Memories' Silhouette

By qrlita

444 136 0

A novel inspired by James Arthur song 'Say You Won't Let Go' More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Memories' Silhouette
Special Chapter

Chapter 22

5 2 0
By qrlita

Chapter 22

Sobrang naging mabilis ang araw

May pasok na naman at kaharap ko na naman ang pagmumukha ni Sol

Nagsusulat ako ngayon sa notebook, bored na bored sa buhay. Straight ba naman na walang klase. Puro chikahan lang tuloy ang ginagawa namin

"Nagpunta ka sa taal?" si keira ang nagtanong

Malandi namang ngumiti si Sol, nag-blink pa ng tatlong beses ang mata, inirapan ko tuloy. Pagkairap ko ay Nakita ko si Sherilyn na nakatingin na naman sa amin, gusto kong itaas ang kilay pero pinili na wag na lang.

Hindi ko alam kung bat ganyan attitude niya, kaya wala siyang makasundo masyado eh, yung mga galamay niya lang talaga supporter niya.

"Syempre," hindi nakatakas sa akin ang sinabi ni Sol, imbes na pagtuunan ng atensyon ang mga birds in the forest sa classroom ay pinili ko na pabiro na lang na batuhin si Sol ng papel

Ang landi eh

Nakarecieve tuloy ako ng mura from her, tinawanan ko lang siya

Ineexpect ko na madami ang gagawin ngayong pasukan na ulit pero tengga kami hanggang uwian

"Kapagod, erp" reklamo ko kay Blaux nung uwian na.

Isang strap lang ng backpack ang nakasabit sa kaniyang balikat, may nakasalpak na namang earpods. "Ano ba ginawa niyo?"

Sinipa sipa ko ang bato. "Wala," sabi ko sabay buntong hininga

Sarkastiko siyang tumango tapos pinatunog ang sasakyan niya pero hindi na natuloy kasi mabilis kong nakuha sa kamay niya

Ha!

"Habulin mo ako" panggo-good time ko sa kaniya

"Its not funny" umirap siya sa akin, mas Lalo tuloy akong naengganyong mang asar

Humagikhik ako at mas lalong tumakbo, mukhang tanga pero gusto ko siyang bwisetin, after ng mga panglilito niya sa akin, deserve niya lang yan.

"Hey, give me that" he said as he chase me

Kaunti na lang ay maabutan na niya ako kaya mas binilisan ko pa, bakit ba ang bilis niyang tumakbo? Lugi ako eh

Sinamaan ako ng tingin nung babae na nasanggi ko sa pagtakbo. "Sorry!" paghingi ko ng paumanhin

Ito na ata ang pinakamabilis na nagawa kong takbo sa buong buhay ko. Dahil hindi naman ako athlete ay inaasahan ko nang maabutan nga ako ni Blaux, pilit niyang kinukuha ang susi sa akin, inilag ko naman sa kaniya iyon

"Give me that,"

Ngumisi ako ng mapang asar at mas lalong inilayo sa kaniya ang susi ng sasakyan niya

"Hindi tayo makakuwi sa ginagawa mo, Kleyn"

Ows

Sa huli, wala din naman akong nagawa dahil talong talo ako pangangatawan pa lang niya, tagumpay na tagumpay siya sa pag agaw nung key fob niya. Hmp!

Imbes na mainis ay pinili ko na maghanap ng panibagong ipang aasar sa kaniya. Tahimik lang tuloy ako buong biyahe, palingon lingon naman siya sa akin mukhang nararamdaman na may naiisip na naman akong kababalaghan.

Tuwing mapapalingon siya sa akin ay nginingisian ko lang siya na parang tupa na super amo, naiiling na lang siya sa akin pero wala naman na din siyang sinabi.

Subukan niya lang magsalita

Suntukin ko siya diyan eh

Charot. Baka pa gumanti siya, lugi ako

"You had assignments?" pagtatanong niya sa kalagitnaan ng biyahe, mabilis ko tuloy na hinanap ang cellphone, baka pa nagchat ang mga teacher.

Ganun pa naman sila, sa gc nagsesend minsan ng ass

"Wait, tignan ko" tumango siya, ako naman ay panay na scroll sa gc

"Takteng, fabm" bulong ko sa sarili.

Ang daming sasagot, pakshit!

"Why?" dumungaw na din siya sa cellphone ko bilang chismoso siya, hinawi ko tuloy ang mukha niya kasi nagdadrive siya.

Abno din eh

"Hindi ko alam paano isosolve ito" naiiyak na ako

Natawa siya, hindi ko naman siya pinansin kasi mas naabala ako sa pagtitingin ng mga sasagutan. Sir naman, bat ganto?!

Pakshit. Mukhang zero na naman ako here. Ang dami ko na ngang flunk quizzes sa hayop na subject na ito

Pakiremind bakit nag-ABM ako? I really think mas fit sa akin ang stem. Hindi naman gaano mahirap ang math... true yon

Chinat ko agad sila Sol.

Ako

Help me here plss

I then send here the picture

Ngumuso ako kasi ang bagal niya magreply, nakikipaglandian na naman siguro sa aleng short hair. She just cut her hair short nung magsem break, tapos pinakulayan na ng black ang buhok dahil bawal sa amin ang may kulay ang buhok. Pakaarte its not as if nakakasira ng talino ang bleach.

Hindi na ako mapakali habang hawak ang phone, sa inip ko tuloy sa reply ni Sol ay napili ko na si Jake na lang ang itext, kaklase ko din. Magaling to sa accounting eh, mag-e-engineer ata, kakuwestiyon kuwestiyon lang na ang pinili niyang strand ay ABM.

Ako:

Can you help me on ass. Hindi ko gets huhu, lutang ako kanina

Ipinatong ko ang phone sa kandungan, nilalaro angd daliri sa labi

Jake:

Sureee

Napangiti naman ako ng malawak

Ako:

Hala! Tysm, libre kita tom

"I'll teach you" dinig kong sabi bigla ni Blaux, ngayon ko lang namalayan na traffic pala ngayon. Masyaado akong naistress sa hinayupak na sub na yun.

Gulat tuloy akong napabaling sa kaniya

Ano daw?

"Ha?" litong lito ang pagmumukha ko.

"No need to ask anyone, wala akong gagawin mamaya. Matuturuan kita" sabi niya tapos kaagad na ni-start yung sasakyan nung mag-green lights na.

"Hindi na. For sure madami kang gagawin, kaya na namin-"

Umiling lang siya. "Babalik ako, magpapalit lang ng damit"

"Sure ka ha? Baka bigla mo akong sisihin na hindi mo nagawa assignment mo" paninigurado ko, siyempre nag-aaral din naman siya, normal na may iba din siyang gagawin.

Although, hindi naman talaga ugali ni Blaux manisi. Ako yung ganon eh

Kumunot ang noo niya. "Tinuturuan din kita assignment mo dati, ngayon ka pa nahiya?"

Well, since magkaiba strand naming, wala silang sub na FABM, inaaral niya lang talaga paano. Sanaol, mabilis maka-gets.

Umirap na lang ako. "Hindi ako nahihiya, noh?" mukha naman Siyang walang pake sa sinabi ko, seryosong seryoso pa nagmamaneho. "Ang point ko lang here, may matatanungan naman ako classmate at okay lang sa akin-"

"Tss. I can teach you, Kleyn"

Nagkibit balikat ako Kahit medyo nagtataka na nakasimangot siya

Pinindot ko tuloy ang ilong niya, ang tangos talaga nakakainggit.

"I'm driving! Stop that"

Mas Lalo kong sinundot ang ilong niya

"Mababangga tayo Kleyn" pananaway niya

Ngumisi ako sabay pindot pa sa ilong niya ng isang beses. "Ayaw mo non, sabay tayo mamatay" I teased him. "Ang romantic non, crush diba? Sabay tayong matetegi"

Humalkhak ako

Napahawak naman sa noo nang maramdaman na naman ang lakas ng impact ng daliri niya doon

"Aray ko!" hinampas ko siya ng malakas.

"Stop with that" inirapan niya ako, natawa naman ako sa pagmumukha niya

Mukhang naipasa ko yung init ng ulo ko nung nakaraan

"Bakit? Tunay naman, ah? Ang sweet kaya non, ganon sa movie-"

"We're not in a fuckin' movie" he drawled lazily

"We will be, especially if we'll die together"

Sinamaan niya ako ng tingin pero sa huli natawa din, "Your imagination is... pretty wild"

"Let's go na magshoot na tayo movie"

Hindi na niya ako pinansin pero hindi yun nakahadlang para hindi ko siya kulitin pa

"Tigilan mo ako, Kleyn" I swear, nagsisimula nang mapikon si Blaux sa akin.

Sinundot ko ang tagiliran niya. "Cute kaya non," pamimilit ko pa sa kaniya na magphoto booth kami

Ayaw niya talaga magpapicture eh, hindi naman siya panget bakit ba sobrang camera shy niya?

"Ow? Camera shy si Blad Xion?" humagalpak ako habang sinusundan ko siya na halos ignorahin na ako.

"Nagtagal ata kayong dalawa" si mama ang nagsabi

Nakangisi ako habang nilalapitan siya para ikiss ang kaniyang cheeks

"Hindi ka ba muna kakain, Blaux?" ani mama nung magpaalam si Blaux na magbibihis muna sa kanila

"Hindi na po muna,"

As expected, pinilit ni mama na kumain muna si Blaux sa amin. Mahaba haba ding pilitan ang nangyari bago napapayag si Blaux. Hah! Wala talaga siyang magawa kay mama

"Tita, baka po pwede na doon muna kami ni Kleyn maggawa ng assignment niya sa truck ni tito?"

Agad namang tumango si mama, payag agad basta si Blaux ang nagsabi

Hindi naman din kasi ganoon kalayo nakapwesto track ni papa. Yun na yung ginawa naming tambayan ni Blaux since sira na naman iyon.

Kagaya ng sinabi niya, doon nga kami naggawa ng assignment pero hindi siya pumayag na mag-isa ako doon dahil delikado daw. Napaka-oa niya.

Yan tuloy bumalik pa siya sa amin para lamang sunduin ako at sabay na kami pumunta doon sa may truck. Ang dami pa niyang balik, daming alam na kaartehan eh

Kinuha niya ang phone sa akin para tingnan yung assignment ko. Pinagmamasdan ko lang siya, medyo nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa screen ng phone, seryosong seryoso. Ilang sandal pa ay tumango siya na parang gets na niya at alam na niya kung paano reresolbahin.

Hinawakan niya bigla ang palapulsuhan ko, nagulat ako. Tumigil kami parehas sa paglalakad

"Watch your step, muntik mo na matapakan" nginuso niya yung poops ng aso sa daan

Awkward tuloy akong natawa. Ang tanga lang Kleyn?

Hindi ko na tuloy siya tiningnan pa kasi mapapahamak lamang ako.

"Ito lang assignment mo?"

Umiling ako. "21st Lit"

"You need help?"

Ngumuso ako at umiling. "Hindi naman ako super bobo"

His forehead crease. "Wala namang nagsabi ng ganun"

"Wala nga"

Share ko lang... napakaseryoso masyado

Umakyat ako sa likod ng truck, finally

"The night's really beautiful" wala sa sarili kong sabi, alam ko naman na paulit ulit ko yang sinasabi

"Right," may tipid na ngiti sa labi niya ng lingunin ko siya

Nag iwas naman ako ng tingin dahil nakatingin din siya sa akin. Looking at our situation, hindi ko maiwasan na malungkot. Okay na ako na kaibigan siya, hindi na dapat ako naghahangad ng higit pa. It will only complicate things

And Blaux I don't want to loose him

Not in this way. Not in this reason

Pipigilan ko ito

Sa sobra kong pag-iisip, hindi ko namalayan na nakatitig siya sa kin

"Blaux.." sobrang hina ng boses ko ng tawagin ang pangalan niya

"Hmm?"

I fixed my hair. "Wag mo ako iiwan ha"

Hindi ko alam kung bakit sinabi ko iyon, nakakahiya

Akala ko tatawanan niya ako kasi alam ko naman na corny sa pandinig, naghintay ako ng ilang sandali. Hindi ako nakatingin sa kaniya kaya nilingon ko siya, tingin ko hinihintay niya ako na tumingin din sa kaniya.

"Your so random.." puna niya sabay iling

"Basta ha, ipramis mo yan sa akin"

Ngumiwi siya. "Ano bang nakain mo ngayong araw? Paiba-iba ka"

Ngumisi ako. "Love..."

"Tss gawin mo na lang assignment mo"

Kj naman

Tinuruan na nga niya ako paano kunin iyon, alam ko na dapat nakikinig ako sa explanation ko kasi super bobo ako pagdating sa mga numbers pero hindi ko maiwasan na mapatitig sa kaniya.

Bigla siyang napatingin sa akin, mabilis niyang pinitik ang noo ko

"Are you listening?"

Tumikhim ako

"So paano ito kunin?" pagdadivert ko ng topic

Lintek

Tinitigan niya ako nang matagal, nagtaas naman ako ng kilay. Sa huli, itinuro din naman niya paano yun kunin.

"Gets mo ba?" tanong niya pagkatapos naming masagutan. Tumango ako, may pagdududa naman niya akong tiningnan, naniningkit pa ang mata. "Sure ka? Uulitin ko"

"Tsk. Hindi na" umirap ako sabay kuha ng phone. "Shet, alas gis na?" napatakip pa ako ng bibig

"Uwi na tayo" nauna na siyang bumaba sa truck, sumunod naman ako.

Sanay naman ako na natalon pababa sa truck pero sa hindi malamang kadahilanan ay sumabit ang paa ko kaya muntik na akong masubsob sa kalsada buti at naalalayan agad ako ni Blaux

"Napakalampa.." dinig kong sabi niya

"Hiyang hiya" ganti ko

"Dahan dahan kasi"

I mocked him, inayos ko ang mukha ng lingonin niya ako "Dahan dahan naman yun" pagrarason ko.

Hindi naman talaga ako nagmamadali kanina, mukha bang makakatakbo ako pababa ng truck, napakaimposible naman non

"Dahan dahan pero madadapa?'

"Tss.. shunga yung truck eh, sinabit ang paa ko"

At nagawa ko pang sisihin ang truck

Hindi natapos ang argumento naming doon, pasipa sipa ako ng bato habang panay ang pakikipagdebate sa kaniya. Siya talaga nagtrain sa akin sa debate eh, yun ba namang bata palang ako nakikipagtalo na ako sa kaniya, paanong hindi ako matututo?

"Matulog ka na kaagad,"

"Opo tay," sarkastiko kong sabi, natawa ako ng makareceive ako ng irap mula sa kaniya. "Magdahan-dahan po kayo ha? Lubak po ang daanan, baka matakid kayo. Ang rayuma niyo-"

Natigil ako ng talikuran niya ako, umalis nang walang sinasabing kung ano

Nakabukas ang bibig ko, hindi makapaniwala sa kaniya. "Attitude si girl"

Continue Reading

You'll Also Like

164K 9.1K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.3M 151K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.7M 17.3K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022