Chapter 39

5 2 0
                                    

Chapter 39

"Oy kita ko yun" napadaing ako nung sanggain ako nung katabi ko

"Alin ba naman?" nagsasalubong ang kilay ko.

Sari sari din

"Anong sabi?" malisosya ang ekspresyon niya nung harapin ako.

Sinulyapan ko sina Jen na busy sa pagkukuwentuhan, actually, kami lang ni Aria yung may ibang pinag-uusapan.

"Nino?" i swear, dumadagdag pa si Aria sa iniisip ko. Lagi ng talking riddles, umay eh.

"Mr. Sarmiento"

I sipped on my juice. "Wala naman..."

Mukhang may sasabihin pa si Aria pero hindi na niya naituloy nang may mag-abot sa kaniya ng baso ng alak. Natawa naman ako kasi hindi siya nakaangal at Kahit mukhang ayaw ay napasubo na

Ayan, bar pa

Ayaw gagaya sa akin

"Oh? That guy has a girlfriend?" naagaw ang atensyon ko ng nag-uusap na sina sir Jaime, medyo malakas kasi ang boses niya Kahit ang lakas ng music dito. Mabuti na lamang at sanay na ang tainga ko sa sobrang ingay na music, araw-arawin ba naman ni Papa ang pagpapasound and hindi naman basta ang volume nung pasound niya, actually dagundungan na yung dingding ng Bahay sa lakas, Kahit mga gamit nauga na eh

"I think so"

Binulongan ko si Cindy na nasa tabi ko na mukhang kasali sa usapan. "Sino daw?"

She turn to me to whisper. "Blaux. The vocalist, do you know him?"

Hindi ko na nasagot ang tanong dahil mas nakinig ako sa usapn nung grupo

"Not sure but during his interview, he was asked if he has a girlfriend, sabi niya wala daw pero he's waiting for someone"

He does not have a girlfriend... but he's waiting for someone

Who could possibly it be?

"Pero base on what i notice, tapos yun din ang sabi sabi, he's seeing Hanna Montenegro, the actress. And hell, he hit the jackpot. That girl is frigging hot!"

I stopped on tracks, wala sa sarili kong kinuha yung baso na iniinuman ko at walang pag-iisip na ininom yun. Natigil nga lang ng malasahan ang pakla non

Shuta!

Inabutan ako ng tissue ng kung sino, tinanggap ko na lang. Ang tainga ay nasa nag-uusap pa din

"Nakita sila one time palabas ng Hotel-"

"Talaga? Baka nga sila. Sayang naman, akala ko may pag-asa ako kay Blaux" kinikilig na sabi nung isa ko pang colleague.

Dahan dahan ang pagpunas ko ng tissue sa aking labi at dahan dahan din nag-sink in sa akin ang lahat ng narinig

Blaux went out with someone, huh?

Well, nice?

I drank a shot

Nag-init agad ang lalamunan ko

"I think its not Hanna Montenegro kasi mas laging nakikita parehas si Shaina Villante sa mga events na dinadaluhan nila and they we're so sweet!" added by another

Sunod sunod na ang shot ko non. Ang iniinom ko pa ay whiskey, lintek!

"Huy, teh. Kala ko ba di ka iinom?" bulong sa akin ni Aria

I ignored her and drank another shot

"Oks ka lang? Ang pula mo na!"

I gave her a thumbs up

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon