Magsisimula na muli ang laban 5 minuto na lang natitirang oras
"Parang may nagbago kay hako" sabi ni Daigo isa sa substitute player ng shohoku
"Oo nga" sagot ni Kenshin
"Nagkakamali kayo walang nagbago sa kanya, si Hako kapag magaling ang kalaban nya gumagaling sya, nangyari na to dati noong meron syang hinamon noon na college player sa Distrito ng Hiroshima" sabi ni Otano
"Hindi nman yan yung tinutukoy namin, yung bigla na lang sasabihin na maganda si Kate at niyaya pa nyang makipag date ehh diba lalaki ang tingin nya kay Kate kaya nakakapanibago" sagot ni Kenta isa sa kaibigan ni Sakuhako habang si Miu namumula ang pisngi na mayron syang naalala
"May Problema ba Miu?" Tanong ni Eishin
"Ahhh wa-wala" sagot ni Miu
Naalala ni Miu na noong kaharap ni Sakuhako noon ang College Player sa 1on1 bigla na lang lumapit sa kanya si Sakuhako at sinabing
"Ang ganda mo pala Miu, Kapag may pagkakataon gusto kong magdate tayo" sabi ni Sakuhako
Don na nag umpisang nainlove si Miu kay Sakuhako subalit kinagabihan nang tanungin nya si Sakuhako ay hindi raw nya alam kung bakit nasabi nya iyon, yan ang sinabing palusot ni Sakuhako, Pagdating nila sa Kanagawa nagsumbong si Miu kay Haruko, At gusto ni Haruko si Miu para kay Sakuhako kaya mama ang tawag ni Miu kay Haruko
At ngayon si Kate nman ang sinabihan ni Sakuhako
Nagtanong si Kate
"Anong naging resulta ng 1on1 nya sa college player?" Tanong ni Kate
"Sa una nakakalamang yung college player, pero ng uminit si hako, natalo nya ang college player" sagot ni Otano
At lumingon sila kay Sakuhako na kaharap ngayon si Sakutou
"Kapag magaling ang kaharap ni hako, gumagaling sya sa paglalaro, hanggang sa matalo nya ito, Habang pagaling sya ng pagaling nagiging katulad na sya ni Lolo Sakurou, Nagsimula yan ng nakalaban nya yung college player na yun, At naging popular sya sa mga babae, Si Lolo Sakurou ang kilala basic master at playboy" sabi ni Otano sa kanyang isipan
Samantala sa gitna ng court
"Hako, Nangako ako sayo na ibibigay ko kapag natalo mo ko, dalawang beses mona akong naisahan, ngayon ibibigay kona sayo toh" at tinanggal ni Sakutou ang hikaw nya na mayron isang perlas na kulay pula
"Ako nman talaga may ari nito, diba?" Tanong ni Sakuhako
Ngumiti si Sakurou nang biglang itinusok ni Sakuhako ang hikaw sa kanang tenga nya
"Ahhkk nababaliw kana ba" sabi ni Sakutou
"Ahhhh" nabigla ang mga sa bench pati si Sakuragi na kaharap ngayon si Akito
"Hindi nman masakit, Pakiramdam ko parang buo na ulit ako" sagot ni Sakuhako
"Ipakita mopa sakin ngayon ang tinatago mong galing hako" sabi ni Sakutou at sinimulan na nyang idribble ang bola
Ng mga oras na iyon, hindi itinuring ni Sakutou na baguhan si Sakuhako sa halip isang kalaban na mahirap harapin huling naramdaman nya ito noong nakaharap nya si Sakuragi noon sa Battle Of Alvarez
Tumakbo si Sakutou papunta sa kanan na agad na sinundan ni Sakuhako, sabay kaliwa na agad na nasundan ni Sakuhako ang mga galaw nya
"Nagagawa nyang makipagsabayan kay Sakutou?" Gulat na si Miyagi
"Imposible ano ba sya" sabi ni Mitsui
"Hako" na pinapanood ni Sakuragi
Nang malapit na ang dalawa ipinasa ni Sakutou ang bola kay Sakuragi
Agad na pinasa ni Sakuragi ang bola kay Oda at walang pag iisip na dinakdak ni Oda ang bola di magawang makaporma ni Renz dahil sa bukod sa malaki, mas matangkad at malakas si Oda
Lumapit si Sakuhako kay Akito
"Akito, Mahirap silang kalaban, kaya pahingi ako ng lakas" sabi ni Sakuhako at pinulot nya ang bola
Hindi naintindihan ni Akito ang sinabi ni Sakuhako sa kanya, habang tumakbo sila don na naunawaan ni Akito ang ibig sabihin non
"Tama, naiintindihan kona" sabi ni Akito sa kanyang isipan
Nangako si Akito sa sandaling ito ay susunod sya kay Sakuhako
"Simula ngayon palagi na akong nasa likod mo, para sundan ka" sabi nya sa kanyang isipan habang nasa unahan nya si Sakuhako
Nang malapit na si Sakuhako lumingon sya ng mata kay Lyion
"Ipapasa nya?" Tanong ni Sakutou sa kanyang isipan
Pero alam ni Sakutou na hindi gagawin ni Sakuhako iyon
Pagkaabante ni Sakuhako agad na tinapik ni Sakutou ang bola, napangiti si Sakuhako nang biglang iniwan ni Akito si Sakuragi tumakbo sya ng mabilis at kinuha ang bola
Pag tingin ni Sakutou wala na si Sakuhako sa likuran nya
Itinapon ni Akito bola sa ere, sabay talon ni Sakuhako
"Alley oop?" Sabi ni Zoey
"Ahhhh" napanganga nman ang mga nasa bench
Nang malapit nang maidakdak ni Sakuhako ang bola biglang lumitaw si Sakuragi sa likuran nya at malakas na tinapik ang bola
"Ahhh" gulat na si Sakuhako
"Papa" sabi ni Sakuhako
"Hay alam nyo ang galing nyo, lalo na kana hako, akito kung palaging magkasama kayo siguradong matatalo ninyo ang mga kalaban nyo" sabi ni Sakuragi
"Tama, marami pa kayong kailangan matutunan, Pero ginulat nyo talaga kami, sa totoo lang sa level nyo para kaming nakipaglaro sa mga kaedad namin hahaha" sabi ni Sakutou
"Sang ayon ako sa sinabi nila, Pati ikaw Lyion, malaki ang ginaling mo" sabi nman ni Miyagi
Ngumiti nman si Mitsui at mukhang sang ayon nman si Oda
"Tsu! Sa tingin nyo ba kami mag chachampion sa Interhigh?" Tanong ni Sakuhako
"Malaki ang pag asa nyo, sigurado ako" sagot ni Sakuragi
"Ganun ba? Hay ngayon lang ako napagod ng ganito" sabi ni Sakuhako
Naglakad na sila papunta sa kani kanilang bench, ngunit derederetso si Sakuhako papunta ng locker room
don na natapos ang 1st half ng laban
Gusto sanang sundan ng ilan si Sakuhako subalit
"San kayo pupunta" sabi ni Kate
"Ahhh sisilipin lang namin" sagot ni Akia
"Oo nga hehehe" sabi ni Diana
"Pabayaan nyo na muna sya" sagot ni Kate
Kaya di na sumunod ang tatlong babaeng players ng Shohoku na may gusto kay Sakuhako
Kausap ngayon ni Kate ang apat na naglalaro na sina Akito, Renz, Ace at Lyion pinag usapan nila ang strategy na gagawin nila sa 2nd half
Pagkatapos tumayo si Kate at sinabing
"Mayron akong sasabihin sa kanya" sabi ni Kate
"Aba Coach Kate, Pag kami bawal pero ikaw pwede? Hindi nman ata tama yan" sabi ni Althena
"Baka gusto lang nyang masolo" sabi nman ni Miu
"Tumahimik nga kayo, wag nyo akong ikukumpara sa inyo, At alamin ninyo kung ano kayo dito at kung sino ako dito" sagot ni Kate at umalis sya papunta ng locker room
"Huh! Dipa kasi aminin" bulong ni Althena
Habang si Ace pinapanood si Kate hanggang sa hindi isara ni Kate ang pinto
Habang naglalakad si Kate papunta sa locker room ng mga lalaki
"Lokong lalaking toh, masyado nya akonh pinapaasa, kahit na imposible na matalo sila" sabi ni Kate
Kumatok sya sa pinto
"Ako ito buksan mo" sabi nya
Binuksan ni Sakuhako
"Huh? Anong kailangan mo? Magsisimula na ba ang 2nd half? Ang dali nman ata" sabi ni Sakuhako
"Lumabas ka dyan mayron tayong pag uusapan" sagot ni Kate
"At para saan nman?" At lumabas si Sakuhako sa locker room na may tuwalyang nakasabit sa kanang balikat nya
"Mayron na akong naisip para mapababa ang lamang nila" sabi ni Kate
"May naisip kang paraan?" Tanong ni Sakuhako
Dumating sina Akito, Ace, Renz at Lyion
"Oo hako, depende kung kaya mo" sabi ni Lyion
"Pambihira bakit kayo nagsipuntahan dito? Gusto ko sana munang mapag isa para makapagpahinga" sabi ni Sakuhako
"Ku-" na di masabi ni Akito
"Huh? Akito?" Patanong na sabi ni Sakuhako
"Akong bahala, basta magtagumpay ang pinaplano ni Kate" sabi ni Akito
"Hhu! O sige gagawin ko yan, ano nga bang taktika yan?" Tanong ni Sakuhako
Matapos mag usap usap sila, lumabas na sila ng locker room magsisimula na muli ang game, 2nd half
Sa bench tumayo na si Sakuhako, nang biglang hinubad nya ang red pearl bracelet nya at inabot kay Kate
"Hawakan mo muna yan" sabi ni Sakuhako
Kinuha nman ni Kate dahil iniisip nya na baka makakasagabal sa paglalaro ni Sakuhako habang si Ayako
"Binigay nya" bulong ni Ayako
"Tapusin na natin ang laban na toh" sabi ni Sakuhako
"Tama ka, ibibigay kona rin ang makakaya ko" sabi ni Lyion
"Hhmmm" tango ni Renz
Naglalakad na ang lima pabalik sa gitna ng court
Nagsalita si Ayako
"Binigay sayo ni hako ang bracelet na yan? Bakit di mo suotin?" Tanong ni Ayako
"Huh? Bakit? Hhmm ano bang meron sa bracelet na toh?" Tanong ni Kate at sinuot nga nya
"Ganda, tunay kaya mga perlas na toh?" Tanong ni Kate
Habang inggit na inggit sina Miu, Althena at iba pa dahil kay Kate binigay ang bracelet
Napangiti si Ayako
"Alam mobang mahiwaga ang bracelet na yan" sabi ni Ayako
"Mahiwaga?" Tanong ni Kate
"Pagmamay ari yan ng nanay ni Sakuragi, tapos ibigay naman ni Sakuragi kay Haruko, dahil ang bracelet na yan kapag sinuot ng ibang tao at hindi nasira ang ibig sabihin, mahal nya ang nagmamay ari sa bracelet na yan" sabi ni Ayako
"Gahhhkk anohh" at nagmadaling hinubad ni Kate at tinapon sa sahig, pinulot ni Ayako
"Ahhh" gulat at matinding selos nman ang nararamdaman ng ilang mga babae
Nagsalita si Zoey
"Sa natatandaan ko, binigay yan ni Tita Haruko kay Hako nong 10th birthday ni hako" sabi ni Zoey
"Akin na nga yan" sabi ni Althena
"Hindi akin nahh" sabi ni Miu
Gustong agawin ang bracelet ngunit
"Tumigil nga kayo, hindi nman sa inyo binigay ni hako toh, Sayo binigay Kate kaya ikaw lang pwedeng humawak nito" sabi ni Ayako
"Bakit ako? Ayoko" sabi ni Kate na namumula ang pisngi
"Hay nako, Joke lang yung sinabi koh" sagot ni Ayako sabay inabot kay Kate
"Hayy akala ko totoo na" sabi ni Kate kinuha nya ngunit hindi na nya sinuot
Subalit
"Ilang segundo nyang sinuot at hindi nasira ibig sabihin" sabi ni Ayako sa kanyang isipan
Magsisimula na ang 2nd Half, ano kaya ang naisip ni Kate na strategy para mahabol ang lamang nila Sakuragi