The Barista's Heartbeat (GXG)

Door explicitmind_

69.9K 2.6K 278

In the heart of the bustling city, amidst the inviting aroma of freshly brewed coffee, unfolds a tale of chan... Meer

Synopsis
Chapter I
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Announcement(PLS READ)
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII

Chapter II

2.7K 102 11
Door explicitmind_

Nagising naman ako sa alarm na kanina pang tumutunog, kinusot ko muna ang aking mata bago ko tiningnan kung anong oras na.

Agad naman akong napabalikwas ng makitang 6:30 na ng umaga. Konting minuto na lang ay mag bubukas na ang coffee shop, malalate nanaman ako.

Agad agad akong nag asikaso ng aking sarili. Naligo ako ng mabilis pagkatapos ay aking sinuot ang aking uniporme sa trabaho habang nakasukbit ang apron sa aking kamay.

Dali dali naman akong bumaba at nakita doon ang aking inay pati na din ang aking mga kapatid na masayang nag aalmusal. Napangiti naman ako sa aking nakita.

"Anak, mag almusal ka muna halika" Tawag sakin ni Inay, siya nga pala ang kinalakihan kong magulang una pa lang ay pinag tapat na sa akin ng aking pamilya na akoy isang ampon lamang na kanilang kinopkop. Ngunit kahit na ganoon ay kahit kailan hindi ko naramdaman na akoy hindi nila kadugo.

"Nako wag na inay nag mamadali na po ako konting oras na lang malalate na ako" Sagot ko dito ng may paggalang agad naman akong lumapit dito at hinalikan ito sa pisngi.

Nag paalam din ako sa aking dalawang kapatid at lumabas ng bahay pero bago pa ako makalayo ay tumawag sakin ang inay at napalingon naman ako dito.

Lumapit ito sa akin habang may sandok pa itong hawak.

"Anak ito oh pamasahe at baon mo, huwag kang mag papagutom ha" Sabi nito sa akin at sabay abot ng 300 pesos nagulat naman ako sa aking nakita

"Nay nako wag na po" Sabi ko dito ngunit nag pumilit pa din itong ibigay sakin ang pera wala na akong nagawa kundi yakapin ito at mag pasalamat, nagpaalam at umalis na ko dito.

Habang nag lalakad ay may dumaang jeep sa aking gilid at ng makita ko ang nakasulat ay agad naman akong sumigaw dito na naging sanhi ng paghinto nito.

Dali dali akong sumakay at umupo kahit na kakaonti na lang ang space, wala akong magagawa kailangan ko na makadating sa coffee shop kundi mayayari nanaman ako ng bestfriend ko.

Azphyr Brews

Agad naman akong pumara ng mabasa ko ang pangalan nito.

Di maipagkakaila na agaw pansin talaga ang coffee shop na ito, simple ngunit makikita mo kung gaano kaexpensive ang itsura nito. Hindi naman ganoong kamahal ang menu dito sapagkat ginawa talaga itong affordable na may magandang quality para sa mga estudyante o kahit na mga empleyado na gusto bumili at tumambay dito. Hindi kalakihan at hindi rin naman kaliitan ang buong shop na ito tamang tama lang talaga. Pero kahit na ganoon ay dinudumog talaga ito tuwing mga break at labasan.

"So anong meron?" Agad akong napabaling sa aking katabi na naka tayo din sa kung saan ako naka pwesto habang ngumunguya ng pringles. Doon ko lang din napansin na nasa pinaka gitna pala ako at kanina pang nakatayo doon.

"Vowel anong meron? sabihin mo!!" Sabi nito sakin na para bang may hinihintay na sagot.

"Wala" saad ko dito at umalis na iniwan itong nakatayo doon.

Hinabol naman niya ako at inakbayan ang aking balikat

"Eyuuu may maganda akong balita sayo" Sabi nito at napatigil naman ako sa sinabi niya.

"Ang aga aga sinasabi ko sayo, pag yan hindi matino" Pag babanta kong tanong dito na nagpatawa dito ng malakas.

Napa poker face naman ako habang tumingin dito, pag nagkaroon ka nga naman ng kaibigan na may kaonting bara sa utak, napangiwi na lang ako sa inaasta niya.

Sinuot ko naman ang aking apron at dumeretso na sa may counter area.

"Hoy bestfriend bilis halika dito may good news sabi!!" Sabi nito habang malawak ang ngiti niya. Di ko na din maiwasan at napangiti na din ako ng wala sa oras.

May inabot siyang sobre sa akin at nagtataka akong tumingin dito

Pabalik balik ang tingin niya sa akin pati sa sobre habang wagas na makangiti. Binuksan ko naman ito agad at nagulat sa aking mga nababasa.

Dear Ms. Aeiou Mercado,

I hope this letter finds you well. I am writing to inform you of an exciting opportunity that has arisen here at Azphyr Brews.

After careful consideration, we have decided to sponsor your school tuition fully paid, along with an additional monthly allowance. We believe in investing in our employees' futures, and we are thrilled to support you in pursuing your educational goals.

As part of this sponsorship, we would like to suggest considering Avalaria Academy, which we believe aligns well with your aspirations and offers excellent programs in your field of interest. However, the final decision remains entirely yours, and you are free to choose the school that best suits your needs and ambitions.

Please find enclosed all the necessary details regarding this sponsorship, including the terms and conditions. If you have any questions or need further clarification, please do not hesitate to reach out to your respective manager or assistant manager

Once again, congratulations on this sponsorship, and we look forward to seeing you thrive both academically and professionally.

Warm regards,

Labyrinth A.
Owner
Azphyr Brews

naluluha akong tumingin sa bestfriend ko di ko na napigilan at niyakap ko agad ang aking kaibigan ng mahigpit

"Bakit paano ako napili?" hagulhol ko dito habang siya naman eh tinatapik ang likod ko

"Wala kinulit ko lang talaga si ma'am alam kong gustong gusto mo talaga magaral" Sabi nito na mas lalong nag paiyak sakin

Pinag titinginan na kami ng aming mga customer pero hindi ko na lang sila pinansin sapagkat sobrang saya ng puso ko ngayon. Napatingin naman ako sa gilid at nakita ko ulit doon ang babaeng nakita ko kahapon. Agad namang umiwas ito ng tingin sa amin ng nakita niyang nakatingin na ako sa kanya. Sa pag alis ko ng tingin kasabay niyon ang pag ukit ng ngiti nito sa labi napatingin naman ako ulit kung totoo ba ang nakikita ko kanina ngunit mukhang guni guni lang ata sapagkat nakita ko lang itong busy na nagtatype sa kanyang laptop.

Umalis naman ako sa yakap sa aking bestfriend maya maya ay may pinakita din itong sobre na kapareho ng sulat na natanggap ko. Napatalon naman kami pareho ng marealized na hindi lang pala ako ang nakatanggap ng sponsorship.

"So my dear eyu san tayo papasok" Sabi nito habang may ngiti sa mga labi.

Parang kahapon lang problemado pa ako kung saan ako papasok dahil wala akong mapili na kakasya sa pera ko pero ngayon naman eh nahihirapan ako pumili kung saan magandang pumasok na school na masusulit ang sponsorship na binigay sa akin ng may ari ng shop na ito.

Hindi ko pa man nakikita ang may ari nito ay lubos na agad ang aking pasasalamat dito.

"Doon na lang tayo sa sinuggest ng owner, alam kong isa talaga yon sa mga prestigious na school dito" Sabi ko dito na agad napatili nito

Sobrang excited nya talaga, napailing naman ako dito habang tumatawa

"Sige na let's go back to work" Sabi niya pero bago pa ko makapunta sa kusina eh may nag abot sa akin ng panyo na ikinagulat ko. Pag tingin ko dito ay ang pagsilay ko din sa kulay asul niyang mga mata. Katulad kahapon ay may kakaiba pa rin akong nakikitang emosyon sa kanyang mga mata na hindi ko mabasa basa.

Namula naman akong tinanggap ang panyo at ngumiti. Magpapasalamat pa lang sana ako ng tumalikod na ito sa akin

Amp. Bat ang hilig niya tumalikod agad?

Dumiretso naman ako agad sa kusina at agad pinahidan gamit ang panyo ang mga bakas ng luha na dahil ng saya na naramdaman ko kani kanina lamang.

Sa pag pahid ko ng aking luha ay sa pag amoy ko din ng mabangong amoy ng panyong ito. Nag init naman ang aking mukha ng marealized ko na kanina ko pang sinisingot ang panyo.

"Eyu kailangan mo ng magtrabaho" bulong ko sa sarili ko habang nilagay ko na sa bulsa ang panyong ibinigay niya. Lalabhan ko na lang ito at iaabot sa kanya pag nagkita ulit kami.

Sinimulan ko na gawin ang mga kape na order ng mga customer habang may ngiti pa din sa aking labi.

Para namang nabunutan ako ng tinik ng maisip ko na hindi na ako mahihirapan mag bayad ng tuition fee kase sagot na ito ng coffee shop na pinagtatrabahuhan ko.

Swerte ko talaga sa kaibigan ko, kung hindi dahil sa kanya edi baka namamalimos na ko sa may kanto.

Saktong 1PM ng mapagdesisyonan ko ng mag out ngayon. Babawi na lang ako bukas, may kailangan pa din kase akong asikasuhin sa bahay ngayon. Dami ko pa ding responsibilidad sa buhay.

Nag paalam naman ako sa kaibigan ko at sa iba pang mga empleyado.

Sakto lang din naman ang labas ko sapagkat anim na oras lang naman talaga dapat ang aking trabaho dito dahil hindi naman ako full time employee.

Habang nag lalakad ay napatigil naman ako sa pwesto ng babaeng nagbigay sakin ng panyo.

"A-ah ma'am salamat po pala" Saad ko dito habang nilalaro ang aking mga daliri

Nahihiya pa din kase ako dito, lalo na sa nagawa ko kahapon gawa ng carbonara.

Tumingin lang naman ito sa akin at tumango

Paalis na sana ako ng may bigla itong binanggit.

"Just call me Azariah" Saad nito ng napatingin ako dito at ngumiti. Sa pag banggit pa lang ng pangalan niya ay di ko na mapigilan ang tibok ng puso ko na para bang kakawala na sa aking dibdib.

Tumingin naman ito sa akin ng may pagalala sa mukha ngunit nag bago din agad

"Why are you so red?" tanong niya. Bigla naman akong nagulat at dali dali na lang umalis doon sa harap niya

Ano naman ba ang nagawa ko bakit lagi na lang malapit ako sa kahihiyan huhu.

Nag madali na akong naglakad at sumakay sa jeep para umuwi sa amin

May maganda akong balita sa aking inay tiyak matutuwa siya sa kaniyang maririnig.

Ng nakababa na ako sa bababaan ay siya namang takbo ng aking mga paa pauwi sa aming bahay sa kakamadali ko ay muntik pa akong matapilok buti na lang at nakauwi ako sa bahay ng walang galos.

Nag mamadaling binuksan ko ang pinto at nakita ko naman doon ang itay at inay na nanonood ng kanilang paboritong palabas sa TV.

"Inay Itay!! Makaka pasok na ako ngayong semester at sa mga susunod pa" Sigaw ko dito at nag tatalon sa tuwa.

Napatayo naman ang aking magulang at tuwang tuwa na tumingin sa akin

"Talaga anak? paano? paano nangyari yon?" Saad ng inay

"Inisporan ako ng may ari ng shop na pinagtatrabahuhan ko inay, sa wakas hindi na tayo mamomroblema, may handa ng tumulong sa atin" Masaya kong saad dito na ikinatuwa din naman ng itay

"Kasama ko din yong bestfriend ko at papasok kami sa maganda school, alam niyo ba inay yong school na Avalaria Academy?" Sabi ko na sabay naman nagtinginan ang aking magulang na para bang di makapaniwala sa kanilang narinig

"Anak hindi ba malayo iyon sa atin? Mahihirapan ka magbyahe baka mapano ka lang doon" Saad nito ng may pag aalala

"Nako inay wag kang mag alala kayang kaya ko iyan" sabi ko dito ng masaya ngunit hindi pa din nag babago ang ekspresyon ng dalawa kong magulang na tila hindi sila nasisiyahan sa napili kong school

Agad naman akong naupo, at kasabay niyon ay ang pag upo din ng dalawa.

"Inay, Itay wag na kayo mag alala sa akin, malaki na ako kaya ko yon! Kasama ko din naman ang bestfriend ko. Please payagan niyo na ako Inay gusto ko din makapasok doon" Saad ko dito na agad naman lumabot ang kanilang ekspresyon

"hay ano pa bang magagawa namin, itong bata talagang ito." saad ng aking inay ng nakangiti ngunit may bahid pa din ng pagaalala sa kaniyang mata.

"Salamat inay, wag kang magalala, susuklian ko din lahat ng pagod niyo sa aming magkakapatid!" Sabi ko dito at niyakap sila pareho

Nag paalam na ako sa dalawa at akoy tumaas na upang magpalit ng komportableng damit.







Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

9.1M 164K 58
1st installment of The Billionaire Bachelors Series Cechxia Garcia is a writer on a mission. Kailangan nyang mainterview at magawan ng article ang l...
314K 5.1K 23
Dice and Madisson
1.8M 36.6K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
17.2K 732 57
"I thought I had it all figured out-a perfect life with a planned future. Then you came along, adding colors to my black-and-white existence. Now, I'...