BHO CAMP #4: The Retribution

By MsButterfly

3M 72.3K 5.6K

I'm Serenity Hunt. A simple woman with a simple life. Or that is what I'm trying to show everyone. Maayos na... More

BHO CAMP #4: The Retribution
CHAPTER 1 ~ Serenity ~
CHAPTER 2 ~ Supladong Alien ~
CHAPTER 3 ~ Kiss ~
CHAPTER 4 ~ Forever ~
CHAPTER 5 ~ Visit ~
CHAPTER 6 ~ Detective ~
CHAPTER 7 ~ Game Time ~
CHAPTER 8 ~ Unravel ~
CHAPTER 9 ~ Fifth ~
CHAPTER 10 ~ Storm ~
CHAPTER 11 ~ Ale ~
CHAPTER 13 ~ Yat Yat and Mi Mi ~
CHAPTER 14 ~ Beauty ~
CHAPTER 15 ~ Fiancé ~
CHAPTER 16 ~ Warning ~
CHAPTER 17 ~ Tears ~
CHAPTER 18 ~ Start ~
CHAPTER 19 ~ XX ~
CHAPTER 20 ~ Promise ~
CHAPTER 21 ~ Call ~
CHAPTER 22 ~ Face ~
CHAPTER 23 ~ Failure ~
CHAPTER 24 ~ End ~
CHAPTER 25 ~ Through The Years ~
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Up Next

CHAPTER 12 ~ Code ~

91K 2.4K 143
By MsButterfly

CHAPTER 12

STORM'S POV

"Binalaan na kita-"

Mabilis na pinatay ko ang tawag at binura ko ang call register bago ko iyon itinago nang may marinig ako na mga kaluskos sa labas ng kwarto ko. Humiga ako sa kama at mariin ko na pinikit ang mga mata ko kasabay nang pagbukas ng pintuan ng kwarto.

"Kanina pa sila natutulog ni Ale, Dawn. Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang ang kung ano man ang kailangan niyo na itanong sa kaniya?"

"Tita Hurricane sigurado ho ba kayo na hindi nakaalis si Storm?"

"Of course I'm sure. Kasama pa namin siya nila Sky na nakikipaglaro kay Ale. Nang antukin na ang bata ay nagpaalam na rin si Storm na matutulog na."

"Dinaanan ko din sila bago ako pumunta sa kwarto ko." narinig ko na singit ng kapatid ko na si Sky sa usapan. "Ano ba talaga ang nangyayari?"

"Pag-usapan na lang natin sa sala."

Unti-unting humina ang mga boses na naririnig ko. Nang marinig ko ang mahinang tunog na nilikha ng pagsarado ng pintuan ay nanatili ako sa kinahihigaan ko na hindi gumagalaw. Alam ko na hindi pa sila lumalayo sa pintuan ko. Nararamdaman ko. They're agents after all. Hindi basta-basta binibitawan ang isang suspect at sa pagkakataong ito ay ako iyon. After all it's Dawn we're talking about here.

It took me a few moments before I regain my memories with Dawn. Siguro tama nga sila. Hindi agad-agad babalik lahat pero nasisiguro kong hindi naman magiging mahirap na alalahanin ang lahat. My brain blocked everything so it can protect me and also because I was forcing myself to not let any of it in. But I'm not doing that now.

Ilang sandali pa ang lumipas ay dahan-dahan na akong kumilos. Muli kong kinuha ang phone ko na inilagay ko sa ilalim ng unan ko at pagkatapos ay pinindot ko ang speed dial.

"Hello?" sagot ng kung sino mula sa kabilang linya.

"Tinulungan mo ako." Hindi nakapagsalita agad ang nasa kabilang linya kaya muli akong nagsalita. "Sabi mo hindi ko dapat ginawa ang mga ginawa ko then why are you helping me?"

"I didn't helped you."

"Anong-"

Pinutol niya ang sasabihin ko. "Malaki ang pagkakautang sa akin ni Detective Bach. Naningil lang ako."

"Waine..."

"You're different, Storm. Sana hinayaan mo na lang ang Claw. Sana tahimik pa ang buhay mo ngayon at ang buhay ng pamilya mo."

"Pinaalam mo sa pamilya ko kung nasaan ako. Ang sabi mo sa akin noon kung gusto ko na mabuhay bilang si Serenity o kung sino mang katauhan ang piliin ko na buuin ay gagawin mo ang lahat. Kung gano'n bakit mo sinabi sa pamilya ko na buhay pa ako?"

"I need to have options. Hindi ko alam kung hanggang kailangan kita maitatago kay Wyatt kaya ko pilit na kinontak ang pamilya mo. Nagkita kami ni Dawniella at Triton Lawrence at sumang-ayon sila sa sinabi ko. Na hayaan ka na magkaroon ng tahimik na buhay hanggang sa makakaya namin na ibigay sa iyo iyon. Pero gumawa ka ng mga bagay na hindi mo dapat ginawa. Mga bagay na dapat ay binitawan mo na kapalit ng normal na buhay."

Mariin ang bawat bigkas sa mga salita na bumulong ako. "I can't let go."

"Storm-"

"Ganoon ka din naman di ba? Hindi mo pa din kayang bumitaw. Naghihiganti ka rin."

"Magkaiba tayo."

"Wala tayong pagkakaiba. Pareho lang natin gusto na mapabagsak ang Claw. Na magawang itigil ang kabaliwan ng kapatid mo. Iyon lang ang paraan para matahimik tayo, Waine."

"Magkaiba tayo." ulit ng binata sa kabilang linya. "Kasama mo na ang pamilya mo, ang mga taong mahal mo...ang anak mo. Pero ako hindi pa ako maaaring tumigil. Dahil may isa pa akong bagay na hindi nababawi sa kapatid ko."

Binalot ako ng kilabot sa narinig kong galit sa boses niya. Galit na halos pantayan ang poot na nasa puso ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"Namalagi ka sa bahay ng mga Hunt. Alam mo na may mali, alam mo na may tinatago sila tungkol sa pagkatao mo. Ni minsan ba ay hindi mo naisip na kung hindi talaga ikaw si Serenity ay kung nasaan ang totoong Serenity Hunt?"

"What are you talking about?" I whispered. "Serenity Hunt is a fake identity to keep me safe. It's a life you made for me."

"It's a life I let you borrowed. Dahil kapag napabagsak ko ang kapatid ko at nakuha ko na si Serenity maaari ka ng bumalik sa totoo mong buhay o magkaroon ng pagkakataon na magsimula muli."

Naguguluhang umiling ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "Hindi kita maintindihan Waine. There's no Serenity other than me."

"Hindi mo ba nakita ang mga litrato ni Serenity sa bahay ng mga Hunt? Mga larawan kung saan nakatakip ang buong mukha niya?"

"I realized when I started to have my memories back that maybe you altered those pictures. I thought it was me in the beginning."

"I didn't." he said. "She had a huge scar on her face that's why she always covered it up. Bata pa lang siya ng makuha niya ang marka na iyon. But she still looks beautiful to me. She always has."

Rinig ko ang kaseryosohan sa boses ng lalaki. Serenity Hunt is not a fake identity. Kaya ako nagawang protektahan ng pagkatao na iyon dahil sa kung anong dahilan ay hindi na hinahanap ng Claw si Serenity. Dahil sa isang dahilan. Dahil nasa mga kamay nila ang totoong Serenity Hunt.

"Sino siya sa buhay mo?" bulong ko.

"Ang nag-iisang babaeng mahal ko."

NAKANGITING pinunasan ko ang bibig ni Ale na mayroong kalat-kalat na spaghetti sauce. Nandito kami ngayon sa likod ng BHOCAMP headquarters kung saan nakasalampak kami sa damuhan na pinatungan lang namin ng malaking picnic blanket.

Nakahain sa harapan namin ang iba't-ibang putahe. Iilan lang ang maaaring kainin ni Ale at hindi rin naman niya maaubos ang napakaraming pagkain.

"Ang dami mo namang niluto." baling ko kay Hermes na matamang nakatingin sa akin.

"Okay lang. Matagal na rin naman akong hindi nakakapagluto para sa Craige's."

Kumuha ako ng clubhouse sandwich at inabot ko sa kaniya iyon. Sandaling nagtama ang mga mata namin bago tahimik na kinuha niya sa akin iyon at kumagat roon. Kumuha na rin ako ng sa akin at nagsimulang kumain.

Walang imik na kumain kami habang ako ay pinagmamasdan lang ang anak ko na nakangiting nakasandal sa teddy bear at nakaangat sa langit ang mga kamay. Nagpapasag siya at muntik ng matumba patagilid ng kaagad na maalalayan siya ni Hermes na para bang sanay na sanay na kay Ale.

"Hermes..."

"Hmm?" he said and looked at me.

"Noong kapit-bahay pa kita bakit bilang ama ni Ale ang pakilala mo sa akin? Bakit kasama mo si Ale na nagbakasyon?"

Kagabi pa binabagabag ng mga tanong na iyon ang utak ko. Dalawang araw na ako naririto. Natawagan ko na rin ang mag-asawang Hunt pero walang sumasagot sa bahay. Ayon kay Waine ay nasa ligtas na lugar daw ang mag-asawa at ang mga kasama nila sa bahay. Inilipat lang sila ni Waine sa ligtas na lugar.

Habang iniisip ang mga tumayong magulang ko sa maikling durasyon na pananatili ko sa kanila ay hindi ko na napansin ang takot na bumalatay sa mga mata ni Hermes na kaagad din na naglaho nang mapatingin ako sa kaniya.

"Hindi naman kita kilala noon at hindi ako madaling magtiwala. Isa pa wala akong balak na ikuwento ang buong buhay ko. Ang pinakamadaling sabihin ay anak ko si Ale."

Tumango-tango ako at inabot ang baso ng juice para uminom. "So bakit mo siya kasama na magbakasyon?"

"Para makapagpahinga naman sila Sky at ganoon din si Tita Hurricane. Hindi na rin naman iba sa akin si Ale. Tinuring ko na rin siya na parang tunay ko na anak."

Sumilay ang tipid na ngiti mula sa labi ko. "I'm happy that even with me gone, Ale were still surrounded by people who cares for him."

"Mahal ka ng mga tao na nandito. Noong mawala ka si Ale na lang ang natitirang alaala mo. Kahit na masakit na nawala ka sa amin nagawa naming tiisin iyon ng dahil kay Ale. Dahil alam namin na hindi nasayang ang paghihirap mo para lang mailigtas siya. We love him not just because he's the only memory of you, we love him because he will always be a part of you."

Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko sa sinabi niya. Marahang binaba ko ang mga hawak ko at naluluhang inabot ko ang kamay niya. "Thank you, Hermes."

"There's no need to thank me for-"

"Thank you for loving me." Nang tila maumid ang dila ng lalaki ay nagpatuloy ako. "Napakatanga ko dahil hindi ko nakita noon kung gaano mo ako minahal."

"Do you remember why?" he murmured.

Umiling ako at mapait na ngumiti. "How funny is that? I can't even remember why I can't love you before. Maybe I was just plain stupid."

"And...and now?" he asked hesitantly.

Humiga ako at tumingin ako sa klaradong kalangitan. Iniangat ko ang mga kamay ko katulad ng ginagawa ni Ale na para bang inaabot ko ang mga ulap. "I don't know. I just know that I don't want to cause you pain again. I don't want to hear your voice drowning with sadness like I remembered."

"Storm?"

Lumingon ako sa kaniya at pinagsalikop ko ang mga kamay ko sa gilid ng mukha ko at umunan ako roon. "Yes?"

"Kilala mo ba ang asawa ni Sky?"

Kumunot ang noo ko. Hindi iyon ang inaasahan ko na tanong niya. "Oo naman. Pinakilala niya sa akin noong isang araw. Hindi ko kasiya siya maalala pa katulad ng hindi ko makilala ang ibang mga agents. Pero naaalala ko ng bahagya ang kasal nila pero hindi lahat."

"And our Prom in high school?"

Bahagya akong napatawa. "Ang weirdo naman ng mga tanong mo. Syempre naaalala ko. You confessed to me."

"And?"

I bit my lower lip for a moment while thinking hard. "I turned you down."

"You remember anything before that?"

Hindi ko alam kung bakit pero parang may libo-libong karayom ang tumutusok sa puso ko habang ikinokonsidera ko ang mga tanong niya. Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at tinungga ko ang laman ng baso na malapit sa akin. "W-Wala akong maalala."

Sandaling katahimikan ang namayani. Naramdaman ko ang mga kamay ni Hermes sa bewang ko at ilang sandali lang ay nasa tabi na niya ako. "I'm sorry. Hindi na ako dapat nagtanong pa ng kung ano-ano."

"It's okay. Maybe I'm just not fully healed yet. Pero panigurado naman na maaalala ko din ang mga bagay na hindi ko pa naaalala."

"You're right. Don't worry, it'll be alright."

"Sana nga."



WYATT CLAW'S POV

"Sir hindi pwedeng magpatuloy ito. Madami tayong tauhan na nawala at karamihan sa mga iyon ay matataas na opisyales."

Malamig na tingin ang ibinigay ko sa tauhan ko na si Henry. Kaagad nawalan ng kulay ang mukha niya sa nakita sa aking ekspresyon.

"Alam ko."

"Walang duda na ang organisasyon na BHO CAMP ang may kagagawan ng mga nangyari. Ilan sa kanila ay namataan ng mga tauhan ko sa simbahan kung saan unang pinagbalakan si Detective Bach na paslangin." Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy siya. "Kailangan nating pabagsakin ang organisasyon na iyon."

"Nag-iisip ka ba o talagang wala kang utak? Dehado tayo. Wala na ang mga magagaling natin na tauhan. Nalagas na din ang mga miyembro natin dahil sa banta sa mga buhay nila. Ngayon nga sabihin mo sa akin kung paano natin pababagsakin ang organisasyon na iyon?"

"Sir-"

Ikinumpas ko ang isa kong kamay para patigilin ang lalaki. "Just call her in. Mabuti ng siya ang kausapin ko kaysa sa iyo na walang utak!"

"M-Masusunod po."

Nang tuluyan ng lumabas si Hentry ay tumayo na ako mula sa kinakaupuan ko at nagsimula akong maglakad-lakad habang patuloy na nag-iisip. Naputol lang ang pagpaplano ko ng pumasok ang isang babae na may balabal ang mukha.

"Mabuti naman at nandito ka na." sabi ko sa babae. "May nahanap ka na ba na kahit na anong makakatulong sa akin?"

Tumango ang babae at may inabot sa akin na papel. Sa maliit na papel roon ay nakasulat ang pangalan ng mga namatay ko na tauhan dahil sa Claw Executioner. Maayos ang pagkakasulat doon at sinimulan sa unang tauhan ko na pinaslang pati na ang oras ng ikinamatay nila.

Arnold tizon, 6:04 PM

Richard Caseres, 7:01 PM

Connie Willard, 1:05 PM

Felipe Gamboa, 3:03 PM

Nagsalita ang babae, "Hindi akma ang oras na inilagay ng Claw Executioner. Sinira niya ang orasan ni Detective Bach at itinapat sa oras na 8:02 kahit na hapon pa lang ng mga oras na iyon. Sonulatan niya rin ng salitang "PM" ang relos na para bang kinaklaro niya iyon. Mukhang naging desperado na ang Executioner. Hindi natuloy ang tangka niyang pagpatay kay Detective Bach dahil may pumigil sa kaniya. Pero meron pa palang kasamahan ang Executioner at itinuloy ang pagpatay sa eksaktong oras na 8:02 PM."

"Anong ibig sabihin ng lahat ng ito?" nawawalan ng pasensya na tanong ko.

"Binago ko sa army time ang mga oras." sagot niya at ibinigay sa akin ang isa pang papel.

Bago pa ako makapagsalitay ay naunahan na ako ng kaharap, "Pinagbaligtad-baligtad ko ang pagkakasunod. Kung mapapansin mo, may bilang 1, 2, 3 , 4, 5 ang dulo ng mga oras. Iyon ang pagkakasunod-sunod. Ang dalawang numero naman ng army time sa unahan ay nagsisilbing letra."

Inabutan pa niya ako ng isa pang papel. Pakiramdam ko ay nanlaki ang ulo ko sa mga nabasa ko roon.

Richard Caseres 19:01 PM = 19 = S

Detective Bach 20:02 PM = 20 = T

Felipe Gamboa 15:03 PM = 15 = O

Arnold Tizon 18:04 PM = 18 = R

Connie Willard 13:05 PM = 13 = M

Continue Reading

You'll Also Like

7M 235K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.
5.6M 107K 33
Lucas Darryl King; he's loud, he's an easy go lucky person and he's a rock star. Me? I'm Freezale Night. I'm an agent, I kick butts and they say that...
2.5M 42.5K 26
Now a published book by Precious Pages Corporation. Available at all Precious Pages branches and other bookstores. "No one in their right mind will c...
50K 3.3K 13
El Amor De Bustamante Book 4: WATER UNDER THE BRIDGE An anti-social strategy and planning director. A bright and sunny assistant. What does fate hav...