MISSION 4: Pleasing You

Від AleezaMireya

8.6K 574 303

The last thing Elamarie Calma wanted was a controlling freak of a boyfriend. She's a strong, independent, car... Більше

Author's Note
Teaser
Prologue
Chapter 1 - Déjà Vu
Chapter 2 - Mistaken Identity
Chapter 3 - Encounter
Chapter 4 - Blown away
Chapter 5 - Caught
Chapter 6 - Her Infuriating Prize
Chapter 7 - Unfazed
Chapter 8 - Distracted
Chapter 9 - Compatibility
Chapter 10 - Army Motto
Chapter 12 - Eyes On
Chapter 13 - Melted
Chapter 14 - Trauma
Chapter 15 - Helping Hand
Chapter 16 - Bring Home
Chapter 17 - Drunk Dial

Chapter 11 - Biggest Takeaway

607 34 11
Від AleezaMireya

“Prime location itong nakuha niyo,” ani Ace nang iliko niya ang sasakyan sa direksiyong itinuro ni El.  “Kapag bakasyon ko’y dito ko madalas dalhin ni Max. Nagko-koi feeding kami ro’n,” aniya kasabay ng pagturo sa man-made lagoon hindi kalayuan sa istrukturang itinuro ni El kung saan sila pupunta.

Pasado ala-una pa lang pero nagyaya na si El papunta rito matapos nilang kumain. Dito na lang daw sa tabi ng man-made lagoon nila antayin ang makaka-meeting. May mga mesa at bangko naman doon na pwede nilang tambayan habang nagpapalipas-oras.

“Yeah. Iyan nga rin ang reason kaya dito namin napiling kumuha ng space ni Mama. Hindi nawawalan ng tao. Malapit sa hotel at malapit sa park. Pami-pamilya at marami ring couples ang laging nagba-bonding sa lugar na ‘to. Lalo na kapag weekends.”

“Let me clarify, baby. Si Max ang apat na taong gulang na pamangkin ko; anak ni Kuya Jax. Sa Las Villas sa may Biñan lang sila nakatira. Give or take half-an hour, depende sa traffic, naitatakas ko na kaagad siya rito.”

Tumaas ang kilay ni El. “Who’s asking for clarification? Clearly, hindi ako.”

“Gusto ko lang i-clarify na kaagad, baby. Mahirap na. Baka isipin mong babae ang kasama ko rito.” Ipinarada niya ang sasakyan sa bakanteng slot sa parking lot.

“Don’t worry, I won’t waste my time thinking about that, Ace. I don’t even care kahit linggo-linggo, iba-ibang babae ang kasama mo.” Nagkibit-balikat ito. “Kung meron man akong dapat isipin ay bakit kailangang itakas mo ang pamangkin mo. There must be a deep, troublesome reason why his parents don’t want you around their kid.”

Tumawa si Ace. “Kung kasalanang i-spoil at bilhin ng laruang gusto ni Max, e di sige, malaki ang kasalanan ko.”

“I have this nagging feeling na hindi basta pagbili ng laruan ang issue ng kuya mo sa ‘yo, Ace,” ani El habang nag-aalis ang seatbelt.

Ace grinned. “Laruan nga, baby. Drum set. Tuwang-tuwa si Max no’ng mai-set-up ko ‘yon sa kwarto niya. After three days, tinawagan ako ni Kuya. Nagagalit. Ang ingay raw lagi sa bahay nila. Bilang parusa, hindi ko na raw pwedeng hiramin si Max na walang kasama.”

Pinaikot lang El ang mga mata, walang imik na binuksan ang pinto sa gawi nito. Katulad nito’y binuksan na rin kaagad ni Ace ang pinto sa gawi niya. Sabay silang bumaba.

Napailing si Ace. Gusto niya sanang sabihin sa babae na mag-antay saglit dahil ipagbubukas niya ito ng pinto at aalalayan. Naalala lang niya ang isa sa mga kaibahagi ni Mildred kanina nang iwan siya ni El sa mesa. Isa raw iyon sa napakaraming pet peeves ni El.

Mildred informed him that El is very cautious. She doesn’t want her personal space to be invaded by a guy she barely knows. Kaya kung gusto raw niyang tuluyang makalapit sa babae ay bigyan niya ito ng sapat sa espasyo at panahon na mag-warm-up sa kanya.

“Oops,” ani Ace na mabilis nahawakan si El sa siko bago pa man ito makatawid. May paparating na siklista na hindi napansin ng dalaga. Muling nanulay ang dagitab sa katawan ni Ace sa simpleng paglalapat ng mga balat nila. Gusto pa sana niya itong hawakan, pero minabuti niyang bintawan ang dalaga ng masiguradong nasa tabi na ito ng kalsada. “Careful, baby.”

“Thank you.” Sumulyap sa kanya si El bago muling ibinalik sa direksiyong tatahakin nila ang paningin.

Ace smiled. Mildred told him that El is the most secretive among their circle of friends. She values her privacy so much. Kahit nagbabahagi ito ng saloobin, alam daw ng mga kaibigan ng dalaga na may mga naka-withheld na information pa rin si El. Pero kahit alam nilang hindi nito inio-open ang lahat sa kanila, subok naman nila ang pagiging loyal at maaasahang kaibigan ni El.

Sure, El can be secretive all she wants, but Ace can clearly see that she felt the same electric surge that ran throughout his body.

Nang lumampas sa kanila ang siklita ay muling humakbang si El patawid sa kalsada. Nakaagapay siya sa bawat hakbang ng dalaga. Naglagay si Ace ng distansiya sa pagitan ng katawan nilang dalawa, pero muli silang nagsulyapang dalawa nang magtama ang likod ng mga kamay nila. 

“Ako na’ng magdadala ng handbag mo, baby,” alok ni Ace nang ilipat nito sa kamay na nasangi niya ang dalang handbag.

Umiling ito, pinanatili sa unahan ang tingin. “Thanks, but I can manage, Ace.”

Imbes na ipilit ang gusto ay nanahimik na lang si Ace. Binalikan niya sa isip ang naging kwentuhan niya sa mga kaibigan nito nang iwan siya nito sa dining area kanina.

Mildred told him that El is realistic and practical, but ambitious, too. Once she sets her eyes on the goal, she won’t be deterred. She is headstrong and determined. At kung gusto raw niyang makuha ang good-graces nito ay iwasan niyang hadlangan ang ano mang gustong gawin at ma-achieve ni El.

She could be cold, resentful, and a bit stingy at times; she was unapproachable and seldom went out of her way to make friends. In fact, she has no qualms about cutting people, even her closest friends, out of her life once her boundaries are crossed.

Mildred also told him that behind the no-nonsense, workaholic, stubborn, and resentful woman hides a sensitive and pessimistic lady. El may appear unbothered and uncaring at times, but she’s actually very altruistic. She possesses a caring heart. She’s loving and very loyal to her friends, whom El treats as her own family. El is reserved and distant, but she can be outgoing with the people she’s comfortable being with. Under the tough exterior is the warm and caring soul that only a few people were lucky enough to see.

Ace is determined to be included among those lucky few. In fact, he wanted to be the only one to discover all the secrets that El is keeping from everybody else.

Naputol lang ang pagbabalik-tanaw niya nang makita ang lalaking naglalakad pasalubong sa kanila. Maalikabok ang safety shoes nito; nakapaloob sa pantalong maong ang abuhing polo shirt na may tatak na De Leon Builders. Hindi nagkakalayo ang taas nilang dalawa. Matikas. Mapungay ang mga mata nito, matangos ang ilong. Ang kulay ng balat nito’y halata ring bilad sa araw. Ang tuwid at mahabang buhok ay naka-ponytail. Kung pinag-aaralan niya ito’y gano’n din mismo ang ginagawa ng lalaki sa kanya. Bagama’t sa kanilang dalawa ay ito ang unang nagbawi ng tingin dahil nag-focus na ito sa babaeng katabi niya. Mabilis nitong inilahad ang kamay sa gawi ni Ell.

“Good afternoon, Elamarie.”

“Good afternoon, Engineer De Leon,” ani El nang abutin ang nakalahad na kamay ng lalaki.

Ngumiti ito, hindi pa rin binitawan ang kamay ni El. “Seb na lang, El.”

Nagkibit-balikat si El. Hinigit ang kamay mula sa pagkakahawak ng lalaki. “Ang inaasahan ko’y si Architect De Leon ang daratnat ko rito.”

“Nasa San Juan ako, sa RFJ Building project. Pinababa lang ako dito ni Daddy. Baka raw kasi mapaaga ang dating mo. Pero on the way naman na siya.”

Tumango si El. Bumaling ito sa kanya. “Ace, I would like to meet Engineer Sebastian De Leon. Sila ang contractor namin sa pagtatayo ng branch ng El’s dito.” Pagkasabi niyon at sa inhinyerong kaharap nila naman ito tumingin. “Seb, siya naman si Captain Ace Ismael.”

“Captain? Of what?” Inilahad ng lalaki ang kamay sa gawi niya, sinalubong ang matiim na pagtitig niya.

“Philippine Army.” Mahigpit niyang ginagap ang kamay ng lalaki. Napangiti si Ace nang maramdamang tinapatan ng lalaki ang mariing pagkakahawak niya sa kamay nito.

Nagkibit-balikat ito, tumingin kay El. “Is he your boyfriend?”

El shrugged her shoulders. “No. He’s my–” she said, looking his way, as if finding the right word to describe their relationship, “–friend.”

“Date,” kasabay na salita ni Ace. He then winked at El. “Hindi ba’t katatapos lang ng lunch date natin, baby?”

El rolled her eyes for an answer, her lips pressed in a thin line. Ace knows she’s trying to appear as though she’s irritated, but she’s actually trying to suppress a smile.

“Do’n na lang natin antayin sa mesa na may lilim ng puno si Architect De Leon,” ani El na nagpauna nang lumakad papunta sa may man-made lagoon.

Mabilis silang nagbitaw ng inhinyero, kaagad na umagapay sa magkabilang gilid ni El.

“Kung gusto mo’y pwede kong ipakita na sa ‘yo ang blueprint habang inaantay natin si Daddy. Katulong naman niya ako, kaya kong sagutin kung sakaling may tanong ka man, El.”

“Yeah. Sure. Patingin na ng blueprint.” Nang makarating sila sa mesa ay inilabas ng inhinyero ang blueprint sa drawing tube. Tumingin si El sa kanya. “Kung gusto mong maglakad-lakad muna sa park o pumasyal sa may mall, pwede naman, Ace. Ite-text na lang kita kapag tapos na ‘ko rito.”

“Mas gusto kong samahan ka, baby.” Masusi niyang pinag-aralan ang mukha ni El. “Okay lang ba sa ‘yong hindi ako umalis?”

Nagkibit-balikat ito. “Fine with me.”

Ace grinned as he took a seat beside her, not minding the sharp look the engineer was throwing his way.

Talking to El’s best friends earlier was like securing the most reliable and valuable intel. All the information they shared with him will surely be used in his mission planning. He committed to remembering his biggest takeaway before El dragged him away from her friends—how he’d be able to tell if he got past her tough exterior.

El, being a cautious and secretive lady, would never tell him if he penetrated the walls around her heart. Mildred told him that he better figure out her boundaries, be in tune with her non-verbal clues, and learn how to read the indirect warning she’ll say if he doesn’t want to be kicked out of her life.

Продовжити читання

Вам також сподобається

253K 9.4K 28
Five W Series 3
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
28.4K 645 14
Matured content (Dark Romance)
45.6M 860K 36
WARNING: SPG | R-18 | Mature Content Inside | COVER BY: Race Darwin "You're invited to Temptation Island."