Late-night Talks

By LovieNot

7K 1.5K 116

🌠Slow burn romance 🌠 New Adult 🌠 Slice of life Lavinia Collins fears falling in love again after her first... More

PROLOGUE
CHAPTER 1- First Goodnight
CHAPTER 2- SLEEP WELL
CHAPTER 3- CUP OF COFFEE
CHAPTER 4- IN A RELATIONSHIP
CHAPTER 5- TRAUMATIC EXPERIENCE
CHAPTER 6- SUNSET
CHAPTER 7- RELATIONSHIP
CHAPTER 8- BETRAYAL
CHAPTER 9- SOMETHING'S WRONG
CHAPTER 10- TANTRUM
CHAPTER 11- DÉJÀ VU
CHAPTER 12- MEMORIES BRING BACK
CHAPTER 13- FEEL SORRY
CHAPTER 14- DEEP AS OCEAN
CHAPTER 15 - NEVER ENOUGH
CHAPTER 16- REASON WHY
CHAPTER 17- SUDDEN CONFESSION
CHAPTER 18- PURSUIT
CHAPTER 19- BEST DECISION
CHAPTER 20- EXCUSE
CHAPTER 21 - GENUINE LOVE
CHAPTER 22- LIFESPAN
CHAPTER 24- QUALITY LIFE
CHAPTER 25- TILL NEXT LIFE
EPILOGUE
EXTENDED CHAPTER

CHAPTER 23- LIMITED TIME

33 10 0
By LovieNot


Nagpalit lang ako ng damit at pinilit ang aking sarili na pakisamahan silang lahat. Nang lumabas ako ay kaagad na lumapit si Tyron sa akin at walang salitang niyakap ako. Hinalikan niya rin ako sa leeg. Hindi naman ako nagsalita hanggang siya na mismo ang kusang kumalas.

"Ayos ka na?" usisa niya pa habang hawak ang aking kamay.

Hinding-hindi na ako magiging ayos pa, Tyron. I'm dying and I'm so sorry, baby.

Pinigilan kong maiyak na naman. Tinapik ko lang ang kaniyang balikat sabay tango. Binawi ko rin ang kamay ko.

Tahimik lang akong naupo at panaka-naka silang kinakausap. Nag-alibi lang akong masama ang aking pakiramdam para huwag nila akong kulitin.

"Hey, ayos ka lang? Gusto mo ng gamot?" mayamaya ay usisa niya sa akin.

Umiling lang ako. Hindi rin ako uminom dahil baka mag-tantrum na naman ako. Ako lang din ang magpapahamak sa aking sarili.

Pagsapit ng 12:00 a.m ay kaniya-kaniya na rin silang alisan. Nang papasok na ako sa aking unit ay mabilis akong napigilan ni Tyron.

"Lavinia..."

"Let's break up," tuwid kong sabi kahit na ako lang din ang unang nasaktan dahil sa katagang sinabi ko.

"W-What?" nautal niya pang pangugumpirma. Nanginig din ang kaniyang boses.

"Ang sabi ko ay maghiwalay na tayo. Ayaw ko na sa 'yo," may diin kong sabi.

Sarkastikong natawa naman siya sabay palatak. "Sa tingin mo ba ay papayag akong hiwalayan mo? Lavinia, hindi. Hindi ako papayag na..."

"Please, Tyron. I'm tired..."

"Then rest! Just rest, Lavinia. Huwag kang magbitiw ng mga walang kwentang salita. Break up? Naririnig mo ba ang sarili mo, ha?!"

"Oo, naririnig ko ang aking sarili at ang aking puso. Gusto kong makipaghiwalay na sa 'yo."

"Bakit? S-Sabihin mo sa akin ang dahilan para maintindihan ko."

Kahit hindi gano'n kaliwanag ang ilaw sa kinaroroonan namin ay malinaw kong nakita kung paano nagsilandas ang kaniyang mga luha.

Don't cry, Tyron. Mas lalo lang akong nasasaktan.

"Dahil... dahil..." Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya ang totoo at mas lalong wala akong alibi na masabi.

"Dahil may problema ka, hindi ba? Sabihin mo sa akin para matulungan kita. Hindi solusyon ang tumakbo ka papalayo at makipaghiwalay sa akin."

"Don't ask me and just let me go..."

"Walang maghihiwalay, Lavinia. Wala. Ano bang problema mo ngayon? Noong huling nagkaganiyan ka ay noong nalaman mong nagloloko sa akin si Allison. Sino ba ang nahuli mo ngayon? Si Rona? Si Daniel? Sino sa kanila?!"

"Are you crazy?!" bulyaw ko na talaga. "Wala sa kanila ang problema, okay? Ako! Ako ang problema, Tyron."

"Hayaan mo akong tulungan kang resolbahin ang problema mo."

Hindi mo na ito mareresolba. Kahit sinong doctor ay hindi na ako mapapagaling pa.

Kunwari ay sarkastikong natawa na lang ako. "Huwag mo na akong kakausapin bukas. Wala ng tayo."

Nagulat pa ako nang bigla niya lang siyang lumuhod at hawakan ang aking mga kamay. "Lavinia, please? Don't do this to me. Don't run away from me."

Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha. Namalayan ko na lang na dalawa na pala kami ang humagulgol ng iyak. Ume-echo pareho ang tunog ng iyak namin sa buong rooftop.

"Tumayo ka, Tyron."

"Sabihin mo munang hindi ka nakikipaghiwalay sa akin. Bawiin mo muna ang sinabi mo."

Nagpahid ako ng luha at humigit nang malalim na hininga. "I'm tired, Tyron," tipid kong sabi at tuluyang pumasok sa loob.

Dumiretso ako sa aking kuwarto at pabagsak na humiga. Napatitig lang ako sa kisame habang inaalala kung kailan pa nagsimula ang sakit ko.

Last year ay alam kong madalas na akong makalimot. Kung minsan din ay basta-basta na lang ako nawawalan ng balanse at bigla-bigla na lang din nanlalabo ang aking paningin. Masyado akong babad sa trabaho dahil sa sarili ko rin namang kagustuhan. Akala ko ang lahat ng symptoms na nararamdaman kong iyon ay dahil sa pagod at puyat lang.

Kaya pala sinasabi nilang health is wealth. Aanhin mo naman ang pera kung hindi ka naman makakabili ng buhay sa kahit saang palengke?

Hindi ko na alam pa kung ilang oras akong nakatitig sa kisame. Hindi ako makatulog kaya bumangon ako at kihuha ang wallet ko. Lumabas ako ng apartment at dinala ako ng aking mga paa sa LCE Hospital.

Pasado 2:30 a.m na pero gising na gising pa rin ang mga tao rito. Naglakad-lakad lang ako sa loob. Pasilip-silip sa mga kuwartong naka-glass wall. May mga pasyenteng nakaupo habang kausap ang mga nakabantay sa kanila. Mayroon ding nakamulat ang mata pero walang bantay at ang karamihan sa kanila ay walang malay at mukhang machine na lang ang bumubuhay.

Huli na ng aking nalamayang halos nalibot ko na pala ang hospital. Napadpad pa ako sa kuwarto kung saan may burol. Napatitig ako sa malaking picture frame at sa larawa ng babaeng nakangiti roon.

Ilang buwan simula sa oras na ito ay ako na ang paglalamayan. Mukha ko na ang nasa loob ng picture frame at katawan ko na ang nasa kabaong. Ang aking pamilya, kaibigan at si... Tyron na ang umiiyak dahil sa akin.

Nagsilandas na pala ang aking mga luha habang nagtingin sa ginang na tahimik na umiiyak sa isang gilid.

Nilapitan ko ito at hinaplos-haplos ang likuran. Siguro ay nagulat ito sa aking ginawa dahil hindi naman kami magkakilala.

"Who are you, young lady?" tanong nito.

"Uhm... I'm Lavinia. Sorry po, napadaan lang ako rito."

Tinitigan naman ako nito diretso sa mga mata. "May pamilya ka bang naka-admit sa hospital na ito?"

"Po? Ah, mayroon nga po," sabi ko na lang. Ang weird naman kasi kung wala tapos nandito ako.

"Anong nangyari sa kaniya, hija?"

"Brain Tumor, stage 4," mahina kong sabi habang pinipigilang maiyak ulit.

"Oh, dear. I'm sorry to hear that."

"Don't be, Ma'am. Life is like that, right?" nakangiti kong sabi.

"Yeah at kahit ayaw nating mawala sila ay wala tayong magagawa. Ang sabi ng anak ko ay ayaw niyang mabulok sa hospital bed habang iniinda ang sakit. Mas gusto niya raw sa bahay na lang para magawa niya ang mga gusto niyang gawin bago siya mawala. Mas gusto niyang igugol ang kaniyang natitirang oras sa aming pamilya at mga kaibigan niya kaysa sa ang magpagamot pa dahil mamamatay din naman daw siya. Sana... Sana ay pinagbigyan na lang namin siya sa kaniyang gusto."

Muli itong humagulgol ng iyak kaya niyakap ko na lang ito.

That's exactly what I want too. Ayaw kong sayangin ang natitira kong oras para magpagamot pa. Wala naman ng pag-asang gumaling ako kahit na ilang test o therapy pa ang gawin sa akin. Hindi na mawawala ang tumor ko kahit na ilan taon pa akong manatili sa isang hospital room habang nakahiga sa hospital bed.

Ayaw ko ng treatment at kung ano-ano pang sasabihin o i-a-advice ng doctor. Ayaw kong mamatay sa kahit saang hospital.

Nang kumalma ang ginang ay umuwi na rin ako. Nakabukas na rin ang coffee house nila Rona dahil 4:15 a.m naman na rin. Nakita ko pa kung paano sila maglambingan ni Daniel. Natawa rin ako nang mapangiwi si Jona dahil sa dalawa.

Kusang kumawala ang aking buntonghininga. Umakyat na ako sa apartment ko. Naligo na lang din ako at naghanda ng almusal. Pagkatapos kong kumain ay lumabas na para pumasok ng trabaho.

Napalunok pa ako nang makita si Tyron na naghihintay sa akin dito sa rooftop. Nang makita niya ako ay kaagad siyang lumapit.

"I told you, Tyron..."

"I'll give you the time and space you need but please, Lavinia... don't break up with me."

Hindi ako umimik at bumaba na lang. Nakasunod naman siya sa akin. Alam kong papasok na rin siya sa trabaho kaya nagmadali na akong sumakay sa taxi na sakto lang ding dumaan at nagpahatid sa Dou Hotel.

"Angel," tawag ko sa isa.

"Yes, Ma'am Lav?"

"Hindi ako papasok ngayon pero kapag nagtanong si Tyron kung nasaan ako ay sabihin mong nasa office ko lang."

Nagtataka naman ako nitong tiningnan pero tumango na lang din. Nagmamadali akong umalis ng DH at pumunta sa bahay mismo nila Tita Trish.

Naramdaman ko ang kalabog ng aking dibdib nang mapindot ko na ang doorbell. Kaagad namang lumabas si Trixie na mukhang papasok na rin ng school.

"Hi, Ate Lav! Good morning."

"Good morning, Trix. Si Tita Trish?"

"Nasa loob, Ate. Pasok ka."

"Thank you. Huwag mong mabanggit kay Tyron na nandito ako."

"Ah, okay po."

Nagkangitian lang kami at pumasok na ako. Kaagad kong hinanap si Tita Trish at natagpuan ko ito sa kusina.

"Oh, Lavinia! Good morning!" masigla nitong bati sa akin saka niyakap ako.

"Good morning, Tita. Puwede ho ba tayo mag-usap?"

Saglit itong napatitig sa akin. "Sure. Tara sa balcony."

Tahimik akong sumunod sa kaniya. Nang nasa balcony na kami ay kaagad na nagtama ang aming mga mata.

"What is it, Lavinia? May problema ba kayo ni Tyron?"

Kaagad naman akong umiling. "Wala, Tita." Pinigilan kong huwag umiyak pero kusang nagsilaglagan ang aking mga luha.

"Oh, dear. Why are you crying, huh?"

Akmang lalapitan ako nito pero napaatras ako. "I'm fine, Tita. Nandito ako ngayon kasi gusto kong humingi ng tawad sa inyo nina Tito Troy at Trixie."

"Why? Pinapakaba mo naman ako." Namamasa na rin ang mga mata nito.

Kinalma ko muna ang aking sarili at nagpahid ng luha. "I have a... brain tumor, Tita. I'm sorry."

Ngayon ay hindi ko na maampat pa ang aking mga luha. Sobrang sakit din ng aking dibdib. Hindi ko masukat ang sakit.

"I'm sorry, Tita. Hindi ko na po masasamahan pa si Tyron. Iiwan ko rin siya at masasaktan na naman siya. Wala na ho akong pag-asang gumaling pa." Kahit na buo ang boses ko ay durog na durog naman ang kalooban ko.

"Lavinia," tanging nasambit nito at tuluyan akong niyakap. Para akong batang humagulgol ng iyak sa balikat nito. "Don't be sorry, it's not your fault, hmmm? Maraming paraan pa..."

Napakalas ako mula sa pagkakayakap nito. "Hindi rin po ako aapak ng hospital pa. Brain tumor, stage 4... iyon ang ikinamatay ng lola ko kahit na ilan buwan pa siyang nanatili sa hospital at nagpagamot. Ayaw kong maubos lang ang oras ko sa walang kabuluhang pagpapagamot, Tita..."

"Okay, anak. Naiintindihan kita at irerespito ko ang desisyon mo. You should... at least... God, it hurts, Lavinia," sabi nito at tuluyang nagsilaglagan ang kaniyang mga luha.

"I'm sorry, Tita."

"Si Tyron, alam niya na ba ito?" Umiling naman ako. "Sabihin mo sa anak ko. Bigyan mo siya ng pagkakataong makasama ka niya kahit sabihin nating limitado na ang buhay mo. I know na ang selfish ko para isipin ang mararamdaman ng anak ko pero..."

"Sasabihin ko naman po pero hindi ko lang alam kung paano. Basta sasabihin ko rin po sa kaniya."

Niyakap ako nito nang mahigpit. Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na rin ako. Sunod kong pinuntahan ay sina Mama. Umuwi ako sa amin.

"Ay, salamat naman at nakadalaw kang bata ka!" kaagad na intrada ng aking ina.

"Mama naman. Para namang hindi ako umuuwi, ha?"

"Hindi naman talaga."

Natawa na lang ako. Saglit pa kaming nag-usap. Nagpaluto rin ako ng paborito kong ulam. Sinabayan ko sila sa pagkain ni Papa.

Nang pumasok si Papa sa trabaho nito ay kami na lang ang natira. Tumambay kami sa sala. Tumabi ako sa kaniya ng upo.

"Ma?"

"Hmmm?"

"Simula nang malaman ninyong may brain tumor noon si Lola ay ilang buwan bago siya tuluyang nawala?"

Napatitig naman siya sa akin. Ginawa ko ang abot sa aking makakaya na huwag mamasa ang aking mga mata.

"Tatlong buwan? Hindi ko na gano'n katanda pa."

Napatango-tango naman ako. "Hindi ba at ayaw ni Lola noon na magpagamot?"

"Oo pero siyempre ay pinilit ko siya. Nagbaka sakali akong magagamot pa ang sakit niyang iyon. Hindi naman din naging successful ang operation dahil malala na talaga. Stage 4 na iyon at sobrang huli na para magamot ang tumor."

Muli akong tumango. "Kawawa naman si Lola," mahina kong sabi.

"Bakit mo naitanong?"

"Kung maibabalik ba ang panahong nakiusap sa 'yo si Lola na huwag na siyang ipagamot pa at hayaan na lang na ilaan niya ang kaniyang natitirang oras para magawa niya ang kaniyang gusto at makasama kayo sa bahay na ito ay pagbibigyan niyo po ba siya o gano'n pa rin ang magiging desisyon mo?"

Saglit naman siyang natahimik at muling tumitig sa kisame. "Pagbibigyan ko siya, Lavinia. Mas gusto kong makasama si Mama sa bahay na ito kaysa sa hospital na wala namang nagawa para gamotin siya."

"Ma," mahina kong sabi.

Marahan siyang tumingin sa akin. Kaagad na namasa ang kaniyang mga mata nang matitigan ang aking mukha.

"Hindi, anak. Huwag mong sabihing..."

Pilit akong ngumiti at tumango. Kaagad na nagsilaglagan ang kaniyang mga luha at tumayo. Pagkalipas ng isang minuto pumaimbabaw na sa kabuuan ng bahay namin ang mga hikbi naming mag-ina.

Tumayo ako at niyakap siya mula sa likuran. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kaniyang buong katawan.

"I'm sorry, Ma..."

"I'm sorry, anak."

Sabay namin iyong sinabi at parehong humagulgol na naman ng iyak. Hinarap niya ako at niyakap.

"Ayaw kong maubos ang oras ko sa hospital kagaya ni Lola, Ma. Mas gusto ko pong mamamatay sa mga bisig ninyo o ni Tyron kaysa sa hospital bed o operating room."

"S-Sige, anak... Putang-ina! Bakit ikaw pa? Lord, bakit ang anak ko pa?!" malakas niyang sigaw bago bumagsak sa sahig. Nawalan siya ng malay.

"Ma!" sigaw ko na lang din.

Bakit ako pa? Kasi kung hindi ako ay baka si Daniel ang nasa bingit ng kamatayan ngayon.

Ma, aalis akong masaya sa mundong ito. Tulungan mo lang akong magawa ang mga gustong gawin bago mawalan ng hininga.

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 236K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...