Chapter 48

0 0 0
                                    

Chapter 48

Slowly, i press the doorbell

Hindi din naman nagtagal at binuksan na iyon ni tita

"Kleyn!" she exclaimed and hugged me

Natawa na lang ako

"Tita, i miss you!"

Bumitiw siya at hinawakan ang magkabilang kamay ko. "Mabuti at napabisita ka"

Nangingiti akong tumango. "Kagagaling ko lang po sa trabaho ngayon kaya wala akong gagawin"

And who knows... this might be my last visit in here. Sinamantala ko lang talaga ang pagkakataon kasi... wala si Blaux

Siyempre bago ako pumunta dito ay nagresearch muna ako sa whereabouts ni Blaux and according to my study, may performance siya ngayon.

"Mabuti iyan. Here, pasok ka" inanyayahan niya ako sa loob

I took my time admiring the interior. Sanaol na lang talaga ganiyan ang Bahay. Kailan kaya ako magiging ganiyan karich kid?

"May ginagawa ka po ba? Baka po nakakaistorbo ako" sabi ko kay tita. Siyempre nakakahiya din, what if busy pala siya tapos ngayon ko naisipan na manggulo

"What? Your not disturbing me, of course. Ito talagang batang ito" ngumuso ako when she showed me her phone. "Kausap ko mama mo"

"Hello, Ma. Sina Chez po?"

"Tulog na"

Turns out tinuturuan pala ni mama si Tita na magluto ng kaldereta

"Para saan po pala ito?" tanong ko nang nakuryoso. Medyo tumulong na din ako sa paglalagay ng mga sahog. Ito namang si Mama ay kontrabida na naman sa buhay ko at ayaw akong patulungin!

"Sus, tumigil ka na Kleyn. Baka makadisgrasya ka lang!"

I frowned

Tumawa si tita. "Ano ka ba? Hayaan mo na si Kleyn at nang matuto"

"Naku. Wala nang pag-asa ang batang iyan" hindi ko na pinakinggan ang sunod niyang sinabi kasi saulo ko na

"Blaux is coming from his awarding ceremony and i'm planning to surprise him!" tita told me

Mabagal naman akong napatango

Bounce na ako pagdating niya

Ganoon nga ang ginawa ko. Pinigilan ako ni tita kasi sayang naman ang effort ko daw kung hindi ko matitikman niluto ko.

"Sorry tita but i forgot to do something po kasi eh" pagsisinungaling ko

Sorry talaga tita, alam ko na madami na ang kasalanan ko pero hindi ko talaga kaya pang harapin si Blaux after all the stops and starts

"I'll walk you, then-"

"Hindi na! Kailangan ko na talagang umalis, Bye!" tapos kumaripas na ako ng takbo palabas sa takot na Samahan pa ako ni Blaux.

Susko, ang aga pa naman! Its not as if maliligaw ako sa Bahay nila, ilang beses na kaya akong nakarating dito.

Hindi iyon ang unang beses na ginawa ko Iyon. May mga time na pumupunta ako sa Bahay ni tita kasi lagi siyang nabobored sa kanila at lagi niya akong kinukulit na pumunta. Siyempre nakakahiya naman na di ako pumunta, noh?

Pero dapat ginagawa ko muna ang research ko para di ko masaktuhan doon si Blaux

"Kamusta na?" Selena asked me as she examine my whole face. "Hala, teh. Ang ganda mo! Sanaol"

"Ay bola?" inirapan ko siya. "Ikaw kamusta? Blooming ba love life" pakikiusyoso ko.

Siyempre dapat ganyan ang tanungan

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon