WANDA For You

HEYNEENAMOR tarafından

463 57 6

"Alam ko naman, kahit makailang iko't pa man ang mundong ito, hinding-hindi mo ako pipiliin.." Daha Fazla

Sobre
Contract
Coffee
Drive
Outfit
Announcement
TrashCan
Plan
Lunch
Cebu
Hot
Hot II
Egg
Boat
Tears
Back
Night
Morning
Laugh
False
Stay
Theo
Condo
Stare
Reply
GF
Dinner
Zero
Kalma
Morning
Why
Musika

Busy

18 0 0
HEYNEENAMOR tarafından

Gia's POV

Nagdaan ang ilang mga araw. Magkakasunod na tv guesting ang pinuntahan ni Arman. Sa lahat ng iyon ay kasama niya ako. Hindi naman na lihim pa sa mga tao na nakakakilala sa amin kung anong relasyon ang meron kami. Masaya kami dahil positibo ang pag tanggap nila sa amin.

Isang buwan pa lang ang relasyon namin pero bakit ganito? Pakiramdam ko ay sampung taon na. Parang ang tagal-tagal na naming magkakilala. Masyadong mabilis. Tila kabisado na namin ang isa't-isa. Ganito nga siguro ang pakiramdam kapag soul mate mo yung tao. Soulmates daw kami, iyon ang sabi ng iba. Siguro nga. Same birthday, madaming bagay na sobrang magkatulad. Sa mga gusto at sa ayaw. Ang dami-dami naming similarities! At doon ako labis na kinikilig. Kaya napapaniwala nila akong , soulmate ko nga ang tao na ito.



Bumalik ako sa wisyo ng nakawan ako ng halik ni Arman. Nakaupo kami sa loob ng kotse niya habang naghihintay ng order naming kape. Sobrang tagal ko bang nakatulala? Mukha siguro akong tanga.


"Love, okay ka lang? Inaantok ka pa ano? Matulog ka muna. Gigisingin na lang kita kapag nasa bahay na tayo."




"No. Hindi ako inaantok. Iniisip lang kita kaya napapatulala ako." sagot ko dito. Ngumiti ito at tila namumula ang parehong tenga. Oopps, my boyfie's blushing! Haha.



"Sana nakadamit ako habang iniisip mo ako hah!" ganting sagot nito kaya ako naman yata ang namula. Mabilis kong pinisil ang braso nito hanggang sa inihiga ko na lang ang ulo ko sa balikat niya.



"Bakit ang tagal ng kape natin." mahinang bulong ko dito.



"Oh, ito na, tayo na ang next." nang makausap ang nasa unahang kotse ay iniabot na ng crew ang dalawang kape namin. Napatingin ako sa crew na tila kinikilig habang inaabot kay Arman ang kape.


Nang makabalik kami sa kalsada ay inangat ko na yung isang kape. Natawa ako ng mabasa ko ang nakasulat sa cup nun.



"Enjoy your Coffee Sir Arman! I'm a fan!"


"Look, she's a fan. Kaya pala ganun yung ngiti kanina." tanging sambit ko. Binasa ni Arman ang tinuturo ko sabay tingin sa mukha ko.




"Don't be jealous." nakangiting sabi nito kaya nanlaki ang mata ko.


"Excuse me! Hindi talaga! Bakti naman ako magseselos dun????" okay, ang laki ng reaksyon ko. Natawa tuloy si Arman. Kilalang-kilala niya ako talaga! Arrrggg..


"Okay. Relax. Hindi na." pigil ngiting sambit niya habang hinahawakan ang kamay ko.



"Hindi nga ako nagseselos." pagkumbinse ko pa dito.


"Oo, hindi na." pigil parin ito sa pagngiti kasi alam niyang mapipikon na ako.


"Arman." alam niya na kapag tinawag ko na siya sa pangalan niya, seryoso na ako at hindi na nakikipagbiruan. Pinisil niya ang kamay ko sabay iwas ng tingin para pakalmahin ang sarili niya na hindi matawa kasi alam niyang kapag nakitaan ko pa siya ng kaunting ngiti, hindi ko talaga siya kakausapin.








Nandito kami ngayon sa Main house nila Arman kung saan nakatira si Thea. Binisita lang namin ang mag-ina dahil kakagaling lang sa sakit ng baby nito na si Theo. Normal lang naman sa baby ang magkasakit pero hindi parin namin maiwasan na mag-alala, lalo na itong ulirang Tito ni Theo.




"Where's Theo?" bungad agad ni Arman sa kapatid niya. Bumeso ako kay Thea habang sinusundan ng tingin si Arman paakyat ng kwarto nung baby.


"Kita mo yang Kuya ko, dinaanan lang ako." natawa ako sa sinabi ni Thea.



"Ngayon lang kasi nagka vacant ang schedule ng kuya mo kaya ngayon lang kami nakabisita. Kamusta na pala si Theo? Bakit daw nilagnat? Anong sabi ng Doktor?"



"Tigdas. Naawa nga ako! Iyak ng iyak. Pati ako wala ng tulog. Salitan na nga lang kami ni Juan na magpatulog sa kanya..."



"Mabuti naman at gumaling na siya. Ang hirap mag-alaga talaga ng bata. Mabuti at may katuwang ka. Naalala ko yung pinsan kong si Jenny, mag-isa lang siya nung lagnatin din yung baby niya. Ang hirap kapag wala talagang katuwang."



"Kaya nga Ate Gia. Ang swerte ko diyan kay Juan."



"Nabanggit sa akin ni Arman na babalik ka na ng pag-aaral mo?"


"Oo Ate. May nahanap na rin kami na mag-aalaga kay Theo. Gusto ko kasi talagang tapusin yung pag-aaral ko.."


"Masaya ako para sayo. At para sa Kuya mo. Alam kong alam mo kung gaano kahalaga iyang desisyon na iyan para sa kuya mo."


"Oo Ate Gia. Hinding hindi ko bibiguin si Kuya. Magtatapos ako.." niyakap ko si Thea matapos niyang sabihin iyon. Masaya ako para sa kanya.









A week after——











"Minsan na lang kita makita dito sa bahay niyo, nagmamadali ka namang umalis. Hindi na tayo nakakpag-usap hah!" hininto ko ang pag-aayos ng gamit ko at humarap kay Jenny.


"Hala, nagtatampo na pala ang pinsan ko! Tara nga dito! Payakap!" lumapit si Jenny sa akin at sinalubong ang yakap ko. Tama naman siya. Sa sobrang busy ko , bihira na lang akong umuwi dito sa bahay.


"Gia, nakakapagpahinga ka pa ba? Okay ka lang ba? Kayo ni Arman? Kamusta?"



"Okay pa ako Jenny. Nakakapagpahinga parin naman ako. Medyo nagiging busy lang. Pero after ng concert , makakapagpahinga na din ako ng matagal. Sure na yan!"


"Eh kayo ni Arman? Kamusta?"



"Masaya. Masaya ang puso ko Jenny."



"Wag masyadong mag invest ng love hah! Matuto ka na! Magtira sa sarili okay?"



"Mahal ko pa naman ang sarili ko!" biro ko.



"Gia, alam mo kung anong ibig kong sabihin! Ilang buwan na lang, mag iibang bansa ka na. For sure naman, nasabi mo na kay Arman diba?" hindi ako nakapagsalita.



"Hey, don't tell me——"



"I changed my plans. Hindi na ako tutuloy sa Canada."



"Ano? Akala ko ba plantsado na? Akala ko ba wala ng magpapabago ng decision mo?"




"Jenny, iniisip ko pa lang na malalayo ako kay Arman, ikamamatay ko na yata?—— alam ko ang OA ko sa part na iyon pero Jenny, ngayon lang ako naging sigurado. Sigurado na ako sa kanya! Ayoko siyang iwan."



"Alam na ba nila Tita?"



"Oo."




"Okay. Pero—— paano yung mga loans , yung lupa—-"



"That's why tumatanggap ako ng tripleng raket. Pasasaan m eh matatapos din ito."



Niyakap ako ng mahigpit ni Jenny.






















Nandito ako ngayon sa hospital bed ni Arman. Isang linggo na lang at concert na niya pero ito siya, sinisisi ang sarili niya dahil sa pagkawala ng boses niya. Kahapon pa lang, pansin na namin yung pagkapaos ng boses niya. Dahil sa labis na pagod sa sunod-sunod na rehearsals. Kailangan ni Arman ng complete voice rest ng ilang araw para bumalik agad ang boses nito, iyon ang sabi ng doktor. Kaya nag-uusap kami ni Arman tru typing of words sa phone. Naaawa ako sa kanya kasi kanina pa niya sinisisi ang sarili niya, naging pabaya daw siya.



"Walang may kasalanan okay? Ginawa mo lang yung dapat mong gawin. Maybe, need lang talaga ng lalamunan mo na magpahinga.. Magdasal tayo para bumalik agad yung boses mo.."

"Baka hindi matuloy ang concert Gia. Natatakot ako.."



"No. Matutuloy yan! Ano ka ba! Wag kang mag-isip ng ganyan."


"Natatakot ako."



Hinawakan ko ang kamay ni Arman.


"Nandito lang ako, hindi kita pababayaan. Hindi kita iiwan dito! Dito ako matutulog."


"No need to sleep here. Mas komportable sa bahay. I texted Thea to come over."


"I texted Thea na wag na siyang pumunta , may inaalagaang bata ang kapatid mo. Kaya ko Arman, ako ng bahala sayo."


He mouthed "Thank you, I love you" tsaka niya ako hinatak para yakapin niya. Naiiyak na rin ako habang yakap yakap siya. I know, malalagpasan to ni Arman. Bukas o sa makalawa, babalik na ang boses nito..







Isang gabi lang ang nilagi ni Arman sa hospital. Nagpumilit na kasi siyang sa bahay na lamang magpagaling. Nagkakaroon naman na ng improvement sa boses niya, pero medyo paos nga lang pero atleast, may improvement. Complete voice rest talaga siya. Ayan tuloy, boses ko lang ang naririnig sa buong bahay niya.


Naabutan kong nakatayo at nakatingin si Arman sa madilim na kalangitan. Ramdam kong nag-aalala ito dahil ilang araw na lamang ay concert na niya pero ito siya, paos parin. Niyakap ko siya mula sa likuran. Hinawakan nito ang mga kamay kong nakayakap sa kanya.




"I need to postpone my concert." mahina pero rinig kong sabi nito.



"Hey. May ilang araw pa. Gagaling ka din agad. Ano ka ba, ang dami mo ng pinagdaanan para matuloy ang concert. Yang boses mo, babalik din yan. Gagawin natin lahat ng bilin ng Doktor! Magiging okay ka!"



"How.."



"Magdadasal tayo." mahinang sabi ko dito. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko hanggang sa hinarap na niya ako. I saw his eyes. Namumula iyon. Hudyat na iiyak na siya. Nagulat ako ng bigla siyang yumakap sa akin.




"Thank you.." mahinang bulong nito..




"Hey.. Don't cry. Please. Bawal ka umiyak, remember? Shhh.. You need to rest. Matulog ka ng maaga. Tara na sa kama?" bago pa man sumagot si Arman ay hinalikan na nito ang mga labi ko. Hindi ako handa sa halik na iyon pero aminado akong gustong-gusto ko iyon. Alab.













Himala. Pareho kaming nakatingin sa stage kung saan siya magpeperform mamayang gabi. Tuluyan ng bumalik ang boses niya. Himala. Iyan ang tanging naiisip namin. Dasal. Sinagot ng Panginoon ang dasal ko.





"Anong nararamdaman mo ngayon?" tanong ko sa lalaking yakap-yakap ako mula sa likuran.





"Masaya. Sobrang saya. Pinakamasayang birthday."




"Happy Birthday." pang 100 times ko na yatang bati sa kanya ito ngayong araw.



"Happy birthday too my love." sagot nito palagi. Birthday naming pareho. Pareho kaming may trabaho. Pero okay lang. Blessings kasi talaga.




"Okay na yung rehearsal hah. Voice rest na para mamaya." sabi ko dito na akala mo ay professional voice coach ako.



"Wow? Voice coach ka na din?" natatawang biro nito.




"Basta! Ay naku Arman! Rest! Okay?" hinatak ko siya papuntang dressing room.


"Okay! Okay!"

Nakatulala akong nakatingin sa sarili ko sa vanity mirror ditto sa dressing room ni Arman. Gumugulo sa isip ko ang isang email na aksidente kong nabasa mula sa laptop nito. Isang callback email from an International Theater Production.

"He auditioned for a west end show. Hindi manlang sinabi sa akin." bulong ko sa sarili ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Nasaktan ako. Oo, Ang dami na agad pumasok sa isip ko.

"Aalis siya?"

"What if he passed sa audition callback? Iiwan niya ako?"

"Kaya ko? Matitiis niya?'

Natataranta akong binalikan ang nakabukas na laptop ni Arman, maingat ko iyong tinipa. Pabalikbalik ang tingin ko sa natutulog na si Arman sa sofa.

"message delete.."

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

148K 3.3K 62
Love is a gamble and in a blink of an eye you could lose everything. Will Flynne de Leon be willing to risk it?
83.4K 6.7K 35
Matapos ibalik sa mga Dalca ang Helderiet Woods, kinailangan nang umalis ni Mr. Phillips sa Grand Cabin upang manirahan pansamantala sa timog. At hin...
5.3K 502 35
Sa simpleng banggaan nabago ang buhay ko, sa pagiging simple naging komplikado!! Paano ko malalampasan to?? ...
67.5K 1.2K 33
Will you still lay your cards just to be fixed? You #2 of You Duology © 2016 by Chancymoon