Chapter 12

3 2 0
                                    

Chapter 12

"Hey, wake up" I heard a voice, it woke me up.

Nairita pa ako ng very light kasi naistorbo ang tulog ko. It was really annoying when someone is trying to disturb your sleep.

"Huy! Gising na, wala kang balak pumasok?" napabalikwas tuloy ako ng bangon, tumamabad naman sa akin si Blaux na nakabihis na ng uni!

Di man lang ako ginising!

"Pakshit" bulong ko sa sarili, nataranta

Hinawakan ni Blaux ang palapulsuhan ko nung muntik na akong matalisod sa pagmamadali, hindi din nakatakas yung pagtawa niya. Hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso ng paglalakad papunta sa amin. Ramdam ko naman na sumunod siya sa akin pero hindi ko na siya nilingon pa.

"Bakit di mo ako ginising agad?!" I swear paiyak na ako niyan. Si Blaux naman ay tawang tawa.

"Hirap mong gisingin" simpleng sagot niya, hindi man lang ako madamayan sa pagkataranta

Napakaheartless talaga

"Dapat nag-try ka pa din gisingin ako!"

Hindi niya ako sinagot or kung sinagot man ay hindi ko na rinig kasi pumasok na kaagad ako sa banyo at dali daling lumigo. Sinaway pa nga ako ni mama pero halos wala siyang nagawa nung diretso na agad ang pasok ko sa banyo

"Liligo ka na agad? Bakit di muna mag-almusal?" dinig kong tanong niya pero dahil malalate na talaga ako halos hindi ko na napansin. "Kleyn!" sigaw ni mama.

"Mamaya na Ma!" paiyak na ako sa loob ng banyo habang nagbubuhos.

Ayaw kong malate!

Mabilisan ang kilos ko, hindi ko na nga napatuyo ang buhok ko. Isinusumpa ko talaga si Blaux. Bakit nga ba hindi ko dinala phone ko kagabi? Ayan, wala tuloy akong alarm. Mabuti naman at mukhang abot pa ako kasi sobrang madalian talaga yung kilos ko. Yung mga usual na kaek-ekan ko hindi ko na nagawa.

Nagpapasalamat ako na nakaayos na ang gamit ko sa aking tote bag, nakakatamad kasi pumasok after event kaya siguro hindi ako nagising agad! Napagod ako kahapon sa pauli uli namin

Feel ko wala naman din klase kasi katatapos lang nung program lagi namang ganoon eh

"Tara na Blaux" sabi ko yan Kahit hindi pa ako halos nakakababa sa hagdanan namin.

"Kumain ka muna" paalala ni Mama

"Ma, malalate na ako" reklamo ko

"I brought sandwich" singit ni Blaux

"Yun naman pala! Alis na kami, Ma! Bye!"

Wala na siyang nagawa nung naghalik ako sa cheeks niya tapos nagmadaling lumabas ng Bahay. Si Blaux naman ay chilling at sinundan ako na parang hindi na kami malapit ma-late

"Its still early," he told me as he open the door of his car.

Hindi ko siya pinansin at pumasok na lang sa kotse niya. Hinanap ko kaagad ang hair pin sa aking pouch, halos mafrustrate naman ako kasi hindi ko makita. Nahalughog ko na yata ang buong gamit ko pero wala pa ding lumilitaw ni isang hair pin

Ang dami kong ganoon eh! Nasaan na sila?

"Here" Blaux hand me two pieces of hair pin

Tinanggap ko naman agad

"Thank you!" masigla kong sabi sabay ayos ng buhok, habang nagmamaneho siya ng kotse ay panay naman ang paganda ko.

"Eat this" binigyan niya ako ng sandwich, hindi ko muna iyon inibo dahil nakakatamad kumain. Mamaya na lang sa break time.

Memories' SilhouetteWhere stories live. Discover now