Chapter 22

2 1 0
                                    

Chapter 22

Sobrang naging mabilis ang araw

May pasok na naman at kaharap ko na naman ang pagmumukha ni Sol

Nagsusulat ako ngayon sa notebook, bored na bored sa buhay. Straight ba naman na walang klase. Puro chikahan lang tuloy ang ginagawa namin

"Nagpunta ka sa taal?" si keira ang nagtanong

Malandi namang ngumiti si Sol, nag-blink pa ng tatlong beses ang mata, inirapan ko tuloy. Pagkairap ko ay Nakita ko si Sherilyn na nakatingin na naman sa amin, gusto kong itaas ang kilay pero pinili na wag na lang.

Hindi ko alam kung bat ganyan attitude niya, kaya wala siyang makasundo masyado eh, yung mga galamay niya lang talaga supporter niya.

"Syempre," hindi nakatakas sa akin ang sinabi ni Sol, imbes na pagtuunan ng atensyon ang mga birds in the forest sa classroom ay pinili ko na pabiro na lang na batuhin si Sol ng papel

Ang landi eh

Nakarecieve tuloy ako ng mura from her, tinawanan ko lang siya

Ineexpect ko na madami ang gagawin ngayong pasukan na ulit pero tengga kami hanggang uwian

"Kapagod, erp" reklamo ko kay Blaux nung uwian na.

Isang strap lang ng backpack ang nakasabit sa kaniyang balikat, may nakasalpak na namang earpods. "Ano ba ginawa niyo?"

Sinipa sipa ko ang bato. "Wala," sabi ko sabay buntong hininga

Sarkastiko siyang tumango tapos pinatunog ang sasakyan niya pero hindi na natuloy kasi mabilis kong nakuha sa kamay niya

Ha!

"Habulin mo ako" panggo-good time ko sa kaniya

"Its not funny" umirap siya sa akin, mas Lalo tuloy akong naengganyong mang asar

Humagikhik ako at mas lalong tumakbo, mukhang tanga pero gusto ko siyang bwisetin, after ng mga panglilito niya sa akin, deserve niya lang yan.

"Hey, give me that" he said as he chase me

Kaunti na lang ay maabutan na niya ako kaya mas binilisan ko pa, bakit ba ang bilis niyang tumakbo? Lugi ako eh

Sinamaan ako ng tingin nung babae na nasanggi ko sa pagtakbo. "Sorry!" paghingi ko ng paumanhin

Ito na ata ang pinakamabilis na nagawa kong takbo sa buong buhay ko. Dahil hindi naman ako athlete ay inaasahan ko nang maabutan nga ako ni Blaux, pilit niyang kinukuha ang susi sa akin, inilag ko naman sa kaniya iyon

"Give me that,"

Ngumisi ako ng mapang asar at mas lalong inilayo sa kaniya ang susi ng sasakyan niya

"Hindi tayo makakuwi sa ginagawa mo, Kleyn"

Ows

Sa huli, wala din naman akong nagawa dahil talong talo ako pangangatawan pa lang niya, tagumpay na tagumpay siya sa pag agaw nung key fob niya. Hmp!

Imbes na mainis ay pinili ko na maghanap ng panibagong ipang aasar sa kaniya. Tahimik lang tuloy ako buong biyahe, palingon lingon naman siya sa akin mukhang nararamdaman na may naiisip na naman akong kababalaghan.

Tuwing mapapalingon siya sa akin ay nginingisian ko lang siya na parang tupa na super amo, naiiling na lang siya sa akin pero wala naman na din siyang sinabi.

Subukan niya lang magsalita

Suntukin ko siya diyan eh

Charot. Baka pa gumanti siya, lugi ako

Memories' SilhouetteWhere stories live. Discover now