WANDA For You

By HEYNEENAMOR

463 57 6

"Alam ko naman, kahit makailang iko't pa man ang mundong ito, hinding-hindi mo ako pipiliin.." More

Sobre
Contract
Coffee
Drive
Outfit
Announcement
TrashCan
Plan
Lunch
Cebu
Hot
Hot II
Egg
Boat
Tears
Back
Night
Morning
Laugh
False
Stay
Theo
Condo
Stare
Reply
GF
Dinner
Zero
Kalma
Busy
Why
Musika

Morning

10 1 0
By HEYNEENAMOR

Gia'a POV

"Gosh, 7th page done! Wohooo." tili ko habang sini-save ang draft ko sa sinusulat ko. Co-writer ako ni Direk Pat sa new book niya kaya dapat ay hindi ko siya ma-disappoint! Kahit naman 3 months ang binigay niya sa akin to finish the assigned chapters, ginagawa ko na ngayon—— ayokong mangarag no! Dapat matapos ko ito ng mas maaga!

Sumandal ako sa upuan tsaka sinipat ang glass window. Mataas na ang sikat ng araw. Siguro ay 7am na. 6 am pa lang kasi kanina ng dumating ako dito sa head Office upang dito na ituloy ang drafts. Mas okay kasing magsulat kapag wala pang tao tsaka, mas malakas ang internet dito!

Napatingin ako sa phone ng may mag-message doon.




"Good Morning !"


It's from Arman. He's been doing this thing for about a week now? Well, sanay naman ako sa early text niya pero hindi sa araw-araw na good morning! Dati, puro about sa trabaho, or schedule niya. But now? Good morning? Turuan ko kaya to gumamit ng emoji. Hays.




I'm about to reply ng bumukas ang pinto ng office kung saan ako nag stay kapag nandito ako sa head office ni Direk Pat. It's just a small office kaya nakakagulat ang biglaang pagbukas ng pinto.


"Hi!" nakangiting bati ni Arman. Pumasok ito at umupo sa harapan ko.



"Oh? Bakit nandito ka na naman? At ganito kaaga talaga?" tanong ko dito habang napako ang tingin ko sa hawak nitong kape at paper bag na tila tinapay ang laman. Naaamoy ko lang naman yung kape at tinapay.




"Coffee and pandesal for the workaholic lady.." nakangiting sabi nito sabay lapag ng kape at pandesal sa harap ng table ko.



"Paano mo nalaman na nandito na ako? Tsaka , wala ka bang rehearsal ngayon? Teka nga, bakit nandito ka?.."




"We're both a morning person. Ayokong masayang ang oras ko na natutulog lang. I want to start my day early."



"And wasting your time here?" tanong ko dito sabay kuha ng kape na nilapag niya sa harap ko.



"Walang masasayang na oras sa akin. Seeing you here is not a waste of time. I love staring at you like this eh." sabi nito sabay pangalumbaba sa harapan ko. Binuksan ko yung paperbag na may lamang pandesal tsaka ko inalok sa kanya.



"Wag ka ngang maging cheesy, hindi bagay sa branding mo! Oh, pandesal! Kumain ka rin! Sure ako, hindi ka pa nag bbreakfast!"



"Hindi na! Para sayo lang talaga yan!"



"Isa!"



"Oh, ito na, kukuha na!" natawa ako .





"Mukha kang puyat Arman, nagiging hobby mo na yan, ang isipin ako sa gabi." biro ko dito and he laugh!



"Hah? How did you know?" kunyaring tanong nito.


"Ah, kung hindi ako, sinong iniisip mong ibang babae?" hamon na tanong ko dito.



"You. Only you." sagot nito. Kunyari ay nandidiri ako sa sinabi nito pero I found it sweet. My God.



"So what's your schedule today? May rehearsal ka ba?" tanong ko dito.



"Hmm, yeah —- 10am, actually, next week na ang TDR namin, nakakaexcite!"



"Ooops, naiisip ko pa lang, ramdam ko na ang magiging pagod mo for the next couple of weeks, months..."



"Well, kinakabahan na nga ako.. pero kaya ko naman siguro?"



"Basta, mag rest ka hanggat may free time ka. Alagaan mo yang boses mo."



"I will." nakangiting sagot nito.



"Hey! Stop smiling! Para kang tanga." kunyaring irita na sa kanya.



"Ayaw mo iyon , ang aga mo kiligin—— aray! Yung muscle ko!"



"Tutusukin ko yan ng perdible!" banta ko dito at sabay kaming natawa.















Mabilis na lumipas ang mga linggo. Mas napapalapit na muli ang puso ko kay Arman. Aaminin ko, mas espesyal ang kilig na nararamdaman ko ngayon kumpara sa dati. Sa dalas naming magkita, kulang na lamang ay tumira kami sa iisang bahay.






"Hala! Ngumingiti na naman mag-isa yung inlove jan! Hoy, may label na ba?"



Napalingon ako ng marinig ko ang pang-aasar ni Nana. Magkasama kasi kami ngayon sa isang meeting para sa concert ni Arman.





"Ano? May label na ba kayo?" isa pang ulit na tanong ni Nana.


"Ano ka ba, wala."



"Bakit wala parin? I mean, hello! Gia! Halos isang buwan na kayong parehong ganyan, halatang inlove naman sa isa't-isa. Bakit wala paring label?"



"Nana, masaya ako. Masaya kami. Okay na iyon."



"Okay na iyon? Girl!!! Alam mo, umahon ka na diyan! Nalulunod ka na naman sa kilig tapos ano? Wala lang? Friends lang? Hooooy! Girl, kapag iyan si Arman iniputan ng ibang babae, ay naku! Bakuran mo na nga!!! Ask him, ano ba talagang intensyon niya sayo? Nanliligaw ba?"



Napaisip ako bigla.




Hindi naman ito nag promise ng kahit na ano eh. Ayokong pangunahan siya. A-alam kong alam niya kung gaano ako kasaya kapag magkasama kami. Alam niya kung gaano ako ka-kumportable sa kanya.. But he never said a promise. He never said a word if nanliligaw ba siya, ano ba kami, saan ba talaga kami papunta. A part of my heart, umaasa. Pero hindi ako natatakot. Kasi baka sa pagkakataong ito,  baka naman manalo na yung pusong umaasa diba? Baka pareho na kami ng nararamdaman. Baka umaasa din yung puso niya diba?






Natigil ang pag-iisip ko ng pumasok si Direk Pat sa conference room. Pag-uusapan kasi namin ngayon ang schedule ni Arman para sa mga tv guesting niya for promoting his first solo concert.














Napatingin ako sa inilapag na wine glass ni Arman sa counter table. Nandito kami ngayon sa unit niya para mag celebrate. Nakarating na kasi sa kanya yu g balita about his  upcoming four TV guesting for promoting his concert.




"ASAP? All out Sunday? It's Showtime at Magandang Buhay? 4 major tv shows ng dalawang channel sa Pilipinas? Paano ka nakakuha ng schedule ko?? As in Wow!!!" halos hindi makapaniwala parin na sabi nito.


"Sabi ko naman sayo, magaling ako magbenta!" biro ko dito sabay slice ng home made steak ni Arman.



"The best ka talaga!!! Salamat ! Sobrang salamat!"



"Anything, for you." sagot ko dito. He smiled.




"Kamusta ang mga sulat mo? May pag-usad na ba?" siya naman itong nagtanong tungkol sa libro na sinusulat ko.



"Yeah, kahit papaano, may usad naman."



"Ano bang magagawa ko para matulungan kita?" napangiti ako.



"Bakit? Kaya mo bang magsulat ng libro?" hamon na tanong ko sa kanya.



"How I wish! Pasensya na, wala akong maitutulong sa pagsusulat mo." nahihiyang sabi nito.


"Ano ka ba! Okay lang! I don't need help. Kaya ko to! Basta nandiyan ka lang palagi sa tabi ko, kantahan mo lang ako palagi, gaganahan na akong magsulat." nakangiting sabi ko dito. Nakangiti itong lumipat ng upuan at tumabi sa akin.




"Ganito ba kalapit? Tapos anong gusto mong kanta?" pang aasar nito kaya hinampas ko yung hita niya sabay kurot sa abs nito. Natatawa itong napayakap sa akin.




Walang palya ang pagpapakilig ng tao na ito sa akin. Mas lalo ko siyang nakikilala sa mabilis na pagpapalit ng mga araw. Hinding hindi ako napapagod na magtrabaho para sa kanya. Hindi ako napapagod na tulungan siya. Ganito nga siguro yung pakiramdam ng totoong pagmamahal? Gagawin mo ang lahat, yung binabalewala mo yung pagod, para lang sa ikagagaan ng loob niya.


Mahal? Mahal ko na nga yata. Siguro nga. Mahal ko na si Arman?












Nakangiti akong nakatingin sa view ng citylights mula dito sa condo unit ni Arman. Ang ganda ganda talaga ng view dito, umaga man o gabi, totoong napakaganda.

Napahawak ako sa mga kamay na yumakap sa akin mula sa aking likuran. We're both staring to the beautiful full moon. Ang ganda ganda nito.





"What a view. Ang ganda ng buwan." rinig kong sabi nito.





"Sobra." tanging sambit ko.





"Pero sigurado ako, kakainggitan ka ng buwan, kasi sa mga mata ko, ikaw parin ang mas maganda." sabi nitong muli. Napangiti ako mas lalong humigpit ang pagkakayakap ni Arman sa akin.




"Magagalit ba ang buwan kapag sinabi ko, na ikaw ang pinakamakinang na bituin na kilala ko?" sabi ko naman kay Arman.



"I love you." rinig kong sabi ni Arman. Humarap ako sa kanya upang siguraduhin kung tama ang narinig ko? He loves me??




"What did you say?"





"I love you, Gia." nakangiting pag-ulit nito.







I smiled on him, with a teary eyes. I look on his lips. Mga labi na nagbibigay ng pinakamagandang musika sa akin araw-araw.



I kiss him. I want to taste that warm soft lips of him! Halik na bumabaliw sa akin. Mabilis ang pagtugon nito. Handa ako—— handa akong magpakalunod sa init ng halik ng lalaking mahal ko.


















Arman's POV


Nakangiti akong nakatitig sa screen ng laptop ko. Ilang minuto pa lamang ng magsend ako ng audition videos ko for a new West End Musical Show na may US tour by June next year. It was my dream to perform in an International theater stage. Always been my dream. At yung pangarap na iyon, hinding hindi ko pwedeng isantabi at kalimutan. Ito na oh. Malapit na.



"Hey, breakfast is ready! Tapos ka na mag shower?" Mabilis akong lumapit kay Gia to give her a hug.



"Dapat ginising mo ako! Ako dapat ang nagluluto niyan eh." sabi ko dito sabay kuha ng kamay nito.


"Mas masarap parin akong magluto kesa sayo no!" sagot nito sabay pisil sa ilong ko. Patakbo itong bumalik sa kitchen kaya hinabol ko siya. Hanggang sa maabutan ko ito. Isang mahigpit na yakap muli ang ibinigay ko sa kanya. Wala na akong ibang hihilingin sa babaeng yakap ko ngayon. Wala na akong ibang maiisip na pwedeng makasama ko habang buhay, siya lang. Pwede pa pala? Pwede pa palang maging masaya ang puso ko ? Pwede pa pala.







👽

Continue Reading

You'll Also Like

153K 5.2K 67
He never had any idea that she will be the center of his universe when he first met her. And also, he never had any idea that she will be the sole re...
133K 3.8K 54
(Under Editing All parts) Date of write: February 2020 Date publish: June 28 2021!!!! End: May/28/2022 Mafia series 2
Her Savior By M

Non-Fiction

1M 38.8K 65
ProfessorxStudent Story!!!
5.3K 502 35
Sa simpleng banggaan nabago ang buhay ko, sa pagiging simple naging komplikado!! Paano ko malalampasan to?? ...