Mi Primer Amor (Aragonza #3)

By JhingBautista

5.4M 164K 19.5K

Kelvin Nikola Aragonza's story. More

Prólogo
Capitulo Uno
Capitulo Dos
Capitulo Tres
Capitulo Cuatro
Capitulo Cinco
Capitulo Seis
Capitulo Siete
Capitulo Ocho
Capitulo Nueve
Capitulo Diez
Capitulo Once
Capitulo Doce
Capitulo Trece
Capitulo Catorce
Capitulo Quince
Capitulo Dieciséis
Capitulo Diecisiete
Capitulo Dieciocho
Capitulo Diecinueve
Capitulo Veinte
Capitulo Veintidos
Capitulo Veintitrés
Capitulo Veinticuatro
Capitulo Veinticinco
Capitulo Veintiséis
Capitulo Veintisiete
Capitulo Veintiocho
Capitulo Veintinueve
Capitulo Trenta
Capitulo Trenta Y Uno
Capitulo Trenta Y Dos
Capitulo Trenta Y Tres
Capitulo Trenta Y Cuatro
Capitulo Trenta Y Cinco
Capitulo Trenta Y Seis
Capitulo Trenta Y Siete
Capitulo Trenta Y Ocho
Capitulo Trenta Y Nueve
Mi Unico Y Verdadero Amor
Capitulo Cuarenta
Capitulo Cuarenta Y Uno
Capitulo Cuarenta Y Dos
Capitulo Cuarenta Y Tres
Capitulo Cuarenta Y Cuatro
Capitulo Cuarenta Y Cinco
Capitulo Cuarenta Y Seis
Capitulo Cuarenta Y Siete
Capitulo Cuarenta Y Ocho
Capitulo Cuarenta Y Nueve
Capitulo Cincuenta
Capitulo Cincuenta Y Uno
Epílogo
Epílogo Versión Dos
Capitulo Especial: Propuesta De Matrimonio
Capitulo Especial: Traje De Boda
Capitulo Especial: Primera Noche Como Marido y Mujer

Capitulo Veintiuno

81.8K 2.6K 299
By JhingBautista

"We're near the stairs," Moira told Kelvin. Nakaalalay ang parents niya sa kanya. They're leading him up the stairs, to his room.

"I'm alright, mom," sabi niya sa ina.

"You're drunk. Baka matalapid ka."

"I'm not that drunk."

Inalis niya ang braso sa pagkakaakbay sa mga magulang saka siya naupo sa hagdanan.

"I'm not drunk enough," he murmured. "I still know what I'm doing."

Umiikot na ang paningin niya at gusto na niyang matulog, but he's not drunk enough to throw his cautions in the air. Linaw pa rin siya. He knew what he said and did earlier. And he's not blaming it on the alcohol.

"You acted like a love-drunk earlier," his father told him.

"I just want to tell her how I feel without scaring her away."

"Aww honey..."

"Well, that's just stupid."

"Vince!" Moira snapped at his dad.

"I'm just saying that she might get the wrong idea. She won't feel special if he treats her like everyone else," paliwanag ng ama niya. And he's right. Kung anuman ang ginagawa nya para kay Celine, ginagawa rin nya para sa iba. Ayaw kasi niyang magtaka ito. Alam na kasi niya kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nalaman nito ang totoo.

He already tried that approach, but she doesn't like him that way.

"I don't know how to stop this," he lamented.

Naupo sa tabi niya ang ina.

"Love is a strong force, anak. You can't stop it even if you want to. You're already in love with her, aren't you?"

Tumango siya. He must be. It won't feel like hell if he wasn't.

"Imposible na bang magustuhan nya rin ako, ma?"

"Sa ngayon, maybe," she told him. "But if you're meant for each other, she will realize that she loves you too. Someday. It might just take a while. Kita mo ang dad mo, it took him twelve years."

Vince rolled his eyes. "Ako na naman ang nakita mo."

Moira laughed. "Well, anyway... Halika na. Kailangan mo nang itulog 'yan."

--

Hindi nakaranas ng monito-monita sina Celine dahil graveyard shift naman sila. So ang ginawa nila ni Yuan, sila na lang ang nag-exchange gifts. Isasali sana nila si Kelvin pero noong Christmas party pa ang huling kita niya rito.

Hindi niya alam kung ano ang problema nito. Hindi naman kasi siya nito tini-text o tinatawagan.

Kaya naman noong umaga ng 24, nagulat siya nang makita itong nakaabang sa labas ng boarding house pag-uwi niya.

"Nagtatampo ka ba sa 'kin?" bungad na tanong niya. Wala kasi itong imik. He just stood beside his car, staring back at her.

"No," tipid nitong sagot.

"Akala ko e. Ilang araw ka kasing hindi nagpakita."

"I was just busy." He said, then he smiled coyly. "Bakit, na-miss mo 'ko?"

"Slight," she replied, wrinkling her nose. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Na-miss mo 'ko, di ba?"

She looked at him sternly. "Seryoso nga kasi."

"Ihahatid sana kita pauwi."

"Pauwi? Sa 'min?"

Tumango ito.

"Adik ka ba? Four hours ding byahe 'yon. Mag-aaksaya ka lang ng gasolina."

Binuksan niya ang gate. Sumunod naman ito sa loob.

"Okay lang."

"Huwag na. Magba-bus na lang ako."

Ngumuso ito. "Bakit ayaw mo? Mas comfortable sa kotse ko."

"Nakakahiya naman sa 'yo."

"What are friends for? Wala 'yon sa 'kin!"

Umiling siya. Hindi kasi siya sanay ng tanggap nang tanggap. Pakiramdam niya, nang-aabuso siya kahit kusang-loob ang pagbibigay.

Naniniwala kasi siya sa karma. Dapat kapag tumanggap ka, may ibibigay ka rin. Hindi ka dapat maging charity work ng ibang tao.

"Ayoko. Kung gusto mo, hanggang sa bus terminal mo na lang ako ihatid."

"Bus terminal sa inyo?"

"Bus terminal sa Cubao."

He sighed. "Sige na nga."

Umakyat siya sa kwarto para madaliang mag-ayos ng gamit. Nang bumaba siya ay wala na ito sa sala. He's back outside. Agad nitong kinuha ang bag niya saka inilagay sa backseat.

"Will you be okay to travel? Hindi ka pa natutulog."

And as if on cue, napahikab siya. "Matutulog ako sa bus."

"Kung sa kotse ko na lang, e di okay na okay kung matulog ka. Mamaya nyan, manakawan ka pa sa bus."

"Ang kulit mo!" reklamo niya. She drew a sharp breath. "Kaya ko naman ang sarili ko. Saka wala namang nanakawin sa 'kin."

Nasa hidden compartment na ng bag niya ang wallet niya. Hindi siya nag-withdraw ng pera. May ATM naman kasi sa bayan nila.

Palagi rin siyang nagbubukod ng pamasahe para iyon na lang ang ilalabas niya pag magbabayad na. Buong buhay niya, hindi pa siya nananakawan sa daan. And she's confident that this trip will be exactly like her other trips home.

"Okay, fine, suit yourself. Kumain ka na?"

Tumango siya. "Ikaw?"

"I woke up early tapos dumiretso na 'ko dito. Akala ko sabay tayong magbi-breakfast."

"Sana kasi nag-text ka muna na pupunta ka."

"Oo na. Sorry na."

Sumakay na sila ng kotse. Pagkasandal niya sa upuan ay bigla siyang nakaramdam ng antok. Sinabayan pa ang lambot noon ng malamig na aircon. Nahalukipkip siya.

"Gusto mong kumain muna?" tanong niya rito.

"Okay lang? Madi-delay ang pag-uwi mo."

"Ayos lang. Maaga pa naman. Saka kailangan kong magkape."

Sa isang fast-food chain sila pumunta. He ordered a rice meal for himself saka burgers para naman sa kanya, at pilit na ipinabaon sa kanya. Para in case daw na magutom siya, meron syang kakainin.

Napilitan siyang tanggapin iyon dahil sa kakulitan nito kahit alam niyang buong byahe naman siyang matutulog.

--

When they arrived at the terminal, Kelvin insisted na hihintayin nitong makaalis ang bus niya bago ito umuwi. But he can't do that since wala namang parking lot sa terminal. Makaaabala lamang ito sa daan.

"Umuwi ka na kasi."

He grunted. "Hindi ba talaga kita mapipilit na magpahatid na lang?"

"Hindi nga." She was unbuckling her seatbelt when she remembered something. "May nakalimutan pala akong sabihin sa 'yo."

"What?"

"Saka na lang," she said dismissively. "Sige na."

"Ano nga?"

"Pagbalik ko na lang, okay? Magkikita naman tayo sa birthday mo, e."

Lumabas na siya ng sasakyan at saka kinuha ang gamit sa backseat. She waved him goodbye then boarded the bus. It's fun hanging out with him, but it's time to go home to her family.

She's not really looking forward to it though. Nandoon kasi ang tatay niya. He refused to be hospitalized or even start his medication dahil magpapasko.

Nagpa-check up lamang ito. Ang gamutan, next year na.

--

After hours of traveling, Celine was finally home again. It was unnerving to stand outside their house. Pasado alas doce na nang makauwi siya.

"Ate!"

Nakita niyang kumaway si Rosalie mula sa bintana. Pinagbuksan siya nito ng pinto at pinapasok.

"Ang nanay?" tanong niya.

"Nasa palengke."

"Sino'ng nandito?"

"Kami lang. Nasa palengke rin ang tatay."

Napataas ang kilay niya sa sinabi nito. Their father never liked the wet market. Amoy-malansa raw saka madumi. Kaya bihirang-bihira itong tumulong sa nanay niya sa pagtitinda. Parang mabibilang nga lamang sa mga daliri niya kung ilang beses.

Ipinaghanda siya ni Rosalie ng pagkain. Kagaya nang nakagawian, isda na naman ang ulam. But she enjoyed the food nevertheless. Lutong-bahay kasi.

Pagkakain ay nagpasama siya kay Rosalie sa bayan para mag-grocery. May kaunti naman na silang panghanda sa bayan. Bumili na lamang siya ng pandagdag.

Tapos ay dinaanan niya ang kababatang si Candy, isang beki. May parlor ito sa mismong bayan. Candy used to be her nemesis back in grade school.

Malinaw pa rin sa alaala niya kung paano silang nagsabunutang dalawa malapit sa first gate ng dati niyang school.

Limot na niya kung ano an pinag-awayan nilang dalawa at hindi na rin niya maalala kung paano sila nagkasundo. Basta nang mag-high school, naging dikit silang dalawa.

"Bakla!"

Tumigil si Candy sa pagkukulot ng customer at patakbong yumakap sa kanya. She made a face. Bakla ang tawag ni Candy sa lahat ng kaibigan nito. Ayaw pa niya noong una pero kahit anong pilit niyang tawagin siya nito sa pangalan niya ay hindi nito ginagawa.

Kalaunan ay nasanay na rin siya.

"Uy, ang tagal mong hindi umuwi ha!" sabi nito sa kanya.

"Busy sa work e."

Ngumuso ito at saka iwinasiwas ang hawak na curler. "Nako, if I know, warla pa rin kayo ni father dearest, ano?"

Nagkibit-balikat siya. "Sige, dumaan lang kami. Asikasuhin mo na 'yang customer mo."

"Gogora ka na? Chika muna tayo, bakla. Kaya namang mag-waitsung ni chenelyn dyan!"

"Mamaya na lang, or bukas. Kasama ko kasi si Rosalie. Maiinip 'to."

Binalingan nito si Rosalie. "Bakit? Hindi ba marunong umuwing mag-isa 'yang sisteret mo?"

Itinaas niya ang bitbit na groceries. "Marami kaming dala."

"E di iwan mo dito! Tulungan kitang magbuhat nyan later! Magkasilbi naman ang maskels ko."

He flexed his arms to show off the so-called muscles. Para sa isang bakla, maskulado si Candy. Tumatambay kasi ito sa gym para mag-boy hunting.

"Sige na, ate. Pahingi na lang ng pamasahe," pagpayag ni Rosalie.

Ibinigay niya rito ang mga pinamili nilang kailangang i-ref agad. Sana lamang ay magkasya ang lahat ng iyon sa maliit nilang ref. Medyo puno na kasi kanina.

Binigyan nya rin ng pamasahe ang kapatid.

--

Kinwento siya nang kinwento ni Candy. Pinaupo siya nito sa isang bakanteng upuan habang tinatapos ang pagkukulot sa customer, at saka itinabi pansamantala ang natitirang groceries.

Nagpumilit itong gupitan siya kahit ayaw niyang pumayag.

"Sige na, 'te! Para kabog ka bukas! Konting trim lang ng hairlalo mo tapos i-treatment natin. Mukha kasing dinala mo ang lahat ng alikabok ng Maynila pag-uwi, e."

Inamoy nito ang buhok niya at saka ngumiwi.

"Hindi pa kasi ako nakaliligo kaya ganyan 'yan. Kagagaling ko sa trabaho, e," depensa niya.

"Kaya nga ayusin natin."

"Wala akong pera."

"May Christmas bonus ka. Marami kang anda!"

"Alam mo namang ang dami ko ring gastos. Saka di ko naman kailangan nyang treatment-treatment na 'yan. Ayos na 'ko sa shampoo at conditioner."

Candy gave her a bland look. "Ayan! Kaya forty-eight years na, wala ka pa ring jowa! Puro ka trabaho!"

Hindi lamang niya masabing may manliligaw na siya. Pamihadong hindi siya nito titigilan. First time, e. Big deal 'yon.

"Gupit na lang," sabi niya rito.

Candy exhaled sharply. "Fine. Since I'm so generous at pasko naman, libre ko na. Basta push abg treatment!"

Nginitian niya ang kaibigan. "Thank you!"

Umirap naman ito. "Kunat mo talaga!"

--

At least two inches rin ang nabawas sa buhok ni Celine. She felt so much lighter after the haircut. Kagaya ng pangako ni Candy, inihatid siya nito sa bahay. Nakipagkwentuhan pa ito ng kaunting oras bago umalis.

Natulog siya pagkaalis nito.

When she woke up, gabi na. Nasa bahay na ang nanay at tatay niya. Kasalukuyang nagluluto ang mga kapatid niya nang bumangon siya. She saw her dad right away. Mukhang namayat ito.

Alanganin itong ngumiti. Hindi naman niya ito pinansin.

"Ano'ng ulam?" tanong niya.

"Sinigang na tilapia," sagot ni Cesar.

Pagkaluto ng ulam, naghain na sila at sabay-sabay na kumain. Pansin niyang pilit dumadaldal ang ama na para bang nagbabakasakaling sasali siya sa usapan. Pero imbes na maengganyong magkwento ay nabwisit lang siya sa boses nito kaya lumipat siya sa sala at doon na lang kumain.

--

Kinabukasan, maagang gumising ang buong pamilya ni Celine para magsimba. Then after the mass, dumiretso sila sa bahay para ayusin ang mga handa.

She also gave her gifts to her family, maliban na lamang sa tatay niyang hindi talaga niya balak na regaluhan.

Malungkot man ay hindi ito nagreklamo. Ramdam siguro nitong wala itong karapatan. But he was able to corner her in the kitchen. Hindi niya alam kung sinadya ba ng pamilya niyang mag-stay sa kusina when they did.

"Anak..."

Nagkunwari siyang walang narinig.

"Celine, kausapin mo naman ako. Kahit ngayon lang," pakiusap nito.

"Wala ho akong gustong sabihin sa inyo," she said coldly.

Bigla itong naluha sa sinabi niya.

"Anak, alam ko namang marami akong pagkukulang sa inyo. Pero heto na ako. Babawi ako sa inyo."

She drew a sharp breath and dared to look at him in the eye. "Bumawi? Bumalik ba talaga kayo para bumawi o dahil lang wala kayong perang pampagamot dyan sa sakit nyong kasalanan nyo rin naman kung bakit kayo nagkaroon?"

"Alam ko namang kasalanan ko. Nagsisisi na nga ako! Sampal sa akin itong sakit na 'to, anak. Pero ipinagpapasalamat ko pa ring nangyari sa 'kin ito para matauhan ako."

"Ewan ko ho. Para kasing ang hirap nang maniwala sa inyo. Aalis kayo, tapos babalik, tapos aalis na naman. Hindi nyo ba alam na parang paulit-ulit nyong pinapatay ang nanay dahil sa ginagawa nyo?"

That's when her father broke down. Mukha ngang sising-sisi ito. Naaawa rin naman siya rito. Siguro kahit maliit na parte niya, gusto rin itong patawarin.

Pero dahil sa sobrang laki na ng gap nila, napakahirap na noong gawin.

"Kung gusto nyong patawarin ko kayo, pagtrabahuhan nyo 'yun. Hindi porket pasko e lalambot na ako sa inyo. Kung gusto nyong makabawi, huwag na kayong aalis! Maging tatay kayo sa mga kapatid ko. Maging asawa kayo sa nanay. At kung maisipan nyo namang umalis ulit, pwede bang huwag na kayong babalik kahit kelan?"

Iniwanan niya itong umiiyak sa kusina. She couldn't face her family after that, kaya lumabas na lamang siya ng bahay para gumala, hinihiling na sana matapos na kaagad ang pasko.

Continue Reading

You'll Also Like

115K 4.4K 54
"Sa batas ng lupa, walang iibig ang hindi luluha." - Julie Anne San Jose Sa mundo kung saan bawat batas ay mahalaga. Kasama ba sa dapat mong ipaglaba...
13.7K 250 48
Close na close ang dalawa, merong taong naiinis kay Dixie dahil sa sobrang close nila ni Cove. Kahit merong tao sa paligid niya na nagsasabi na gusto...
226K 6.9K 43
| Stonehearts #8 | COMPLETED | A crystal of positive attitude, a ray of growth and a blinding sunshine, Vivienne Peridot Hermoso is one radiant energ...
452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022