Chapter 17 - Drunk Dial

493 30 10
                                    


"Capable ang mga tao natin, Ma. For sure, kaya nilang i-prepare ano man ang order nila."

"Pero iba pa rin kapag ikaw ang magluluto. You perfected the recipes, Ella. Gusto ko syempre na best experience ang iparanas sa kanila. Lalo napagkatapos ng lahat ng assistance na ginawa ni Ace para sa 'yo."

Bago sagutin ang ina ay inilabas muna ni El ang chicken breast sa oven. Kaninang umaga'y ipinaalam niya sa mga kaibigan na hindi kailangang magdala ng pagkain-siya na ang bahala roon.

Bukod sa baked chicken breast, luto na rin ang beef stroganoff, pero ang poached Lapu-lapu ay nakasalang pa. Sa mesa ay nakahandana ang salad greens: arugula, butter at romaine lettuce. Nakahanda na rin doon ang carrots, olives, at radish. Hindi pa niya nailalagay ang chopped fruits: apple, grapes, maging ang nuts. May shaved parmesan cheese rin doon. Nag-prepare siya ng dalawang dressing: creamy pesto at tomato-basil vinaigrette.

"Hindi lahat ng reservations natin ay nire-request kong ikaw ang mag-handle, anak," patuloy na panghihimok nito sa kabilang linya. "Kapag nag-request ako'y alam mong personal na kakilala ko ang guest."

Bumuntong-hininga si El. They'd been going round in circle about this for about ten minutes now. And the way things are going, malabong sumuko ang ina niya.

Ang pagsagot niya ay naantala ng sunod-sunod na katok sapinto.

"Pwede bang bukas na natin ituloy 'to, Ma? Narito na sila."

"Okay," tugon nito.

Batid ng ina niya na darating ang mga kaibigan niya. In fact, ginamit niya ang mga ito para makaiwas sa gustong manyari ng ina. S'abi niya'y tiyak na uumagahin sa condo niya ang mga kaibigan, pero maging doon ay may sagot ang ina niya.

Bago nito tuluyang putulin ang tawag ay muling nagbilin. "I'll expect you sa restaurant tomorrow afternoon. Kahit around three or four ka na dumating. May sapat na oras pa dahil alas siyete naman ang reservation nila."

Muling bununtong-hininga si El. She's resigned to the fact na kahit anong iwas niya, hindi niya kayang pahindian ang ina.

Inalis niya ang Bluetooth headset sa tainga habang naglalakad palapit sa pinto.

"Hello! Hello!" bungad ni Mindred. Dahil may hawak ay hindi na siya nito niyakap, bumeso lang sa kanya, saka pumasok sa loob ng condo. Kasunod nito sina Trish, Sonya, at Lora, na tulad ni Mildred ay may kanya-kanya ring dala.

"'Di ba't sabi ko'y hindi niyo na kailangang magdala ng pagkain?"

"Pang-charcuterie board 'to," ani Mildred, ipinatong nito sa kitchen counter ang shopping bag na dala. "Nigiri sushi platter at cake-" inginuso nito ang mga dala ni Sonya, "-and booze naman 'yon," patuloy nito, ang dala naman ni Lora ang inginuso.

"Lots of booze," dagdag ni Trish. Sa pagkakangiti ng kaibigan ay natitiyak niyang alak din ang laman ng shopping bag na dala nito.

Napamaang si El nang makita ang dalawang bote ng vodka, dalawang bote ng triple sec, at dalawang carton ng cranberry juice na inilabas ni Lora. Bukod sa alcoholic drinks ay may iba pa iyong laman-limes, lemons, at oranges.

"Kami na ang gagawa ng paboritong cocktail mo. Cosmopolitan," nanunudyong ani Lora, kinindatan pa siya.

"Don't forget the Margarita," ani Trish. Tulad ni Lora ay inilabas din nito ang laman ng shopping bag na dala, dalawang bote ng white tequila. "And our all-time favorite-tequila shot."

"Inasahan kong tiyak na may dala kayong alak. Pero hindi ko inasahan 'yang mga dala ninyo," ani El, nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga bote ng alak na inilabas ng mga kaibigan. "Vodka and tequila? Hang-over ba ang habol ninyo?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MISSION 4: Pleasing YouWhere stories live. Discover now