MU Series: The Social Media P...

By Amedrianne

1.7K 33 16

What she wants, she gets. 'Yan ang life motto ng social media princess na si Marione Olivia Nazaretta Andrad... More

⚜️PREFACE⚜️
⚜️AUTHOR'S NOTE⚜️
⚜️CHAPTER 1⚜️
⚜️CHAPTER 2⚜️
⚜️CHAPTER 3⚜️
⚜️CHAPTER 4⚜️
⚜️CHAPTER 5⚜️
⚜️CHAPTER 7⚜️
⚜️CHAPTER 8⚜️
⚜️CHAPTER 9⚜️
⚜️CHAPTER 10⚜️
⚜️CHAPTER 11⚜️

⚜️CHAPTER 6⚜️

24 1 0
By Amedrianne

[LUCAS]

Back in the present...

"Actually, kailangan talaga din namin ng isang part time crew sa umaga since may pasok yung isang staff namin, kaso may kailangan ko ng tutor para sa pamangkin ko. Kaya naman doon sana kita gustong ihire kung kaya mo ba magtutor." Bungad ng manager ng Cafe.

"Thank you, sir. Opo, Kaya po." buong galak na tugon ni Lucas na bigla nalang nabahiran ng bigla ng tila pagtanong sa pangalan ng boss niya. Hindi naman niya maitanggi sa mukha ang sobrang pagkagalak after niya mahire.

"Pero teka, magaling ka ba sa math? Calculus in particular? Baka pwede ka mag-tutor sa pamangkin ko na senior high. Nahihirapan kasi siya sa basic calculus."

"Opo, sir..."

At dahil nga din dito ay nawala sa isip ni Lucas na tanungin muna ang pangalan ng boss niya.

"Ray nalang itawag mo sa akin" sagot naman ng boss niyang si Ray nang mapansin niya ito sa expression ng mukha ni Lucas.

"Thank you so much po. Kailan po ako pwede magsimula, sir Ray?" Tanong agad ni Lucas na tila nabuhay ng dugo sa additional offer ni Ray sa kaniya.

Bahagyang natawa sa kanya ang boss niya nang marinig si Lucas. "Hindi mo man lang ba muna itatanong sa akin magkano ipapasahod ko?"

"Pasensya na po, sir. Naexcite lang po ako sa extra raket na binibigay niyo sa akin. Nawala rin po sa isip ko magtanong about sa rates." sagot naman ni Lucas na napahaplos pa ng batok dala ng hiya.

"Well, kailangan lang naman ng pamangkin ko ng at least once a week na guidance sa basic calculous nila. So most likely kahit three times or less pa nga should be fine. Importante lang talaga is before his exams."

"No, problem po sa akin."

"Well, mind you medyo sakit sa ulo ang pamangkin ko. Masyado kasi naadik ang batang 'yon sa mobile games."

Napangiti na lamang si Lucas, "Wala pong problema, sir Ray. I think I know exactly what to do with your nephew."

"That's good. That's good." laking tuwang sagot naman ni Ray sabay tapik sa balikat ni Lucas ng makailang beses bago niya sundan ang sinabi. "I will double your pay, like a regular employee, if you could help my nephew at least pass his 1st quarter exam sa basic calculus."

"It's a deal, sir." Lucas immediately said as he extended his hand. He was very confident that he would eventually be able to pull this off. It wasn't like this was the very first time that Lucas had to encounter such a student.

May mga kaklase siyang mas matindi pa sa pamangkin ni sir Ray whom Lucas was able to helped pass their subjects kahit na bulakbol ang iba sa kanila. It was the reason why Lucas was quite popular to everyone.

Wala kasing masamang tinapay sa binata. If he knew he could be able to help, he would eventually do what he could without waiting for anyone to tell him or expecting anything in return. Kahit pa minsan ay naabuso na nga siya tulad na lamang ng nangyari sa kanya matapos niyang tumulong at di makahabol sa interview na siyang naging dahilan para mawala ang scholarship grant sa kanya.

"Pero, hijo. I only gave you this chance because of your good records na scholar ka sa St. Anthony. However, I am skeptical to be honest, though i'm giving you the benefit of the doubt na you're telling me in all honesty na hindi ka gagawa ng mali while having a part time here. I mean SAU is bit far from here. Can you really manage? Baka mamaya lagi naman absent." ani nito sabay turo sa pisngi ni Lucas na nagsisimula na ngang mamaga.

Agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Lucas at nahinga na lamang siya ng malamim bago niya sinagot ang tanong ng kanyang boss.

"Naku hindi po ako gano'n sir. I'll prove to you na i'm worthy for your trust."

Pansamantalang natigilan ang boss niyang lalaki. Napaisip siya dahil tama nga naman si Lucas sa punto nito, kung kaya naman ay malumanay niyang sinabihan si Lucas. "So ano na plano mo ngayon? Tatanggapin mo ba yung offer sayo ng kaibigan ko last night?"

"Gusto ko man, sir, kaso takot ako sa possible na gastusin sa pagpasok sa univeristy na yan." Saad ni Lucas habang bahadyang nakatanaw sa Montecillo University sa kabilang kalsada.

"Naku, hijo. If I were you, hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito. The chances of getting into the most prestigious university in the country are very tight. Lalo na sa mga indigent na tulad mo. That's why I also considered hiring you as tutor nalang. I know you would need more time to adjust with the university rules kaya naman i'm giving you the chance to work part time for me without compromising your school works."

Hindi maipaliwanag ni Lucas ang nararamdaman, tila ba parang may kung anong impact ang sinabi sa kanya ni Sir Ray, pero hindi niya parin mawaglit sa isip na baka di rin niya kayanin ang mga miscellaenous sa Montecillo University,

"Thank you po ulit, Sir Ray. titignan ko po sir, baka naman makausap ko pa po sila sa St. Anthony since susubukan ko po makipag-usap sa kanila doon." Saad ni Lucas na agad ding nagpaalam matapos upang makabalik siya sa St. Anthony at makuha ang mga school credentials niya sa pagtransfer niya sa Montecillo University.

Hindi nagtagal ay umalis si Lucas sa Cafe na baon ang isang ngiti na ibig sabihin ay bagong pag-asa na kahit papaano ay makakatulong sa pag-aaral niya. Wala man kasiguraduhan kung kakayanin nga ba niya ang matrikula sa pagpapart time student ay handa si Lucas na makipagsapalaran para sa pangarap.

KINABUKASAN, nagtungo si Lucas patungo sa St. Anthony upang muling asikasuhin ang scholarship niya. Gusto pa rin niya subukan kung mabibigyan siya ng consideration ng kanilang dean. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi pa rin talaga pinalad si Lucas na makausap ang dean ng engineering department.

Nasa convention pa rin kasi ang dean nila kung kaya naman ay hindi pa rin magawang makausap ni Lucas ito. Gaya ng nakaraan, muli lamang pinagsungitan ni Ms. Caridad si Lucas.

In the end, Lucas ended up doing nothing. He was already becoming a bit hopeless about his scholarship at St. Anthony University.

Kahit na ang turo ng lola Amparo niya ay huwag madaling bumitaw sa pagsubok ay minsan, hindi na rin maiwasan ni Lucas ang mapasabing gusto nalang niya sumuko. Subalit sa huli ay narerealize din niya na kung susuko siya ngayon ay paano nalang ang malayo na niyang nasimulan?

Nagpasya si Lucas na magmerienda muna sa paboritong heaven's burger na kung saan ay may laging buy one take one promo. Ito ang meryendang madalas na sumasalba sa gutom ni Lucas. Mura lang kasi ito, sa halagang bente singko busog ka na.

Habang nakapila si Lucas ay napansin niya ang ID na nakasuot sa isang babaeng naka uniform na tila pang Montecillo University.

ID ito mula sa Montecillo University at tila may lalaki sa larawan ng ID. Pinilit ni Lucas na tignan ng mabuti ang ID at nabasa niya ang may-ari ng ID.

Ariston Sebastian A. Celerio.

Noong una ay hindi na sana mangingialam dahil baka boyfriend ng babae ang nasa ID kasohindi naman maiwasan ni Lucas na hindi gumawa ng aksyon lalo ng marinig niya na binibenta ng babae ang ID sa tindera ng Heaven's burger.

"Miss, pasensya na po," biglang tawag ni Lucas sa kanila. Agad naman siya tinignan ng tinderang ngiting-ngiti sa kanya. Sa tuwing kakain kasi si Lucas dito ay palaging ganito ang intrada ng mukha ng tindera sa kanya na tila ba kinikilig sa presensya ni Lucas.

"Ah, miss, matanong ko lang ho, kakilala niyo ho ba yung may-ari ng ID na yan?" tanong ni Lucas sabay turo sa ID na hawak ng isang babaeng taga MU.

Dagli naman napatingin ang tindera sa ID, "Ah heto, hindi. Pero ang gwapo kase eh."

"Ah, ganun ba? Hindi naman pala eh. Sana ibalik niyo na yan sa may-ari." tugon ni Lucas.

Ngunit, hindi naman agad nagpatalo ang babaeng taga MU at sumabat ito, "Bakit ka ba nangingialam? Mind your own business!"

"Hindi ko alam ang regulidad ng MU pero sa tingin ko bawal yang ginagawa niyo. Isa pa, baka kasi hinahanap na yang ID nong may-ari. Baka di siya makapasok ng skwelahan niya kasi wala siyang ID. 'Di ba kayo nakokonsensya?"

"I don't care about your opinion, get the hell out of here!" Sambit ng dalaga na muntikan na ihampas ang ID kay Lucas, ngunit, mabilis naman nahawakan ni Lucas ang kamay ng babae.

Mabilis niya nakuha ang ID sabay sabing, "Sakto, pupunta din ako sa Montecillo University ngayon," saad niya kahit na hindi naman talaga. "Ako nalang ang magbabalik nito."

"Akin na yan!" Sigaw ng babae habang pilit na kinukuha kay Lucas ang ID.

Dagli naman inilapit ni Lucas ang mukha niya sa babae at bigla natigilan ang babae. "Miss, just some words of caution, nasa teritoryo ka ng St. Anthony University. I'm at full advantage now given our situation, kaya kung ako sayo, I won't make a scene here for your own safety."

Ayaw gamitin ni Lucas ang katagang iyan sa kadahilanang tila namblablackmail ito. As much as possible, he really didn't want to resolve in any form of violence, especially in words, pero ito lang naisip niya para patahimikin ang babae sa kakasigaw.

Matapos ni Lucas na makaalis ay napaisip nanaman siya desisyong nagawa. Hindi kasi niya akalaing ng dahil sa ID na ito ay babalik siyang muli sa Montecillo University. Tila ba may sa kung anong sign ang pinapahiwatig ng pagkakapunta sa kanya ng ID na ito.

Napangiti na lamang si Lucas sabay punta sa St. Anthony University para kunin ang credentials niya.

Agad na siya bumyahe papuntang Montecillo University. Gagamitin lang talaga niya dahilan ang pagsauli ng ID, ngunit sa katotohanan ay gagamitin na rin niya ang opportunidad na ito para makapagapply ng scholarship.

Saktong papasok na si Lucas nang makita niya ang mga nagpopormahang mga estudyante na pumapasok sa university. Mabilis niya inayos ang blue polo niya bago pumasok. Hindi rin niya sigurado kung makakapasok siya pero ang bilin sa kanya ng lalaking nagoffer ng scholaship ay ipakita ang calling card na iniabot niya.

Gaya nga ng sinabi sa kanya ay pinayagan siya ng guard dahil nasa expected guest list naman siya. Paalis na sana si Lucas para hanapin ang School of Engineering and Architecture ay napansin niya ang isang lalaking tila may hinahanap sa buong katawan.

Hindi na sana ito papansinin pa ni Lucas ng makita niya ang mukha ng lalaki, kahawig nito ang larawan na asa ID. Siya na nga si Ariston Sebastian A. Celerio.

Inilabas ni Lucas ang ID at mabilis niya na naconfirm na sa binata nga ang ID.

Mabilis na nilapitan ito ni Lucas sabay sabing, "Paps, ikaw to diba?" sabay abot niya ng ID kay Ariston.

Kita ni Lucas na bahagyang nanlaki ang mata ng lalaki sabay kuha ng ID niya. "Ah, thank you." Ang seryoso namang sagot ni Ariston.

"Pinagkakaguluhan ang ID mo sa may burger-an malapit sa SAU." sambit ni Lucas. Napansin kasi niya na tila seryosong tao ata tong si Ariston. Pero naunawaan naman niya na baka nag-alala lang siya sa nawawalang ID.

Ngunit halos wala pa ring imik si Ariston na nakatingin lamang kay Lucas. Laking pagtataka ni Lucas dahil kanina pa siya nagsasalita pero parang walang pake itong si Ariston. Tila ba may iniisip ito habang nakatingin lamang kay Lucas.

"Sikat na sikat ka siguro diyan." saad muli ni Lucas sabay turo sa main entrance ng Montecillo University. Ngunit nang mapansing wala pa ring response si Ariston ay nagdesidido si Lucas na magpaalam na sa binata, "May mga taga-MU doon sa burger-an na may hawak niyan. Kinuha ko lang para maisauli. Sige, paps."

Matapos ay agad na umalis na si Lucas papasok sa loob. Hindi sigurado si Lucas kung saan papuntang building ng dean ng Engineering. Bilin kasi ng lalaki kay Lucas ay hanapin ang dean ng engineering at architecuture courses.

Dumiretso na lamang si Lucas sa Registrar para makapagtanong. Namangha ang binata sa luwang ng university. Mas di hamak na malaki nga ito kumpara sa SAU. higit sa lahat, naglalakihan ang mga buildings.

Hindi na ipinagtataka ni Lucas kung bakit kinakailangan pa na sumakay ng mga studyante ng coaster dahil na rin sa lawak ng buong campus. Matapos nga magtanong ni Lucas sa registrar ay may mabait na staff ang nag-assist kay Lucas.

Sa tulong ng staff ay sumakay si Lucas sa isa mga coaster kasama ang staff. Ipinaliwanag ng staff na maari din magamit ni Lucas ang prebilihyong mga ito kung maipasa niya ang scholarship.

"May dorm din ang mga scholar na tulad mo. usuallly mapapabilang ka sa mga bronze tiers na fully funded ng university." paliwanag ng staff sa kanya.

"Fully funded? As in wala po ako gagastusin?"

"Most likely halos 80-90% wala. Except mga projects niyo sa mga klase syempre."

Tila nanlaki ang mga mata ni Lucas. Hindi kasi ito nabanggit sa kanya. Kung nalaman niya lang ito ng mas maaga, ay baka hindi na siya nagdalawang isip pa sa pagpasok sa Montecillo University.

Nagpatuloy ang staff sa pagkwento ng mga basic information tungkol sa university kay Lucas hanggang sa makarating na silang dalawa sa School of Engineering and Architecture building.

Halos mapatulala si Lucas dahil sa laki ng building na ito. Hindi rin maalis ang ngiti sa mukha ng binata habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng naglalabas-pasok sa building.

Iniisip na niya kung ano ang magiging itsura niya kung maipasa niya ang scholarship exam.

Nasundan pa ang pagkamangha ni Lucas sa mga facilities ng Montecillo University lalo na nang malaman niya na may escalator at elevator din ang naturing na building. Samantalang sa SAU ay puro nakakapagod na hagdanan ang araw-araw na inaakyat-baba ng mga studyante.

"Napakaswerte naman ng mga studyante dito." Bulong ni Lucas sa sarili.

Patuloy na napamangha si Lucas sa mga nakikita habang umaakyat sila sa ikalawang palapag ng building.

"Sir Jude." bati agad ng staff matapos makita ang lalaking nakatayo sa labas ng dean's office. May kausap itong studyante ngunit mabilis na din siya nagexcuse nang matanaw ang staff at ang papalapit na si Lucas.

"Iwan ko na ho siya sa inyo sir, I still need to go back sa registrar kasi. Sinamahan ko lang siya, baka kasi maligaw pa." sabi agad ng staff kay sir Jude na may halong mahinang tawa sa dulo.

"Sige, i'll take it from here, thanks." sagot naman sa kanya ni Sir Jude. matapos noon ay umalis na rin ang staff.

Hindi naman nakalimutan ni Lucas ang magpasalamat sa kanya sa pagtulong nitong samahan siya papunta sa School of Engineering and Architecture building.

"Hello po, sir." bati agad ni Lucas nang makitang muli ang lalaking nag offer sa kanya ng scholarship. "Instructor po pala kayo dito, sir?"

"Yeah, my wife and I are actually part time instructors dito sa MU. Mabuti nakapagdecide ka na."

"Kailangan ko po itong scholarship, sir Jude. kaya thank you po, sir."

"Before you thank me, kailangan maipasa mo muna ang exam. Once you pass the exam, ipapapasok kita as scholar ng mga Park. they're one of the biggest investors in this university. And dito din nag-aaral mga anak nila. Sayang full na kasi mga slots sa scholarship grant namin ng wife kos." Mabilis na paliwanag ni sir Jude sa kanya.

"Pipilitin ko po makapasa, sir."

"That's good. Anyway, I have to go and see my wife. Dean is inside and he's already expecting you. Pasok ka na and good luck, okay?"

Napakagaan ng pakiramdam ni Lucas habang kausap ang intructor. Nakakatuwa nga nga kasi kahawig niya yung binatang pinagsaulian niya ng ID kanina. Sa isip ni Lucas ay di niya mawaglit isiping tila ba parang younger version ni Sir Jude si Ariston.

Ang kaibahan lamang nilang dalawa ay parang napakaseryosong tao ni Ariston kumpara kay sir Jude.

"Thank you po ulit, Sir Jude." huling sagot ni Lucas kay sir Jude bago ito tuluyang pumasok sa loob ng dean's office.

Bumungad kay Lucas ang napakaluwang na receiving area ng dean's office bago ang mismong opisina nito. Sa bungang palang ay sinalubong na siya ng ilang L-shape na couch at mayroon pa talagang flowing coffee corner para sa mga bisita.

Sa pagpasok ni Lucas sa opisina ng dean ay hindi na nito maitanggi ang kabang nararamdaman, lalo na nang bahagya siyang nagulat ng may tumawag sa kanya, "Excuse me? You must be, Mr. Almeda, right?"

Continue Reading

You'll Also Like

29.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
228K 3.4K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
13K 498 12
BAD WIVES 1: TINA Author: La Tigresa May masamang plano si Tina sa pera ng comatose patient niya na si TJ De Marco, ang panganay na anak at isa sa mg...
Sadistic counter By Mayu.

Mystery / Thriller

10.5K 105 10
Sadistic counter (summer trilogy 2) In a world full of darkness that surrounds different countries comes with consequences. Belle Alegra Glaria has b...