Capitulo Trenta Y Uno

75.3K 2.3K 241
                                    

If it's Janelle's intention to confuse her, then she succeeded. Litong-lito na si Celine sa kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Parang may tabing na natanggal sa mga mata niya. She can see things the way they are now. Kung dati ay walang malisya para sa kanya ang ginagawa ni Kelvin, ngayon bawat kibo nito, hindi niya mapigilang hindi bigyan ng kahulugan.

Pero may instances din na pinagdududahan niya ang sinabi ng kaibigan. Wala naman kasing espesyal sa pakikitungo sa kanya ni Kelvin. He treats everyone the same, maliban kay Gaile, which is understandable since dating naman ang dalawa.

"Parang hindi naman," pabulong niyang sabi sa kaibigan. Nasa hulihan sila ng grupo sa paglalakad.

"Ha?" kunot-noo nitong tanong. Nakataas ang kamay nila pareho, shielding their faces from the scorching sun. Pupunta raw silang underground river, pero mag-i-stop over muna sa isang kainan. Seafood restaurant na nakatayo sa isang malaking bato na nasa dagat. Mababaw ang tubig na kinatatayuan ng restaurant. Kapag high tide, pinakamalalim na ang hanggang bewang.

Kanina pa excited si Janelle sa pagkain. Hindi pa ito nag-agahan para ihanda ang sarili sa kainan mamaya, kaya naman nahihilo na ito sa paglalakad.

"Wala," sagot niya sabay iling. "Kaya mo pa?"

"Kaya pa naman. Pero gutom na 'ko."

Inabutan niya ito ng tubig, pero umiling ito at ipinakita sa kanya ang isang bote na kakalahati na lamang ang laman.

"Ano 'yong sinasabi mo kanina? Ano'ng parang hindi naman?"

Alangan siyang tumingin kay Marlon. Janelle immediately understood. Pinauna nito sa paglalakad ang lalaki. Saka ito kumapit sa braso niya.
"O, kwento na. Dali!"

Bumuntong-hininga siya.

"Parang hindi naman."

"Na?"

Inginuso niya si Kelvin sa unahan. Nakikipagkwentuhan ito kay Gaile, na nakakapit sa braso nito.

"Ah." Janelle gave her a nod of comorehension. "Sabi ko na nga ba, hindi ka maniniwala, e."

"Para kasing hindi naman."

"Haynako, Celine. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa 'yo. Siguro kahit lahat kami, 'yon ang sabihin sa 'yo, hindi ka pa rin maniniwala. Why don't you just ask him? Para sure."

Yeah, sure. Because that won't be awkward, at all. Madali nga lang namang lapitan si Kelvin at tanungin ito. 'Hoy, mahal mo raw ako. Totoo ba?' And then what?

Ilang scenarios na rin ang nabuo sa utak niya. Una, baka itanggi nito. Mapapahiya lamang siya. Pangalawa, baka pagtawanan siya nito. He might say that it's absurd and that it will never happen. At pangatlo at pinakamalala, he might say that he does.

And then what?

Kapag nasa kanya na ang bola, ano naman ang gagawin o sasabihin niya? Paano kung tanungin siya nito kung ano ang plano niyang gawin doon? What will she say then?

She shook her head. No. Things will be complicated. Ayaw na niyang isipin iyon. And more importantly, parang napakaimposible namang magkagusto ito sa kanya.

Hindi lamang siya iyong tipo ng babaeng magugustuhan nito. Realistically, it's impossible. Well, not really, kontra niya sa sarili.

She grunted. Parang nangyari na ito dati. Pang-ilang beses na ba? Noong high school, parang may lalaki ring mukhang may gusto sa kanya. Palagi kasi siya nitong sinusundan ng tingin. Pero may nangyari ba? Wala. Kaklase niya ang niligawan nito. Iniyakan nya 'yon. Para kasi siyang tanga.

Naulit pa iyon noong college. Dalawang beses pa. And it's not like she's been in love with them. It's just a possibility. Alam niyang kapag na-pursue 'yong possibility na iyon, it could have led to love.

Mi Primer Amor (Aragonza #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon