Slam Dunk Next Generation
Alam nyo ba kung bakit maraming anak si Sakuragi at Haruko?
Noong magpakasal ang dalawa, Sinabi ni Sakuragi na gusto pa nyang magkaroon ng isa pang anak na lalaki, dahil nakikita nyang hindi magmamana sa kanya si Sakuhako at Akito pagdating sa paglalaro ng basketball
Kaya noong mabuntis si Haruko, akala ni Sakuragi, lalaki ang pangatlo nila ngunit babae pala, at yun ay si Haruka, sumunod ay si Sakura, sumunod ay si Lucy at sumunod ay Lilia, sunod sunod na babae ang mga anak ni Sakuragi at Haruko, umabot na sa anim, nang mabuntis ulit si Haruko, sa pang pito nila ni Sakuragi babae ulit, nasa tyan pa sya ni Haruko sa ngayon, magdadalawang buwan palang ang magiging pangalan nya ay LARA
At ang ika walong anak nila ay lalaki na, ang pangalan ay HARUTO, itim ang buhok ni Haruto, hindi katulad kay Sakuhako na kapag nasinagan ng papalubog na araw ang buhok nya medyo nagiging kulay pula ang buhok nya
Si Haruto, kuhang kuha nya ang buhok nya sa angkan ng mga AKAGI
Sa ngayon wala pa si Haruto sa kwento, ipapanganak sya, nasa 3rd year high school na si Sakuhako at Akito, Abangan kung si Haruto ba ay magiging basketball player o hindi
Pagkatapos non, tumigil na sa pagbubuntis si Haruko
Chapter 18: Shohoku A Vs Shohoku B
5pm ng hapon ng dumating si Akito nadatnan nyang patuloy parin sa pagpapractice si Sakuhako na mag isa
Napalingon si Sakuhako sa kanya at sinabing
"Takeshi pala ahh, Balak namin sumali sa Elimination" sabi ni Sakuhako
"Anong pakialam ko? Kahit na sumali pa kayo hindi nman kayo mananalo" sagot ni Akito
"Talaga? Bakit hindi tayo magsubukan ngayon Akito? 1on1 kapag nanalo ka tatanggapin kona na ikaw ang pinakamagaling, pero kapag ako ang nanalo, tatanggapin mo na ako na ang pinakamagaling" sagot ni Sakuhako
"Tsu! Sa lahat naman ng pwede mong sabihin yan pa ang sasabihin mo, alam mo nman na hindi ka mananalo" sagot ni Akito
"Bakit? Natatakot kaba?" Tanong ni Sakuhako
"Ano" na nagsisimula nang uminit ang dalawa, nakatitig ng masama si Akito kay Sakuhako habang si Sakuhako kumpyansa syang sya ang mananalo
"Sige kung yan ang gusto mo, para matigil na ang kayabangan mo" sagot ni Akito
Sa isang nakatayong basketball hoop, magsisimula nang mag 1on1 ang kakambal drinidribble na ni Sakuhako ang bola sya ang pinauna ni Akito subalit di pa man nga nakakaporma biglang dumating si Sakuragi
"Anong ginagawa nyong dalawa?" Tanong ni Sakuragi
"Papa ikaw pala" sabi ni Akito
"Papa, hayaan nyo na kami maglaro, alam nyo na larong magkapatid lang toh" sabi nman ni Sakuhako
"Tutol ako sa binabalak nyo" sagot ni Sakuragi
"Ano?" Sabay na nasabi ng dalawa
"Alam ko na hahantong ang lahat ng iyan sa away at yan ang ayaw na mangyari ng mama nyo, ang gusto nya maging magkakampi kayo, magtulungan kayo, Akito, Hako" sagot ni Sakuragi
"Tsuh! Yan ang hindi mangyayari" sagot ni Akito sabay layas nya
"Hoy san ka pupunta hindi pa tayo ng uumpisa hoy" tawag ni Sakuhako subalit dedma na si Akito
"Papa nman, oras na sana para malaman kung sino pinakamagaling samin dalawa" sabi ni Sakuhako
"Tumigil ka nga, gusto mo bang malungkot ang mama mo, Ikaw ang nakakatanda sa inyo kaya dapat ikaw ang dapat na umiintindi sa mga kapatid mo, Hako hindi mo na kaylangan patunayan na magaling ka o hindi dahil para sa mama nyo magaling kayong lahat, at naniniwala syang may kanya kanya kayong talento, Wag mo nang dagdagan pa iniisip ng mama mo, lalo na alam mo nman ang kalagayan nya ngayon" sabi ni Sakuragi
"Oo nah, kung makapagsalita kayo kasalanan ko na ang lahat, hay ganun talaga kaylangan ikaw ang umintindi, sige pa magpapahinga na ako kanina pa ako nagpapractice" sagot ni Sakuhako sabay alis nya dala dala ang bola pumasok na sya sa bahay
7am ng umaga ang araw kung saan aalis si Sakuhako pabalik sa Basketball Association kung saan makakalaban nila ang Shohoko A
Habang naghahanda si Sakuhako, Na buo ang kumpyansa na sila ang mananalo, ang nanay nyang si Haruko ay manonood ng laro kasama ang mga kapatid ni Sakuhako
Si Sakuragi nman ay nasa baba sa gilid ng court kasama ang dalawang coach ng national team, si Yutaro at Gordon
Lumabas na ang Team Shohoko B at Shohoko A
"Wooohhh talunin mo silahh hakohh" sigaw ni Haruko
"Mama" na namukhang nahiya na si Haruko habang si Sakuragi napalingon pa kay Haruko
Nang biglang lumitaw si Inami
"Hakohh" sigaw ni Inami
"Ahhk Mommy" napangiwi na si Sakuhako habang si Haruko
"Ggrahhhmm" na mukhang nainis
Habang naglalakad sila Sakuhako kasama ang Team Shohoko B na sina Renz, Lyion, Wiston at Ishiga
"Hihi ngayon ipapakita kona kung gaano ako kagaling" sabi ni Sakuhako
"Okey lumapit kayo dito" sabi ni Daisuke
Lumapit ang dalawang grupo, at pinaliwanag ni Daisuke ang pakaran ng laro.
"Okey jumball" sabi ni Daisuke na referee ngayon
Pumagitna si Renz at Kioko ang dalawang sentro ng magkabilaang Team
"Tandaan ninyo, ang ma-injury talo na sa laro, kung maka 5 foul ang isa sa inyo talo narin, Ngayon simulan nah" sabi ni Daisuke
Itinapon nya ang bola pataas sabay talon ni Renz at Kioko
"Kaya mo yan Kioko, kaya mo si Kuya Renz" sabi ni Kate sa kanyang isipan
Subalit nanaig parin ang lakas at taas ng talon ni Renz malakas nyang tinapik ang bola derederetso kay Lyion, pero agad napatigil si Lyion dahil
"Ace" na nakadepensa na agad sa kanya si Ace
Alam ni Lyion kung gaano kagaling si Ace kaya upang masiguro ang pagkapanalo nila, wala pang balak si Lyion na hamunin ng 1on1 si Ace, Ipinasa nya ang bola kay Wiston
"Ditohh ipasa mo ditohh" sigaw ni Sakuhako na tumatakbo hindi mahabol ni Kate
"Hhhmm kung si Kate ang nagbabantay kay Hako, may pag asa kaming makuha ang unang puntos, mukhang nasa kondisyon naman sya" sabay pasa ni Wiston ng bola kay Sakuhako hawak na nya ang bola habang nakadepensa si Sakuhako
"Hehehe ngayong araw na toh, magpapakitang gilas ako, nanonood si Mama, shaka si Mommy Inami pagkakataon kona para ipakita sa kanila kung gaano ako kagaling" sabi ni Sakuhako sa kanyang sarili habang naiimagine pa nyang pinupuri sya ng nanay nya na si Haruko at si Inami
Nang makita ni Kate na mukhang nawala sa konsentrasyon si Sakuhako bigla nyang tinapik ang bola pababa
"Guh?" Na nagising si Sakuhako sa panaginip nya
Tumakbo si Kate at kinuha ang bola
"Wahhhhhhh" sigaw na malakas ni Sakuhako
Habang si Haruko at Inami
"Ano bang nangyari sa kanya?" Tanong ni Haruko
"Hako" sabi ni Inami na nanonood
Tameme nman si Sakuragi sa nangyari na nahihiya
"Hay nako may pinagmanahan nga" sabi ni Yutaro
"Palibahasa gong gong" sagot ni Rukawa
"Tumahimik kahh kung ayaw mong maputulan ng dilahh" sigaw sa inis ni Sakuragi kay Rukawa
Hinabol ni Sakuhako si Kate
"Bumalik kahh ditohh" nang gigigil na si Sakuhako
Nang makita ni Kate na galit na galit si Sakuhako na papalapit sa kanya mabilis nyang ipinasa kay Louki
"Gihhhh" na nahuli na ng dating si Sakuhako
Tumakbo si Louki ng Shohoku A, na sinasabayan ni Ishiga ng shohoku B
At ibinato nya sa ilalim, kay Kioko ang Sentro nila nakadepensa nman si Renz na nasa likuran ni Kioko
Kumanan si Kioko kaya napakanan din si Renz nang biglang mabilis na kumaliwa si Kioko
"Ahhhhh" gulat na si Renz tumalon si Kioko para idakdak ang bola
Tumalon din si Renz ngunit huli na ang lahat, naidakdak na nya ang bola
Shohoku A 2
Shohoku B 0
Nag apiran si Ace, Kate, Kioko, Louki, Jai
Habang si Sakuhako
"Bakit? Bakit ba naagawan ako ng isang katulad nya, ako ang pinakamagaling sa lahat" sabi ni Sakuhako
Lumitaw si Lyion
"Pinakamagaling ka dyan" sabi ni Lyion
"Nakakahiya ka, tinalo ka ng isang babae" sabi ni Wiston
"Hay nako" bugtong hininga ni Ishiga
"Tumahimik nga kayo" sigaw ni Sakuhako tumakbo sya dahil sila nman ang aatake
At habang tumakbo sya kasabayan nya sa takbuhan si Kate
"Nakakainis! Nagawa nanamn nya akong talunin, hindi na pwedeng mangyari yun, Dapat pakitaan ang hambog na toh, Ahhh tama isang Slam Dunk hehehe humanda ka sakin Kaito" sabi ni Sakuhako sa kanyang isipan habang nakatingin kay Kate
"Ayusin mo depensa mo" sabi ni Kate
"Depensahin mo mukha mohh" sigaw ni Sakuhako
"Anong sinabi mohh" sigaw ni Kate
Habang si Haruko
"Hay nako, may aalala akong ganito" sabi ni Haruko na ang tinutukoy ay si Sakuragi at Rukawa na kapag nasa kalagitnaan ng paglalaro laging nag aaway at nagbabangayan, ganyan din ang nakikita ni Haruko kay Sakuhako at Kate ngayon
Habang tamang cheer lang si Inami kay Sakuhako napalingon sa kanya si Sakuhako na kasalukuyang tumakbo ngayon
"Nanonood pa nman si Mommy Inami, kaylangan kong makadakdak para matuwa sya sakin, kaylangan ko munang pigilan ang pasikat na toh" sabay lingon ni Sakuhako kay Kate
Kahit na babae si Kate, sa paningin ni Sakuhako lalaki si Kate kaya nasasabi nya ang mga bagay na ito