WANDA For You

By HEYNEENAMOR

463 57 6

"Alam ko naman, kahit makailang iko't pa man ang mundong ito, hinding-hindi mo ako pipiliin.." More

Sobre
Contract
Coffee
Drive
Outfit
Announcement
TrashCan
Plan
Lunch
Cebu
Hot
Hot II
Egg
Boat
Tears
Back
Night
Morning
Laugh
False
Stay
Theo
Condo
Stare
Reply
GF
Dinner
Kalma
Morning
Busy
Why
Musika

Zero

6 1 0
By HEYNEENAMOR

Arman's POV


Here's at CCP stage, rehearsing some scenes & songs for our upcoming musical. Nakakakaba. Kailan ba ang huling beses na umarte ako sa entablado. Ang tagal na! Hindi ko na nga alam kung paano ko masisingit ang ibang raket ko as a corporate singer, wedding singer—- may upcoming concert pa ako sa birthday ko. Speaking of my concert, next week na ang start ng ticket selling. Mapupuno ko ba ang venue? May mga manonood ba? Do I still have fans? Kilala pa ba nila ako?

Umayos ako ng tayo ng magsalita ang Stage Manager namin. Pumunta na ako sa pwesto ko tsaka ko kinanta ang part ko. Hanggang sa sabay-sabay na kaming kumakanta..


Bago matapos ang song ay natuon ang atensyon ko sa pinto ng theater hall.


Anong ginagawa niya dito? Nandito na naman siya.. Bakit pa?

Salitan ang tingin ko kay Gia ng lumapit siya kay Jill na nakatayo sa gilid. Tinawag ni Jill si Jude , ang isa sa production staff ng show na ito. Magkakilala sila? Or pinapakilala ni Jill si Jude to her. Pero bakit?


Wth. Ano bang pakialam ko.


"Arman.." napatingin ako sa Musical Director namin ng tawagin niya ang pangalan ko. Bumalik ako sa focus sa pagkanta.










Lunch time. Mag-isa akong bumalik ng backstage just to get my bag para makapag lunch sa labas. Bago pa man ako makalabas ay napansin ko na naman si Gia na kasama si Jill and Jude. Mukhang kakain sila sa labas. I don't care.

Sumakay ako ng kotse at binaybay ang CCP complex at naghanap ng pwedeng kainan. Nadaanan ko pa sila Jill na naglalakad along Harbor. Mukhang close na silang tatlo. Nagtatawanan pa nga. Ano pa bang ineexpect ko. Miss congeniality nga diba. Natawa ako ng mapakla tsaka ko muling tiningnan ang side mirror para makita ulit sila.

So ano? Pumunta lang siya para makipagchismisan kay Jill at Jude? She's not even part of this production. Dapat wala siya dito!

RM ko pa ba siya? O baka nag resign na. Good. If mangyari iyon. Good.












Napatingin ako sa glass ng alak na inilapag ni Sammy sa table sa harap ko.



"Wag mo na tong dagdagan, babalik pa ako sa rehearsal.."


"So anong pinunta mo dito? Makiki- lunch ka lang talaga? Walang kwento? Anong problema?"

"Problema talaga agad? Hindi ba pwedeng namiss ko lang si Snowy.." sabay kuha sa aso ni Sammy at nilagay ko sa lap.


"Arman—- the busy man, matagal na tayong magkaibigan at kabisado ko na ang ikot ng bituka mo.. Alam ko may problema ka... About ba sa kapatid mo?"



"Okay na kami ni Thea.."




"Or about Gia?"



Napatingin ako sa kanya tsaka ko ininom yung binigay niyang alak. Ngumisi ito tsaka sumandal sa upuan.



"So anong nangyari?"



"Wala!"



"Gago Arman, wag kang aalis ng unit namin hanggat di ka mag si-share! Pauwi na din si Nel, pag naabutan ka nun, mas maraming tanong iyon!"


"Kayong dalawa, manood kayo ng Show ko lalong lalo na ang concert ko."


"Oo naman!!! Kay Gia kami magpapareserved ng ticket ah!"


"Bakit sa kanya???!"


"Wow? Galit agad? Teka nga, nag away kayo ni Gia ano? Diba Road Manager mo siya! Syempre mas may access siya sa mga tickets sa shows mo! Kaya sa kanya kami papareserved!"


"Hindi ko alam kung RM ko pa siya."



"Nag resigned na siya?" tanong ni Sammy


"Nagresigned na siya?" balik na tanong ko. Kasi hindi ko din alam.



"Ako nga yung nagtatanong Arman! Ano ba kasing nangyari? Hindi na ba kayo magkikita or nagkakasama manlang?"


"2 weeks na kaming hindi masyadong nagkakasama sa trabaho."

"Bakit???"



"Aba malay ko!"


"Arman, what happened ba kasi???"



"Mas okay na din iyon. Mag resigned na lang siya!"


"Dahil??"


"Dahil ano—- dahil she's not doing her job right."

"Ay, hindi ganyan magtrabaho si Gia. Alam mo yan!"


"Kasi—- kasi ano.."


"Arman, anong nangyari?"


"We kissed."

"What the hell? Tangina para ka naman bata. Nagkakaganyan ka kasi nagkiss kayo.."


"Mali."



"Anong mali? Mali na hinalikan mo siya? Wait, you didn't enjoy the kis——-"



"No! I mean—— I hate it. Everytime na naalala ko yung halik, naiinis ako."


"Naiinis ka kasi?"



"Kasi—— kasi mali iyon."



"Mali kasi?"




"Kasi ano—— A-ayokong dumating na naman ako sa puntong malunod sa bagay na walang kasiguraduhan.."


"Is it the trauma from the past? Hindi lahat ng babae, katulad ng ex mo Arman. Buksan mo ulit yung possibility to fall inlove.."


"I can't love. Hindi pwede. Ayoko na."


"Then why you kiss her?"


"Hindi ko mapigilan. She's too genuine. Natatakot ako."



"Natatakot ka saan?"



"She's too precious. So vulnerable. Ayoko. Ayoko ng ideyang posibleng mahulog ako sa kanya. Masasaktan ko lang siya."

"After you kiss her and sa hindi mo pagpapansin sa kanya, do you think hindi mo siya nasasaktan ngayon? Then tell her. Explain to her kung bakit mo siya hinalikan. Ang red flag mo naman bestfriend!!! hays.."

"Ayoko ng relasyon. May trabahong naghihintay sa akin Abroad—— buo na ang plano ko sa pag alis ng bansa. Andoon yung pangarap ko. Alam niyo iyan."



"Okay. I get it! Ayaw mong ma aattached kay Gia kasi sooner or later, aalis ka din dito. Iiwan mo din siya.."


"Maingay siya. Pero she's too nice—- too genuine for me. I —- I don't deserve that woman."



"Yeah you don't deserve her. Gia deserves someone, na kaya siyang mahalin at alagaan.. Hindi nga ikaw iyon bestfriend..."

Humigpit ang hawak ko sa baso sa huling salitang sinabi ni Sammy.















Gia's POV

It's been 2 weeks—— 2 weeks since the last time na nakasama ko si Arman sa trabaho. Tama lang. Tama lang na mailap ito sa akin. Tama lang na lumayo siya kapag nakikita ako. Kasi kung sakaling madalas parin ang pagsasama namin sa mga trabaho, hindi ko alam kun kaya kong mag move on. Ang cringe pakinggan. Move on. Yeah. Move on from that stupid kiss na dapat hindi niya ginawa at dapat hindi ko hinayaan.

Naiinis parin ako dahil doon. Inis na inis.

Napatingin ako sa chat ni Thea sa akin. Nanlalambing ito na baka daw pwedeng bumisita ako sa bahay nila. Miss na daw niya ako. Hindi ko alam kung alam niyang hindi kami okay ng kuya niya. Pero mukhang hindi naman nito alam kasi panay ang kwento niya about sa kuya niya. See, how can I move on? Siya ang pinag uusapan namin. Damn!


" Sa Delta lang po.." sigaw ko ng makita ko na ang footbridge. May meeting akong pupuntahan sa head office ni Direk Pat sa Tomas Morato. Hindi pa naman ako late kaya nag commute ba lamang ako at hindi na nag book ng angkas..

Inayos ko ng bahagya ang nakatupung sleeves ng knitted polo ko. Naka tucked in ito sa black pants ko. Wearing my 2 inch slingback na kulay itim. I miss wearing this kind of outfit—- my corporate outfit. Nakakamiss din naman pala ang corporate world.


What? Did I say I miss corporate world? My God Gia!


Naglalakad ako sa gilid ng Uncle John na katabi lang ng building kung saan ako papunta ay napahinto ako ng makaramdam ako ng kaba. Napahawak ako sa dibdib ko. Hanggang sa mahagip ng mata ko ang pamilyar na kotse sa dumaan sa gilid ko. Alam kong sa kanya iyon. Alam kong siya ang sakay nun. Binalewala ko iyon tsaka ako nagpatuloy sa paglalakad..

Madalas kong maramdaman ang kakaibang kaba na iyon everytime he's near me. Ang weird ! Sobrang weird. Ayoko ng ganoong pakiramdam. Ayokong tanggapin na ganito na siya kakilala ng puso ko. Na sa tuwing malapit siya sa akin ay kakabahan ako... bumibilis ang pulso ko. I felt like my heart is connected to him. And I hate it!!!! D*mn!!!

Alam ko naman na kasama siya sa meeting mamaya eh. Kasi the meeting is about Him and me. Yeah. A special announcement na alam kong ikatutuwa niya.
















Arman's POV

Nagpatawag ng biglaang meeting si Direk Pat sa buong team ngayon. Nagtataka lang ako kung bakit nandito si Shaun, isa sa artist na mina-manage ni Direk Pat. He's in showbiz and film kaya hindi ko ito madalas kasama pero kapag may gathering ang team ay pumupunta naman ito. This is weird. Ang akala ko ay about sa concert ko ang meeting pero mukhang hindi naman.

Bumukas ang pinto ng conference room at niluwa nun si Gia at Anj , kasunod si Nana at Emman.

"Okay, kumpleto na ang team ko. Actually guys, it's just a short announcement. May mga changes kasi akong gagawin regarding sa mga Road Managers.."

Kunot noo akong napatingin kay Gia at kasunod nun ay napatingin ako kay Nana ng sikuhin niya si Gia.



"Arman, Nana will be your new Road Manager for 2 months —- And Gia, will be the new RM of Shaun.." napatingin ako kay Shaun dahil ikinagulat niya din ang announcement. He's looking to Gia, alam kong hindi pa sila magkakilala.



"Wait? Pero bakit?" sana tinakpan ko na lang ang bibig ko. Bakit ko ba natanong iyon. Sa isip ko lang dapat iyon.


"Wow? That's not the reaction na ineexpect ko sayo Arman." rinig kong sabi ni Gia sabay inom sa hawak niyang kape.



"What I mean is, bakit 2 months lang? Hindi ba pwedeng long term? Not to offend you Nana but actually, I don't need Road Managers naman kasi talaga. Hindi ako into showbiz like Shaun.."


"Arman, you need RM, you have upcoming concert and Musical shows——- your are the very busy man sa lahat ng artist ko. Besides, pumayag naman si Nana na i-handle ka, kahit ayaw niyang humawak ng lalaki."

"Break a leg Nana." rinig kong sabi ni Gia na tila ba ginu-goodluck nito si Nana sa magiging journey niya as my RM.



Ngumisi ako at napailing.. At alam kong hindi iyon nakatakas sa paningin ni Gia..



"What's with that smile?" seryosong tanong nito. I make face ..




"Ang bilis mo namang sumuko..." makabuluhang sabi ko dito..







"I'm just doing my job." seryosong sagot nito. Tumayo na ako tsaka nagpaalam. Iniwan ko na silang nagmemeeting pa sa loob. I need fresh air to breathe.




Lumabas ako ng building pero walang intensyon na sumakay ng kotse. Gusto ko lang huminga. Diba dapat masaya ako? Finally, hindi ko na siya katrabaho! Finally, hindi ko na siya makikita. That's what I want!

















Gia's POV

"Oh, yung alaga mo nag walk out." kinalabit ako ni Anj ng lumabas si Arman ng conference room.


"Former alaga." pagtatama ko sa sinabi nito kaya natawa siya.



"He looks like, mad? A little upset. Akala ko ba ayaw ka niya as his RM?" napalingon ako kay Nana ng sabihin niya iyon.



"Ayaw nga niya. Nagagalit siya, bakit 2 months lang daw yung rotation ng handling. OA niya nu? Good luck talaga sayo Nana."



"Well, sabi nga ni Direk Pat, two months, 2 months lang.. Teka nga, baka naman ma stress ako sa kanya hah?! Di ako pwedeng ma stress, malapit na ang kasal ko!"



"Oh God!!! Congrats again!!"



"Hindi. Walang congrats congrats lang, pupunta ka mamaya sa bridal shower ko! Kasi magagalit talaga ako sayo kapag hindi ka pumunta!"



"Fine! I will go!!"


"Yes!!! Wala ng bawian hah!!!!"



"Basta ba kasama si Anj!" napalingon si Anj sa akin.




"Basta no Alcoholic drink for me hah!" sabi ni Anj sabay taas ng kilay.



"What? Hindi pwede yun!! Syempre may mga alak doon! Bar kasi yun!" nakaismid na sabi ni Nana.



"I will go, but, pineapple juice will be better!" sagot ni Anj sabay inom ng hawak niyang sterilized milk.




"Anj, may sakit ka ba? Bakit di ka pala nagkakape ngayon? Seryoso ka ba jan sa iniinom mo? Gatas??" chineck ko yung noo niya, hindi naman siya mainit.





"Wala akong sakit! Ano ka ba!"





"Aaahhhh! Oh my God! Bu-buntis ka???" napalingon ang lahat ng tao sa conference room ng tumili ako , nahihiyang tinakpan ni Anj ang bibig ko.


"What? Who's pregnant?" nagtatakang tanong ni Direk Pat.



"Si Gia!" mabilis na sagot ni Anj.



"Hah? Ako? Buntis? Hindi ako!!! Hoooy!!!" nagpanic na sagot ko sabay inom muli ng kape. Tinuro ko si Anj tsaka yung gatas na iniinom niya.




"Siya yung buntis !!!! " sigaw ko at nanlaki ang mata ni Direk Pat.




"Anj ! Totoo ba?"



"Yes.." nahihiyang sagot nito kaya nagsigawan na kaming lahat.



"Double celebration pala! Anj is pregnant, Nana is getting married———-"


"At malaya na ako!" pagsingit ko tsaka kami nag high five ni Emman.



















"Shot!! Shot!! Shot!!" halos paos na sigaw ko habang tinataas ang shot glass na puno ng tequila at ipinapainom kay Emman. Oo, sinama na namin siya sa bridal shower ni Nana dahil dapat lang! Alam naman ng lahat na he's gay and he's a long time friend of Nana. Tawang tawa kaming lahat ng tinanggap ni Emman lahat ng shot glass na binibigay namin sa kanya at iniinom naman niya..


Napaupo ako sa upuan ng makaramdam ako ng kaunting hilo. My Gosh, anong oras na ba.


"Anj, tama ba ang nakikita ko? 11pm ba?"





"Yes at parating na ang sundo ko Sis! Ano? Sasabay ka ba sa akin?" tanong nito sabay inom ng hawak niyang pineapple juice.



"Pineapple juice? Boring." tanging sabi ko sabay tayo at tawag sa waiter . Kumuha ako ng glass of Martini. Nagningning ang mga mata ko. Martini!!!


"Gia? Kanina, margarita ang iniinom mo, nag tequila ka na, and now? Martini?" rinig kong sabi ni Anj.



"It's Nana's day! Let's celebrate!! Wohooo! Nana!!!! Cheers!!!" lumapit ako kay Nana at nagtama ang mga glasses namin sabay indak sa maingay na musika sa loob ng bar kung nasaan kami. Inisang inom ko lang ang Martini tsaka ko nilapag sa table ang glass..

Ginala ko ang mga mata ko para maghanap ng waiter na may dalang alak. I want more!!! Pero wala akong makitang waiter. Naglakad pa ako papunta sa kabilang side kung nasaan ang bar counter para doon na lamang manghingi ng alak.



Medyo hilo na ako at umiikot na ang paningin ko pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang bar counter. Umupo ako doon tsaka ko nginitian ang barista.



"Anong best alcoholic drink mo diyan? Give me one glass!" nakangiting pakiusap ko dito tsaka ako nag puppy eyes para bigyan niya ako. Tumango naman ito at nagsimula ng magtimpla ng masarap na inumin. Inip akong naghihintay ng drink na ginagawa nito. Hanggang sa matapos siya. Pagkalapag niya ng glass sa harapan ko ay may kung sinong umagaw nun! Automatic na napatingin ako sa taong kumuha ng glass ko!!!




"What the hell???? That's mine—— Arman?" lasing na ba ako or tamang si Arman tong nakikita ko. Anong ginagawa ng Alien na ito dito???
















Arman's POV



EMMAN told me earlier na ngayong araw ang bridal shower ni Nana. Sa isang bar. Sinabi niyang pupunta silang lahat at ang mga babaeng team ni Direk Pat. Malapit lang iyon sa head office kaya nagpasya na lamang akong pumunta pero para hindi makisali sa kanila dahil exclusive for girls only lang——- I decided na sa counter bar na lamang umupo. Dumating ako ng 9pm doon , sila, kanina pang 7pm . Iyon ang pagkakaalam ko.


Pagpasok ko ng bar ay may mga private part ang bar na for groups events na medyo malayo sa pinaka bar counter. Pero tanaw mula dito kung anong ginagawa nila doon.

She's here. Alam kong pupunta ito.

Nagrequest ako ng one glass of whiskey sa barista tsaka ko iyon ininom. Parang mali yata ang desisyon kong dito uminom dahil panay ang tingin ko sa kung anong nangyayari sa bridal shower sa kabila.

Ang iba ay nagsasayawan, ang iba ay nag uusap. I saw Gia, talking with Anj, and minsan with Emman. She's holding a glass of alcoholic drink at kung hindi ako nagkakamali ay Margarita.

1 hour ang lumipas at nabuburyo ako sa babaeng kausap ko dito. Ni-hindi ko nga alam ang pangalan. Kung anong topic , sumasakit ang ulo ko. Ito ang mahirap kapag mag-isa ako sa bar, madalas talagang lapitan ako, kung hindi babae ay gay naman. Dati, I enjoyed talking with strangers—— pero ngayon ay naiirita na ako. Tumatanda na ba talaga ako at ang bilis ko na mainis.

Sumulyap ako sa nangyayari sa kabila. Mukhang nagkakasayawan na silang lahat. Napatingin ako sa hawak na glass ni Gia, ibang klaseng alak na naman ang hawak nito. Ano ba talaga? Nagpapakalasing ba siya?!! Parang ayaw umuwi ah?



Nagulat ako ng may humawak sa binti ko. Itong babaeng kausap ko ay sinisimulan na kong landiin.




"Miss, you may go na, parating na yung hinihintay ko.." sabi ko dito at bago pa man umalis sa paglingkis sa akin ang babae ay ninakawan pa ako ng halik sa pisngi.







Pumasok ako ng comfort room para maghilamos. Hindi pa naman ako lasing at alam kong kaya ko pang magmaneho. Pero inabot na ako ng 11pm dito. Gusto na ng utak kong umuwi pero may pumipigil sa akin.
May maghahatid ba kay Gia?






Paglabas ko ng CR ay nakasalubong ko si Emman.





"Arman? Nandito ka pala?"





"Pauwi na din ako. Nagpainit lang saglit. Ikaw? Kayo? Hindi pa kayo tapos?"



"Hindi pa! Nagsisimula pa lang kaming mag-enjoy!!"


"Drink responsibly!" paalala ko dito.


"Wow! Para kanina ba iyan? For me or for Gia?" may pang aasar na tanong nito.


"Sa inyong lahat." nakaismid na sabi ko at tumawa ito.





"Gia's already drunk! Ikaw na bahala dun!" sigaw nito bago tuluyang pumasok ng banyo.





At bakit ko naman siya ihahatid? Ano pa bang dapat na pakialam ko sa kanya??!









Naglakad na ako pabalik ng bar counter ng makita ko kung sino na ang nakaupo sa upuan ko kanina. Speaking of the drunk girl——- mukhang totoo nga.

Pinagmasdan ko ito kung paano mag request ng bagong drink sa barista. Ibang klase ng alak na naman? Seriously? Magpapakamatay ba siya?? Pagsisisihan talaga niya yung pinag-iinom niya ngayong gabi!

11 pm na. Kailangan ko ng umuwi. Tama, uuwi na ako. Tumalikod na ako para maglakad paalis ng sumagi na naman sa konsensya ko si Gia. Nilingon ko muli ito. Pauwiin ko na kaya to?



Nang ilapag ng barista ang alak na request nito ay mabilis ko iyong kinuha. Sapat lang para hindi niya mainom. Ako na ang umubos. Tsaka ko inilapag sa table ang empty glass..



"What the hell???? That's mine—— Arman?"  nanliliit niyang mga matang nakatingin sa akin.




"Yes. Wala ng iba." sabi ko dito sabay upo sa tabi niya.



"At bakit ka nandito???" halos di makapaniwalang tanong niya.



"None of your business." sagot ko dito sabay request ng isang glass ng whiskey sa barista.



"Wala akong pakialam sa monkey business mo." mataray na sabi nito sabay kuha ng empty glass at inabot sa barista —- tila magrerequest na naman ito ng bago.




"No. Wag mo na siyang bigyan, lasing na siya." sabi ko sa barista.



"No! Excuse me? Sinong lasing hah? Tsaka ano bang pakialam mo hah? Wag mo nga akong pakialaman!! Free naman to lahat! It's Nana's day!!!"



"Hindi porket libre, eh aabusuhin mo na! Tell me, paano ka uuwi hah? Look at you. You are drunk! Paano ka mag ccommute??!"



"Bakit mo ba ako pinapagalitan hah??! Boyfriend ba kita hah!! Doon ka na nga! Lumayo ka sa akin.. Shoooo..."




"Tell me, paano ka uuwi hah?"




"Hindi ko alam! Basta makakauwi ako!" sabi nito sabay nguso at nakatingin sa mga bote ng alak sa harapan namin.. Napangiti akong pinagmamasda ang mukha nito. Why she's so cute when she's drunk.



"Ara——y! Bakit ka nanghahampas???" biglang sigaw ko ng hampasin ni Gia ang braso ko.



"Pinagtatawanan mo ako! Ang kapal ng mukha mo!!!! Alam mo ba iyon??!!! Ang kapal!!!!" nagpanic ako ng mapansin kong nagtakip si Gia ng mukha niya. Is—— is she crying? D*mn.




"Hey, Gia."






"Why your always like that Arman.."





"Gia.."





"I thought you cared pero hindi naman pala totoo. Why you always pretending that you cares for me??? Why??? You never care. At all.." mas lalo akong nataranta ng tumayo si Gia mula sa pagkakaupo. Tiningnan niya muna ako bago ko muling makita ang pagtulo ng luha sa mata niya, tsaka siya naglakad ng pagewang-gewang upang lumabas ng bar.. Para akong namanhid sa kinauupuan ko ng makita ko yung lungkot sa mga titig ni Gia. I'm causing her pain. I'm so stupid.


Mabilis akong naglalad para habulin si Gia. Hanggang sa maabutan ko siya sa parking area.


"Gia, ako ng maghahatid sayo." hinawakan ko ang kamay niya kaya napahinto siya sa paglalakad.




"Ayoko."




"Gia."




"When I'm with you, I don't feel safe anymore.." seryosong sabi nito sa harapan ko habang patuloy ang pagtulo ng mga luha niya. Parang sinaksak ng ilang beses yung puso ko sa sinabi niya.











👽

Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 98 30
A Luhan Elizalde and Eunice Alexandreah Villamayor's forbidden love story. @2018
37.5K 1.5K 58
Mga lalaking paasa, mahilig magpaiyak at mahilig magbitaw ng promise at higit sa lahat hindi sya naniniwala sa salitang 'FOREVER'. Yan si Marilyn Apa...
67.5K 1.2K 33
Will you still lay your cards just to be fixed? You #2 of You Duology © 2016 by Chancymoon
82.6K 2K 41
I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a drug pusher. I have to be careful because...