong nag aattendance na, pero yong kaluluwa mo nasa bahay niyo pa ata" Sabi ni Luke na nakapagpapabalik sa akin sa realidad.

"Ms. Mercado, it seems your attention is elsewhere. I asked you to stand up." Saad ng propesora sa unahan na nakapag patayo naman sa akin.

"I'm sorry ma'am it won't happen again" Naka tungong sabi ko.

"It appears your mind might be wandering. Would you care to share with the class what you're thinking about?" Bigla naman lumaki ang mata ko sa kanyang sinabi

"Nako gurl bat ka namumula mukha kang kamatis today" Rinig kong bulong ni Gabby at automatic na napatakip ako sa aking mukha. Bakit ba ang malas ko ngayon Lord huhu.

"Regardless, I'd like you to move to the front and take a seat. Perhaps being closer will help you maintain focus on our discussion." Walang ano ano ay lumakad ako paunahan habang nakatingin pa din sa akin ang aking mga kaklase.

Sa gitnang unahan pa talaga ko napapwesto sa mismong tapat ng kanyang lamesa. Hay mas lalo pa atang hindi ako makakafocus dito.

"For those who missed my introduction in the previous class, I won't be repeating it anymore as I don't want to waste my time and yours. Feel free to ask your peers for any information you may have missed, including the class rules." Sabi niya at napatungo naman kaming lahat maliban sa isang babae na kanina pa ding dumadaldal sa may likuran.

"You're nothing but a professor, so don't act so entitled." Rinig kong sabi ng babae habang umiimik ito. Napapikit naman ako sa aking narinig.

"Gurl magdasal dasal ka na" Rinig kong sabi ni Luke sa likudan.

"Do you really want to see who you're messing with?" Saad ni Ma'am Arquilla, kinikilabutan na ako sa mga nangyayari.

"I don't care whoever the hell you are, isn't it hard to just be nice to your student for once" Sabi ng babae na hindi talaga nag papatalo

"Impudence has its consequences. And being nice isn't synonymous with being lenient. You'll learn that soon enough." Namangha naman ako sa sagot ni ma'am grabe sobrang professional niya talaga sumagot.

Natameme naman si girl siguro di niya nagets ang sinabi ni ma'am

Napatingin naman ako sa likod at nakita doon ang babae na parang maiiyak na sa inis iimik pa sana siya ng nag salita muli si ma'am

"I may be new to this role as a professor, but don't mistake my demeanor for ignorance. I assure you, I am well-versed in many matters beyond your imagination. You don't know the extent of what I'm capable of when dealing with those who disrespect my rules. If you've got nothing worthwhile to offer, save your breath for someone who gives a damn." Napa "ohhh" naman ang mga kaklase ko

"Quiet class" Sabi ni ma'am kaya tahimik nanaman ang paligid. Grabe nakakabingi talaga ang katahimikan tuwing siya ang nasa unahan namin.

"Anyway, allow me to introduce our subject, which centers around the creation of your capstone projects." Sabi nito andami naman agad bulungan ng mga kaklase ko na kesyo bakit ang aga daw mag pa project

"Even though today marks your first day of school, I'd still like to give you a heads up on what to expect in this subject." Saad nito.

"For now, I want you to start thinking about your capstone title. I trust you're all familiar with what a capstone is; it would be absurd if you weren't, considering you're studying this course for a reason." Sabi niya at napatango naman ako dito. Lahat naman nga siguro ng IT alam to noong 1st year pa lang talaga usap usapan na to sa school namin noon.

"In this capstone project, you won't be working alone; you'll be paired with one of your classmates. Each pair will be assigned a capstone adviser specializing in English, research, or programming. These advisers will assist you in constructing your manuscript and guide you until you successfully bind your papers and deploy your output."

Napaisip naman ako agad kung sino ang magiging partner ko

"Ma'am paano po ang groupings" Tanong ng kaklase ko

"Great question. You'll have the freedom to choose your partner as long as both parties agree to the partnership." Sabi nito

"Paano naman po yong matitira na isa? 31 po kasi kami sa class" Sabi nong isa kong kaklase.

Okay lang din naman na mag isa ako sa project na to, sanay na din naman kase ako na maggawa ng mga ganito.

"If a student chooses to pursue the capstone project individually, they will not only demonstrate exceptional initiative but also a high level of self-reliance. In recognition of this dedication, they could receive additional mentorship sessions tailored to their specific project needs, priority access to resources, or even the opportunity to present their work in a distinguished setting." Sabi nito, wow ang ganda pala ng benefits.

"Alright, now I'll give you some time to decide. Please write your name here, along with your partner's name. If you prefer to work individually, write your name on the back." Sabi nito at inabot naman sa akin ang papel kase ako ang pinaka malapit sa kanya.

Wala pang segundo ay naisulat ko na ang aking pangalan sa papel ipinasa ko naman ito sa katabi ko at tumingin sa aking likod. Kagulo na ang mga kaklase ko na busy mag hanapan ng mga partner.

Maya maya pa ay umimik na ulit si ma'am.

"Okay time is up please give me the paper" Sabi nito at kinuha ang papel. Nakita kong tiningnan nito ang listahan ng mga pangalan at tumingin sa akin na parang nagtataka.

"Ms. Mercado, have you written your name?" Tanong nito at tumango naman ako dito at ngumuso para ituro ang likod ng papel.

"What? why are you doing that thing" Saad nito na nag tataka. Napatawa naman ako ng mahina sa reaksyon niya

"Nasa likod po" Sabi ko dito at agad naman siyang napatango pagkatingin sa likod ng papel

"Alright, it's settled then. Miss Mercado will be undertaking the capstone project alone." Sabi nito at nag bulungan naman ang mga kaklase ko na tila di makapaniwala na mag sosolo ako.

"STOP WHISPERING" sabi ni ma'am na ikinatigil naman ng mga kaklase ko.

"Alright, our next meeting for this subject will be on Friday. I expect each of you to come prepared with five potential titles." Sabi nito at umalis na sa classroom ng hindi nag papaalam.

"Bye Eyu! see you on Wednesday!" Sabi sa akin nina Luke at nag paalam din naman ako dito.

MWF lang kase ang pasok ko tamang tama dahil makakapag trabaho pa ako kapag walang pasok.

"Best friend sorry hindi kita masasabay ngayon, umalis na kase akong school kanina pa dahil bigla kami nag ka meeting sa coffee shop." Sabi ng bestfriend ko sa telepono ngumiti naman ako kahit di niya ako nakikita.

"Baliw okay lang noh, kaya ko naman to tsaka di pa naman masyadong madilim" Sabi ko dito para di siya masyadong mag alala.

"Sige bestfriend ibinook naman kita ng taxi wait mo na lang dyan sa may entrance ha! Ingat ka" Sabi nito at pinatay na ang tawag.

Nag punta naman ako sa may gate para intayin yong taxi na sinasabi niya.

Nagulat ako ng may tumigil sa harap ko na kotse at bumukas ang bintana nito.

"It's getting late hop in, Ms. Mercado" Sabi ni Ma'am Arquilla habang seryoso itong nakatingin sa akin.

"Nako wag na po may hinihintay naman na po ak-" Di na natuloy ang sinasabi ko ng umimik ito ulit

"Please don't make me carry you inside" Nag aalangan na binuksan ko ang pinto ng kotse niya sa may likod uupo na sana ako ng umimik ito ulit.

"Are you trying to make me your personal chauffeur, Mercado? Come sit beside me instead." Sabi nito at sinara ko naman ang pinto sa may likod at binuksan ang pinto sa passenger seat.

"Sorry ma'am" Sabi ko dito ng medyo nahihiya pa

Tumango naman ito sa akin at nag simula ng mag maneho. Hindi ako makahinga dito sa loob, lalo na pag sumusulyap sulyap siya sa akin. Ngayon ko lang talaga to naranasan bakit di ako mapakali tuwing nakikita ko siya.

Tumingin lang naman ako dito at seryoso pa din itong nag mamaneho bigla naman itong umimik at tumingin sakin na agad namang iwas ko ng aking tingin. Baka mamaya isipin niya tinititigan ko siya.

"Where do you live?" Tanong nito sa akin at sinagot ko naman agad.

Medyo malapit na din naman kaya tinuro ko na din ang daan papunta sa amin. Doon na lang ulit ako mag papababa sa may sakayan ng jeep para di na siya pumasok sa may gubatan, masyado kasi doon madilim.

"Dito na lang po" Sabi ko

"Are you sure? Its too dark in here" Sabi niya pero tumango naman ako dito

"Well if you insist, maybe I'll just light up your way so it won't be too dark" Saad niya na ikinangiti ko. Mabait naman pala siya masungit lang.

"Thank you po Ma'am Arquilla" sabi ko dito ngunit kumunot naman ang noo nito.

"Didn't I tell you to call me Azariah last week?" Sabi niya na ikinabigla ko.

Hindi na ako nakaimik at nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad papunta sa bahay namin. Hindi naman masyadong madilim gawa na din siguro ng ilaw ng kotse ni ma'am talagang inilawan niya pa ang dadaanan ko.

Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko para akong hinihingal sa bilis ng tibok ng puso ko.

What even is this??

Nag replay nanaman ang sinabi niya sa akin

"Didn't I tell you to call me Azariah last week?"







Continue Reading

You'll Also Like

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
36.6K 1.3K 40
Hating people and making them hate me is what I do. It doesn't matter if I did it intentionally or not. For years, I have been living my life giving...