Virginity List

By pajibar

1.5M 15.7K 2.1K

Virginity List: A list of things she wanted to do before she loses her virginity. More

Note
Virginity List
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22.1
Chapter 22.2
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1
Chapter 30.2
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue
Author's Note
Survey (LOL)

Chapter 01

73.8K 680 67
By pajibar

Emieleen

“Doc! Please po gawan niyo po ng paraan para mabuhay ulit si Mama! Please!” pagmamakaawa ko. Hindi ko na pinansin ang mga taong nakakakita sa akin sa paligid. Wala muna akong pakialam sa kanila.

“Iha, alam mo naman na hindi iyon ganun kadaling mangyari.” Paliwanag sa akin ni doc. “May pag-asa pang gumaling ang Mama mo. But it will involve a lot of money.”

Medyo nabuhayan na ako ng loob sa sinabi niya na maari pa raw na gumaling si Mama. “Magkano po ba? Kahit magkano po ibibigay ko! Please doc, mahal na mahal ko po ang mama ko, please.”

Huminga ng malalim si Doc bago sumagot sa akin. “An surgery can make her live longer. Sa pamamagitan ng surgery na ito, papalitan natin ang mga nasirang aorta sa kanyang katawan, which causes the bleeding on her blood and heart vessels. At ang magagastos operasyon na ito ay maglalaro sa pagitan ng PhP 100, 000 hanggang PhP 500,000.”

“O-one hundred thousand p-pesos? Yun na ang pinakamaliit?” malungkot kong tanong. Napatingin na lang ako sa sahig. Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ako makakakuha ng ganun kalaking pera.

“But doc, hindi ko kaya yun.” mahina kong sabi.

Everything's up to you.” pinatong ni Doc ang kanyang kamay sa aking balikat at naglakad na papalayo. Habang ako, iniwan niyang tulala at gulung-gulo.

Saan naman ako makakakuha ng isang daang libo sa loob ng mahigit isang buwan? Gusto ko lang naman na makasama pa sa mas mahabang panahon ang Mama ko, pero ganun ba talaga kahirap at ka-imposible ng hinihiling ko?

Ako si Emieleen Kate. Lumaki ako sa isang simpleng pamilya kaya siguro doon ko na rin nakuha ang pagiging simpleng ko, at ang pagkakaroon ng simpleng pangarap sa buhay—ang maipagamot ang aking ina na nakakaranas ng sakit na tinatawag na Marfan Syndrome.

Napaka-rare lang ng sakit na ito, at unfortnately, isa si Mama sa mga nagkaroon nito. Ang Marfan Syndrome ay isang sakit na nakaka-apekto sa mga connective tissues ng katawan ng isang tao. At ang matindi, na-damage na rin nito ang aorta ni Mama, kaya naman mas dumami ang mga komplikasyon sa kanyang nervous system.  Hindi ko alam kung paano at saan nakuha ni Mama ang sakit na ito, pero ayon sa mga doctor ay namama raw ang Marfan Syndrome.

Lumaki ako habang nakikitang nahihirapan si Mama at hindi niya nagagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Kasi may limitations. Nasanay rin akong lumaki na puro gamot ang nakikita ko at palaging hospital ang pinupuntahan ko every week. Sanay na ako maka-kita ng mga nurse at doctor.

Buong buhay ko wala akong ibang hiniling kundi ang makita si Mama na malakas at nagagawa lahat ng gusto niya. Gusto ko, bago siya mawala, madala ko siya sa mga lugar na gusto niyang puntahan.

Happiness—yan lang naman ang gusto kong ibigay kay Mama. Kaya naman halos lahat ng kaya kong ibigay at kaya kong gawin ay ginagawa ko na, para lang sa kanya. Para sa pinaka-importanteng tao ng buhay ko, na siyang nagbigay buhay sa akin.

Wala na akong tatay. Bata palang ako ‘non nung naghiwalay silang dalawa ng Mama ko. Ang dakila kong tatay ay hinayaan si Mama na buhayin akong mag-isa habang siya ay may matinding karamdaman. Iyan na rin siguro ang naging rason kung bakit simula pa dati, nagtanim na ako ng sama ng loob hindi lang sa tatay ko, kundi pati na rin sa mga lalaki.

Kagabi, inatake si Mama at noong mga oras na ‘yon, hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang hirap. Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin, lalo na’t kami lang naman ang magkasama sa bahay. Wala kaming ibang mahingian ng tulong, kundi ang aming mga kapitbahay. Ngayon, naka-confine si Mama sa hospital. At wala man lang siyang ka-alam-alam na limitado na rin ang kanyang mga araw. 

Pinuntahan ko ang kwarto kung saan naka-confine si Mama. Mula sa labas ay nakikita ko siyang natutulog at naka-pikit.

Tumulo ang luha ko. Alam kong sobrang nahihirapan na si Mama, ayaw niya lang ipahalata sa akin. Natatakot akong baka isang araw, hindi ko na siya makitang gising. ‘Yung mga pangako ko sa kanya, dapat tuparin ko.

Bakit ganito? Bakit si Mama pa? Ang sakit at ang hirap kasi. Yung taong nagbigay ng buhay sa akin ay hindi ko kayang bigyan ng buhay.

Kailangan kong gumawa ng paraan, pero, paano?

Kinabukasan, agad kong kinausap ang bestfriend ko sa school para sabihin sa kanya ang nangyari. Wala kasi akong ibang malalapitan sa ngayon eh. Laking pasasalamat ko nga at hindi niya pa rin ako iniiwanan kahit na anong mangyari.

“So, paano yan, Emi? Anong gagawin mo?” tanong sa akin ni Simply, bestfriend ko.

“Ewan ko. Kahapon halos nalibot ko na yata ang buong lugar dito para lang makahanap ng trabaho. Pero wala pa rin.” sabi ko sabay kagat sa burger ko.

Nag-aaral ako sa Whitesides University, isang kilalang paaralan dito sa lugar namin. Mga mayayaman at mga may-kaya ang nakakapag-aaral dito. Mabuti nalang at naging scholar nila ako at kahit na hindi naman kami ganon kayaman at  kahit walang trabaho si Mama, nakakapag-aral pa rin ako sa ganito kagandang eskwelahan.

“Alam mo Emi, bilib talaga ako sa’yo. Kahit na ang dami-dami mo nang pino-problema ngayon, nakukuha mo paring ngumit na parang okay lang ang lahat.” Sabi niya sa akin.

“Eh ano pa bang magagawa ko? Kung iiyak lang rin naman kasi ako dahil dito, wala rin namang mangyayari, di’ba?” sagot ko naman sa kanya.

Kumagat muna ako sa burger ko habang nag-iisip ng magandang paraan para makakuha ng pera. Eh kung magnakaw na lang kaya ako? Ay! Hindi, hindi! Erase, erase. Kahit anong mangayari, hinding-hindi ako kakapit sa patalim!

Napatingin ako sa paligid at doon ko nakita si Kean, ang certified heartthrob ng school namin. Magka-batch kami pero kahit kailan ay hindi pa kami nagkausap, at hindi man lang ako nagtangkang kausapin siya. Ewan ko kung bakit. Hindi lang talaga ako makahanap ng rason para gawin ‘yun.

“Eh bakit kaya hindi mo subukan na kausapin si Kean? Mayaman naman siya, di’ba? At base naman sa mga rumors na naririnig ko, nagbibigay nga daw talaga si Kean ng pera sa mga nakikiusap sa kanya. Pero, may condition raw muna siya na dapat mong gawin.” Kwento ni Simply.

“Condition? Anong klaseng condition naman ‘yan?”

“Ewan ko. Hindi naman nila sinasabi sa akin kung ano ba ‘yong condition na ‘yon eh. Pero siguro naman madali lang ‘yon. Siguro papagawin ka lang niya ng assignments niya in one month or whatever. Kayang-kaya mo naman siguro ‘yon kapag ganun.”

“Well, sana nga ganon lang ‘yon.”

Tinignan ako ni Simply. “Eh ano pa bang hinihintay mo? Edi go na! Kaibiganin mo na siya!”

“Si Kean? Okay ka lang ba?” sabi ko. “Hindi ako makikipag-close sa kanya dahil lang may kailangan ako.”

*** 

“Hi Kean! Gusto mo ilibre kita? Kumusta buhay? Balita ko marami daw nagkaka-crush sayo. Balitaan mo naman ako!” masayang sabi ko sa kanya.

Tinignan niya muna ako ng mabuti at may halong pagtataka. “Ayoko nga. Close tayo?”

So, ayun nga. Wala akong ibang choice kundi ang lumapit sa kanya. Eh sa ganun ko kamahal ang Mama ko na lahat gagawin ko para lang mabuhay pa siya. Handa akong kapalan ang mukha ko sa harap ng lalaking ‘to para lang sa kanya.

“Yes! Kasi simula ngayon, BFF na tayo!” masaya kong sabi.

Nakatingin lang siya sa akin at mukhang ina-analyze ang mga sinasabi ko. Huminga siya ng malalim at saka sinabing, “Hay, diretsuhin mo na kasi,” humarap siya sa akin. “May kailangan ka noh?”

Nang sinabi niya ‘yon, naging seryoso na ako dahil mukhang alam niya na talaga akung ano ang pakay ko.

“Sorry Kean kung masyadong makapal ang mukha ko, ha? May problema kasi ako at ikaw nalang yata ang makakatulong sa akin.” Paliwanag ko sa kanya.

“Wow lang ha. Ang dami-daming tao dito sa campus, ako pa talaga ang makakatulong sayo?” natatawa niyang sabi.

“Alam mo, yan din ang unang pumasok sa isip ko nun eh. Kaso wala naman na talaga akong choice.”

Mukhang iba ang pagkaka-intindi niya sa huli kong sinabi. Mukhang negative ang dating ‘non sa kanya. “Tungkol ba yan sa ka-gwapuhan ko?” pagmamayabang niya.

“Bakit ko naman po-problemahin ang ka-gwapuhan mo?” Ang tino naman ng kausap ko diba? Hashtag sarcasm.

“Malay mo, nahihirapan ka nang i-resist ang sobrang paka-pogi ko.” sagot niya sa akin.

Tumahimik na lang ako.Tadtad ng kayabangan tong taong ‘to. At onga pala, nasabi ko na ba sa inyo na sikat ‘to sa pagiging playboy sa buong campus? Kung hindi pa, ayan. Edi ngayon alam niyo na.

“Sige na nga,” seryosong sabi niya nang mapansin niyang naging seryoso na rin ako. “But let me guess, may kinalaman ‘yan sa pera, ano?”

“Oo.” sagot ko naman. “Nasa hospital kasi si Mama, at kailangan niya nang mag-undergo sa surgery kundi baka mas lalo pang lumala ang sakit niya. Or worst, it might lead to death.” 

Tumango naman si Kean sa sinabi ko. “How much will it cost?” tanong niya.

“Minimun of PhP 100,000.” Sagot ko.

 Tumahimik muna siya at mukhang nag-isip kung ano ang isasagot niya sa akin. Kinabahan naman ako habang naghihintay dahil pakiramdam ko ay nagdadalawang isip siya. Baka hindi siya pumayag.

“Please Kean, please. Mahal na mahal ko si Mama. Ayokong mawala siya sa akin. Babayaran naman kita eh. Ikaw lang yung makakatulong sa akin. Please.”

Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan naming dalawa. At nang makapag-isip na siya, tinignan niya ako at saka ngumisi.

 “Sure, in one condition.” 

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagngisi niya sa akin, o kaya naman dahil ito na ang condition na pinag-uusapan namin ni Simply kanina. Ano kaya ang condition na ‘to?

“Ano yun? Kahit ano gagawin ko! Tulungan mo lang ako, please!”

 Lumapit siya sa akin at bumulong...

Continue Reading

You'll Also Like

166K 678 6
Ginawang pambayad utang si Yleena ng step-brother niyang si Virgo sa pinagkakautangan nito dahil sa pagkalolong sa sugal. Labag man sa loob ni Yleena...
10.4K 4.1K 32
(Unedited) Tumingin ako sa paligid. Dito sa madilim na lugar na 'to, nag iisa ako. Pamilya ko ang mas importante sa lahat. Sila lamang ang lagi ko na...
22K 1K 25
Nagpanggap si Itchie na may leukemia para lang mapansin ni Minho. Gano'n siya kadesperada para sa oppa niya. Gaga lang 'no?
197K 3.8K 31
Yoomi married Jason for his money. But it turns out he isn't the rich heir she thought he is. Ang kuya pala nitong si Chess ang totoong tagapagmana...