Epílogo

87.1K 2.8K 201
                                    

"Uy, nasa pantry na 'yong pizza!" Janelle announced.

It's Celine's last day at the office. Umaga siya pumasok dahil kinagabihan ang flight niya papuntang Chicago. Kelvin insisted on throwing her a farewell party kahit ayaw niya. Um-order ito ng napakaraming pizza para sa mga kaibigan niya sa kumpanya na mostly ay galing HR, IT, Admin, at Procurement.

Hinila siya ni Janelle papunta sa pantry kung saan nadatnan nilang nag-aayos si Kelvin ng mga pagkain sa lamesa, katulong ang cleaning staff.

Tatlong mahahabang tables ang nasa pantry. Pinagdikit-dikit nila iyong square tables para magmistulang buffet. Ang mga softdrinks ay nasa tabi na ng sink dahil punong-puno ng pizza ang mga lamesa.

"Ikaw na ang may galanteng boyfriend," kumento ni Janelle.

She simply smiled at her then she went to Kelvin to give him a hug.

"Nag-abala ka pa."

"Syempre!"

Pinisil niya ang ilong nito. "Ikaw talaga!"

She heard someone giggle when he kissed her cheek.

"Celine!" Janelle called. "May ipakikilala ako sa 'yo!"

Napatingin silang dalawa sa direksyon ng kaibigan. May katabi itong lalaki na mukhang biglang nahiya nang makasalubong ang tingin niya.

Nilapitan niya ang mga ito, Kelvin following behind quietly.

"Si Eli nga pala. Kaibigan ng anak ni Sir Dani. He's here for a few days for audit. Crush ka raw niya, e! Kinwento sa 'kin ni Ms. Rose!"

She remember him. Ito iyong nakasalubong niya sa lobby last week. Pauwi na ito habang siya naman ay papasok pa lang.

Eli tried to deny it but his blushing face gave him away. Siya nama'y hindi alam ang isasagot. At talaga pang sa harap ni Kelvin sinabi ni Janelle iyon? What was she thinking?

"Hi, Eli," she greeted.

"Hello po," nahihiya nitong sagot. "Nice to meet you po."

She extended her hand to shake his, but Kelvin quickly intervened. Salubong na salubong ang mga kilay nito.

"Why do you have a crush on my girlfriend?"

"C-Crush lang naman, Sir!" tarantang sagot ni Eli.

"Bawal," Kelvin said sternly.

"Tumigil ka nga," saway niya rito. Binalingan niya si Eli. "Huwag mong intindihin 'to. Mapagbiro lang talaga."

"I wasn't kidding!" he retorted. Then he pointed at Eli. "I mean it. You can't."

Hinila niya si Kelvin palayo nang mapalunok si Eli. Natakot yata itong baka masisante nang wala sa oras.

"Kung makapanakot ka naman."

"Bawal nga kasi," dahilan nito.

"Harmless crush lang naman 'yon. Hayaan mo na."

Kelvin grunted, but he didn't get a chance to argue dahil nang makumpleto sila sa loob, isinarado na ang pintuan ng pantry at hinikayat siyang mag-speech. Everyone fell silent for a moment.

"Thank you po sa lahat ng pumunta para makikain ng pizza," she joked. Then she turned to Kelvin. "Sabi ko sa 'yo huwag ka nang maghanda, e. Hindi naman kasi ako aalis."

"I told y--w-what?"

Kelvin gaped. May narinig siyang humalakhak. Sina Jake siguro. She already told them that she isn't going. Pinili lang niyang sa huling araw sabihin kay Kelvin, pero nagpumilit naman itong maghanda pa para sa 'farewell' party niya. Jake told her to just let him, so she did. She couldn't stop him anyway.

She grinned. "Hindi na 'ko aalis."

Mi Primer Amor (Aragonza #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon