ROZOVSKY HEIRS SERIES 4: MARC...

By helene_mendoza

27.5K 205 11

BLURB ROZOVSKY HEIRS 4: MARCUS AURELIUS (CRUEL BASTARD) I was used to life's hardships and battles. I grew up... More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER ONE | BARKER
CHAPTER TWO | DREAM ON
CHAPTER THREE | OFFER
CHAPTER FOUR | BILLS
CHAPTER FIVE | HAPPY HOUR
CHAPTER SIX | TUITION FEE
CHAPTER SEVEN | COUGAR
CHAPTER EIGHT | UNHOLY

CHAPTER NINE | BLEED

1.9K 12 0
By helene_mendoza


Follow the argument wherever it leads - Socrates

CRUEL BASTARD

CHAPTER NINE | BLEED

MARCUS

Napakatindi naman ni Elica.

Inatake na at lahat, pagkalabas ng ospital, ako agad ang tinawagan. Pinuntahan pa talaga kung nasaan ako. Plano ko pa naman na sorpresahin si Laurel at susunduin ko siya sa ospital kung saan siya nagdu-duty. Kaso nga tumawag naman ang babaeng iyon at kailangan daw namin magkita. Pinilit akong puntahan dito malapit sa school ni Laurel. Pinuntahan pa ako ni Jerwin dahil hindi ko talaga sinasagot ang tawag ni Elica. Napilitan na lang akong sumama dahil kahit paano naman parte pa rin ng trabaho ko ang pag-i-entertain sa babaeng iyon.

Sa kotse pa lang wala nang hinto sa pagroromansa sa akin si Elica. Ako na nga ang nahihiya sa driver niya. Sabi ko nga kay Elica, baka atakehin na naman siya. Ang sabi naman, okay na okay na daw siya. Napagod lang daw siya ng konti at nawala sa game ang katawan niya dahil hindi na daw siya nakakapag-Pilates noong nakaraan. Malay ko naman kung ano iyon. Para matapos na lang sige. Dumeretso kami sa hotel. Fire Palace ang pangalan. First time kong nakapunta doon at nalula talaga ako sa ganda at laki ng lugar. Ang mga taong pumupunta doon ay halatang mga mayayaman at sosyal. Nanliit nga ako kasi pakiramdam ko hindi ako bagay doon. Baka hindi ako papasukin ng mga security at mapagkamalan pa akong snatcher. Pero proud na proud si Elica na ako ang kasama niya. Talagang nakakapit sa braso ko hanggang sa makapasok kami sa loob. Deretso kami sa itaas at pumasok kami sa isang napakalaki at napakagarang kuwarto. Ang lambot ng kama. Ang sahig carpeted. Tapos mula sa salamin, kitang-kita ang buong paligid ng hotel at ang ibang mga buildings sa paligid. Ang ganda. Naisip ko agad si Laurel. Kapag nagkapera pa ako ng malaki, dito ko siya dadalhin. Dito ko siya idi-date. Ipapatikim ko sa kanya itong mga nararanasan ko. Hindi puwedeng ako lang. Dapat pati ang babaeng mahal ko, maranasan ang ganito.

Ang init ni Elica. Parang hindi galing sa atake. Para matahimik na lang, pinatirik ko na naman ang mata niya. Alam ko na naman ang gusto ng babaeng ito. Gusto ng matinding sex. Hard sex. Talagang ang ingay niya. Humihiyaw sa sarap sa bawat mariing pagbayo ko. Nanginginig ang katawan sa sobrang excitement. Ako naman ay ginagawa na lang ito para sa pera. Para sa trabaho. Lalaki naman ako at walang mawawala sa akin. Kahit paano naman laman-tiyan pa rin si Elica. Kahit may-edad, sexy at maganda pa rin kaya hindi naman nakakaumay gamitin.

Pagkatapos dito ay dinala ako ni Elica sa mamahaling restaurant na naroon din sa hotel na iyon. Nag-order siya ng mga pagkain na ngayon ko lang nakita at natikman sa buong buhay ko. Ayaw ko ngang galawin ang karne na nasa harap ko. 'Tangina, nang tingnan ko ang menu na ibinigay ni Elica para akong hihimatayin sa mahal ng mga presyo ng pagkain. Dolyar ang presyo na naroon. Itong kapirasong karne na nasa harap ko, tatlong daang dolyar ang presyo. Putangina talaga, kinse mil ang piraso ng karne na ito na malaki pa ang kamao ko.

"Why don't you eat, baby? Come on. Taste it. It's Kobe beef and this restaurant only serves the best Kobe beef in town." Nakangiti pang sabi sa akin ni Elica. Mukhang sex lang talaga ang gamot sa isang ito. Kasi talagang kumikinang na ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Maliwanag ang mukha at masiglang-masigla kumilos.

"Ang mahal kasi." Tanging naikomento ko at tiningnan ang pagkain na nasa harap ko na hindi ko magawang galawin.

Natawa siya. "You deserve every expensive food and things, Arcus. Bagay kasi sa iyo 'yon." Napatingin siya sa bisig ko at doon nawala ang ngiti niya. "Why are you not wearing the Rolex watch I gave you?"

Automatic na nahawakan ko ang bisig ko. "Ano kasi, ibinigay ko sa Kuya ko."

Halatang na-disappoint siya sa sagot ko at napailing. "Next time, kapag ibinigay ko sa'yo, gusto ko ikaw ang gagamit. Don't worry, I'll make you choose among those watches again." Ngayon naman ay tinitingnan niya ang buong hitsura ko. "I don't want you to wear that kind of polo next time. It looks cheap." Tumingin si Elica sa paligid. "There is a boutique at the lobby. Ibibili kita ng mga bagong damit." Nag-umpisa na siyang kumain.

Tinitingnan ko ang bawat galaw ni Elica. Ganito ba talaga gumalaw ang mga mayayaman? Pati ang pagpitik ng mga daliri, pagkumpas ng kamay parang mamahalin. Pera lang naman ang habol ko kay Elica pero sa totoo, naiinggit ako sa buhay niya. Kailan ko kaya mararanasan ang ganito? Ang maging mayaman pero hindi ko kailangan na yumari ng matrona?

Pagkatapos naming kumain doon ay dinala nga niya ako sa lobby ng hotel. Sunod-sunod ang mga tindahan na ang pangalan ay sa mga magazine at internet ko lang nakikita. Christian Dior. Balenciaga. Gucci. Ralph Lauren. Kung nalula ako sa presyo ng mga pagkain, mas lalo akong nalula sa presyo ng mga damit na nasa tindahan na naroon. Simpleng puting t-shirt, limang-daang dolyar na. Para akong hihimatayin sa mahal ng mga iyon at kung pumili si Elica, parang namimili lang siya ng kamatis sa palengke.

Pinagbihis niya ako. Pinapalitan niya ang suot kong damit. At nang humarap ako sa salamin, halos hindi ko makilala ang sarili ko. 'Tangina, Arcus! Ilalampaso mo ang mga artista ng Star Magic.

Natawa ako habang sinasabi iyon sa isip ko at nakatingin sa salamin. Nang tingnan ko si Elica ay nakaupo lang siya at nakatingin sa akin.

"You liked it?" Taas-baba ang tingin niya sa akin. Hitsurang proud sa naging hitsura ko na.

Tumango ako. Tumayo siya at lumapit sa akin at yumakap mula sa likuran ko. Napatingin ako sa mga staff na naroon na tingin ko ay nahiya dahil sa ginawa ni Elica. Tumalikod lahat sa amin.

"I can buy anything you want, Arcus." Bulong niya habang lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin. "I can let you experience things that you never experienced before. Just promise to be loyal to me." Marahang gumapang ang dila niya sa tainga ko at ang kamay ay bumaba sa pagitan ng hita ko.

Loyal? Gaga ba siya? Kay Laurel lang ako loyal. Pera lang niya ang gusto ko.

Hindi ako sumagot at lumayo na din sa kanya. Ito na ba ang sinasabi ni Jerwin na dapat akong mag-ingat? Ang ibang mga kliyente daw kasi ay nagiging possessive lalo na kung gumasta na ng malaking pera. Kailangan kong maipaliwanag kay Elica na kahit kailan hindi kami magkakaroon ng malalim na ugnayan. Business lang itong nangyayari sa amin. May pera siyang pambayad, may etits naman akong nagpapatirik ng mata niya.

Nagyaya pa siya uli na bumalik sa kuwarto at umisa pa. Tindi rin ng libog ng babaeng ito. Kaya inaatake kasi sobrang hilig. Pinagbigyan ko pa rin bago ako nagpahatid nang umuwi.

Gusto kong sa malayo na ako ibaba ni Elica pero mapilit siyang ihatid ako hanggang sa bahay. Doon na lang ako nagpababa sa court. May mga tambay pa rin kaya nakita akong bumaba mula sa isang magarang kotse. Nakita pa ng mga tambay doon na hinila ako at hinalikan ni Elica bago umalis. Hindi tuloy matapos-tapos ang tuksuhan ng mga naroon at sinabing nakabingwit daw ako ng mayaman. Nakipagkuwentuhan lang ako saglit pero nagpaalam na rin. Tini-text ko si Laurel pero hindi siya nagrereply. Kahit man lang sana isang Hi o kaya K na reply masaya na ako pero wala. Dumaan na lang ako sa bahay nila sa pagbabakasakali na makita ko siya pero saradong-sarado na ang bahay nila. Tulog na siguro. Nanghinayang ako. Sana man lang nakita niya kung gaano ako kaguwapo ngayong gabi.

Deretso akong umuwi at wala pa si Kuya. Natulog na lang ako. Pagod na pagod ako ngayon. Hayop si Elica sinagad ang lakas ko. Pakiramdam ko kanina wala na akong ilalabas pa kaya paglapat pa lang ng katawan ko sa papag namin, bagsak agad ako.

----------

Nagising ako kinabukasan na wala pa rin si Kuya. Saan kayo 'yon rumaket? Hindi na naman umuwi. Siguradong kasama sina JK at ibang tropa niya. Ang agad kong tiningnan ay ang cellphone ko para makita kung may reply si Laurel. 'Tangina naman, kahit isang K na reply wala. Bumangon na ako sa kama at nagtimpla ng kape. Kinuha ko ang sobre na ibinigay ni Elica kagabi at binuksan iyon. Napangiti ako. Singkuwenta mil na naman. Tapos ang gaganda pa ng mga ibinigay niya sa akin na mga damit. Mamahalin talaga. 'Yong ibang ipinamili niya ay dinala ko muna sa club para doon itago ni Jerwin. Siguradong magtatanong si Kuya kung saan ko nakukuha ang mga ito. Hindi iyon maniniwala na sa pagmomodelo ko lang nakukuha ang mga ito.

Naligo ako at lumabas ng bahay. Agad akong pumunta sa court para doon tumambay saglit at hanapin na din si Boyet. Mailibre naman ang isang iyon. Dadalhin ko sa mall at nang maibili ng mga sampung plastic na deodorant. Palakas nang palakas ang amoy ng kilikili noon. Hindi ko lang talaga maitapon dahil tunay na kaibigan ko talaga.

Agad akong kumaway kay Boyet nang makita ko. Ngiting-ngiti naman na lumapit sa akin at agad akong napatakip ng ilong.

"Putangina naman, Boyet. Ang aga naman nananapok ng kilikili mo."

Inamoy pa niya ang kilikili. "Sobra ka naman. Sinunod ko naman ang sinabi mo. Ajax ang pinangsabon ko dito."

"Gago." Natatawang sabi ko at inakbayan siya. "'Tara. Libre kita."

Nanlaki ang mata niya. "Talaga, Arcus? Ililibre mo ako?" Namimilog pa ang mata niya.

"Oo. Doon tayo sa SN pupunta." Iyon ang sikat na mall dito sa Bayagbayag. Agad akong pumara ng traysikel at nagpahatid sa sakayan ng jeep. Ang daming bumabati sa akin. Mga driver. Mga kapwa ko barker. Sinasabing hindi na nila ako nakikita doon at napakalaki daw ng ipinagbago ng hitsura ko. Lalo daw akong gumuwapo. Panay nga ang tukso sa akin na baka sagutin na ako ni Laurel kapag nakita ako ngayon.

Tawa lang ang sagot ko sa kanila. Iniwan na rin namin ni Boyet at bumiyahe kami patungo sa mall. Noon kapag nagpupunta kami dito ni Boyet, nakikipagharangan daga pa kami sa mga guwardiya dahil ayaw kaming papasukin. Magpapalamig lang naman kami. Pero ngayon, pinagbuksan pa kami ng pinto ng guwardiya.

"'Tangina, Arcus. Nakaka-excite naman." Hindi na maitago ni Boyet ang excitement habang patingin-tingin sa paligid. Nakangiti lang ako. Deretso kami sa department store ng mall at pinapili ko siya ng mga damit na gusto niya. Pero una ko talagang pinabili sa kanya ang panlagay sa kilikili at walang tigil na pinagsasabihin si Boyet na linisin dapat niya ang sarili niya. Nang makabili na siya ng gusto niya ay dumeretso naman kami sa isang kainan at nilibre din siya ng pagkain.

"Bakit ang dami mo ng pera, Arcus? Saan mo na-iskor ang ganito? Rumaraket ka na din tulad ni MVP? Nakaw na din?" habang ngumunguya ay tanong ni Boyet.

"Hindi. Bayaan mo na si Kuya d'on. Kanya-kanyang raket naman tayo." Sagot ko.

Doon nanlaki ang mata ni Boyet at hitsurang nabulunan pa. "'Tangina, 'yong ano! May syota kang mayaman. De-kotse. Nakita kita kagabi."

Doon ako nasamid sa kinakain ko at gulat na tumingin kay Boyet. Wala naman siya kagabi sa grupo ng mga tambay nang umuwi ako at ihatid ni Elica.

"Ang ganda ng kotse ng naghatid sa'yo. Gago ka, Arcus. Ang yaman no'n!" Bulalas pa rin niya.

"Wala ka naman do'n sa mga tambay kagabi." Sagot ko.

Doon ko nakitang sumeryoso si Boyet. "Gago, nakita ka din ni Laurel. Magkausap kami gabi."

Naibuga ko sa mukha niya ang iniinom kong tubig. "Ano?!"

"Oo." Pinapahid ni Boyet ang naibuga kong tubig sa mukha niya. "Nagpunta kasi sa court. Parang hinahanap ka tapos nagkuwentuhan kami. Bigla namang dumating 'yong kotse at ikaw nga ang bumaba. Nakita ka niya tapos hinalikan ka pa no'ng babaeng kasama mo."

Pakiramdam ko ay nanlamig ako sa sinabing iyon ni Boyet. "'Tangina mo, Boyet. 'Wag mo akong ululin. Hindi magandang biro 'yang sinasabi mo." Napipikon talaga ako. Kapag ako ginu-goodtime nitong isang ito, pati nguso niya papuputukin ko.

"Tanga, hindi ako nagbibiro. Totoo nga na nakita ka namin ni Laurel. Nagulat nga ako. Tapos siya hindi nakapagsalita. Tumakbo pauwi."

Naitakip ko ang kamay ko sa bibig at hindi ako makapagsalita. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakita ako ni Laurel? Puta naman, sa dami ng makakakita bakit si Laurel pa?

"Tingin ko nagselos kagabi. Parang maiiyak pa nga nang makita ka na may kahalikan kang iba. Sabi ko sa'yo, may gusto din 'yang si Laurel sa'yo." Ngayon ay tumatango-tango na si Boyet.

Pero hindi ako natuwa sa sinabi ni Boyet. Nag-aalala ako dahil siguradong iba ang iisipin ni Laurel. Hindi pa nga ako nakakapanligaw ng maayos, mukhang maba-basted na ako ng tuluyan.

"Tara. Samahan mo ako. Bibili ako ng mga bulaklak at chocolates. Aakyat na ako ng ligaw kay Laurel at talagang kahit kay Aling Lagring haharap ko. Ipapakita ko sa kanila na marami na akong pera at nang makita nilang karapat-dapat na ako kay Laurel."

Halatang excited din si Boyet sa sinabi ko. Pumunta kami sa flower shop at bumili ng pinakamahal na bulaklak. Tapos ang chocolates na binili ko ay ang pinakamalaking box ng Ferrero Rocher. Alam kong paborito ni Laurel iyon. Libo nga ang halaga pero sige lang. Okay lang iyon. Marami pa naman ang perang bigay sa akin ni Elica.

Sinabi ko kay Boyet na uuwi muna ako para maligo at mag-ayos at siya na muna ang mag-uwi ng mga ibibigay ko kay Laurel. Naglalakad na ako pauwi sa amin nang makasalubong si JK. Seryosong-seryoso pa nga. Kinabahan ako dahil baka may nangyari kay Kuya MVP.

"Umuwi ka daw sabi ng Kuya mo." Seryosong sabi niya.

"Bakit? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko.

"Hindi mo ba alam? Ginulpi ng Kuya mo si Jerwin. 'Tangina, durog ang mukha ni gago." Nanlalaki pa ang mata ni JK sa pagkukuwento. "Gago ka. Kalat na kalat dito sa Bayagbayag na pokpok ka na. Pumapatol ka sa mga matrona tulad ni Jerwin. Galit na galit ang Kuya mo."

Mahina akong napamura at naihilamos ko ang kamay sa mukha ko tapos ay naiiling na umuwi.

Panay ang hinga ko ng malalim dahil talagang kinakabahan din ako na haharap ako kay Kuya na alam na niya ang ginagawa ko. Alam kong ayaw na ayaw niya noon. Kung gusto lang niyang kumita ng pera ng mabilisan, alam kong matagal na niyang ginawa sana pero nagtiyaga siya sa pagnanakaw kaysa mapunta sa ganoong linya. Kaya kahit wala pa ako sa bahay ay ramdam ko na ang galit niyang sasalubong sa akin pag-uwi ko.

Napabuga ako nang hangin nang pagpasok ko sa bahay ay narinig ko ang pagbangon ni Kuya mula sa papag na tinutulugan namin. Lalo lang akong kinabahan nang paglabas niya sa kuwarto ay kitang-kita ko ang dilim ng mukha niya at ang sama ng tingin sa akin.

Hindi nagsasalita si Kuya pero kita ko ang pagngangalit ng mga bagang. Tapos ay walang sabi-sabing ibinato sa akin ang ibinigay kong Rolex sa kanya na agad kong sinalo. 'Tangina, sayang kung mababasag. Mahal pa naman 'to.

"Sinong matrona ang nagbigay sa'yo ng relo na 'yan? At bakit natuto kang magsinungaling sa akin?"

Nanlalaki ang butas ng ilong ni Kuya na hitsurang toro na manunuwag. Napalunok lang ako at nakatingin sa kanya. Unang beses kong nakitang ganito ang galit ni Kuya sa akin. Kung may kapalpakan man akong nagagawa noon, hindi kami ganito mag-away.

"Nagpapagamit ka sa mga matatandang babaeng iyon?! Anong nagawa kong pagkukulang sa'yo Arcus at bakit pumayag ka sa ganyang klaseng trabaho? Ganyan ka na ba talaga ka-desperadong yumaman na kahit katawan mo gagamitin mo para lang sa putanginang pangarap na 'yan?"

Nasaktan ako sa sinabing iyon ni Kuya. Bakit parang walang halaga sa kanya ang pangarap kong iyon? Bakit pakiramdam ko napakababa ng trato niya sa akin dahil sa ginawa ko?

"Grabe ka naman magsalita, Kuya. Gusto ko lang naman na kumita ng pera para sa sarili ko-"

"Kaya mong gawin 'yon nang hindi nagpapagamit sa kung sino-sinong matrona! Hindi mo kailangang maging pokpok para lang sa pera!"

Doon na ako nakaramdam ng pagkapikon. "At ano ang dapat kong gawin? Magnakaw? Mang-hold-up? Mang-kidnap gaya ng ginagawa mo?" Sarkastiko kong sagot sa kanya.

Tingin ko ay nagdilim ang tingin sa akin ni Kuya at mabilis akong isinugod at isinalya sa may lababo. Hindi naman ako lumaban. Kahit kailan hinding-hindi ako lalaban kay Kuya. Pero ipapaunawa ko sa kanya na ginusto ko ang ginawa ko at walang ibang puwedeng sisihin doon. Mataas ang pangarap ko at lahat ay gagawin ko para maabot ko iyon.

"Diyan tayo nabuhay, Arcus! Ang trabaho ko ang nagsalba sa buhay mo at hindi kita pinipilit na gawin 'yon dahil kargo kita! Ako ang gagawa ng lahat ng tingin mong mali mabuhay lang tayong dalawa! Hindi ko sinasabing gawin mo 'yon at mas lalong hindi ko gustong mapunta ka sa ganitong landas. Hindi kita pinipilit na magtrabaho at gayahin ako!"

Doon ko itinulak si Kuya para makalayo siya sa akin. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero gusto kong lumayo na muna siya sa akin.

"Hindi ko gustong umasa sa'yo habang buhay. Ayaw kitang husgahan at malaki ang respeto ko sa'yo, Kuya pero kung tingin mo mali ang ginagawa ko, unahin mo muna sanang punahin ang lahat ng ginagawa mo. Parehas lang tayong immoral ang ginagawa pero hindi ako puwedeng diktahan dahil ito ang gusto ko. Buhay ko 'to at gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin para lang maabot ang lahat ng mga pangarap ko. Dahil hindi ko gustong mabulok sa lugar na 'to." Doon na tumaas ang boses ko.

"At ano ang gusto mo? Ha?! Nakatikim ka lang ng kaunti nagyayabang ka na?! Anong ipinagyayabang mo? Si Jerwin?" Galit na galit pa rin si Kuya.

Napahinga na lang ako ng malalim. Ayaw ko nang lumalalim pa ang away namin kaya ako na lang ang iiwas. Umiling na lang ako at hindi na siya sinagot. Tinalikuran ko na lang para lumabas.

"Magpalamig muna tayo. Saka na lang tayo mag-usap kapag matino ka nang mag-isip." Iyon na lang ang sabi ko at tuluyan nang lumabas. Narinig ko pang may nabasag sa bahay namin habang palabas ako. Sinamaan ko ng tingin ang mga kapitbahay na naroon sa harap ng bahay at alam kong nakiki-tsismis lang sa nangyayari. "Ano?! Mga tangina n'yong mga tsismosa kayo. Talagang kapag may ganitong ganap buhay na buhay ang mga dugo n'yo. Tapos na ang palabas. Magsilayas kayo sa harap ng bahay namin!" Singhal ko sa kanila at lumakad na palayo.

Deretso ako kina Boyet at maging doon ay alam na agad ang nangyari kay Jerwin. Mabuti na nga lang at nakaligo na ang kaibigan ko at kahit paano hindi madadagdagan ang init ng ulo ko kung maamoy ko ang putok niya. Sinabi ko sa kanyang samahan ako at pupunta kami kina Laurel. Nag-aalala pa nga si Boyet. Baka daw gusto kong ipagpaliban muna dahil mainit na mainit sa buong Bayagbayag ang ginawa ni MVP kay Jerwin pati na rin ang balitang pumapatol ako sa mga matrona.

"Haharap ako kay Laurel at sasabihin ko sa kanya na ginagawa ko iyon para sa kinabukasan naming dalawa." Seryosong sagot ko at nakasunod lang sa akin si Boyet habang ang bibilis ng mga hakbang ko na makapunta sa bahay nila Laurel. Pero agad din akong napahinto nang makita kong may kotseng nakaparada sa harap ng bahay nila Laurel. Ang mga tsismosa sa labas ay mga naka-usyoso din at tinitingnan ang kotse.

"Arcus, mukhang may nauna na sa'yo. May manliligaw na de-kotse si Laurel." Narinig kong sabi ng kung sino mula sa likod ko.

"Mayaman ang bisita ni Laurel. Ang balita doctor at apo ng may-ari ng ospital na pinag-aaralan ni Laurel. 'Tangina, makakaahon na sa hirap si Lagring." Komento naman ng isa pa.

Napalunok ako nakatingin ng masama sa kotseng nasa harap ko. Naramdaman ko si Boyet na kinalabit ako.

"Tara na, Arcus. Mukhang masamang araw talaga 'to sa'yo ngayon. Palipasin mo na muna. Ang daming tsismosa." Nag-aalalang sabi ni Boyet.

Hindi ko siya pinansin at lumakad ako papunta sa bahay nila Laurel. Hindi ko pinapansin ang mga panunukso ng mga tao doon. Kumatok ako at si Aling Lagring ang nagbukas ng pinto sa akin. Agad na nakabusangot ang mukha nito sa akin.

"Umalis ka na. Wala si Laurel," tonong tinataboy ako.

"Makikipag-usap lang po ako saglit." Mababang-mababa ang tono ko.

Tumaas ang kilay ni Aling Lagring. "Ang kapal naman ng mukha mo. Hindi ang katulad mo ang pinangarap ko para kay Laurel. Umalis ka na."

Totoong kinakapalan ko ang mukha ko ngayon. Kahit noon pa, alam ko na ang todong pag-ayaw sa akin ni Aling Lagring pero iba ngayon. Kailangan kong makaharap si Laurel at maipaliwanag sa kanya kung ano ang nakita niya.

Ang dami-daming sinasabi ni Aling Lagring pero nagpumilit na akong pumasok sa bahay nila at doon ko nakita si Laurel.

At hindi siya nag-iisa.

Sa tabi niya ay naroon ang isang lalaki na hitsurang mayaman at hawak pa sa kamay niya.

-----

You can join Helene Mendoza's Patreon or VIP GROUP to access the full story and other exclusive stories. 

Continue Reading

You'll Also Like

25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
12.3M 538K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
462K 14K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
1.5K 128 27
.darryl-ang pinakaseryoso sa lahat ,business man,mabait,gwapo,pinsan ni marlon Tin-bestfriend ni roxanne,pinsan ni patrick..kasintahan ni john. Pin...