BY THE WAY, HIS NAME IS JACK...

Par mimhytot

15.7M 473K 126K

Odd name it is and one thing is for sure: Next to his name is nuisance. This story is now available in leadin... Plus

By the Way, His Name is Jack Frost
[1] Summer
[2] First Day of Class, Day of My First..
[3] The Gangster
[4] Unending Fights
[5] Storm
[6] Tan Siu International Academy
[7] Jasmine
[8] By the Way
[9] His Name
[10] Eggs
[11] Egg Party
[12] Don't Let Him Know
[13] The Lost Gangster
[14] The Popular Jasmine
[15] A Good Friend
[16] Bad News
[17] The Jack Frost Equation
[18] True Color of a Flower
[19] Avellino High
[20] Thunder
[21] In The Midst Of a Rainy Night
[22] This Must Be Something
[23] Jasmine The Second
[24] Okay
[25] Words That Were Not Left Unsaid
[26] Promise
[27] First Times
[28] Type AB
[29] Snow White
[30] Three Years Ago
[31] Betrayal
[32] The Risk
[33] The Tresspassers
[34] Judgment Day
[35] Hear His Heart
[36] Friendship
[37] The Rejection
[38] The Transformation of Jack Frost
[39] Break You A Little
[40] Wanted: Jack Frost
[41] Tangled
[42] Two Broken Hearts
[43] Suicide Mission
[44] The Superior
[45] Jasmine Herrera: Who Are You? (Part 1)
[46] Stupid Bravery
[47] All About Revenge
[48] Change of Heart?
[49] Like a Knife
FINALE
EPILOGUE
BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROST BOOK

[45] Jasmine Herrera: Who Are You? (Part 2)

176K 5.7K 1.1K
Par mimhytot

"What the f*ck? Are you serious?!" hindi makapaniwalang tanong ni Israel matapos marinig ang eksplenasyon ni Jasmine.

Kasalukuyan silang nasa hideout matapos nilang mapagkasunduang ito ang tamang lugar upang isuwalat ni Jasmine ang katauhan niya sa kanilang dalawa.

Nanatiling tahimik si Jack at hindi magawang iproseso sa utak niya ang lihim na ibinunyag sa kanila ng dalaga.

"Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang hirap paniwalaan." Inis na saad ni Israel.

"I'm sorry kung hindi ko kaagad sinabi sa inyo. But believe me, wala akong masamang pakay." Saad ni Jasmine.

"Pero bakit ganun? Kung kapatid ka nga ni Thunder, bakit sa Tan Siu mo pinili pumasok? Bakit hindi sa Avellino?" pagbubusisi pa lalo ni Israel.

Nagpakawala muna ng malalim na paghinga ang dalaga bago siya nito sinagot. "Hindi pa ba sapat na dahilan na because Thunder studies there? And besides, ang dami ko ring naririnig na masamang balita about Avellino. Sinong gugustuhing pumasok sa paaralan na sobrang gulo." Paliwanag ni Jasmine.

"Grabe. Hindi pa rin ako makapaniwala." Ulit ni Israel habang umiiling. Napahawak pa siya sa noo niya at hinilot ito. "Ayaw talagang pumasok sa utak ko ang mga sinabi mo, Jasmine."

Bumuntong hininga na lang ulit si Jasmine at saka inilipat ang tingin kay Jack na kanina pa walang imik.

"How about you, Jack? Naniniwala ka ba sa kanya?" tanong ni Israel.

Tumingin si Jack sa mga mata ni Jasmine at tinitigan niya ito ng matagal. Ilang sandaling namagitan ang katahimikan at tensyon sa pagitan nilang tatlo bago tuluyang sumagot si Jack.

"Of course. She's the girl that I love," sagot niya habang patuloy na nakatitig sa mga mata ng dalaga. "And we must always trust the people that we love." Dagdag pa ng binata.

"Nagsasabi ako ng totoo. Kung ano man ang gulong meron sa inyo ni Thunder ay labas ako roon. Kung may kasalanan man ako rito, tanging ang hindi ko lang pagsasabi kaagad na related kami. Natatakot lang ako na baka magkaron ng epekto ang pagiging magkapatid namin ni Thunder sa relasyon natin, Jack."

Tumayo si Jack at saka inabot ang kamay ni Jasmine. "You don't have to explain yourself. I will always believe in you."

Tila nabunutan naman ng tinik ang dalaga sa kanyang narinig. Kaagad siyang tumayo at niyakap si Jack habang si Israel naman ay hindi na lang makapaniwalang napailing.

Hindi niya matanggap na ganoon lang kabilis na pinaniwalaan ni Jack ang mga sinabi ni Jasmine. Para sa kanya ay hindi sapat ang mga paliwanag ni Jasmine pero anong magagawa niya kung ang taong tanging may karapatan lang na magduda at maghinala ay pinatawad na at tinanggap na kaagad ang paliwanag ng inaakusahang nagkasala. Sabagay, mayroon nga namang kasabihan na "Never explain yourself to anyone. People who doubt you won't believe you anyway and people who believe in you don't need it."

Lumipas ang ilang buwan na parang walang nangyareng komprontasyon sa pagitan nina Jack, Jasmine at Israel. Minabuti na lang din ni Israel na huwag nang magsalita tungkol rito at kalimutan na lang ang nangyare. Hindi na rin nila sinabi pa ang bagay na natuklasan nila sa mga kaibigan nila dahil ayaw na nilang palakihin pa ang issue.

"Hanggang kailan mo ako patuloy na susundan, Israel?"

Natigilan sa paglalakad si Israel nang marinig niya ang boses ni Jasmine. Tumingin siya sa madilim na parte ng maliit na eskenita na kinaroroonan niya at dahan-dahan doong lumabas si Jasmine.

Pilit na lang siyang natawa sa sarili niya at napakamot sa ulo. "Patay, nahuli ako." Pabirong saad niya.

Nagcross-arms si Jasmine at saka mas lalong lumapit sa kanya. Nawala na ang mala-anghel na imahe nito kapag magkakasama sila nina Jack.

"Alam ba ni Jack ang ginagawa mo?" kunot noong tanong ng dalaga.

Tuluyan nang inalis ni Israel ang mapagpanggap na ngiti at saka seryosong tinitigan si Jasmine. "Bakit? Magsusumbong ka?" tanong niya rito.

Sarkastik na natawa si Jasmien at saka tinaasan siya ng kilay. "Itigil mo na ang pagsunod mo kung ayaw mong isumbong talaga kita. Unti-unti na akong naiirita sa'yo."

Natawa ng pilit si Israel sa pagtataray nito. Mukhang ito talaga ang totoong kulay nito. "Kung si Jack naniniwala sa'yo, ibahin mo ako. I don't trust you. At proprotektahan ko ang kaibigan ko kung ano man ang masamang binabalak mo."

Hindi makapaniwalang natawa si Jasmine matapos marinig ang sinabi niya. "Sinabi ko na, hindi ba? Wala akong masamang balak. And for pete's sake, Israel. Mag-iisang taon na tayong magkakakilala. May masamang nangyayare ba? Hindi ba't wala?"

"Wala...pa." pagdidiin ni Israel.

Napailing na lang si Jasmine sa kanya. "Fine. Bumuntot ka hanggang sa magsawa ka." saad ng dalaga.

Tatalikuran na sana niya si Israel pero natigilan siya nang magsalitang muli ang binata.

"Kung ang balak mo ay sirain sina Jack at Storm, mabibigo ka lang."

Gulat na ibinalik ni Jasmine ang tingin sa kanya. "A-Ano?"

"Huli na kita, Jasmine."

Matagal na hindi nakapagsalita si Jasmine at hindi na niya nagawa pang sumagot kay Israel. Natawa na lang siya nang pilit nang mukhang nahuli na talaga siya nito.

"So ano pang ginagawa mo? Bakit hindi mo pa sabihin kay Jack kung talagang alam mo na?" tanong ng dalaga.

"Ayokong saktan si Jack, Jasmine." mabilis na sagot ni Israel.

Mabilis na iniwas ni Jasmine ang kanyang tingin matapos marinig ang naging sagot niya.

"Hindi kita maintindihan. Kitang kita naman sa mga mata mo na mahal mo si Jack pero bakit mo ginagawa ito? Utos ba 'to ni Thunder? Plano niyo bang dalawa 'to?"

Dahang-dahang umatras palayo sa kanya ang dalaga. "Wala kang alam kaya mabuti pang lumabas ka na lang sa sitwasyon, Israel. Huwag ka nang makisawsaw pa sa gulo."

"Wala pang gulo, Jasmine. Dahil hindi ko hahayaang magkaroon ng gulo. Kaya ngayon pa lang pinipigilan na kita sa kung ano man ang posibleng mangyare."

"You don't understand, Israel." inis na saad sa kanya ng dalaga. "Hayaan mo akong gawin kung anong ginagawa ko. Huwag mo akong pigilan."

"Well, I'm sorry Jasmine pero tulad nga ng sinabi ko, ayokong masaktan si Jack. Madaming paraan para masira ang pagkakaibigan ni Storm at Jack. Huwag mong gamitin ang paraan na ito. Pare-parehas lang kayong masasaktan."

Umiling sa kanya si Jasmine. "Gawin na lang nating simple ang usapang to, Israel. Patuloy ko pa rin gagawin ang ginagawa ko. Bahala ka na kung paano mo 'ko mapipigilan." saad ng dalaga at saka tuluyang umalis sa harapan niya.

~***~

Tahimik na naglalakad si Storm sa hallway ng Tan Siu nang bigla na lang may lalaking marahas na humablot sa braso niya at pwersahan siyang ipinasok sa loob ng isang bakanteng classroom di kalayuan sa kanila.

"What the hell, man? You startled me!" gulat na saad ni Storm nang makita niyang si Israel lang pala ang humablot sa kanya.

"What the f*ck are you doing, Storm?" kunot noong tanong ni Israel sa kanya.

"What? Anong pinagsasabi mo?" clueless na tanong ni Storm.

"Hindi mo ba alam kung gaano ka pinagkakatiwalaan ni Jack?"

Kaagad na nawala ang kunot sa noo ni Storm. Tila nabuhusan siya nang malamig na tubig nang marinig niya ang sinabi ni Israel.

"With all people, t@ngina bakit ikaw pa? Mas pinagkakatiwalaan ka niya kaysa sa akin o kahit kanino pa man, Storm."

Iniwas ni Storm ang tingin niya at napahawak sa ulo niya. "But I love her."

Isang malakas na suntok ang kaagad na tumama sa kanya pagkasagot niya noon. "Ang daming iba, Storm! Handa kitang ipakilala sa kapatid ko o pati sa mga pinsan ko. Huwag na siya!"

"Hindi mo 'ko naiintindihan. Hindi ko rin ginusto 'tong nararamdaman ko para sa kanya."

Inis na napahawak si Israel sa ulo niya. "Hindi mo ba alam kung gaano kasakit ang mararamdaman ni Jack kapag nalaman niyang may relasyon kayo ni Jasmine? Mapapatay ka niya!"

"Alam ko," sagot ni Storm at saka napayuko. "Pero anong magagawa ko? Habang pilit kong pinipigilan ang nararamdaman ko, mas lalo ko siyang minamahal."

Iniwas ni Israel ang tingin niya at saka inis na sinipa ang pader na nasa tabi niya. Gusto niyang sabihin sa kaibigan na plano lang ni Jasmine ang sirain sila ni Jack pero hindi niya alam kung papaano niya sasabihin ito rito. Katulad ng kay Jack ay ayaw rin niyang masaktan ito.

"You are so f*cked up, Storm." ang tanging nasabi niya at iniwan ito.

~***~

"You look so troubled lately." puna ni Jack kay Israel habang naglalakad sila patungo sa hideout ng grupo.

Saglit na natigilan si Israel sa ginawang pagpuna nito pero pinilit niya ang sarili niyang umasta nang normal. Iniisip niya tuloy kung masyado na ba siyang halata na namromroblema sa pinaggagagawa nina Jasmine at Storm at maging si Jack Frost na kilala sa pagiging insensitive ay napansin na ang pagiging balisa niya.

"Madami lang talaga akong iniisip lately." sagot niya at saka mas binilisan ang paglalakad. Nang nasa tapat na sila ng pintuan ng hideout ay bubuksan na sana niya ang pinto pero natigilan siya nang biglang magsalita ulit si Jack.

"Do you have anything you want to tell me?"

Gulat niyang ibinalik ang tingin sa kaibigan. "What? Wala!" napakadefensive na sagot niya.

"But you seemed to." nagdududang sagot naman ni Jack.

"Wala, ano ka ba." Umiiling na sagot ni Israel at saka tuluyan nang binuksan ang pinto.

Pagkabukas niya nang pinto ay papasok na sana silang dalawa ni Jack pero parehas silang natigilan nang hindi nila inaasahang may dalawang tao pala silang maaabutan sa loob.

Tila kaagad na nagunaw ang mundo ni Jack nang makita niyang ang babaeng pinakamamahal ay may kahalikang ibang lalaki, at ang masaklap ay ang best friend pa niya ito.

Hindi na napigilan ni Israel ang sarili at agad siyang sumugod patungo sa dalawa at mabilis na hinila si Storm palayo kay Jasmine at binigyan ito ng suntok sa mukha.

Kaagad namang napahiga sa sahig si Storm at halata sa itsura niya ang pagkabigla. Si Jasmine naman ay kaagad na napatayo mula sa pagkakaupo sa sofa at natatakot na tiningnan si Jack na nanatiling nakatayo sa may pintuan habang nakatulala.

"J-Jack..." kinakabahang tawag niya rito.

Dahan-dahan namang iniangat ni Jack ang tingin niya sa mukha nito.

Hindi malaman ni Israel ang gagawin niya. Napahawak siya sa ulo niya at napasabunot sa buhok niya.

"Wow." tanging lumabas na salita sa bibig ni Jack.

Awtomatikong may pumatak na luha mula sa mga mata ni Jasmine habang pinagmamasdan si Jack. Hindi ito ang gusto niyang mangyare. Wala ito sa plano niya.

"L-Let me explain." nanginginig na saad ni Jasmine.

Natawa nang pilit si Jack. "Explain? What for?" halatang galit na tanong ng binata.

"J-Jack... Please." Dahan-dahang lumapit sa kanya si Jasmine at balak sana siyang hawakan ng dalaga pero mabilis niyang itinulak ang kamay nito palayo.

"Don't. You. F*cking. Touch. Me."

Mas lalong bumuhos ang mga luha ni Jasmine habang si Storm naman ay kaagad na tumayo at lumapit din kay Jack. "Kasalanan ko 'to. Please, hayaan mo muna siyang magpaliwanag." Saad ni Storm pero pagkalapit niya ay agad siyang nakatanggap ng napakalakas na suntok sa mukha galing kay Jack.

"F*ck you!" gigil na sigaw ni Jack. "I f*cking trusted you! How could you?!"

Napatakip sa bibig niya si Jasmine at dahan-dahang lumapit muli sa binata. "J-Jack...please."

Napahilamos sa kanyang mukha si Jack bago gigil na tiningnan muli sa mga mata si Jasmine. "Why?" nanghihinang tanong niya sa babaeng pinakamamahal. "Why, Jasmine? What did I do wrong?"

"Jack..." tanging sagot lang ng dalaga.

"I trusted you. I trusted you not to destroy me. I gave you all the love that's left in me. But how could you?"

Napayuko si Jasmine at hindi siya magawang tingnan. "I'm sorry, I'm really sorry. Jack, please..."

"Don't tell me you're sorry, Jasmine. People are only sorry for the things they never meant, not for the things they planned."

Mas lalong naiyak si Jasmine sa mga salitang binitiwan ng binata. Nasaktan niya ito ng lubusan pero mas doble ang sakit para sa kanya dahil siya ang nanakit rito.

"Jack...Please..."

"But maybe the mistake was mine...because I trusted you."

Tiningnan muna siya ng binata ng puno ng pagkadismaya bago ito tuluyang umalis at iwan sila.

~***~

I'm so sorry for keeping you all wait! Ilang months ba kayo naghintay? 4 months? And yeah, that was suck, I know!!!!

Hindi ako makapagupdate cuz my brain gets tired everyday sa pag-iisip sa mga problema ko. You see, tao lang din ako. :( And bcuz of that, hindi na ako makapag imagine ng magagandang scenes. Masyado nang nalalamon ang utak ko ng depression. It's not a good place to stay I know, but I cant find my way out. I'm drowning with my own thoughts. I keep on hurting myself everyday. :/

So sana maunawaan nyo rin kung bakit nawala ako ng matagal. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mahanap ang sarili ko na nawala but I know, malapit ko nang mahanap 'yon. :)

Anyway, BTWHNIJF volume 1 will be out in the market tomorrow! Please grab a copy! Alam kong hinding hindi kayo magsisisi sa pagbili. The book version is way better I promise! And it's worth 175php only.

Also, due to public demand, I will reupload the raw version of BTWHNIJF here! And tatanggalin ko na lang siya once na marerelease na ang volume 2. Are we okay with that? Say yes! SAY YES!!!!

At saka nga pala, I've been answering same questions everyday I don't know why people are still not updated. :( So I'm going to repost here the FAQ regarding BTWHNIJF book!

Kailan magiging available sa bookstores? - June 22

Magkano? - 175php

Complete na ba? - Hindi pa dahil kinailangang hatiin sa 2 volumes

Tatapusin pa ba sa wattpad? - YES.

Kung may mga hindi ako nasagot sa mga tanong nyo kindly tweet me na lang @mimhytotwp kasi doon talaga ako active.

Again, maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta. Sana wag po kayo magsawa.

And!!!!!! Sa mga bumili ng books and bibili, kindly tag me on your pics with the book. And if hindi naman nakakaabala baka pwede pong makahingi ng review! Also please dont forget to use the hashtag #BTWHNIJF para naman makita ko rin yung posts nyo and mashare ko. Maraming salamat po!

I hope you all enjoyed the update :D

- Mims

zg��Vv� 2�&

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

19.7K 572 9
Impyerno ko , impyerno din nila. [Completed]
882K 30.3K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
993K 7.8K 62
Paano nga ba maglaro ang Tadhana? Gaano ba ito kapatas? Gaano ba ito kabait, at gaano ba ito kasama? Tungkol ito sa tatlong tao na napili ng tadhana...
153K 3.7K 54
What will you do if you end up in someone else body?