My Professor is an Eyesore

By heytheregigi

2.2M 16.7K 4.8K

Cheska Romulo is not your typical spoiled brat. Wala siyang sinasanto. She can be a bitch to everyone. She ca... More

My Professor is an Eyesore
Lesson 0
Lesson 1
Lesson 2
Lesson 3
Lesson 4
Lesson 5
Lesson 6
Lesson 7
Lesson 8
Lesson 9
Lesson 10
Lesson 11
Lesson 12
Lesson 13
Lesson 14
Lesson 15
Lesson 17
Lesson 18
Lesson 19
Lesson 20
Lesson 21
Lesson 22
Lesson 23
Lesson 24
Lesson 25
Lesson 26
Lesson 27
Lesson 28
Lesson 29
Lesson 30
Lesson 31
Lesson 32
Lesson 33
Lesson 34
Lesson 35
Lesson 36
Lesson 37
Lesson 38

Lesson 16

48.5K 360 138
By heytheregigi

Lesson 16

First Night

"Bye Mrs. Cheska Ryan!" Paalam sa akin ni Sharpay bago ako pumasok sa kotse ni RR.

"Best naman eh!" Reklamo ko siya. Ayaw ko ngang maisip na apelyido ko na ang apelyido niya. "Oy ha, you know the purpose why we had a civil wedding so no single soul in the school except me, you, RR, and Sir Neil should know about this." Paalala ko sa kanya.

"Of course, bestie." Ngisi niya. "And RR? Anong RR?" Pagtataka niya. Oo nga pala, sanay siyang i-address ko si Sir - este si RR ng Sir noon.

"Ah, it's my new name for him," sabi ko kay Sharpay habang nginunguso ang direksyon ni RR na nasa loob ng kotse. "Kasi nga Rodrick Ryan." Paliwanag ko.

"Ahhhh... Kaya naman pala. Ang bilis mo naman lumevel up, best!"Humagikhik siya. "Baka sa susunod honey o sweetheart na tawag mo sa kanya ah. Yieeee" Kutya niya sa akin. Wow ah, kadiri. Kung alam lang niyang Shithead Asshole ang nasa contacts ko. Duh.

Hinampas ko siya sa braso, "Pasaway kang babae ka!" Inilapit ko ang bibig ko sa kaliwang tainga niya. "Kilala mo naman kung sinong type ko 'di ba? At hindi si RR 'yun! Ayun oh!" Sabay pasimpleng turo ko kay Sir Neil na kinakausap ng parents ni RR.

"Hoy gaga! May asawa ka na! Makuntento ka na diyan sa asawa mo. Ang yummy-yummy na nga ni Sir oh!"

"Mas gaga ka! Yummy-yummy ka diyan!"

"Basta bestie, mamaya, alam mo na, okay lang naman na may mangyari sa inyo pero... you know... nag-aaral pa tayo, gumamit kayo ng con-"

"Ugh! Sharpay, please. Umuwi ka na lang, okay? Ano ba 'yang utak mo ha? Ilang porn ba ang pinapanuod mo, gaga? Isa pa, walang mangyayari sa amin. AS IF! Manigas siya!"

"Oh kita mo, manigas daw oh - " Tinakpan ko ang bibig niya baka marinig na ng mga taong nasa paligid namin ang kalibugang namumugad sa utak ng kaibigan ko.

"Letse ka, bestie! Iba yung tinutukoy ko!" Saway ko sa kanya. "Just go home! Andyan na ang sundo mo oh!" At tinuro ko ang silver na Porsche na magpapark malapit sa kinatatayuan namin. "Uwi na, shoooo!" Sabay tulak sa kanya.

"Hehe, bye Mrs. Ryan! See you on Monday!" Sabay kindat sa akin at tumakbo papunta sa kotse. "Bye po, tito and tita!" Sigaw na paalam sa parents ko. My parents also told their goodbyes to my bestie.

Nasa loob lang ng kotse si RR at may katext kaya sa phone.

"Baby!" Tawag sa akin ni Mom. "Uy, don't forget to give him this." Binigay niya sa akin ang isang kahon na kasya sa palad ko. Kulay itim ang kahon at may silver na ribbon. "That's your wedding gift to him. Bigay mo ha!"

I nodded, "Okay, whatever. Sabi ko na sa'yo, Mom, hindi niya kailangan ng regalo." I rolled my eyes.

"Enjoy your dinner later, okay?" She gave me a peck on the cheek. "And... don't forget, yung Victoria's Secret na lingeries nasa may maliit na box kapag andoon na kayo sa unit niya. Lahat ng gamit mo pala nakakahon." Magsama kayo ni Sharpay, Mom. Bakit ganyan ang mga iniisip niyo? Yung totoo?

"Mom. I. Don't. Need. Them." I emphasized.

"Cheskie," kinalabit ako ni Dad. Pagkalingon ko niyakap niya ako. Awww... "Kapag sinaktan ka ni Rodrick, don't hesitate to call me, okay? I'll beat the shit out of him if he hurts you." Tinapik-tapik niya ang balikat ko habang yakap ako. "You're all grown, bunso. Visit us sometimes, okay? At magpakabait ka kay Rodrick." He patted my head and hugged me more tightly.

Sumilip siya sa bintana ng kotse. "Rodrick, alam mo na yung napag-usapan natin dati. Take care of her." Seryosong sambit ni Dad kay RR.

RR nodded, "Makakaasa po kayo, Tito."

"Hijo, we are one family na. Call us Mom and Dad na rin. Ikaw rin Cheska sa in-laws mo." Sabi ni Dad.

"Yes, Dad," sabay naming sabi ni RR.

Lumapit sina Tita Rica (a.k.a. Ma) at Tito Lenard (a.k.a. Pa) sa amin. "Ingat kayo pauwi 'nak. Don't drive too fast, okay?" Paalala ni Ma (Tita Rica) sa anak. Lumabas si RR sa kotse. "And did you make sure your unit is clean? You should be always aware na ha? May kasama ka." Ma (Tita Rica) smiled at me.

"Ma, you know me. Malinis ako sa gamit ko." Sagot ni RR.

"Hija, don't worry, my son knows how to do some chores. He has lived by himself in the States during the last four years of studying abroad." Sabi sa akin ni Pa (Tito Lenard).

I just smiled. Pota, nakakahiya. I can't even do a single chore! Patay ako nito.

Sir Neil appeared out of nowhere. "Congratulations, Cheska! Enjoy your married life! Wag kalimutang mag-aral." He winked at me patted my head again. Pinamulahan ako at pinanghinaan ng tuhod. Goodness, I think I'm in love with head pats huhu.

Nagulat ako nang buksan ni RR ang pinto ng kotse. "Come on, let's go." Utos niya sa akin. Pumasok na rin ako agad dahil gusto ko nang makauwi dahil pagod at gutom na rin ako. Nagpaalam na silang lahat sa amin.

"Enjoy dinner!"

* * *

"And what was with that forehead kiss, huh?" I smirked. I was referring to the forehead kiss he gave me earlier during the ceremony.

"What's wrong with that? Kulang ba? You want a torrid or French kiss?" Sabi niya habang nakatingin sa daan.

"Perv!" Hinampas ko siya ng bulaklak na ginamit ko kanina. "Kapal mo! Pwede namang hindi mo na ginawa 'yun." I crossed my arms. "Hindi ko naman hinihiling na halikan mo ako."

"Una sa lahat, ayaw kong mapahiya ang judge. Sinabi niyang kiss the bride, eh di ginawa ko. Pangalawa, ganun naman talaga normally ang ginagawa kapag kasal, right? The groom normally kisses the bride. I could have actually kissed you on the lips but then I thought it might offend you." Paliwanag niya.

"Weh? Kaya mo akong halikan kahit wala kang gusto sa akin?"

"Yup, it's just a kiss anyway. I can even give you a smack, right now." Sinasabi niya ang lahat ng ito ng may normal na mukha. Siraulo ba 'to?!

"I don't want your kiss! Kapal mo!"

"Are you sure you don't want my kiss, Mrs. Ryan?" He grinned but his eyes are focused on the road.

"Do you want my fist, Mr. Ryan?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Tumigil-tigil ka sa mga kiss chuchu na 'yan kung hindi ikikiskis ko 'yang nguso mo sa gulong ng kotse."

"Awww... My wife is so brash," he acted like he was hurt. Ang sarap umpugin ng ulo sa driver's wheel ng mokong.

"Hoy RR! Wag kang a-"

"RR?" Pinutol niya ang sasabihin ko. Aba, bastos talaga oh. "Anong RR?" He asked me, completely curious. Oo nga pala, this is the first time I called him like that. No wonder he's clueless.

"Yes, RR." Tango ko. "R for Rodrick and another R for Ryan. I've made up my mind na tigilan na talaga ang pagtawag sa'yo ng Sir outside class dahil super awkward na nakatira tayo sa isang bahay at magpatuloy ako sa katatawag sa'yong Sir. It sounds like I'm a maid."

"I see. Hmmm... RR. Ikaw palang ang tumatawag sa akin ng ganyan in fairness. Nice, nice." He nodded in approval. "So what would I call you?"

"I'm fine with Cheska." Sabi ko.

"You sure? Ayaw mo ng Nene, Inday, Basyang, Petra -"

I cut him off. "Alam mo ipapakain ko na sa'yo 'yang manibela ng sasakyan kapag hindi ka pa tumigil." Pang-asar talaga 'to eh. "I'm bored. Are we near?"

"Malapit-lapit na rin. Kaunting hintay lang."

* * *

Binati kami ng guard nang pinagbuksan kami ng pinto ni RR. Lumantad sa akin ang napakagarang lobby nito. At dahil condo ito at hindi hotel, karamihan nang nasa lobby mga nakapambahay lang halos. Bilang ang mga nakapang-alis, mga bisita siguro. And that makes the two of us out of place.

Ugh, ang awkward. I know ang ganda ko. Pero hindi kasi 'yun ang dahilan kung bakit nila kami pinagtitinginan ngayon. It's the fact that we're walking around the lobby looking like young couples who got just married. Which is exactly the same in our situation.

Ihh, pero kasi nahihiya pa rin ako. Ang obvious naman kasi. Enube?

Sinundan ko lang siya hanggang sa tumigil ito para maghintau ng bababang elevator. "Do you wanna change clothes in my unit or eat dinner first in the rooftop?" Tanong niya sa akin.

Before at the City Hall, I wanted to change into something lighter. Medyo mainit kasi kanina. Pero dahil malamig naman na dito sa condo niya at kumalam na rin ang sikmura ko, I shortly. replied, "Dinner."

"Okay," nagkibit-balikat siya. Sakto may bumabang elevator na kaya pumasok kami. Wala kaming kasabay.

He pressed the R button. Rooftop yata.

"Do you have plans for tomorrow?" He initiated a question.

"Nah," iniling ko lang ang ulo ko. Nakatingin ako sa repleksyon namin sa pinto ng elevator. Kahit 2.5 inches ang takong ng suot kong stilletos ngayon, higit pa rin siyang matangkad kaysa sa akin.

"Would you want to go to the beach?" Tanong niya sa akin.

"Why?" Balik kong tanong sa kanya.

"Why not? Isang araw lang naman." Sambit niya.

"Isn't this like a honeymoon?"

"If you want to call it as a honeymoon." Sagot niya. "Well, you can consider this as a get-together to celebrate our marriage."

"Should we really celebrate this marriage? We aren't even lovers to begin with." Sabi ko naman. Kakadaan lang sa 37th floor.

He sighed. "Sabihin mo lang kung okay ba sa'yo o hindi. Tapos." Pansin ko ang pagkainis sa tono niya.

"Fine! Then let's go to the beach then."

Bumukas na ang elevator. I just found out that this condo is 45 stories high. Pagkalabas na pagkalabas namin sa elevator tumama agad sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Nakita ko ang isang karatulang may nakalagay na Rooftop is Reserved for Tonight.

Sa kalayuan, nakita ko ang isang mesa na may nakasinding kandila sa ibabaw. May waiter sa tabi nito na may tulak-tulak na tray. Pagkakita niya sa amin, sumenyas siya sa mga lalaking may hawak ng violin, sax, at beatbox. Nagsimulang magpatugtog ng classic version ng Thinking Out Loud ni Ed Sheeran. Shet, it brought me back to high school.

High school...

And I suddenly remembered him. KL. He serenaded me with that song before...

"Mr. and Mrs. Ryan, we hope you'll enjoy your dinner," bati sa amin ng waiter. He guided us to the table for two.

If we are in love, this would seem romantic. Kaso hindi naman kami in love, kaya parang normal lang sa pakiramdam ko ngayon.

RR pulled the chair for me. Aba, may bahid pala ng pagka-gentleman ang lalaking 'to?

"Wait." Tinanggal niya ang black suit niya at ipinatong sa balikat ko. Oo nga pala, medyo backless at sleeveless ang dress na suot ko.

I caught the scent of his suit. Shet, it smells so him. It smells masculine. The scent turns me on. Gosh.

"Thanks," untag ko. Wow naman, all of a sudden he's acting concerned. Ugh. Hindi ako sanay!

"By the way," inabot ko sa kanya ang kahon na kanina ko pa hawak. "Wedding gift ko. Pinilit ako ni Mom. Siya pumili niya. I don't know what's inside. Sabi ko nga wag ka nang bigyan dahil di mo naman kailangan." Depensa ko agad.

"Thanks," sabi niya. "Let's eat," imbita niya at nagsimulang sumubo.

Wait, what? He didn't prepare a gift for me?! Seryoso ba?! Grabe!

* * *

"Huy, okay ka lang ba?" He asked when we went back to the elevator. He pressed 42. I guess he's living there.

Kanina ko pa kasi siya hindi kinakausap ng maayos. Puro lang ako tango sa kanya.

I nodded again.

"You're not okay." Sabi niya. "Kanina ka pa nakabusangol. Bakit? You didn't like the food?"

I don't like you asshole! Wala ka man lang wedding gift! Mean! of course, what to expect from you!

Umiling lang ako. I heard him sigh.

Ilang saglit lang bumukas na ang elevator. Malapit lang pala sa elevator ang unit niya. Nang nasa tapat na kami ng unit niya, he swiped his key card across the card lock. Pagkabukas ng pinto, the lights are off. Revealing nothing but a pitch black room.

Napalunok naman ako. Gosh, this is the first time I'll be in a man's place and worst, kaming dalawa lang!

"Pasok," yaya niya. Pinauna niya ako at sumunod naman siya. Kahit madilim nagawa niyang pindutin ang switch ng ilaw. Pagkabukas ng ilaw, tumambad sa akin ang mga kahon ng gamit ko na nakastack ng maayos sa living room niya.

"Psst," sitsit niya sa akin nang magsimula akong maglakad sa living room. "Remove your heels, please." Sabi niya habang tinatanggal niya. ang sapatos niya.

"Ehhh..." Arte ko.

"Just place your heels here in the shoe rack." Nilagay niya ang sapatos niya sa rack.

No choice. So I followed him. Pagkatapos, umupo agad ako nang pabagsak sa couch niya. Ang lambot! Parang gusto ko na tuloy matulog.

"Make yourself comfortable." Sabi niya habang iniikot pataas ang long sleeves niya.

Inilapag ko ang suit na pinahiram niya sa akin kanina sa tabi ko. Now he's in the kitchen, kinuha ang pitsel ng tubig galing sa ref.

Iginala ko ang paningin ko sa unit niya. From my position, I can oversee the kitchen, the baking area, his dining room, the bar counter at the edge of the kitchen, and four other rooms. Ang laki ng unit niya in fairness. Well, Maxwell Residences is a known high-end condo.

I guessed that one room might be the CR, the other one is his bedroom, and what's the other two? Baka yung isa doon kwarto ko?

"Where's my room?" Tanong ko sa kanya. He's drinking water at the kitchen.

"There." Pagkakaba sa iniinom niya, tinuro niya ang isang pinto na kulay itim.

"Where's the CR?" Itinuro niya naman ang isa pang pinto.

"How about the other two rooms? Saan dyan ang kwarto mo?"

"Oh. The other one is my library and office. Well, that one is where I work out. That's my mini gym." Mini gym. Wow ah.

"Ah, so where do you sleep?" Kasi kung kwarto ko eh yung nasa itim na pinto, and the other three is the CR, the library, and the mini gym, nasaan ang kwarto niya.

"Of course, that's my room," at itinuro ang itim na pinto kung saan itinuro niya kung saan ang kwarto ko.

"Hey!" Sigaw ko sa kanya. "Don't tell me isa lang ang bedroom mo!" Napatayo ako.

"Uhmm... Isa lang ang bedroom ko," sabi niya habang naglalakad papalapit sa akin.

"I don't wanna share the same room with you!"

"Eh di matulog ka diyan sa couch," agad niyang sagot.

"Wow, ikaw ang matulog sa couch!"

"This is my unit. At ikaw ang maarte, ikaw ang mag-adjust."

"No! Akala ko may nakahandang separate na kwarto for me!" Bulyaw ko. "I'm gonna call Mom and Dad, hindi ako papayag sa gan'to. No fucking way!"

Hinawakan niya ang braso ko. "Cheska!" Ang lakas ng boses niya. "Be mature! Don't worry wala akong gagawing masama sa'yo." He assured me.

"Malakas ang control ko sa mga ganyang bagay, okay? I've been in bars before and a lot of girls tried to seduce me and I haven't given in yet. So don't worry." Umiwas siya ng tingin sa akin.

"Siguraduhin mo lang!" Pagtataray ko sa kanya. Shet, I'm a virgin for Pete's sake. Never been kissed. Never been you know.

"Oo! Kahit maghubad ka pa sa harap ko, wala. You're not my type." Sabi niya sa akin.

Not his type? Hmm... Medyo nasaktan ang pride ko. But something inside me was challenged. Talaga lang RR? Kahit maghubad pa ako sa harap mo you won't get tempted? Let's see.

I smirked. "Talaga lang ha?" Even though I am a virgin, gusto kong pagsisihan niya ang sinabi niya.

"Yup," at nag-iwas siya ng tingin.

"Sure, sabi mo eh." I just grinned. One day, RR. One day, you're gonna take those words back.

He cleared his throat. "I think we should sleep early. We need to wake up early tom." Pumunta na siya sa kwarto namin. Shet, shet.

Sumunod naman ako. Nakita ko kaagad ang malawak na kama niya. The lamp is dimly lit. Umupo ako sa edge na ito at nasa gilid naman si RR, tinatanggal isa-isa ang butones ng pang-itaas niya.

Nakaramdam ako ng init sa pisngi ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. "Hey! What are you doing?!" Sigaw ko sabay takip sa mga mata ko. "You're a perv!"

"Perv? God, I'm just changing, Cheska. Be mature, magbibihis lang ako, okay?" Sabi niya habang nagpapatuloy sa pagtanggal ng butones. Tinanggal ko na ang mga kamay ko. Sige. Whoo.

Unti-unti kong nakita ang abs niya at binilang ito. Shet, he has toned six-pack abs. Pota. Tangina. Shet.

Tinanggal niya na nang tuluyan ang pang-itaas niya. I caught a glimpse on his V-Line. Tangina. It's so defined. Umakyat ang tingin ko at napansin ang dibdib niya. Ang mga balikat niya pati ang tattoo na sakop ang kaliwang balikat niya hanggang sa bandang itaas ng kaliwang braso niya. Hindi ko masyadong makita ang design dahil medyo madilim at medyo malayo ako sa kinatatayuan niya.

Maybe that's why he always wear long-sleeved tops: to conceal that cool af tattoo.

"You have a tattoo pala." I commented.

"Yep, I have this for 4 years," sabi niya. He unbuckled his belt. Napalunok na naman ako. Unti-unti niyang ibinaba niya ang pants niya revealing his boxers. Shucks.

Kumuha siya ng T-shirt sa closet niya at isinuot ito. Bakit ka pa nagsuot. Okay na yung kanina.

"You won't change?" He casually asked me. This guy doesn't know how he affects me. "I'll just be in the living room. Call me when you're done." At saka lumabas siya ng kwarto. I think he knows na hindi ako magbibihis kung andito siya.

I slipped off my dress and wore my pajamas. I normally don't wear bras when I sleep kaya pinoproblema ko ang pagtulog naming magkatabi. Di bale malaki naman ang pang-itaas na suot ko kaya hindi niya mahahalata.

Matapos kong tanggalin ang make-up ko lumabas na ako sa kwarto at naabutan siyang nanunuod ng palabas sa living room.

"Hey, I'm done." Sabi ko.

He immediately turned the TV off and walked inside. Humikab siya at humiga agad sa kama. "Finally," sabi niya at ipinatong ang isang braso niya sa mata niya. Nakatayo lang ako sa tabi ng kama. Seryoso ba talagang tatabi ako sa kanya? Ugh!

"Oy," tawag ko sa kanya.

"Ano? Hindi ka pa ba matutulog? I'm sleepy." Sagot niya.

"'Wag na 'wag mo akong hawakan ah!" Sabi ko at ipinatong ko na ang magkabilang tuhod ko sa kama. Gosh.

"Oo! Hindi naman ako malikot matulog. I can sleep still." Sabi niya.

Kinuha ko naman ang mahabang unan nasa uluhan ng kama at inilagay ito sa gitna namin. "Eto, 'wag na 'wag kang lalagpas dito ha? This is the line! Don't YOU ever cross this!" Sigaw ko at humiga nang pabagsak.

"Ang ingay naman oh! Matutulog na nga lang. You already nag and it's still our first day!" Sabi niya sabay harap sa kabilang banda para talikuran ako. Aba 'to! "Good night," matabang niyang sabi. "'Wag mo akong gahasain habang tulog ako ah." Dagdag niya.

"Hoy! 'Wag kang assuming Mr. Rodrick Allen Ryan!" Bwiset 'to kaya hinagisan ko ng unan.

"Just sleep Mrs. Ansherina Francheska Chrysanthe Romulo-Ryan!" Naiinis niyang sinabi. "By the way, before I forgot, my wedding gift is in one of the boxes in the living room. Nilagay ko doon. Check mo na lang bukas pagkagising."

May wedding gift pala siya?!

Continue Reading

You'll Also Like

140K 3.1K 20
Dice and Madisson
7.4M 200K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
543K 19.9K 29
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...