Suramu Danku: Next Generation...

By ThunderFlex95

10.2K 826 251

Dalawang Kambal si Sakuhako at Akito sino sa kanila ang Tunay na Henyo sa Basketball? More

Suramu Danku 1: Next Generation Characters
Chapter 1: Ang Pagpasok Sa Basketball Association, Sakuhako Vs Kaite
Chapter 2:Pasado sa Pagsubok? Maligayang Pagdating Sa Male Training School Hako
Chapter 3: 3rd Generation Ng Shohoku
Chapter 4: Ang Lihim Tungkol Kay Akito at Sakuhako
Chapter 5: Hanamichi Sakuhako Vs Ace Sakuchiro
Chapter 6: Sa Bahay Ni Sora, At sa Takashita Family
Chapter 7: Ang Pagdating ni Rukawa, Ang Pagkikita ng Mag Ama
Chapter 8: Ang Pagdating Ni Sakuragi, Sakuhako Vs Sakuragi
Chapter 9: Laban ng Mag Ama Ang Slam Dunk Ni Sakuhako Laban Kay Sakuragi
Chapter 10: Shohoku A Vs Soulferus
Chapter 11: Ang Nakaraan Ni Ace Ang Takot Nya Kay Akito
Chapter 12: Ang Unang Laro Ni Sakuhako, Team Shohoku B Vs Team Riot
Chapter 13: Team Shohoku B vs Team Riot Ang Point Guard na si Lyion
Chapter 14: Ang Unang Dunk Ni Sakuhako
Chapter 15: Ang Pagbabalik Ni Sakuhako Sa Kanagawa Kasama Si Sakuragi
Chapter 16: Ang Tatlong Araw Na Training Ni Sakuhako Kay Sakuragi
Chapter 17: Ang Simula ng Shohoku
Chapter 18: Shohoku A Vs Shohoku B, Ang Pagpapasikat ni Sakuhako
Chapter 19: Ang Anak Ng Henyo
Chapter 20: Ang Kakayahan Ng Basketball Statistics Na si Kate Kaede
Chapter 21: Nakapasa Ang Lahat Maliban Lang Kay Sakuhako
Chapter 22: Ang Pagkikita Ni Sakuhako at Zoey, Ang Mission ni Sakuhako
Chapter 23:Ang Pagbabalik Ni Sakuragi Sa Basketball at Ang Pag Alis Ni Sakuhako
Chapter 24: Ako Parin Ang Bida Sa Kwento, Ang Hari Ng Slam Dunk - Sakuragi
Chapter 25: Sakuna Vs Inami, Ang Simula ng Training Ni Sakuhako
Chapter 26:Ang Pagpapatayo sa Shohoku Gym House
Chapter 27: Mga Bagong Kasama Ni Sakuhako Na Sina Miu at Otano
Chapter 28:Akito Vs Kate Ang Paghikayat At Paghamon sa Pinakamagaling Na Player
Chapter 30: Ang Shohoko
Chapter 31: Ang Pagbabalik Ni Sakuhako Kasama ang Hitogami Family
Chapter 32: Sakuhako and Otano Vs Akito and Ace 2on2
Chapter 33: Mastered Speed Ni Sakuhako
Chapter 34: Ang Kahinaan Ni Akito
Chapter 35:Ang Inggit Ni Sakutou Kay Sakuragi, Gusto Kong Maging Asawa Si Aisha
Chapter 36: Veterans Vs Generation
Chapter 37: Boyfriend Ni Kate? Ang Laban Ng Mag Ama Sakuragi vs Sakuhako
Chapter 38:Ang Paghanga ng mga Babae at Pagaling Ng Pagaling Na Si Sakuhako
Chapter 39: Si Sakurou at Inoue, Ang Pag gising ng kakayahan ni Sakuhako
Chapter 40: Ang Hikaw Ni Sakutou, Palatandaan Ng Galing Ni Sakuhako
Chapter 41: Ang Combination Attack Ni Sakuhako at Akito
Chapter 42: Ang Nalalapit Na Elimination Games para sa Interhigh Tournament
Chapter 43: Ang Kwento Ng Henyo Tungkol Sa Sapatos
Chapter 44:Ang Pagdating Ni Sora at Kumi At Ang Elimination Games
Chapter 45: Ang Kakayahan Ng Grupo
Chapter 46: Ang TUNAY na #1 Player sa Distrito, Si Sandro Watanabe
Chapter 47: Ang #1 Rookie Ang Matinding Galit Ni Sakuhako
Chapter 48: Ang Kapatid Ni Sandro na si Zairyl, Ang Umpisa ng 2nd Half
Chapter 49: Ang Pagbagsak Ni Sakuhako
Chapter 50: Isang Pamilya
Chapter 51: Inspiration, Ang Paglabas ng Kanilang Galing Dahil Kay Sakuhako
Chapter 52: Ang Rebound Shot Ni Zoey
Chapter 53: Ang Simula Ng Paghihirap Ni Kate Para Sakanyang Ama Na si Rukawa
Chapter 54: Ang Pagtatapat Ni Sakuhako at Aisha sa Isat Isa
Chapter 55: Hitogami's Aura
Chapter 56: Ang Pag Amin Ni Ace Kay Kate, At ang Sagot Ni Kate
Chapter 57: Si Boy Kulangot At Ang mga Kaibigan Ni Althena at Sakuhako
Chapter 58: Ang Isa Sa Nagpapasaya Kay Kate, Ang Tunay Nyang Nararamdaman
Chapter 59: Si Irene ang #1 Female player sa Distrito vs Althena Tobirama
Chapter 60: Ang Pinagmulan Ni Althena at ang Bagong Sakuragi Jr (Akito)
Chapter 61: Pangako Sa Isat Isa Hihintayin Kita Balang Araw
Chapter 62: Ako si Hanamichi Sakuhako, At ang Pagliligtas ni Sakuhako kay Kate
Chapter 63:Ang Babaeng Minahal Ni Rukawa At Ang Pagpapanggap Ni Kate at Sakuhako
Chapter 64: Ang Kwento Ni Kate, David at Renz Sa Amerika Part 1
Chapter 65:Ang Pagpapahirap kay Kate, At ang paghamon ni Renz ng 1on1 kay David
Chapter 66: Ang May Ari Ng Basketball Association, Ang Pamilya Koamoto!
Chapter 67: Ang Aso Ni Hisaka Koamoto Na si Sakuhako
Chapter 68: Shohoku Junior Players Vs Shohoku High School Players
Chapter 69: Ang Slam Dunk Ni Sakuhako vs Ace Sakuchiro
Chapter 70: Ang Utak Kriminal na si David at Hikaru Koamoto
Chapter 71: Ang Unang Pagkikita Ni Hisaka at Sakuhako, At Ang Red Pear Bracelet
Chapter 72: Selos?
Chapter 73: Kate Vs Althena, Ang Mala Kaede Rukawa Female Version na si Kate
Chapter 74: Ang Pagkamatay Ni Aisha
Chapter 75: Ang Mission Ni Zoey. Shohoku Vs Takezono
Upcoming And Spoiler
Chapter 76: Book 1 Season 2 Slam Dunk: New Generations
Chapter 77:Ang Kakayahan ni Yuriko At ang Laban Ni Sakuragi Vs Nikola Jones
Chapter 78: Ang Isang Daang Porsyento Ni Hanamichi Sakuragi Jr (Akito)

Chapter 29: Ang Tunay Na Kakayahan ni Akito, Ang Pagdating Ni Zoey

111 10 3
By ThunderFlex95

Kasalukuyang nasa bahay ngayon ni Sakuragi at Haruko

Sina Kate, Ace, Lyion, Renz at Louki para hikayatin si Akito na sumali sa Shohoku

Ang Shohoko Gym House ay kasalukuyang pinapagawa ngayon, dahil sa gusto ni Kate na bago matapos ang shohoko gym house ay marami na sila nagsimula silang maghikayat sa ibat ibang junior high school subalit lahat sila tinanggihan o di kaya may napili nang sasalihan pagkagraduate ng Junior high school

At isa na lang na skwelahan ang hindi pa nila napupuntahan at yun ay ang Takeshi Junior high school (Takeshi Basketball Club) kung saan si Akito ang Ace Player at Coach ng Team

Kaya hinikayat ni Kate si Akito na sumali sa kanila subalit kagaya ng inaasahan nila tumanggi si Akito at nagkaroon ng hamunan isang 1on1 sa pagitan ni Akito at Ace na kung mananalo si Akito kukunin nya si Kate bilang second coach ng Ryonan at kapag nanalo nman si Ace, sasali na sya sa Shohoku

Pumayag si Kate sa kasunduan na iyon

Sa labas ng bahay nila Akito ay may nakatayong basketball hoop, isang public court

Sa gilid ng court

"Umupo ka muna dito" sabi ni Lyion na may dala dalang monoblock chair

"Salamat" sagot ni Kate at umupo sya na naka clossed legs habang nasa nakatayo sa likuran nya si Renz kasama si Louki

Subalit tumayo ulit si Kate

"Tandaan ninyo, Ang patakaran ay kung sino ang maka 10 points sya ang panalo bawat pasok ng bola katumbas ay 1 point, Gamitin ninyo ang alam ninyo" sabi ni Kate sa dalawang nasa gitna na ng court, sabay upo nya ulit

"Talagang nananalo si Ace sa Akito na yan" sabi ni Lyion

"Kapag natalo sya, Kate paano na? Anong gagawin natin" sabi nman ng pinsan nyang si Renz

"Hindi sya matatalo kuya Renz, Basta sundin nya lang ang sinabi ko sa kanya kanina, magtiwala tayo sa kanya" sagot ni Kate

Sa gitna ng court nakatayo si Akito at Ace

"Ilang taon naba nakalipas? Dalawang taon? Tama dalawang taon na ng hinamon kita at ipahiya ako noon, kagaya ni hako ginawa mo rin sakin ang ginawa mo sa kanya, Kaya nga sya lumayas sa inyo noon diba" sabi ni Ace

"Wala ka ng pakialam sa bagay na yan, hindi ka parte ng aming pamilya" sagot ni Akito

"Oo tama ka, Kahit na hindi ako tunay na anak ni mama, Para kay hako, 2nd cousin parin nya ako, dahil sa kanya nagkaroon ako ng lakas ng loob, noong una kaya ako naglalaro ng basketball para talunin ka, pero mayron syang pinaalala sakin, Nag lalaro ako para sa mga magulang ko" sagot ni Ace

"Ang ganyang walang kwentang paniniwala ang magpapatalo sayo" sagot ni Akito

"Ggrahhh" sinimulan na ni Ace na idribble ang bola subalit si Akito

"Anong ginagawa nya? Nakatayo lang sya hindi ba sya dedepensa?" Tanong ni Renz habang seryosong nanonood si Kate

Subalit napansin ni Kate ang kamay ni Akito para bang galamay ng agila na may tatakmain

"Anong gagawin nya?" Tanong ni Kate sa kanyang isipan

Maging si Ace ay naguguluhan, kung bakit tinataas ni Akito ang depensa nya nakababa lang ang dalawang braso

Subalit hindi na nya iniisip iyon, nang makakita sya ng pagkakataon, mabilis syang tumakbo sa kanan ni Akito na napakababa ng dribble nya sa bola sa kanang kamay nya

Nang makalusot na sya hindi na bumalik sa kamay nya ang bola

"Ahhhhh" unti unti syang lumingon sa likuran nya nakita nyang iniikot ni Akito ang bola sa hinlalaki ng daliri nya

"Paano" gulat na si Lyion, Renz, Louki maging si Kate

"Yan na ba ang kakayahan ng sinasabi nilang national player? Napakadali naman, hindi nga ako gumalaw sa inaapakan ko"sabi ni Akito

Habang gulat na gulat si Ace

"Ngayon ako nman" sabi ni Akito na aatake na agad na tumakbo si Ace para pigilan si Akito ngunit nang tumakbo na si Akito papunta sa kanyang basket

Pagdaan nya kay Ace animoy parang statua na lang si Ace

Naramdaman ni Ace na may malakas na hangin na dumaan sa kanan nya

At paglingon nya sa likuran nya nasa ere na si Akito naka dunk position at malakas na dinakdak sa basket

"Paano nya nakuha ang bola sakin, nakita ko nman na nakababa ang mga kamay nya" sabi ni Ace sa kanyang isipan

Ang nanonood nman sa gilid ng court

"Diko nakita ginawa nya basta nakita ko na lang hawak na nya ang bola" sabi ni Lyion

"Napakabilis ng mga kamay nya" sabi nman ni Renz

Habang si Kate nakita ang nangyari

"Ang drinidribble ni Ace na bola, sa gitna ng pagitan ng sahig at kamay na drinidribble ni Ace, mabilis nyang kinuha ang bola ng napakabilis wala pang isang segundo ng ginawa nya yun, Yan ba talaga ang kakayahan ng isang player na hindi dumaan sa basics?" Tanong ni Kate sa kanyang isipan pero alam ni Kate na may kahinaan o butas parin si Akito

Matapos makapuntos si Akito, tumayo si Kate

"Wag kang kabahan, ipakita mo kung gaano ka kagaling" pagpapalakas loob ni Kate kay Ace

Habang drinidribble ni Ace ang bola, hindi nanamn nakadepensa si Akito nakatayo lang

"Ggrahhh anong klaseng depensa ba ginagawa nya? Paano nya naagaw sakin ang bola" mga tanong ni Ace sa utak nya na walang sagot

Nagsalita si Akito

"Naguguluhan ka? Sasabihin ko sayo ang katotohanan, May dalawang player na ang pangalan ay si Tadahako Inoue at Sakurou Hitogami

90% ng basketball technique ay likha ni Tadahako Inoue at si Sakutou Hitogami nman ang taga basag ng mga technique, Ang dalawang pinakamagaling na basketball player ang kakayahan nila sa paglalaro ay nasakin" sabi ni Akito

"Ano" gulat na si Ace

"Imposible" sabi nman ni Kate

"Ang Defensive player na si Sakutou Hitogami, yan ang ginagamit ko ngayong depensa, Hindi na kailangan itaas ang mga kamay para dumepensa, kundi kukunin na lang ito sa kamay ng kalaban, Ang tawag sa depensang ito ay Anti Basketball Technique" sabi ni Akito

"Anti Basketball Technique? Taga basag ng mga basketball technique?" Sabi ni Lyion

"Sino si Tadahako Inoue? Pati narin si Sakutou Hitogami?" Tanong nman ni Louki nagsalita si Kate

"Si Tadahako Inoue isa sya sa mga unang nagtatag ng shohoku basketball club noon, sya ang unang ace player ng shohoku, Sinasabi nila na hindi dumaan sa basic training si Tadahako Inoue, Tanyag sya sa paglikha ng mga basketball technique at napapag usapan sa amerika, Si Sakutou Hitogami nman ay isang player na tanyag sa pag basag ng mga basketball technique, noong nagkaharap si Tadahako Inoue at Sakurou Hitogami natalo si Tadahako Inoue dahil sa defensive style na ginagamit ni Sakurou Hitogami, at ang dalawang tanyag na player na yan ay apo sa tuhod ni Hako at ni Akito" sagot ni Kate

"Ahhh anohh" gulat na si Lyion napalingon nman si Renz kay Kate

Samantala si Ace na di malaman ang gagawin

"Kapag ako nasa Defensive mode, ginagamit ko ang defensive style ni Sakutou Hitogami, at kapag nasa Opensive mode nman ako, ginagamit ko nman ang mga technique ni Tadahako Inoue" sabi ni Akito

"Kasinungalingan! Alam kong nagsisinungaling ka lang" sabi ni Ace

"Matagal ko nang taglay ang kakayahan ng lolo namin na si Tadahako Inoue, simula pa lang noong bata pa ako kaya nga hindi ako dumaan sa basic training, At nitong nakaraang taon lang pinag aralan ko nman ang basketball defensive style ng Lolo ko rin na si Sakurou Hitogami, Simple lang nman kasi nangyayari dito Ace, wala akong kahinaan kagaya ng sinasabi ng babaeng yan" sabay lingon ni Akito kay Kate

"Kalokohan! Hindi mo ako mauuto" sabay takbo ni Ace at ginalaw ang ulo ng kanan at kaliwa upang malito si Akito kung saan sya lulusot

Nang makita nya ang tamang tyempo para makalusot sa kaliwa ni Akito mabilis syang tumakbo subalit napatigil ulit sya dahil

"Ikaw" sabi ni Ace nakita nyang hawak ni Akito ang bola

Tumakbo si Ace para pigilan si Akito pumunta sya sa ilalim ng basket

"Tsu" at tumakbo ng mabilis si Akito

Pagdating nya tumalon sya, tumalon din si Ace

"Gguuuahhhhhhh" sigaw ni Ace na nakataas ang dalawang kamay nang biglang nag iba ang posisyon ni Akito habang nasa ere, ipinasok nya ang kanang braso nya na hawak ang bola sa baba ng nakataas na kanang braso ni Ace, tinapon nya ng mahina ang bola pataas at nang bumaba ang bola deretso sa basket

"Ahhhhhh" gulat na si Ace, pati narin sina Lyion, Renz, Louki at Kate

"Pa-paano nya nagawa yun?" Tanong ni Lyion

"Nagbago sya ng posisyon habang nasa ere" sabi ni Louki

"Ang galaw na yun, nakita kona yun minsan, tama kay Uncle Rukawa" sabi ni Renz

Habang si Kate di makapaniwala sa nakita nya

"Hindi toh pwede, matindi ang naging training ko sa basketball association pero ganito parin ang resulta" sabi ni Ace

"Simple lang nman kasi ang sagot dyan, kung gumaling ka, ako nman mas lalong gumaling" sagot ni Akito

Nang biglang isang babae ang dumating walang iba kundi si

"Saku? Teka Ace? Anong ginagawa nyo?" Tanong ng babae

"Zoey anong ginagawa mo dito?" Diba sinabi ko sayo hintayin mo ko" sabi ni Akito

"Zoey?" Sabi nman ni Ace

Habang sina Kate

"Zoey? Diba yun ang pangalan ng crush ni Hako? Kavideocall pa nga nya" sabi naman ni Lyion

Lumapit si Zoey kay Akito at Ace

"Kanina pa kaya ako naghihintay sayo, nag aalala na ako, Tapos nandito kalang pala naglalaro ng basketball kasama si Ace" sabi ni Zoey

"Sorry" sagot ni Akito

Saktong lumabas si Haruko

"Zoey?" Sabi ni Haruko

"Tita Haruko kamusta po kayo" sabi ni Zoey

Dahil sa pagdating ni Zoey naputol tuloy ang 1on1 ni Ace at Akito, pero kahit na hindi natapos alam nila na si Akito ang mananalo, wala ring maisip si Kate kung paano matalo si Akito

Sa loob ng bahay isang balita ang kinagulat ni Haruko dahil

"Anohhh? Nagdadate na kayo ni Akitoh?" Napasigaw sa bigla na si Haruko

"Akito kaylan pa?" Tanong ni Haruko

"Ahhh matagal tagal na po mama" sagot ni Akito

"Ang totoo po kasi nyan Tita, palagi pong bumibisita samin si Saku, kahit si mommy at daddy hindi pa po alam ito, kasi po natatakot po kasi kami baka sabihin nyo po kasi na mga bata pa kami" sabi ni Zoey

"Ano ba kayong dalawa? Mga junior high school palang kayong dalawa, hindi namn kami sa tutol kami nabigla lang kasi ako sa nalaman ko, Kaya pala palagi kang umaalis Akito, dahil pala kay Zoey" sabi ni Haruko

"Hindi nman po Tita, paminsan minsan lang po kami magkita, busy rin po kasi si Saku sa basketball Team nya" sagot ni Zoey

"Kaylan nagsimula toh?" Tanong ni Haruko

"Nong last year pa po, actually po Tita ahh ano ako po yung nagyaya sa kanya na lumabas kami, nakakahiya" pag amin ni Zoey habang tahimik lang si Akito

Habang sina Kate, Ace, Louki, Lyion at Renz

"Siguradong malaking gulo ang mangyayari pagdating ni Hako" sabi ni Lyion

"Kawawang hako, napakaganda sanang babae ni Zoey" banat nman ni Louki

Tumayo si Kate at nagsalita

"Pwede ko po ba kayo ma-storbo?" Tanong ni Kate

"Huh? Kate" sabi ni Haruko habang nagtataka si Zoey kung sino itong mga taong ito na nasa bahay ngayon ni Akito

"Mayron sana akong itatanong kay Akito, Ano ba talagang dahilan mo bakit ayaw mong sumali sa Team ng Shohoku? Alam kong may dahilan, dahil kung iisipin, Si Tito Sakuragi sa shohoku sya natuto ng basketball, ang lolo nyo Tita Haruko ang isa sa nagtatag ng shohoku, kaya anong dahilan bakit ayaw mong sumali sa shohoku" Tanong ni Kate na walang pakialam sa pagdating ni Zoey

"Shohoku?" Tanong ni Zoey

"Wala akong dahilan, sadyang ayoko lang" sagot ni Akito habang mukhang nabitin nman si Kate sa sagot ni Akito

"Ahhh excuse me maari ba akong nagtanong? Hinihikayat nyo ba si Saku na sumali sa Team nyo?" Tanong ni Zoey nagsalita ang isa sa kababata ni Zoey na si Ace

"Tama ka Zoey, gusto namin maging miyembro si Akito pero ayaw nya" sagot ni Ace

"Bakit ayaw mo Saku?" Tanong ni Zoey

"Ahhh basta ayoko" sagot ni Akito

"Pwes sasali tayong dalawa" sagot ni Zoey

"Ano?" Na kinabigla ni Akito

"Sasali din sya?" Tanong ni Lyion

"Bakit?" Sabi nman ni Ace

"Ako nang bahala sa kanya, shaka matutuwa si hako kung sasali din si Saku sa Team ng Shohoku, Shanga pala Tita paminsan minsan tumatawag sakin si Hako, tumatawag din po ba sya sa inyo?" Tanong ni Zoey

"Ahh oo, bakit ka nya tinatawagan?" Tanong ni Haruko

"Ahhh hiningi ko po kasi number nya nong nagkita kami" sagot ni Zoey habang si Akito

"Hoy ano yan?" Tanong ni Akito

"Ahhh wala, syempre kaibigan ko rin si hako nakikikamusta lang, kayong dalawa hindi dapat kayo mag aaway naiintindihan nyo ba, pati ikaw Ace" sagot ni Zoey

"Bakit pati ako nadamay" sabi ni Ace

"Sandali lang, talaga bang pati ikaw sasali samin? Basketball player karin ba?" Tanong nman ni Kate

"Hhhmmm Oo, pero hindi na ako naglalaro ngayon, dati ako naging #1 player sa Junior high, naging MVP ako isang taon na akong tumigil sa paglalaro" sagot ni Zoey

"Ano?Mvp" sabi ni Kate

"Saku sasali tayo sa shohoku, kung hindi ka susunod sakin magagalit ako sayo" sabi ni Zoey

Habang si Akito na seryoso ang mukha wala nang nagawa subalit napalingon sya kay Kate, iniisip kasi ni Akito na baka mangyari ulit ang nangyari sa nakaraan kung saan namatay ang unang Coach ng shohoku na si Mirajane at ang Chairman ng basketball association, kung saan nasa kanya ang mga ala ala ni Tadahako Inoue

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 222 59
"I Love You... Gurl." Series #1 "She's my frenemy, I hate her and like her as well. Nakakainis!" Date posted: May 9, 2020
307K 12.3K 31
・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ᴍᴇᴛᴀɴᴏɪᴀ- ᴀ ᴛʀᴀɴsғᴏʀᴍᴀᴛɪᴠᴇ ᴄʜᴀɴɢᴇ ᴏғ ʜᴇᴀʀᴛ, ᴏʀ ᴄʜᴀɴɢɪɴɢ ᴏɴᴇ's ᴍɪɴᴅ. ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ɪɴ ᴡʜɪᴄʜ ᴛᴡᴏ sᴇᴄᴏɴᴅ ʏᴇᴀʀs, ᴡ...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
63.3K 1.6K 43
Y/n Sendoh, little sister of the ace of Ryonan High School, Akira Sendoh. She is a shy, smart and plays basketball with the help of his older brother...