Magandang Lalakwe

By yhoonica

1.6K 270 218

Paano mo naman ako makikita kung iyang paningin mo sa kapwa mo magandang lalakwe nakatingin? -Memei More

ML I: PAANO KAMI NAGKAKILALA NG BESHY KO NA YARN?
ML II: BAKIT MAY PA-BAND AID ANG BESHY KO NA YARN?
ML II: MAKALAGLAG PANTY ANG KAPOGIAN NG BESHY KO NA YARN
ML III: BAGAY MAGING CRUSH KO ANG BESHY KO NA YARN
ML III: BAKIT HINDI MATAHIMIK ANG BESHY KO NA YARN?
ML IV: BAKIT NAMBABAKOD ANG BESHY KO NA YARN
ML IV: SUPPORTERS ANG MGA BESHY KO NA YARN
ML V: HEART TO HEART TALK LANG KAMI NG BESHY KO NA YARN

ML I: BAKIT NAGTATAGO ANG BESHY KO NA YARN?

207 30 20
By yhoonica

MEMEI's POV

Sobrang ganda ng umaga ko dahil nakita ko agad si Aeron sa tapat ng bahay namin na sakay ng bike niya. Pero agad din akong napasimangot nang makita ko si Brian na mukang nagpapanggap na naman na si Brianna. Nakasuot na naman kasi siya ng dress pero sa pagkakataong iyon ay wala na siyang suot na pantalon at sapatos na panlalaki.

Sa katunaya'y bigla akong nakaramdam ng inggit sa ganda ng suot niyang pink sandals na may takong. Saan kayang SM iyon binili?  Gusto ko rin magpabili no'n kila Mommy.

At mas lalo akong nainggit kay Brian nang mapagmasdan ko ng mabuti ang mukha niya. Mas muka pa siyang babae kesa sa amin ng mga kaibigan ko. Para talaga siyang tunay na babae dahil sa hanggang balikat niyang itim na itim at tuwid na buhok. Ang ganda niya 'pag nakaayos babae. 

"Para ka talagang tunay na babae sa ayos mo," puri ni Aeron kay Brian.

Napakunot-noo ako sa sinabing iyon ni Aeron. Alam niyang nagpapanggap lang na babae si Brian? Paano niya naman nalaman iyon? Dalawang araw naman naming binantayan ng mga kaibigan ko si Brian. Ni hindi rin namin siya nakitang lumabas ng bahay at hindi rin siya pinuntahan ni Aeron. Ang huling pag-uusap nila ay noong ipinakilala kami ni Aeron sa isa't isa.

Napuslitan ba ko ng Brian na ito nang hindi ko nalalaman?

"Salamat." Kinikilig na inipit ni Brian ang buhok niya sa likod ng kaniyang tenga.

"Salamat," panggagaya ko sa inaktong kabaklaan ni Brian, at inis na inis akong umirap sa kaniya kahit hindi naman niya ako nakikita dahil kay Aeron siya nakatingin.

"Oh my god! Sandali lang, Aeron. May nakalimutan ako!" maarteng bulalas ni Brian, nagmamadali pero pakendeng-kendeng siyang pumasok ng bahay nila.

"Aeron!" Napatingin ito sa direksyon ko. Nginitian ako nito. Gagayahin ko rin sana ang pakendeng-kendeng na paglakad ni Brian pero mas pinili ko na lang na ngumuso at humalukipkip palapit sa kaniya. "Alam mo nang nagpapanggap siya? Kailan pa?"

"Oo, sinabi niya sa akin nung nakaraan ang totoo. Nung pagkauwi namin galing simbahan."

Nalusutan nga ako ng Brian na iyon. Tinapat talaga niyang tulog na ako at bawal na ako lumabas. 

"Kung ganon, inamin niya na sa'yong bakla siya?"

"Hindi! Hindi siya bakla. Nagbibihis babae lang siya dahil mahilig siya mag-cosplay."

Tumango na lang ako. Hindi pa rin ako naniniwala. Sigurado akong sinabi lang iyon ni Brian para mapalapit kay Aeron. Kung ganoon nga ang plano ng Brian na iyon, hinding-hindi ako papayag.

Napasimangot ulit ako nang makita ko ulit si Brian na kalalabas lang ng gate ng bahay nila. Naiinggit talaga ako sa ganda ng suot niyang pink sandals na may takong. Idagdag pa 'yung suot niyang supel na kumikinang-kinang 'pag nasikatan ng araw.

"Let's go, Aeron," maarteng ani Brian. Akala mo itong babaeng mahinhin na umupo sa likuran ng endless love bike ni Aeron. "Tara na, Aeron, baka mahuli pa tayo sa appointment natin," dagdag pa nito sabay irap sa akin.

Inirapan ko din ito pabalik. "Teka, Aeron, saan kayo pupunta?" tanong ko.

"Sa Barangay. Sige na, aalis na kami. Hinihintay na kami nina Danilo, Trese, Oliver at Chad sa labas ng gate. Bye, Memei!"

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sinimulan nang magpedal ni Aeron. Umalis na ang mga ito. Ni hindi man lang nga ako tinignan ni Brian, talagang feel na feel niya ang pag-angkas sa bisikleta ni Aeron. Nakakainis talaga siya.

"Memei!" Tawag sa akin ng mga kaibigan ko. Nakasimangot ko silang nilingon pero agad akong napangiti nang makita ko silang nakasakay sa kani-kanilang bike. Papalapit sila sa akin.

"Tara sa barangay, Memei! Sundan natin ang crush mo!" sigaw ni Alyza.

"Oo nga! Tignan natin kung paano putulin ang t*t* nila!" sigaw pa ni Chin, saka sila nagtatawanang huminto sa harapan ko. Maski ako rin ay natawa sa sinabi nito.

"Paano pa kaya sila iihi kung putol na t*t* nila, 'no! Kung pigilan kaya natin  sila magpatuli, baka mamatay sila, eh! Ayoko pa mamatay si Kuya Aeron, ibebenta ko pa siya kay Memei!" ani Gaile.

"Ang bibig niyo naman Chin at Gaile, para naman kayong mga hindi babae kung makapagsalita. Kung nadinig kayo ni Mamila tiyak na papaluin no'n ang mga bibig niyo at pagsasabihan kayong parang mga hindi babae," sermon ni Lorraine sa kanila.

Kung katabi lang ng dalawang ito si Lorraine, siguradong napalo na nito ang mga bibig nila. Sa aming magkakaibigan, si Lorraine ang matanda mag-isip. Ganoon talaga siguro 'pag may Lolang masungit na kasama sa bahay.

At isa pa, si Lorraine talaga ang pinakamatanda sa aming magkakaibigan, ilang buwan lang naman. Sumunod si Alyza. Sumunod ako. 'Tsaka palang iyong mag-gre-Grade 3 pa lang sa pasukan na sina Chin at Gaile. Mas bata sila sa amin kaya ganoon sila kumilos at magsalita.

"Hay naku, huwag na nga kayo mag-away-away diyan!" Putol ko sa sermunan nila. Tara na nga sa barangay! Tignan natin sila. Paangkas na lang ako sa'yo, Lorraine. Ayoko na umangkas kina Gaile, Chin at Alyza! Hinuhulog lang nila ako!" Sumakay na ako sa likuran ng bike ni Lorraine habang sila naman ay nagtatawanan.

"Magpabili ka na kasi ng bike sa mommy at daddy mo, Memei!" ani Alyza.

"Ayoko nga kasi sabi ng bike. Ang gusto ko kotse!" aniko sa kanila.

Nagtatawanan silang nag-umpisa sa pagpedal ng kani-kanilang bike. Nahuli kami ni Lorraine sa kanila.

•••••

"Uy, si Brian!" sigaw ng mga nangunguna sa aming sila Alyza.

Agad ko namang nakita si Brian na nagtatakbo. Pumasok siya sa makipot na esknitang papunta sa sementeryo. Hindi naman niya kasama o kasunod si Aeron kaya hindi ko na lang siya pinansin. Wala akong pakialam sa kaniya. Mabuti nga iyon at umalis na siya. Wala ng eextra sa amin ni Aeron.

Pero baka mamaya nandoon pala si Aeron sa sementeryo kaya siya pupunta roon.

"Tara, sundan natin siya!" sigaw ko sa kanila.

"Sige, tara!" sang-ayon nila Gaile sa akin.

Huminto muna kami sa isang gilid ng kalsada para padaanin ang mga dumadaang sasakyan. Nang makaraan na lahat ay nagsitawiran kami pakabilang kalsada at pinasok ang makipot na eskinita papuntang sementeryo.

Nakita ko naman agad si Brian na  pumasok sa bukas na gate ng isang museleo.

"Sandali, Lorraine, bababa ako," aniko. Hininto naman agad ni Lorraine ang bike niya. "Nakita ko si Brian. Nandoon lang siya. Huwag ka maingay, ha."

Humahagikgik na tumango si Lorraine.   Bumaba ako sa bike nito at dahan-dahan akong humakbang papasok sa kinaroroonang museleo ni Brian.

Nakita kong sumiksik sa isang sulok ng nitso si Brian habang nakatutok ang mga mata nito sa hawak niyang cellphone.

"Hello!" ani Brian sabay tutok sa tenga niya ng hawak niyang cellphone.

Agad din naman akong umupo para itago ang aking sarili sa bandang unahan ng nitso. Ganoon din naman ang nagawa ng mga kaibigan kong papasok nitong museleo. Sinenyasan ko agad silang huwag gagawa ng anumang ingay. Mahinang hagikgik na lamang ang nagawa nila habang nagsisigapangan sila papalapit sa akin.

"Sino kausap ni Brian sa cellphone?" panimulang bulong ni Chin.

"Baka ligaw niya, magde-date sila dito sa sementeryo," humahagikgik na bulong ni Gaile. Akma pa nitong sisilipin ang kinaroroonan ni Brian pero agad din namin siyang hinila patago.

"Huwag muna kayo maingay, puwede?" iritable kong bulong kila Gaile.

"Ito kasi..." Turo nina Gaile at Chin sa isa't isa.

"Pshhh. Quiet," saway sa kanila ni Lorraine.

Dahan-dahan akong tumayo para silipin si Brian, nakatalikod sya sa amin kaya sinenyasan ko agad ang mga kaibigan ko na tumayo na rin sila.

"Yes, where are you na ba? I'm here at the cemetery na kaya. Sunduin mo na ko dito bago pa ako ipahanap nila Daddy sa barangay tanod para ipatuli! I'm scared."

Natawa ako sa mga nadinig ko dahilan para mapalitaw si Brian sa pinagtataguan niya. Nandudumilat ang mga mata nitong tumingin sa amin ng mga kaibigan ko.

"Ah! Nagtatago para hindi matuli! Ah! Bakla!" tumatawang asar ko rito. "Bakla! Bakla! Bakla!"

Nagtawanan din ang mga kaibigan ko. Nakisali na rin sila sa akin sa pagtukso kay Brian.

Continue Reading

You'll Also Like

71.2K 2K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in k...
92.1K 6K 16
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
101K 4.8K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...