Suramu Danku: Next Generation...

By ThunderFlex95

10.2K 826 251

Dalawang Kambal si Sakuhako at Akito sino sa kanila ang Tunay na Henyo sa Basketball? More

Suramu Danku 1: Next Generation Characters
Chapter 1: Ang Pagpasok Sa Basketball Association, Sakuhako Vs Kaite
Chapter 2:Pasado sa Pagsubok? Maligayang Pagdating Sa Male Training School Hako
Chapter 3: 3rd Generation Ng Shohoku
Chapter 4: Ang Lihim Tungkol Kay Akito at Sakuhako
Chapter 5: Hanamichi Sakuhako Vs Ace Sakuchiro
Chapter 6: Sa Bahay Ni Sora, At sa Takashita Family
Chapter 7: Ang Pagdating ni Rukawa, Ang Pagkikita ng Mag Ama
Chapter 8: Ang Pagdating Ni Sakuragi, Sakuhako Vs Sakuragi
Chapter 9: Laban ng Mag Ama Ang Slam Dunk Ni Sakuhako Laban Kay Sakuragi
Chapter 11: Ang Nakaraan Ni Ace Ang Takot Nya Kay Akito
Chapter 12: Ang Unang Laro Ni Sakuhako, Team Shohoku B Vs Team Riot
Chapter 13: Team Shohoku B vs Team Riot Ang Point Guard na si Lyion
Chapter 14: Ang Unang Dunk Ni Sakuhako
Chapter 15: Ang Pagbabalik Ni Sakuhako Sa Kanagawa Kasama Si Sakuragi
Chapter 16: Ang Tatlong Araw Na Training Ni Sakuhako Kay Sakuragi
Chapter 17: Ang Simula ng Shohoku
Chapter 18: Shohoku A Vs Shohoku B, Ang Pagpapasikat ni Sakuhako
Chapter 19: Ang Anak Ng Henyo
Chapter 20: Ang Kakayahan Ng Basketball Statistics Na si Kate Kaede
Chapter 21: Nakapasa Ang Lahat Maliban Lang Kay Sakuhako
Chapter 22: Ang Pagkikita Ni Sakuhako at Zoey, Ang Mission ni Sakuhako
Chapter 23:Ang Pagbabalik Ni Sakuragi Sa Basketball at Ang Pag Alis Ni Sakuhako
Chapter 24: Ako Parin Ang Bida Sa Kwento, Ang Hari Ng Slam Dunk - Sakuragi
Chapter 25: Sakuna Vs Inami, Ang Simula ng Training Ni Sakuhako
Chapter 26:Ang Pagpapatayo sa Shohoku Gym House
Chapter 27: Mga Bagong Kasama Ni Sakuhako Na Sina Miu at Otano
Chapter 28:Akito Vs Kate Ang Paghikayat At Paghamon sa Pinakamagaling Na Player
Chapter 29: Ang Tunay Na Kakayahan ni Akito, Ang Pagdating Ni Zoey
Chapter 30: Ang Shohoko
Chapter 31: Ang Pagbabalik Ni Sakuhako Kasama ang Hitogami Family
Chapter 32: Sakuhako and Otano Vs Akito and Ace 2on2
Chapter 33: Mastered Speed Ni Sakuhako
Chapter 34: Ang Kahinaan Ni Akito
Chapter 35:Ang Inggit Ni Sakutou Kay Sakuragi, Gusto Kong Maging Asawa Si Aisha
Chapter 36: Veterans Vs Generation
Chapter 37: Boyfriend Ni Kate? Ang Laban Ng Mag Ama Sakuragi vs Sakuhako
Chapter 38:Ang Paghanga ng mga Babae at Pagaling Ng Pagaling Na Si Sakuhako
Chapter 39: Si Sakurou at Inoue, Ang Pag gising ng kakayahan ni Sakuhako
Chapter 40: Ang Hikaw Ni Sakutou, Palatandaan Ng Galing Ni Sakuhako
Chapter 41: Ang Combination Attack Ni Sakuhako at Akito
Chapter 42: Ang Nalalapit Na Elimination Games para sa Interhigh Tournament
Chapter 43: Ang Kwento Ng Henyo Tungkol Sa Sapatos
Chapter 44:Ang Pagdating Ni Sora at Kumi At Ang Elimination Games
Chapter 45: Ang Kakayahan Ng Grupo
Chapter 46: Ang TUNAY na #1 Player sa Distrito, Si Sandro Watanabe
Chapter 47: Ang #1 Rookie Ang Matinding Galit Ni Sakuhako
Chapter 48: Ang Kapatid Ni Sandro na si Zairyl, Ang Umpisa ng 2nd Half
Chapter 49: Ang Pagbagsak Ni Sakuhako
Chapter 50: Isang Pamilya
Chapter 51: Inspiration, Ang Paglabas ng Kanilang Galing Dahil Kay Sakuhako
Chapter 52: Ang Rebound Shot Ni Zoey
Chapter 53: Ang Simula Ng Paghihirap Ni Kate Para Sakanyang Ama Na si Rukawa
Chapter 54: Ang Pagtatapat Ni Sakuhako at Aisha sa Isat Isa
Chapter 55: Hitogami's Aura
Chapter 56: Ang Pag Amin Ni Ace Kay Kate, At ang Sagot Ni Kate
Chapter 57: Si Boy Kulangot At Ang mga Kaibigan Ni Althena at Sakuhako
Chapter 58: Ang Isa Sa Nagpapasaya Kay Kate, Ang Tunay Nyang Nararamdaman
Chapter 59: Si Irene ang #1 Female player sa Distrito vs Althena Tobirama
Chapter 60: Ang Pinagmulan Ni Althena at ang Bagong Sakuragi Jr (Akito)
Chapter 61: Pangako Sa Isat Isa Hihintayin Kita Balang Araw
Chapter 62: Ako si Hanamichi Sakuhako, At ang Pagliligtas ni Sakuhako kay Kate
Chapter 63:Ang Babaeng Minahal Ni Rukawa At Ang Pagpapanggap Ni Kate at Sakuhako
Chapter 64: Ang Kwento Ni Kate, David at Renz Sa Amerika Part 1
Chapter 65:Ang Pagpapahirap kay Kate, At ang paghamon ni Renz ng 1on1 kay David
Chapter 66: Ang May Ari Ng Basketball Association, Ang Pamilya Koamoto!
Chapter 67: Ang Aso Ni Hisaka Koamoto Na si Sakuhako
Chapter 68: Shohoku Junior Players Vs Shohoku High School Players
Chapter 69: Ang Slam Dunk Ni Sakuhako vs Ace Sakuchiro
Chapter 70: Ang Utak Kriminal na si David at Hikaru Koamoto
Chapter 71: Ang Unang Pagkikita Ni Hisaka at Sakuhako, At Ang Red Pear Bracelet
Chapter 72: Selos?
Chapter 73: Kate Vs Althena, Ang Mala Kaede Rukawa Female Version na si Kate
Chapter 74: Ang Pagkamatay Ni Aisha
Chapter 75: Ang Mission Ni Zoey. Shohoku Vs Takezono
Upcoming And Spoiler
Chapter 76: Book 1 Season 2 Slam Dunk: New Generations
Chapter 77:Ang Kakayahan ni Yuriko At ang Laban Ni Sakuragi Vs Nikola Jones
Chapter 78: Ang Isang Daang Porsyento Ni Hanamichi Sakuragi Jr (Akito)

Chapter 10: Shohoku A Vs Soulferus

152 10 4
By ThunderFlex95

Nag hahanda na ang apat na grupo, para sa pagsusulit

Ang Team Shohoku B sa pangunguna ng Captain nilang si Renz

"Mamaya pa nman yung game natin mas mabuting mapahinga kana muna" sabi ni Renz

"Oo" sagot ni Sakuhako nakaupo sya sa sahig sa gilid ng court

Lumingon sya sa kanyang ama na si Sakuragi na kasalukuyang na nakaupo ngayon kasama ang ilang mga huhusga sa kanila, si Yutaro ang Coach ng Team Legendary, si Gordon ang Coach ng Phantom Swords at si Rukawa

Nakikita nyang masaya ang kanyang ama habang nakikipagbiruan sa mga dating kasamahan nya lalo na kay Rukawa

"Hoy Rukawa kaylangan mong magpaliwanag samin, pati narin tungkol kay Kenzo, saan probinsya ba sila pumunta ni Airi" tanong ni Sakuragi

"Hindi ko alam, wag mo kong tanungin" sagot ni Rukawa

"Abahh hanggang ngayon mayabang ka parin sumagot baka nakakalimutan mo kung sino ako dito" nainis na si Sakuragi

"Wala akong pakialam" banat ni Rukawa

"Grahhh talaga nman ang yabang mohhh" na lumabas na ang ugat ni Sakuragi sa sintido nya tamang pagpapakalma sa kanila si Yutaro at Gordon

"Matanong ko lang Hanamichi, Kamusta na nga pala kayo ni Haruko?" Tanong ni Yutaro para mabago ang topic dahil mukhang magkakaroon ng banggan si Sakuragi at Rukawa

"Huh? Ayos nman haha dalawang buwan din akong nagbakasyon sa trabaho para makasama ko pamilya ko, mabuti na lang nandyan si Daisuke haha" sagot ni Sakuragi

"Mag retiro kana kasi, mas maganda ipasa mona lang kay Daisuke, Ilan naba anak mo Sakuragi? Ngayon lang din kasi tayo nagkita" tanong nman ni Gordon

"Pito" sagot ni Sakuragi

"Ahhh pi-pitohh? Ang dami nman" sagot ni Gordon

"May kasabihan nga kapag marami masaya" sabi nman ni Yutaro

"Gahaha tama ka Yuta! Lalo na yung pangatlo ko ang ingay pati narin yung pang anim ko ang daldal masaya ang bahay kapag maingay lalo na nong birthday nya, bat di nga pala kayo dumating?" Tanong ni Sakuragi

"Di mo nman kami inimbitahan" sagot ni Gordon

"Nasa ibang bansa ako non kaya di ako nakadating, pero kapag may oras dadalaw ako sa inyo, Bat dika kumuha ng kasambahay? Lalo pa ang laki ng pamilya mo" sagot ni Yutaro

"Alam nyo pinag iisipan ko nga kumuha ng kasambahay kaso ayaw ni Haruko kaya daw nya alagaan mga bata, Lalo na ngayon nagdadalang tao sya, mainitin ulo nya ngayon ganun talaga sya, kaya kaylangan kong umuwi agad at maisama na si Hako sa bahay" sagot ni Sakuragi

Sa Court naghahanda na ang maglalaban ang Team Shohoku A at ang Team Soulferus

Nakasuot na sila ng kanilang mga jerseys

Ang Shohoko B sa pangunguna ng Captain nilang si Ace at ang matinding taktikang naiinis ni Kate ang sinusunod nila

Ang kulay ng jersey nila kulay red na nakasulat ang number sa harapan nila at ang last name nila

"Dapat Kaede pero ayos na toh hihi papa" ngiting sabi ni Kate medyo ngumiti din si Rukawa

Ang number ng Jersey ni Kate ay #11 si Ace nman #10

"Abahh Rukawa kahit na babae sya talagang nalampasan nya ang mga pagsubok, sa tingin ko dahil yun sa pagnanasa nya na kita ka" sabi ni Yutaro

"Paano kung makapasa sya at mabigyan ng Basketball License? San sya sasali? Hindi nman pwedeng sa Team ko o sa Team Legendary" sabi nman ni Gordon

"Ano kaba? Edi dun sa National Team, may dalawang National Female Team na pwede nyang salihan diba" sagot ni Yutaro nagsalita si Rukawa

"Tumahimik nga kayo, hindi sya sasali sa kahit na anong National Team, Mayron na syang career na papasukin, katulad ng mama nya, pero dito nya gusto sa Japan, Gusto nyang itayo muli ang Shohoko sa Kanagawa" sagot ni Rukawa

Napalingon si Sakuragi sa kanya

"Ahhh gusto nya palang maging Coach, Sa tingin ko mana nga sya kay Jasmin" sagot ni Yutaro

Habang nakatingin si Rukawa sa anak nyang kausap ngayon ang teammates nya, kitang kita nya na nakikinig nman ang mga kasamahan ng anak nya

Ang Team Soulferus nman ay White Jersey nman sa pangunguna ng Captain nilang si Kimoto, #4 kausap nya ang mga kasamahan nyang sina
Yusui
Hayami
Yasu
Ryujie

"Shohoku A and Soulferus" tawag ni Daisuke kaya lumapit ang dalawang grupo

"Makinig kayo, pinaliwanag kona sa inyo ang mga patakaran, Kapag may na-injury ang isa sa inyo na hindi na pwedeng maglaro, automatic talo na ang grupo nyo, kapag may naka kuha ng limang Foul automatic talo narin ang grupong yun, bente minutos ang game, kung sino ang lamang ng puntos sila ang panalo, kaya ngayon Jumball" paliwanag ni Daisuke na referee ngayon

Pumagitna ang maglalaban sa Jumball si Ace at Hayami, Si Hayami ang center ng Team Soulferus

"Ano? Si Ace ang center nila?" Tanong ni Lyion ng Shohoku B

"Sa tingin ko hindi, sya ang pinili nila sa jumball dahil sya pinakamatangkad sa kanila, mas matangkad kasi si Hayami kaysa kay Kioko kaya si Ace pinili nila" sagot nman ni Wiston ng Team Shohoku B na nanonood ngayon

Tahimik lang sa sulok si Sakuhako nakaupo nakasandal sa pader ng gym nanonood

"Kaya mo yan Ace" pag checheer ni Kate

"Hhmm" tango ng ulo na senyas ni Kioko

Pagtapon ni Daisuke ng bola sa taas sabay na tumalon si Ace at Hayami pero si Ace ang nanalo

"Sabi na nga ba" sabi ni Lyion na nanonood ngayon

Agad na kinuha ni Jai ang bola ang Point Guard ng Team Shohoku A

Nang aatake na ang Shohoku A sa takbuhan kitang kita na nahuhuli si Kate at napansin agad nila na binabaliwala sya ng mga kalaban nila

"Sabi na nga ba, porket babae ako yan nakikita nilang kahinaan namin, at hindi ako makahabol sa bilis nila, tama ang kalkulasyon ko, pero mayron silang nakakalimutan" sabi ni Kate ang Shooting Guard ng Team Shohoku A, huminto sya sa pagtakbo

Patuloy sa pagtakbo si Jai ang Point Guard ng Team A, sumenyas sa kanya si Ace

Ipinasa ni Jai ang bola kay Ace, tumalon si Ace nang biglang

"Hindi mo kami kaya Ace" na lumitaw sa likuran nya ang Power Forward ng Team Soulferus na si Ryūji at sinupalpal ang bola

"Ahhh" kinagulat ni Ace

Kinuha agad ni Kimoto ang Point Guard ng Team Soulferus ang bola na agad nman sinabayan ni Jai ang Point Guard ng Team Shohoku A

"Ayos lang yan" sabi ni Kate sa mga kasamahan nya tumatakbo sya nasa hulihan

At nang nasa gitna na sila ng court habang tumakbo

"Hindi na dapat ako magpigil heto na! maximum speed" sabi ni Kimoto ang Point Guard ng Soulferus

At naiwan nya si Jai na sumasabay sa kanya

"Ang bilis nya" sabi ni Jai ang Point Guard ng Shohoku A

Samantala sina Sakuragi

"Abah mabilis ang batang yun ahh" sabi ni Gordon ang Coach ng Phantom Swords

"Mayron akong naalala sa kanya, si Kenzo" sabi nman ni Yutaro ang Caoch ng Team Legendary

"Ang batang si Kimoto Eushida, Una syang nadiscover sa isang bayan sa Hiroshima, nakikipaglaro sya sa mga kalaro nya, nang makita ko ang potensyal nya" sagot ni Sakuragi

"Karamihan sa mga studyante nyo dito, ikaw naka diskubre sa kanila diba?" Tanong ni Yutaro

"Kukunin ko ang batang yan, kung magiging studyante ko sya sa Phantom Swords siguradong mas gagaling pa sya" sabi ni Gordon

"Lahat sila may kanya kanyang mga technique at abilidad sa paglalaro ng basketball, hindi sila makakapasok dito kung wala silang ganun, Tulad ni Kimoto at sa iba pa tignan nyo" sagot ni Sakuragi

At ang Point Guard ng Shohoku A na si Jai

"Hindi ako papayag Kimoto" sabi ni Jai ang Point Guard ng Shohoku A

Nang ipapasa na ni Kimoto ang bola sa Center nilang si Hayami biglang lumitaw si Jai at tinapik ang bola

"Magaling" sabi ni Ace

"Imposible? Ang bilis ng kamay nya" sabi nman ni Yutaro na nanonood

"Kita mona? Mabilis si Kimoto, at mabilis nman ang kamay ni Jai, dalawang point guard na magkaiba ng stilo at abilidad sa paglalaro" sagot ni Sakuragi

Dumeretso ang bola papunta kay Kate na nasa hulihan

Tumakbo si Kate, Ngunit mabilis lang syang nahabol ng Team Soulferus kaya nabaliwala ang fastbreak nila

Tumigil sya sa pagtakbo habang nakahanda na agad ang Soulferus mag depensa

Nasa harapan nya si Yusui ang Small Forward ng Team Soulferus

"Yusu-kun" sabi ni Kate na drinidribble ang bola

"Alam mo Kate, wala akong pakialam kung babae ka man, hindi ako maaawa sayo" sagot ni Yusui na nakadepensa

Sumigaw si Louki

"Wag mong sasaktan ang girlfriend ko, Dito mahal ko" sigaw ni Louki ang Power Forward ng Team Shohoku A, na sumesenyas na ipasa sa kanya ang bola

"Ano?" Natahimik ang lahat pati si Rukawa sa narinig nya

Pero di nman pinansin ng Team Soulferus ang sinabi ni Louki dahil kilala nilang babaero ang taong ito

Maingat na drinidribble ni Kate ang bola

"Mas matankad sya, kung ishohot ko nman ang bola madali lang nyang ma boblock" sabi ni Kate sa kanyang isipan lumingon sya sa mga kasamahan nya

At nakita ni Ace sa mata ni Kate na gumalaw ang mata ni Kate papuntang kanan

"Anong problema Kate? Bakit hindi ka lumusot o di kaya ishot yan" sabi ni Yusui

"Yusu-kun masyado ka nman atang seryoso ahh, Sige tignan natin" sabi ni Kate

Seryosong nanonood ang ama nyang si Rukawa nag aabang kung paano malulusutan ng anak nya ang sitwation na ganito

Nang biglang itinaas ni Kate ang bola nakaposisyon sa pagtira nasa 3 point line sya

"Baliwala yan" sabi ni Yusui

Itinira ni Kate ang bola, tumalon si Yusui pero

"Ano? Mas tinaasan nya ang pag tapon sa bola para hindi ko maabot? Pero baliwala yan" sabi ni Yusui nahawakan ng daliri nya ang bola

"Rebound" sigaw ni Yusui habang si Kate bigla na lang ngumiti nang biglang

"Wahhhhhh" sigaw ni Ace nasa ere na pala

"Ahhhh" gulat na Team Soulferus at malakas na dinakdak ni Ace ang Bola

"Alley oop pala simula palang yan na binabalak mo" sabi ni Yusui

"Oo, ang totoo nyan kalkulado ko ang lahat" sagot ni Kate

"Naisahan nya ako" sabi ni Yusui

"Hihi sorry Yusu-kun" bungisngis ni Kate

Sa tatlong minutong laro unang nakapuntos ang Team Shohoku A dahil sa fake shot ni Kate at alleyoop ni Ace

Lumapit si Ace kay Kate at nag apiran sila pero

"Arayyy ang sakit" sabi ni Kate na namaga ang kamay nya

"Ayos tatalunin natin sila" sabi ni Ace sa mga kasmahan nya

"Oo" sigaw ng apat na kasama ni Ace na si Kate, Kioko, Louki, Jai

Habang si Sakuhako nakasandal parin sa gilid ng court at dahil sa 1on1 nila ng tatay nya kanina nakatulog sya

Samantala sa labas ng association

"Bakit ka nagsinungaling? Akito-sama?" Tanong ni Melliana

"Alam kong balang araw pupunteryahin nila si Hako, gagamitin nila, para wasakin ang Association, Mangyayari ulit ang nakaraan" sagot ni Akito

"Kaya nagsinungaling ka na lang at sinabi mong ikaw ang hinahanap nila diba? Hindi ko inaakala na may malasakit ka parin sa kakambal mo" sagot ni Melliana

Habang si Akito biglang naalala ang sinabi ni Daisuke nong nag usap sila

"Ang dapat mong gawin ay protektahan sya" sabi ni Daisuke

"Kapag dumating na ang oras na yun, si Papa nanganganib din sya, si Hako at mga kapatid ko kaya kaylangan may gawin ako" sabi ni Akito

"Papasok ka sa grupong yun? Kung ganun sasama kami" Sabi ni Melliana

"Oo nga" sagot nman ni Gildar

"Hindi, ako lang pupunta dun, shaka mayron akong ipapagawa sa inyo" sagot ni Akito

Continue Reading

You'll Also Like

409K 11.1K 53
Haruko...HATAKE?!?!? That's right our favorite sensei has a daughter. Watch her journey as she joins team seven in their adventure to become the grea...
1.7K 411 33
Sinong kakalma!? Kung ang tilapya ko, naging sawa!?. --- COMPLETED Written by: Glossysaa Date started: November 30, 2021 Dated ended: May 23, 2022
63K 1.6K 43
Y/n Sendoh, little sister of the ace of Ryonan High School, Akira Sendoh. She is a shy, smart and plays basketball with the help of his older brother...
81.7K 2.3K 77
WARNINGâš : THIS IS A MIN YOONGI TAGALOG FANFICTION!! By: Redchilaaax/blackminlai