Chapter 4 - Blown away

298 27 21
                                    

"Really, Mom? This place again?" kunot-noong tanong ni Ace bago pa man niya patayin ang makina ng kotse. Kadarating lang niya mula sa Amanpulo kaninang makapanghali. Hindi siya tinantanan ng ina hangga't hindi siya napapapayag na mag-dinner sila sa labas. Kinonsensiya siya nito. Hindi raw nito na-enjoy ang presensiya niya noong birthday nito dahil nang bumalik sila ni Van sa function room ay masama na ang mood niya.

"Masarap ang pagkain dito, Ace. Hindi mo natikman kasi mas inuna mo pa ang alak," anito na binigyan siya ng hindi nasisiyahang tingin.

Itinikom na lang ni Ace ang bibig. Kapag nagreklamo siya ay tiyak na hahaba lang lalo ang unasapan nila. Wala mang sinabi ang ina ay may hinuha na siya kung bakit dito na naman sila bumalik. Maaaring napilit na nito ang Joyce na binanggit nito noong huli silang narito.

Bago pa man sila makapasok sa restaurant ay may babae nang nakatayo sa nakabukas na glass door. Sa tantiya niya ay kaidaran ito ng ina, pero bob cut na hairstyle nito ang dahilan kaya nagmukha itong mas bata. Halos kasing taas ito ng ina niya. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanila.

"Welcome back to Ella's Place," anito bago bumeso sa mommy niya.

"Thank you for welcoming us, Joyce. This is my son, Ace," anang ina niya. Bumaling ito sa kanya. "Ace, this is your Tita Joyce. She owned this place."

Ngumiti siya. Iniabot ang kamay dito. "Nice to meet you, ma'am."

Ginantihan nito ang ngiti niya bago nakipag-kamay sa kanya. "Nice to meet you too, hijo. But please drop the ma'am. Call me Tita Joyce. I heard so many stories about you including the time you almost caused your mother's untimely death," pabirong sagot nito.

May gumuhit na nahihiyang ngiti sa labi niya. "Hindi pala magagandang kwento ang nakarating sa inyo, Ma'am."

Tumawa si Joyce. "They are good stories, Ace. More than good, actually, because they are stories of bravery, heroism, and love for our country. Ano pang mas gaganda doon?"

"Oh, I know!" singit ng ina niya. "Let's introduce our kids together. They will surely make the greatest love story."

Tumawa lang si Joyce pero hindi sinagot ang sinabi ng ina niya. Iginaya sila nito papunta sa mesa. Nang nakaupo na sila ay ibinalik nito ang atensiyon sa ina niya. "Nang mag-text kang malapit na kayo'y ipinahanda ko na ang mga pagkain. We have here Ella's Salad, Roasted Squash Soup, Roasted Beef Belly, Salmon with Hollandaise, and Pesto with Grilled Chicken. Dessert will be Blueberry Cheesecake. It will be served later."

"Thank you, Joyce," nakangiting sagot ng ina niya. "Oh, your food smells so amazing. I can't wait to dig in."

"You better start eating. Tamang-tama, mainit pa ang mga 'yan."

Maging si Ace ay nakatam sa pagkaing nakahayin sa mesa. Imbes na makisali sa usapan ng dalawang babae ay inumpisahan na niyang kainin ang Roasted Beef Belly. It goes without saying na ang salmon ay para sa ina niya.

"I hope na nag-enjoy kayo noong first visit niyo."

"We did, Joyce. Your food is amazing! Nag-enjoy ang lahat ng bisita ko."

Nasisiyahan itong ngumiti. "Thank you. Sasabihin ko sa anak ko ang feedback mo. Siya ang nag-oversee ng food preparation. She's our head chef."

"Oh. She is?" Tumingin ang ina niya sa kanya. "Mahilig kumain itong binata ko at magaling naman magluto ang dalaga mo. I think they are meant to be. Is she here?" excited na tanong ng ina niya, tumingin ito sa palagid. "Tamang-tama. Kasama ko si Ace. We can introduce them to each other."

Umiling si Joyce. "Ella's not here. Nasa biglaang bakasyon. Sinamahan ang kaibigang broken-hearted."

"Kelan siya babalik?"

MISSION 4: Pleasing YouWhere stories live. Discover now