4. The CEO's secret

By Sha_sha0808

327K 12.8K 1.7K

Hindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Da... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
3
4
5
6
7
chapter 8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
24
25
26 .
27
28
29
30
31
32
....
33
34
35
36
37
38
39
40
41
Ending

23

6.1K 278 50
By Sha_sha0808

A/n:

Hi guys. Alam kong iilan lang ang readers ko. Actually, napapangiti ako sa comments n'yo.  Ang tatalino n'yo☺️😚 Di ba wala akong plot palagi pero ang story na ito ay buo na bago ko pa simulan. Siguro kailangan ko lang ng mga eksena para matawag siyang istorya. Like need ko ng mga names and place, etc.

Nabasa n'yo na ba ang story ng parents nila at ni Tasha? Sa mga hindi pa, basahin nyo muna habang naghihintay ng update dito.
Sold to CEO
Sold to arrogant CEO.
The CEO's secret lover.
















Unedited....



"May meeting ako mamaya, sumama ka sa akin ha," sabi ni Ace nang lapitan si Kate.

"Anong oras?"

"Alas tres. May inutos ako kay Marco kaya hindi siya makakasama."

"Saan ba?"

"Doon din sa madalas na pagmeeting-an, sa hotel," sagot ni Ace.

"Bakit ba doon? Magtipid naman kayo," tanong niya.

"Invited lang ako. Hindi ako ang nag-arrange ng meeting kundi ibang company. Gusto nilang mag-invest tayo sa kanila kaya baka syempre, nagpa-book sa mamahaling hotel."

"Kailangan ba ng dress?"

"Mayroon na ako sa office kaya don't worry," sagot ni Ace kaya napasimangot si Kate. "Wag mo akong tingnan ng ganyan, Kate. Kailangan kita mamaya."

"Syempre trabaho ko rin naman 'yun."

"Date tayo pagkatapos," nakangiting sabi ni Ace.

"Uy, tumahimik ka!" saway niya at palinga-linga sa paligid.

"Saan pala ang mga kasama mo?"

"Sa mga boss nila," sagot niya. Buti nga at wala ang mga ito dahil baka mahirapan siyang harapin si Ace kapag nandito ang mga kasama niya.

"Okay. Hintayin kita mamayang alas tres," sabi ni Ace at napatingin sa wristwatch. "May isang oras ka pa. Two thirty pasok ka na sa office ko."

"Okay po. Tapusin ko lang ang tina-type ko," sagot niya.

"Nag-merienda ka na ba?"

"Yes."

"Good. Wag kang magpagutom ha. Kapag may kailangan ka, magpasabi ka lang kay Marco at sa akin."

"Okay. Thanks," pasalamat niya at napatingin kay Diane na lumabas sa office ni Niel.

"Alis na," bulong ni Kate na kulang na lang ay itulak palayo si Ace.

"I'm the boss, Kate," seryosong sabi ni Ace. "Natatakot ka ba na mahalata nila ang—"

"Diane!" malakas na tawag ni Kate para balewalain si Ace. "Kamusta ang pag-uusap ninyo ni Sir Niel?"

"Hello, Sir Ace," bati ni Diane. "Okay lang naman, nag-ayos lang kami ng ibang files," sagot niya

"Kita na lang tayo after one hour," paalam ni Ace dahil alam niyang hindi na siya papansinin ng asawa at gusto na nitong umalis siya.

Pagpasok sa opisina, tumawag muna siya sa mga magulang at nakipag-usap pagkatapos ay umidlip siya sa sofa.

Nagising siya nang tumawag si Marco. Alam niyang mahalaga ang sasabihin nito kaya agad niyang sinagot.

"Boss," ani Marco sa kabilang linya.

"Ano na ang balita? Hawak mo na?"

"No, boss. Shit, boss. Nawala raw."

"Ha? Anong nawala?"

"Hindi ko alam pero sabi hindi na raw mahanap."

"Gumawa ka ng paraan para mahanap mo. Yun na lang talaga ang pag-asa ko," seryosong utos niya at napatingin sa pinto nang marinig ang katok. "Sige na, tawagan kita mamayang gabi." Tinapos niya ang tawag nang pumasok si Kate.

"Alis na ba tayo?" tanong ng dalaga.

"Magpalit ka na ng damit."

"Kailangan ba talaga?" tanong ni Kate. "Meeting lang naman eh."

"Bestida lang naman. Sige na," ani Ace kaya napilitan si Kate na magpalit ng puting bestida.

"Okay na ba?" tanong ni Kate. Lumapit si Ace saka hinapit sya sa bewang.

"Ngayon alam ko na kung bakit sobrang ganda ng anak natin," nakangiting sabi ni Ace.

"Anak natin," sigaw ng utak ni Kate na na kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa sa narinig. Ilang beses din naman niya itong narinig kay Niel pero bakit kapag si Ace ang magsabi, gusto niyang magdiwang sa saya?

"Is something wrong?" tanong ni Ace.

"Wala. Tara na?" tanong ni Kate.

"Okay," ani Ace at hinawakan ang kamay ng asawa pero hinila ni Kate.

"A—Ayaw kong ma-issue tayo."

"Asawa na kita."

"Ace naman."

"Fine. Pero hindi ko maipangako na kaya ko pang itago ang relasyon natin," sabi ni Ace at naunang maglakad palabas ng opisina. Sa private elevator na sila sumakay. Pagdating sa parking lot, pinagbuksan siya ni Ace ng pinto.

Nang makarating sila sa hotel, nag-atubili pang pumasok si Kate pero inakbayan siya ni Ace.

"Don't be shy," bulong ni Ace nang mapansin na naman ang takot at pangamba sa mga mata ng asawa. "Hayaan mo na ang mga tao sa paligid, they don't care. Masyado namang marites ang mga tao rito sa inyo na kapag pumasok sa hotel ay magse-sex na agad."

"Tara na nga!" napilitang sabi ni Kate kaya inakay na siya ni Ace papasok.

Nang magsimula ang meeting, tahimik lang si Kate na nakinig sa tabi ni Ace hanggang sa matapos."

"What do you think?" tanong ni Ace habang naglalakad na sila sa pasilyo. "Okay ba na mag-invest tayo sa kanila?"

"Hindi ko alam pero mukhang okay naman ang proposal nila," sagot ng dalaga. "B—Bakit tayo tumigil?"

"Let's check in muna. Mamaya na tayo umuwi," sabi ni Ace at binuksan ang pinto gamit ang keycard.

"Ace—" hindi na siya nakareklamo nang hilain siya papasok ni Ace at siniil ng halik matapos nitong isara ang pinto.

















-----------------









"Bakit kasama mo ang batang 'yan?" tanong ni Rhea nang pumasok si Niel kasama si Kaitlyn.

"Bakit? May masama ba kung isama ko ang anak ko?" tanong ni Niel. "Baby, doon ka muna kay Lola. Bless mo siya ha."

"Yes, daddy Niel," sagot ni Kaitlyn at hinalikan sa kanang pisngi si Niel saka tumakbo palapit sa lola niya.

"Akala ko ba family lunch ito?" tanong ni Rhea nang sila na lang.

"Family dinner nga. Why?"

"Bakit isinama mo si Kaitlyn?"

"Come one, Rhea! She's my daughter." Actually, pinipilit niyang isama si Kate pero ayaw talaga nito kaya si Kaitlyn na lang ang isinama niya.

Napatingin si Rhea sa batang nakipagtawanan sa mga pamangkin sa pinsan ni Niel.

"Hindi mo ka ba talaga titigil, Niel?"

"I won't. Hangga't kaya ko, gagawin ko ang lahat para mabawi siya."

"Alam mong may something na sa kanila ni Sir Ace. Magkatapat lang ang bahay nila. Silang dalawa lang ang nasa floor nila. Tingin mo, wala pang may nangyari sa kanila?"

"Shutup, Rhea! Hindi ganoon si Kate!" pagtatanggol niya sa dating kasintahan. "Hindi siya ganoon kadumi para itapon ang sarili sa ibang lalaki!"

"Woah! Really? Who knows? Alam mong may ibubuga si Sir Ace. Single parent si Kate kaya saan pa ba siya kakapit kung umaaligid si Sir Ace sa kanya?"

"Nandito ako kaya hindi na niya kailangan ng pera sa iba! Sinusuportahan ko na ang anak namin buwan-buwan!" Nag-open siya ng bank account para kay Kate at doon nya nilalagay ang suporta.

"Gago ka, Niel!" bulyaw ni Rhea. "Wag mo na ngang lokohin ang sarili mo!"

"Ayaw ko nang pag-usapan pa ang nakaraan, Rhea! Gusto ko na ng bagong buhay kaya please, tigilan mo na ang mag-ina ko," pakiusap niya.

"Tingin mo talaga sa akin kontrabida?" tanong ng dalaga saka pinilit na ngumiti kahit na sobrang nasasaktan. Kailan ba makita ni Niel ang kanyang halaga? He cares for her, oo. He's always there kapag kailangan niya ng tulong pero wala itong bukambibig kundi puro si Kate.

"I'm sorry," mahinang paumanhin ni Niel saka tinapik sa balikat si Rhea nang makita ang lungkot sa mga mata nito. Kahit na sinusubukan niya itong balewalain, hindi talaga niya kayang isantabi. "Tama na nga. Wait lang, puntahan ko lang si Tito. Sasama ka ba?"

"No, thanks. Maglakad-lakad lang ako sa hardin," sagot ni Rhea at iniwan si Niel saka nagpahinga muna sa hardin. Close siya sa mga Lopez at parang anak na rin ang turing ng mga magulang ni Niel sa kanya kaya invited siya sa family lunch ng kanilang pamilya. Naupo siya sa bench sa tabi ng malaking puno ng Kalachuchi. Napatingin siya sa bulaklak nitong nahuhulog. Naalala niya noong bata pa sila, madalas sila ritong naglaro at nagtakbuhan nina Niel at ng mga pinsan nito.

"Wow, flowers!" sabi ng batang lumapit at namulot ng mga puting bulaklak ng kalachuchi.

"Bakit nandito ka?" tanong niya kay Kaitlyn kaya napatingin ito sa kanya. "Umalis ka nga rito! Ayaw kitang makita!" pagtataboy niya kaya napalabi ang bata na nakatingin sa kanya.


"N—Nawawala ako," sagot ni Kaitlyn na parang aping-api ang hitsura kaya biglang nakaramdam ng awa si Rhea kahit na naiinis siya sa bata. Okay, alam niyang immature talaga siya at nagseselos siya kahit sa batang ito.

"Nakikita mo ang pathway na iyon? Diretsuhin mo na lang 'yun tapos makikita mo na ang mga tao."

"Can I stay here?" tanong ni Kaitlyn saka ngumiti. Napataas ang kanang kilay ni Rhea. Ang bilis magbago ng facial expression nito. Hindi siya sumagot kaya namulot ang bata ng bulaklak.

"Tita? Can I put this on your ear?" pakiusap ni Kaitlyn at tumabi sa kanya. Bago pa siya makapagsalita, inilagay na ng bata ang bulaklak ng Kalachuchi sa tainga niya. "You're pretty like me na," ani Kaitlyn na tila tuwang-tuwa sa ginawa.

"Masaya ka na niyan?" tanong niya kaya tumango ang bata. Napa-rolled eyes siya. Muling namulot si Kaitlyn ng bulaklak kaya pinagmasdan siya ni Rhea.

"Kapag magkaanak kaya kami, mamahalin din kaya niya ang anak namin?" tanong niya sa isip.  Hindi niya maiwasan na imagine-in ang mukha ng anak nila ni Niel. Kasingganda at cute rin kaya ni Kaitlyn?

"Baby!" tawag ni Niel kaya napalingon si Rhea.

"Baby," ani Rhea saka ngumiti.

"My ghad, dito ka lang pala, baby. Hinahanap ka na nina Mommy. Kinabahan tuloy ako," sabi ni Niel na tila nakahinga nang malalim kaya natigilan si Rhea.

"Dito pala ang anak ko," sabi ni Niel na nakaramdam ng pagkabahala. Kilala naman niya si Rhea na mabait pero mula nang may nangyari sa kanila, hindi na niya masabi kung kilala pa nga ba niya ito.

"Siya ang lumapit sa akin. Baka isipin mo na dinukot ko."

"Wala akong sinabi," depensa ni Niel.

"Daddy!" masayang sabi ni Kaitlyn saka nagpabuhat kay Niel.

"Sa susunod, wag ka nang lumayo ha. Kinabahan si Daddy eh," sabi ni Niel.

"Do you really love her?" malungkot na tanong ni Rhea.

"Alam mo ang sagot sa tanong mo, Rhea."

"Kailan ka pa magising sa katotohanan, Niel?" malungkot na tanong ni Rhea. "Kailan mo pa siya pakawalan nang tuluyan? Hindi ka ba naaawa diyan sa bata?"

"Ikaw? Hindi ka ba naaawa sa amin?" baliktanong ni Niel.

Napabuntonghininga si Rhea saka tumingin sa malayo.

"Alam mo ang totoo, Niel," pabulong na sagot ni Rhea.

"Manahimik ka, Rhea! Alam mo rin ang totoo!" may pagbabanta sa boses ni Niel saka iniwan na ang dalaga.

"Daddy, gusto kong mag-play," sabi ni Kaitlyn.

"Kakain na tayo, baby," sabi nya at kinurot ang kanang pisngi nito. "May ginawa kaming favorite spaghetti mo."

"Talaga, yehey! Spaghetti!" tili ng bata kaya napangiti si Niel saka ibinaba si Kaitlyn. "Sige na, punta ka na sa mga pinsan mo para sabay na kayong kumain, okay?"

"Yes, daddy!" sabi ni Kaitlyn at tumakbo para muling makipaglaro sa mga bata.

Kinuha ni Niel ang cellphone sa bulsa nang tumunog.

"Oh, George."

"Kilala ko na kung sino rin ang naghahanap ng listahan," pagbalita ni George sa kabilang linya.

"Sino?"

"Marco, assistant ng boss mo," sagot ni George.

"Boss ko? Si Ace?" may pagdududang tanong niya. Bakit naman same sila ng hinahanap ni Marco?

"Exactly," sagot ni George. "Natingnan mo na ba ang list?"

"Oo," sagot niya.

"May binigay sa akin si Kyle na names ng VIP," wika ni George. "Wanna see?"

"Send me," sabi ni Niel na biglang sumeryoso ang mukha. "Don't tell me—"

"Yes," sagot ni George na hindi pa tapos ang sasabihin niya kaya pinindot ni Niel ang endcall.
















Continue Reading

You'll Also Like

3K 95 55
Top News: The youngest son of Mr. and Mrs. Alfonso Escarilla is missing! The whole family is looking for the lost son. If found please contact Mrs. K...
1.1M 29.7K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
7M 79.4K 63
Darren really wants to be the President of the company. But he can only obtain that position if he will get married. So he set to find the one who wi...
474K 7.2K 94
10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm fallin...