Suramu Danku: Next Generation...

By ThunderFlex95

10.2K 826 251

Dalawang Kambal si Sakuhako at Akito sino sa kanila ang Tunay na Henyo sa Basketball? More

Suramu Danku 1: Next Generation Characters
Chapter 2:Pasado sa Pagsubok? Maligayang Pagdating Sa Male Training School Hako
Chapter 3: 3rd Generation Ng Shohoku
Chapter 4: Ang Lihim Tungkol Kay Akito at Sakuhako
Chapter 5: Hanamichi Sakuhako Vs Ace Sakuchiro
Chapter 6: Sa Bahay Ni Sora, At sa Takashita Family
Chapter 7: Ang Pagdating ni Rukawa, Ang Pagkikita ng Mag Ama
Chapter 8: Ang Pagdating Ni Sakuragi, Sakuhako Vs Sakuragi
Chapter 9: Laban ng Mag Ama Ang Slam Dunk Ni Sakuhako Laban Kay Sakuragi
Chapter 10: Shohoku A Vs Soulferus
Chapter 11: Ang Nakaraan Ni Ace Ang Takot Nya Kay Akito
Chapter 12: Ang Unang Laro Ni Sakuhako, Team Shohoku B Vs Team Riot
Chapter 13: Team Shohoku B vs Team Riot Ang Point Guard na si Lyion
Chapter 14: Ang Unang Dunk Ni Sakuhako
Chapter 15: Ang Pagbabalik Ni Sakuhako Sa Kanagawa Kasama Si Sakuragi
Chapter 16: Ang Tatlong Araw Na Training Ni Sakuhako Kay Sakuragi
Chapter 17: Ang Simula ng Shohoku
Chapter 18: Shohoku A Vs Shohoku B, Ang Pagpapasikat ni Sakuhako
Chapter 19: Ang Anak Ng Henyo
Chapter 20: Ang Kakayahan Ng Basketball Statistics Na si Kate Kaede
Chapter 21: Nakapasa Ang Lahat Maliban Lang Kay Sakuhako
Chapter 22: Ang Pagkikita Ni Sakuhako at Zoey, Ang Mission ni Sakuhako
Chapter 23:Ang Pagbabalik Ni Sakuragi Sa Basketball at Ang Pag Alis Ni Sakuhako
Chapter 24: Ako Parin Ang Bida Sa Kwento, Ang Hari Ng Slam Dunk - Sakuragi
Chapter 25: Sakuna Vs Inami, Ang Simula ng Training Ni Sakuhako
Chapter 26:Ang Pagpapatayo sa Shohoku Gym House
Chapter 27: Mga Bagong Kasama Ni Sakuhako Na Sina Miu at Otano
Chapter 28:Akito Vs Kate Ang Paghikayat At Paghamon sa Pinakamagaling Na Player
Chapter 29: Ang Tunay Na Kakayahan ni Akito, Ang Pagdating Ni Zoey
Chapter 30: Ang Shohoko
Chapter 31: Ang Pagbabalik Ni Sakuhako Kasama ang Hitogami Family
Chapter 32: Sakuhako and Otano Vs Akito and Ace 2on2
Chapter 33: Mastered Speed Ni Sakuhako
Chapter 34: Ang Kahinaan Ni Akito
Chapter 35:Ang Inggit Ni Sakutou Kay Sakuragi, Gusto Kong Maging Asawa Si Aisha
Chapter 36: Veterans Vs Generation
Chapter 37: Boyfriend Ni Kate? Ang Laban Ng Mag Ama Sakuragi vs Sakuhako
Chapter 38:Ang Paghanga ng mga Babae at Pagaling Ng Pagaling Na Si Sakuhako
Chapter 39: Si Sakurou at Inoue, Ang Pag gising ng kakayahan ni Sakuhako
Chapter 40: Ang Hikaw Ni Sakutou, Palatandaan Ng Galing Ni Sakuhako
Chapter 41: Ang Combination Attack Ni Sakuhako at Akito
Chapter 42: Ang Nalalapit Na Elimination Games para sa Interhigh Tournament
Chapter 43: Ang Kwento Ng Henyo Tungkol Sa Sapatos
Chapter 44:Ang Pagdating Ni Sora at Kumi At Ang Elimination Games
Chapter 45: Ang Kakayahan Ng Grupo
Chapter 46: Ang TUNAY na #1 Player sa Distrito, Si Sandro Watanabe
Chapter 47: Ang #1 Rookie Ang Matinding Galit Ni Sakuhako
Chapter 48: Ang Kapatid Ni Sandro na si Zairyl, Ang Umpisa ng 2nd Half
Chapter 49: Ang Pagbagsak Ni Sakuhako
Chapter 50: Isang Pamilya
Chapter 51: Inspiration, Ang Paglabas ng Kanilang Galing Dahil Kay Sakuhako
Chapter 52: Ang Rebound Shot Ni Zoey
Chapter 53: Ang Simula Ng Paghihirap Ni Kate Para Sakanyang Ama Na si Rukawa
Chapter 54: Ang Pagtatapat Ni Sakuhako at Aisha sa Isat Isa
Chapter 55: Hitogami's Aura
Chapter 56: Ang Pag Amin Ni Ace Kay Kate, At ang Sagot Ni Kate
Chapter 57: Si Boy Kulangot At Ang mga Kaibigan Ni Althena at Sakuhako
Chapter 58: Ang Isa Sa Nagpapasaya Kay Kate, Ang Tunay Nyang Nararamdaman
Chapter 59: Si Irene ang #1 Female player sa Distrito vs Althena Tobirama
Chapter 60: Ang Pinagmulan Ni Althena at ang Bagong Sakuragi Jr (Akito)
Chapter 61: Pangako Sa Isat Isa Hihintayin Kita Balang Araw
Chapter 62: Ako si Hanamichi Sakuhako, At ang Pagliligtas ni Sakuhako kay Kate
Chapter 63:Ang Babaeng Minahal Ni Rukawa At Ang Pagpapanggap Ni Kate at Sakuhako
Chapter 64: Ang Kwento Ni Kate, David at Renz Sa Amerika Part 1
Chapter 65:Ang Pagpapahirap kay Kate, At ang paghamon ni Renz ng 1on1 kay David
Chapter 66: Ang May Ari Ng Basketball Association, Ang Pamilya Koamoto!
Chapter 67: Ang Aso Ni Hisaka Koamoto Na si Sakuhako
Chapter 68: Shohoku Junior Players Vs Shohoku High School Players
Chapter 69: Ang Slam Dunk Ni Sakuhako vs Ace Sakuchiro
Chapter 70: Ang Utak Kriminal na si David at Hikaru Koamoto
Chapter 71: Ang Unang Pagkikita Ni Hisaka at Sakuhako, At Ang Red Pear Bracelet
Chapter 72: Selos?
Chapter 73: Kate Vs Althena, Ang Mala Kaede Rukawa Female Version na si Kate
Chapter 74: Ang Pagkamatay Ni Aisha
Chapter 75: Ang Mission Ni Zoey. Shohoku Vs Takezono
Upcoming And Spoiler
Chapter 76: Book 1 Season 2 Slam Dunk: New Generations
Chapter 77:Ang Kakayahan ni Yuriko At ang Laban Ni Sakuragi Vs Nikola Jones
Chapter 78: Ang Isang Daang Porsyento Ni Hanamichi Sakuragi Jr (Akito)

Chapter 1: Ang Pagpasok Sa Basketball Association, Sakuhako Vs Kaite

311 9 5
By ThunderFlex95

Si Sakuhako, isa sa anak ni Haruko Akagi, sa bayan ng Kanagawa

Mayron syang kakambal, ang pangalan ay Sakuragi Jr o Akito ang palayaw

Noong 10th birthday ng kambal napansin ni Sakuhako ang pagkakaiba ng mundo nila ng kakambal nya dahil si Akito dahil sa mahilig sa basketball, nasa kanya ang lahat ng atenyson ng lahat

Napatunayan nya iyon nang makatanggap ng napakaraming regalo si Akito, habang sya apat na regalo lang natanggap nya, isa sa kanyang ina, Lolo't lola nya at uncle nyang si Akagi

At mas lalong nadurog ang puso ni Sakuhako nang makita nya ang regalo ng kakambal nya mula sa kanilang ina, isang mamahaling regalo

Habang sya isang luma at simpleng bracelet na kulay pula

Nagalit sya sa kakambal nya at deretsahan syang sinabihan na

"Alam mo ba kung bakit? Dahil wala kang kwenta, lahat ginagawa ko para mapasaya si mama, si Lola at lolo, pero ikaw ano bang nagawa mo?" Tanong ni Akito

"Ang yabang mo" galit na galit na si Sakuhako

"Tama na Kuya wag kayong mag away" sabay ni Haruka kapatid nila

Wala si Haruko nasa trabaho, ang magbabantay sa kanila ay ang Lolo't lola nila

Dahil sa matinding pagtatalo ng kambal, matinding selos ni Sakuhako, na pakiramdam nya ay baliwa lang sya dahil lahat ng tao ay kay Sakuragi jr nakatingin

Nang sandaling iyon, nagpasya syang lumayas

Nang kinagabihan imbes na mataranta si Haruko sa pagkawala ni Sakuhako

"Papunta na sya dyan sa Kanagawa, ikaw nang bahala sa kanya mahal ko" sabi ni Haruko na mukhang alam ang mangyayari

Sakay ng isang truck pinasakay si Sakuhako, papunta sa isang lugar na hindi nya kilala, tinanong nya ang driver at ang sagot sa kanya papunta sya ng Tokyo

Hindi nya alam ang driver ay si Ohkuso isa sa kaibigan ni Sakuragi at Haruko

At nang makarating si Sakuhako ng Tokyo nakilala nya ang isang lalaking ang pangalan ay Mr Saura lalo pa ng malaman nyang isang basketball player si Mr Saurai

Gusto ni Sakuhako na magpaturo ng basketball kay Mr Saurai subalit ayaw ni Mr Saurai, sa loob ng bahay

"Bakit ba gusto mong matutong ng basketball?" Tanong ni Mr Saurai

"Dahil gusto kong talunin ang kakambal ko" sagot ni Sakuhako

Tinanong ni Mr Saurai ang tungkol sa pamilya ni Sakuhako

"Lima kaming magkakapatid, dalawa kaming lalaki at tatlong babae, Si Mama busy sya sa trabaho nya, umaga ang trabaho nya, uuwi sya ng hapon para alagaan si Lucy bunso naming kapatid, tapos si papa nman hindi ko alam, isang beses sa isang buwan lang sya umuwi, minsan dalawang araw o tatlo tapos aalis nanaman sya kahit umiiyak yung dalawang kapatid ko wala syang pakialam" kwento ni Sakuhako

"Saklap nman, ano bang trabaho ng papa mo at ganyan sya ka busy?" Tanong ni Mr Saurai

"Hindi ko alam, pero ang alam ko basketball player sya, yan laging kwento samin ni mama, nakakasawa na nga eh" sagot ni Sakuhako

"Ganun ba? Pasensya na talaga hindi talaga kita pwedeng turuan ng basketball, hindi ako nagtuturo pero mayron akong alam na lugar para matuto ka ng basketball" sabi ni Mr Saurai

"At saan nman yan manong?" Tanong ni Sakuhako

"Sa Basketball Association" sagot ni Mr Saurai

"Basketball? Association?" Tanong ni Sakuhako

"Hindi ko pala nabanggit sayo, dati akong manlalaro sa national team, Mayrong dalawang klaseng basketball player dito sa ating bansa, yung isa Pro Basketball Player at yung isa nman hindi, yung Pro Player, Sila yung mga representative ng bansa natin naglalaro sila sa labas ng bansa, at yung mga hindi nman, sila yung mga basketball players na naglalaro lang sa local games kagaya ng Interhigh, Winter Tournament, College Matches at iba pang competition, subalit may pagkakataon din na may magagaling na basketball players na hindi miyebro ng National Team, Hinihikayat sila para sumali, kagaya ko, hindi nman talaga ako nag training sa basketball association, hinikayat lang ako at isa ako sa pinakamagaling wahahaha" mayabang na paliwanag ni Mr Saurai

"Ano yun? Wala nman akong naintindihan" sabi ni Sakuhako

"Ganito na lang para maintindihan mo, Mayrong dalawang klase ng Basketball Player, yung isa lisensyado yung isa nman hindi, Yung mga may lisensya sila yung nakapaglalaro sa labas ng bansa at yung walang lisensya dito lang sa bansa natin sila naglalaro, para maging lisensyado kang basketball player kaylangan mo munang kumuha ng lisensya sa basketball association, naintindihan mona ba?" Tanong ni Mr Saurai

"Ehhhhhh?" Lutang na si Sakuhako

"Dibali na nga, Gusto mo bang maging basketball player?" Tanong ni Mr Saurai

"Oo nman syempre" sagot ni Sakuhako

Nakita ni Mr Saurai ang seryosong mukha ni Sakuhako

"Hhhmmm sige, Bago ka nila tanggapin, kaylangan may ipakita ka pruweba na may kakayahan ka ngang maging Pro Player, kaya sige tuturuan kita ng basics ng basketball, pagkatapos mayron akong ibibigay sayo para makapag enrole ka" sagot ni Mr Saurai

"Basics ano nman basics?" Tanong ni Sakuhako

"Ang pangunahing kailangang matutunan ng gusto maging basketball player ay ang Dribbling, Passing, Shooting, Rebounding at iba pa" sagot ni Mr Saurai

Simula non, walang tigil sa basics ng basketball si Sakuhako

Habang nag dridribble ng bola si Sakuhako naisip nyang tanungin rin si Mr Saurai

"Manong napansin ko lang, matagal na akong nandito, Wala ba kayong pamilya?" Tanong ni Sakuhako

"Meron nasa malayong lugar sila, yung asawa ko kasama yung mga anak namin, mayron kaming anim na anak" sagot ni Mr Saurai

"Ahhh naiintindihan kona kaya pala minsan wala kayo, umuuwi sa inyo, Ano ba trabaho ninyo?" Tanong ni Sakuhako

"Hindi pwedeng sabihin" sagot ni Mr Saurai

"Ang labo nyo nman, Teka manong hanggang kailan nman ako mag aaral basics?" Tanong ni Sakuhako

"Kapag kontento na ako" sagot ni Mr Saurai pakape kape pa

"At kaylangan ka nman makokontento?" Tanong ni Sakuhako

"Hindi ko alam" sagot ni Mr Saurai

"Gaahhhkk nakakainis kahhhh" sigaw ni Sakuhako mabilis na nadribble ang bola

Umabot ng Isa, Dalawa, Tatlo, Apat, Lima

Liman taon na sumama si Sakuhako kay Mr Saurai, si Mr Saurai narin nagpaaral kay Sakuhako, simula Middle School hanggang 2nd year Junior high

Nang oras na para tuparin ni Sakuhako ang pangako nyang pumasok sa basketball association, mayron binigay sa kanya si Mr Saurai

"Ano toh manong?" Tanong ni Sakuhako

"Gate Pass yan, hindi ka basta basta nila papa-pasukin kung wala kang ganyan, ipakita mo sa kanila yan" sagot ni Mr Saurai

"Ano? Ibig sabihin hindi nyo ko sasamahan?" Tanong ni Sakuhako

"Malaki kana, para samahan pa kitahh" napasigaw na si Mr Saurai habang napangiwi na lang si Sakuhako

Kinabukasan nagpaalam na sya kay Mr Saurai, mag isang pupunta si Sakuhako sa Basketball Association sakay ng isang Taxi

"Pag may oras dadalaw ako sa inyo" na nasa loob ng Taxi na si Sakuhako

"Sige, mag iingat ka" sagot ni Mr Saurai

Pagkaalis ni Sakuhako

"Hihintayin kita sa pinakatuktok Hako, Ngayon hay salamat makakauwi narin, ilang buwan narin ng makauwi ako sa bahay" sabi ni Mr Saurai nang biglang tumunog ang cellphone nya na nasa bulsa nya kinuha nya

"Oh ano?" Tanong ni Mr Saurai na nasa tenga na nya ang cellphone nya

"Chairman kaylangan po kayo dito" boses ng isang lalaki

"Ano? Pwede ba pagpahingain nyo nman ako, Nandyan nman si Daisuke diba? Sabihin mo sa kanya sya na muna mag asikaso ng lahat, pati sa community sabihin mo magbabakasyon ako ng dalawang buwan, walang tatawag sakin ahh" sabay malakas na binagsak ni Mr Saurai ang cellphone nya

"Bwisit, wala ba silang utak? Puro na lang sakin umaasa, Uuwi na muna ako ngayon na nasa maayos na kalagayan si Hako, panahon nman siguro para makasama ko sila, tamang tama birthday ni Lilia next month uuwi na ako" sabi ni Mr Saurai na ang tunay na pangalan ay SAKURAGI

Para hindi makilala ni Sakuhako, binago ni Sakuragi ang buhok nya, kulay at ginamit din nya ang pagbabalat kayo na ginagawa ni Haruko at Kumi noon, ang Scientific Machine na kung saan nagpanggap noon si Haruko na si Kumi at nagpanggap din si Kumi na si Haruko (Genius: Hanamichi Sakuragi Book 1 and 2)

Mayron anim na anak si Sakuragi, Una ang panganay na kambal na si Sakuhako at Sakuragi Jr na parehong 15 years old

Ang pangatlo ay si Haruka, 10 years old pang apat ay si Sakura 8 years old ang pang lima ay si Lucy 6 years old at ang pang anim ay si Lilia 3 years old na mag bibirthday next month

Dalawang lalaki, apat na babae

Hindi na naabutan ni Sakuhako, si Lilia dahil wala sya, noong kasama nya si Mr Saurai o si Sakuragi, na halos limang taon, sa limang taon na iyon pasekretong umuuwi si Sakuragi sa Kanagawa minsan tatlo o isang linggo sya don para makasama ang pamilya asawa nya na si Haruko

10 am ng umaga nasa isang malaking building na halos hindi na matanaw ni Sakuhako ang toktok, umuulan ng nyebe nakabihis ng makapal na kasuotan si Sakuhako proteksyon sa lamig

"Heto yun? Wow grabe ang taas ilang palapag kaya ang building na toh? Hindi ko matanaw ang tuktok" sabi nya na nakatingala na umuusok pa ang bibig tuwing magsasalita sa lamig ng panahon

"Paano ako makakapasok dito?" Tanong nya nang biglang may nagsalita

"Hoy bata, anong ginagawa mo dyan? Bawal ka dyan" tanong ng naka distinong guard na pakape kape pa

"Ahhhh meron nagsabi sakin na dito daw ako pumunta" sagot ni Sakuhako

"Umalis kana, hindi ka pwedeng pumasok dito, pwera na lang kung mayron kang ipapakitang proweba" sagot ng guard

Doon naisip ni Sakuhako ang binigay sa kanya ni Mr Saurai, kinuha nya sa bulsa nya

"Heto ohh" sabi ni Sakuhako

"Huh? Guhhhh" napangiwi ang guard na nakadistino at mabilis na lumabas binuksan ang pinto

"Sige tumuloy kana" sabi ng guard pumasok si Sakuhako

"Matanong ko lang, ano bang pangalan mo?" Tanong ng Guard

"Huuhh? Hanamichi Sakuhako" sagot ni Sakuhako

"Guuhhh" napangiwi sa takot ang guwardya

"Sige mauuna na ako" sabi ni Sakuhako

Naglakad na sya papunta sa pinto ng malaking building na di nya matanaw dulo sa sobrang taas

"Ha-hanamichi Sakuhako? Sya yung, Anak ni Chairman, hindi na ako nagtaka yung Gate Pass nya para yun sa mga matataas na opisyal ng association" sabi ng guard na takot na takot

Paglapit ni Sakuhako

"Wahhh ang laki siguro mga nasa 100 palapag ang gusali na toh, ay hindi baka 200 ang taas" sabi nya

Tinignan nya ang paligid nakita nya ang mga kotseng naka parking

Sa unang palapag ng building ay matatagpuan ang mga nagtratrabaho sa Association, mga nasa 237 na mga nagtratrabaho dito, kabilang na dito ang 70 na mga professionals basketball coach

Bago makapasok sa pangalawang palapag, kaylangan munang kumuha ng isang entrance card na gagamitin upang makapasok sa kahit saang palapag ng gusali, subalit hindi magiging madali ang pagkuha nh entrance card, kaylangan munang aprubahan ng nakatataas

Nang ipakita ni Sakuhako ang dala nyang gate pass hindi na nag isip pa, agad na nilang pinatuloy si Sakuhako

"Saan po ba dito pupunta?" Tanong ni Sakuhako sa babae na nag aasikaso ng entrance card upang makasok sya ng tuluyan

"Ahhh Young Master pumunta po kayo sa Fifth Floor may mag aasikaso sa inyo"" sagot ng babae

"Ano? Fifth Floor? Shaka bakit Young Master tawag nyo sakin? Ang gulo nyo nman pati yung guard mukhang natakot" sabi ni Sakuhako ngumiti lang ang babae at sinabing

"Gumamit lang po kayo ng elevator, madali kayo makakapunta sa Fifth Floor" sagot ng babae

"Sige" sagot ni Sakuhako

Sumakay si Sakuhako sa elevator, nakita nya ang mga numerong kaylangan pintudin, pinindot nya ang number 5 o Fifth Floor

"Grabe ibig sabihin nasa 164 palapag ang gusali na toh?" Sabi nya

Binase nya sa mga numerong nakita nya sa elevator

Samantala hindi nya alam ay may naghihintay na sa kanya sa Fifth Floor

"Maghanda kayo papunta sya dito" sabi ni Daisuke

Nang biglang tumunog ang cellphone nya tumatawag si Sakuragi

"Nandyan naba sya?" Boses na Tanong ni Sakuragi

"Oo, Kuya paakyat na sya nasa elevator" sagot ni Daisuke

"Baka nman masyado nyong binibigayan nyo ng magandang trato, Ang gusto ko ituring nyo sya na katulad ng mga studyante natin maliwanag" sabi ni Sakuragi

"Sige Kuya pagsasabihan ko sila" sagot ni Daisuke

"Shanga pala, ikaw na munang bahala dyan, dalawang buwan akong magbabakasyon, alam mona birthday ni Lilia, ikaw ng bahala sa kanya ahh Daisuke pahirapan mo sya bahala kana" sagot ni Sakuragi

"Ganun ba Kuya? Happy birthday pakisabi kay Lilia, shaka pakikamusta narin ako kay Ate Haruko, sige kuya ako na bahala dito" sagot ni Daisuke

Pinatay na ni Sakuragi ang cellphone
Sa Kanagawa sakay ng kotse mabilis na naka uwi ng Kanagawa si Sakuragi at habang kausap nya si Daisuke nasa harapan nya si Haruko

"Kamusta na raw sya?" Tanong ni Haruko

"Nasa maayos na sya, pagkatapos ng training nya iuuwi ko na sya, makakasama nyo ulit sya" sagot ni Sakuragi nagtanong ang bunso nila

"Papa sino si Hako?" Tanong ni Lilia

Binuhat ni Sakuragi at sinabing

"Kuya mo sya, makikilala mo sya pag uwi nya hihi" sagot ni Sakuragi

Si Lilia ay ang pang anim na anak ni Sakuragi at Haruko, 3 years old itim ang buhok nya pareho kay Sakuhako ang panganay sa magkakapatid

Lumapit si Lucy at yumakap sa hita ni Sakuragi

"Papa" sabi ni Lucy

Si Lucy ay ang pang limang anak ni Sakuragi, 6 years old, pula ang buhok nya pareho kay Sakuragi, at sa ate nyang si Sakura

Nagsalita si Haruka

"Papa wala po ba kayong pasalubong samin?" Tanong ni Haruka

Si Haruka ay pangatlong anak ni Sakuragi, 10 years old, red and black ang buhok nya

"Huh? Pasalubong aba meron syempre" sagot ni Sakuragi habang si Sakura tahimik lang

Si Sakura ay ang pinaka seryosong anak ni Sakuragi pareho kay Akito, nagmana sila sa mature mode ni Sakuragi, pula ang buhok ni Sakura at nakikitaan din nila Sakuragi at Haruko ng potensyal na mahilig din sa basketball

Hindi katulad ni Sakuhako, Haruka maingay nangmana sa ugaling gong gong ni Sakuragi

Samantala

"Kuya Daisuke nandito ka pala" sabi ni Sakuhako na kalalabas lang sa elevator

"Maligayang pagdating hako" sagot ni Daisuke

"Kuya, san ba kwarto ko? Pagod na ako eh lamig pa sa labas" sagot ni Sakuhako nang biglang

"Hako, hindi ito hotel o bahay, bago ka namin tanggapin bilang studyante ng basketball association kaylangan mo munang dumaan sa isang test" sabi ni Daisuke

"Ahhh ano? Isang test? Anong klaseng test nman yan?" Tanong ni Sakuhako

Sumunod ka sakin" sagot ni Daisuke

Kaunting lakad lang ay pumasok sila sa isang pinto, isang gym pala

Na may mga naglalaro sa loob mga studyante ng basketball association

"May bagong dating" sabi ng isa

"Mag sitabi muna kayo" sabi ni Daisuke

Nagsalita ang isang Teacher o Coach

"Magandang Vice Chairman, Assemble" sabi nya at nagsipila ang lahat ng mga studyante ng basketball association

"Anong gagawin ko dito, Kuya Daisuke?" Tanong ni Sakuhako

At nabulungan silang lahat

"Ano? Kuya daw?" Tanong ng isa

"Tinawag nyang Kuya ang Vice Chairman" sabi nman ng isa

"Makinig kayo, meron isang baguhan na gustong sumali sa inyo, bago sya makasali ay kaylangan nya munang dumaan sa isang test, Sino gusto?" Tanong ni Daisuke

Nagsitaasan ang mga gusto, ngunit meron isang hindi

Habang si Sakuhako hindi nya maintindihan kung ano nangyayari

At ang hindi tumaas ng kamay ay syang pinili pa ni Daisuke

"Ikaw Kaite" sabi ni Daisuke

Tango lang si Kaite

Nagsalita si Sakuhako

"Teka teka, anong nangyayari dito?" Tanong ni Sakuhako.

"Makinig ka sakin, hako bago ka maging ganap na studyante ng basketball association, kaylangan mo munang talunin si Kaite sa isang 1on1 ng basketball" sagot ni Daisuke

"Ano? Ggrrmmm" sabay tingin ni Sakuhako kay Kaite

Napansin nya na maliit lang si Kaite, hindi matangkad na hanggang balikat lang nya at maliit ang katawan

"Tsu! Yan lang pala o sige" sagot ni Sakuhako

Bago magsimula ang 1on1 ni Sakuhako sa isa sa studyante ng basketball association pumunta muna sya sa locker room, doon nakahanda na ang practice jersey na susuotin nya

Maya maya pa lumabas na sya

"Wahahahaha makikita nyo na kung gaano kagaling ang isang genius na katulad ko wahahaha" malakas na tawa ni Sakuhako habang nakahanda na ang player na tatalunin nya

Agad nman nayabangan ang mga studyante ng association sa tawa ni Sakuhako kaya

"Kaya mo yan Kaite" sigaw nilang lahat, isang lalaki nman nag aalala

"Bakit? Bakit si Kaite pa?" Sabi ni Renz isa sa studyante ng basketball association nag aalala sya

Nagkalakad na si Sakuhako

"Tsu!" At pumunta na sa gitna ng court si Sakuhako

"Ngayon ang magiging laban ninyo, kung sino ang maka 10 points sya ang panalo" sabi ni Daisuke

"Ahhhh matanong ko lang, 10 points, diba bawat shot katumbas ay 2 points o 3 points nman kung nasa labas, ibig sabihin ba nun kung maka 5 shot ako panalo na ako?" Tanong ni Sakuhako

"Hindi, bawat shot, katumbas ay 1 point, kung halimabawa maka 6 points kana ikaw na panalo" sagot ni Daisuke

"Ganun ba ibig sabihin magiging dali lang toh" sabi ni Sakuhako sabay tingin kay Kaite na handa na sa magiging laban nila

"Ikaw na mauna" sabay pasa ni Sakuhako ng bola kay Kaite

Drinidribble na ni Kaite ang bola habang tudo suporta sa kanya ang ilang nanonood

Makapasa kaya si Sakuhako sa munting pagsubok para maging studyante ng basketball association? Magawa kaya nyang talunin si Kaite? O di kaya bagsak agad sya?

Continue Reading

You'll Also Like

23.4K 585 12
๐™จ๐™š๐™ง๐™š๐™ฃ๐™™๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ. /หŒsษ›r(ษ™)nหˆdษชpษชti/ (๐˜ฏ.) ๐˜ง๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ง๐˜ถ๐˜ญ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ต ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ช๐˜ต. "๐˜ต๐˜ฉ...
488K 17.5K 33
โ Watch out James, there is a thin line between love and hate. โž โ So I'm guessing you love me? โž โ No, I still hate...
81.7K 2.3K 77
WARNINGโš : THIS IS A MIN YOONGI TAGALOG FANFICTION!! By: Redchilaaax/blackminlai
1M 35.3K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.