LOVE IS WAR(M).

By h3avenonearth

19.8K 2.5K 1.2K

Childhood enemies and academic rivals, these are the words that perfectly define Laurice Concepcion and Sebas... More

Author's Note
Simula
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Wakas

25

322 54 2
By h3avenonearth

Laurice.

"Iiwan ko na muna kayong dalawa para makapag-usap kayo. I'm also needed at the restaurant already." Saad ni mommy dahilan para mapatingin kaming dalawa sa kaniya. Ngayon ko lang napansing nakaayos na pala siya at may hawak-hawak na purse.

"B-bye mommy." Sambit ko kahit na ayaw ko pang umalis siya dahil ang ibig sabihin noon ay maiiwan akong mag-isa rito kasama ang ex ko!

"Goodbye, sweetheart. I hope the two of you can talk it out." Bulong niya sa'kin nang mapadaan siya sa'kin.

"Baste, mauuna na 'ko. I'm going to the restaurant that I was talking about earlier." Nakangiti namang humarap si mommy kay Baste.

"Take care, tita Ven." Baste gave her a sly smile. Mommy smiled at him too and gave me one final look before she stormed out of the house. Mukhang nagmamadali na nga siya dahil kanina pa siya dapat nasa restaurant.

Napahinga ako ng malalim nang mapagtantong ako nalang ang narito sa bahay kasama siya. Damn, what should I do now?!

Matapang na napatingin ulit ako sa kaniya at impit na napatikhim.

"Take a seat, Mr. Alejandre." I calmly said as I gestured my hands towards the sofa that he was sitting on earlier. I tried so hard to keep calm but deep inside I was already screaming internally. Why did I have to meet him again? Sa bahay pa talaga namin this time? Talaga naman.

Napabuntong hininga ako. Right, I should act professionally as well. Hindi na rin pala ako ang Laurice na nakilala niya noon. I am also a professional now so I better act like it. Whether he pursued medicine or not, it's none of my business anymore. Wala na dapat akong pakealam kung anong nangyari sa buhay niya nitong mga nakaraang taon. He's here because of the house, in behalf of his company so I might as well deal with this nang matapos na ang lahat ng 'to.

Naupo ako sa pwesto kung saan umupo si mommy kanina. Pinagmasdan kong umupo si Baste sa couch na nasa harap ko. Hindi siya nagdalawang isip kunin ang mga papeles sa suitcase na dala niya at inilatag ang mga iyon sa harap ko. Mukhang tungkol sa kontrata and the contract itself ang mga iyon. He even provided a pen for me, inilagay niya iyon sa gilid ng mga papeles. Wow, the audacity?

"The company has been trying to reach out but our emails remained unanswered for a few years now." Panimula niya. Nakadekwarto na ang ang kaniyang mga paa ngayon, pinagsiklop niya rin ang kaniyang mga kamay habang nakatingin sa'kin. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya, hinahayaan siyang matapos sa sasabihin niya.

"Ms. Concepcion, the only property that has not yet been sold to us is yours. And we can't start the demolition process as long as one of the properties remain to be out of our control. Our partner for that project is already getting impatient and they might withdraw the partnership with the company if we fail to start the project this year." Seryosong sambit ni Baste na parang napakalaking problema niyon.

Napahinga naman ako ng malalim at napasandal sa sandalan ng kinauupuan ko. "What are you trying to use the land for?" I asked as I crossed my legs together.

Kahit na alam ko na ang magiging desisyon ko kahit na kung para saan pa man nila gagamitin ang dating subdivision ay sinubukan ko pa ring makipag-usap sa kaniya para hindi masayang ang pagpunta niya rito mula Pinas para kumbinsihin lang ako. May awa pa naman ako kahit papaano.

"The site will be used for commercial use, a shopping centre to be precise." Tugon niya naman.

"Is that so?" Tugon ko naman pabalik. Nanatili lang siyang nakatingin sa'kin ng seryoso, mukhang naghihintay na marinig ang desisyon ko.

"Name the price, Ms. Concepcion. We can negotiate about it." Straightforward na sambit niya na parang hindi siya nagsasayang ng oras. Panay rin ang tingin niya sa kaniyang Cartier watch na suot niya sa kaliwa niyang palapulsuhan.

Napatingala ako sa ceiling at sarkastikong napatawa sa harap niya. Pansin ko ang bahagyang pagkunot ng kaniyang noo ngunit agad iyong nawala nang muli kong ibalik ang paningin ko sa kaniya.

"Bold of you to assume that I'm going to sell the property, Mr. Alejandre." Panimula ko.

Napansin ko ang pagbuntong-hininga niya sa harapan ko ngunit nanatili siyang kalmado. "What do you mean, Ms. Concepcion?" Madiin niyang tanong, mukhang nagtitimpi nalang ngayon.

"Is not responding to your company's emails not enough for you to consider that I am not willing to sell the property?" Saad ko sa kaniya.

Tuluyan nang napakunot ang kaniyang noo dahil sa sinabi kong iyon. Akala niya yata ay mapapapayag niya ako just because he flew from the Philippines going here to New York just to convince me! Wala naman akong sinabing puntahan ako ng kahit na sinong tauhan sa kompanya nila para magpapilit na ibenta ang bahay at lupa na 'yon. Hindi ko na kasalanan 'yon.

"30 billion, Ms. Concepcion." Walang pag-aalinlangang sambit niya.

Halos mapamura naman ako sa narinig ko. What the heck is he saying? 30 billion para sa hindi ganon kalaking property na 'yon? Are they that eager to acquire the property para maglabas sila ng ganoon kalaking pera? Their offer was already at 20 billion the last time. Nagtatae ba sila ng pera?!

"Mas lalong hindi ko iyon ibebenta. I think you're just wasting too much money, Mr. Alejandre. Simulan niyo nalang ang project niyo ng hindi pinapakealaman ang sa'kin." Buwelta ko sa kaniya.

Napaawang ang bibig ko nang siya naman ang nagpakawala ng isang sarkastikong tawa na parang hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. "Kung gagawin namin 'yan, your house and lot will be inside of the mall, Ms. Concepcion. Naririnig mo ba ang sarili mo?" Sarkastiko niyang sambit, mukhang napipikon na sa'kin ngayon.

Napabuntong-hininga ako dahil sa konsumisyon sa sinabi niya. This man is starting to get on my nerves once again! "Diskarte niyo na 'yon. You can leave now, Mr. Alejandre." Nagtitimpi kong sambit sa kaniya at nauna na akong tumayo sa kinauupuan ko para samahan siya papunta sa labas.

Wala siyang nagawa kundi ang tumayo mula sa couch, hindi na maipinta ang mukha ngayon pero nanatili siyang tahimik hanggang sa makarating siya sa labas ng pinto.

"This is the last time I'll be talking about the property, Mr. Alejandre. I don't want to receive any emails from your company anymore. I've already made my decision." Saad ko habang hawak-hawak ang doorknob ng pinto, handa ng isara iyon.

"And don't show yourself in front of me ever again. Ayaw na kitang makita." Mapait na dagdag ko pa. Kung akala ko ay hindi niya iyon bibigyang pansin ay nagkakamali ako. I took a step backwards nang humakbang siya papalapit sa'kin.

"Do you think I wanted to see you again, Ms. Concepcion?" Malamig na sambit niya.

Napakurap-kurap naman ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam pero parang may tumusok na kung ano sa dibdib ko nang marinig ko ang sinabi niyang iyon.

"I'm doing this for the sake of the company, don't get yourself too high." Dagdag pa niya.

Mapait na napangiti ako sa kaniya. "Edi mabuti kung ganoon. I can't stand staring at the face of a liar anyway."

I noticed how he clenched his jaw when he heard what I said but I was unapologetic about it. He deserved to hear that anyway. Parang kumakapal na kasi ang mukha niya ngayon. He was the one who showed himself to me at my territory, at siya pa ang may ganang magsalita ng kung ano-ano? What an asshole.

Isasara ko na sana ang pinto nang ilagay niya ang kaniyang kamay sa gilid ng pintuan para harangan iyon. "If you say so, Ms. Concepcion. But bold of you to assume that I'll give up that easily." Aniya habang nakataas ang kaniyang magkabilang mga kilay.

Tila tuluyan nang lumabas ang kaluluwa ko sa aking katawan nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa'kin habang nanatiling nakataas ang kamay niya sa gilid ng pintuan. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kaniya.

"I'm not gonna stop pissing you off until you sell that property to me." He said in a threatening voice. Ilang segundo niya pa akong tinitigan bago niya naisipang talikuran ako ng tuluyan para umalis.

Dahil sa pagkabigla ay pabagsak na naisara ko ang pinto dahilan para lumikha iyon ng malakas na ingay na umalingawngaw sa buong paligid. Nanghihinang napasandal ako sa nakasaradong pinto at napahawak sa dibdib ko. I was catching my breath when I looked at the papers that he left on the center table in front of the couch.

"What the fuck was that?!" Hindi ko napigilang mapasigaw, hinihingal pa rin sa hindi malamang dahilan.

Anong ibig sabihin ng sinabi niyang iyon? Does it mean this is not the last time we'll be seeing each other? Just why the fuck is this happening to me? Bakit patuloy akong minumulto ng mga bagay na matagal ko ng iniwan sa nakaraan?

Napatingala ako sa ceiling at napahinga ng malalim, pilit na ikinakalma ang sarili ko. Calm down, Laurice. He will eventually get tired of what he's doing. Hindi naman siya magtatagal dito, if he is indeed the chief executive officer of Villafuerte Real Estates, he must go back to the Philippines for his duties. And not to mention, he has a daughter now too.





And I was right. It's been two weeks now and he never showed himself to me again ever since. God is good!

"No! I don't want to take my medicine! They taste like shit!" Pagmamaktol ng pasyente kong si John, 6 years old.

"But you won't be well if you won't take this med-" Hindi ko natapos ang pagsasalita ko nang sumigaw ulit siya.

"I don't care! Put that thing away or I'm going to spill it on you!" Galit na galit na sigaw niya.

Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan siya. Hindi na bago sa'kin ang ganitong scenario because medicine are technically kids' greatest enemy. Halos lahat ng bata ay ayaw sa lasa ng gamot dahil sa mapait na lasa nito, kahit may flavor pa ang iba minsan.

Kinuha ko ang isang stool na narito sa kwarto ng bata at inilapit iyon sa kama niya para maupo sa tabi niya. Nanatili namang nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang ginagawa ko.

"John, can you tell me what are the things you like doing?" Kalmado kong tanong sa bata. I even smiled at him to make him comfortable with my presence.

"Why are you asking?" Masungit na tanong niya naman dahilan para mas lumawak ang ngiti ko.

Sanay na sanay na talaga ako sa mga batang katulad niya. Children like him doesn't need nagging or yelling. They are still young so they don't know how to handle their emotions yet, madali rin silang maoverstimulate. Children like him doesn't know how to properly explain themselves yet so what they need is patience, proper guidance, and understanding.

"Because I used to be a kid just like you, and I also used to hate the taste of medicine. Well, even until now. They taste so awful, right?" Kwento ko naman sa kaniya at nagmake face pa na parang nasusuka ako.

But that was a lie. Walang kaso sa'kin ang lasa ng gamot noong bata pa ako, hindi rin ako mahirap painumin ng gamot noon dahil alam ko namang para sa ikabubuti ko rin 'yon. But I have to lie so I can convince the kid. Transparency doesn't always apply to children in this field. This is what makes being a pediatric nurse challenging because we have to be creative when it comes to making our patients take their medicine or vitamins because unlike adults, things are harder to explain to them. And even you've already explained enough, some of them still can't understand because things are still difficult for their young minds to comprehend.

"I liked playing with my friends, hide and seek was my favorite game by the way." Sinimplehan ko nalang ang kwento ko sa kaniya para hindi siya mainip sa mga sinasabi ko.

"But one day, I got sick so I was not able to play with my friends for a few days. Being inside the house for a few whole days bored me." I took the opportunity of him listening to me kaya pinagpatuloy ko ang pakkwento ko.

"I really didn't like the awful medicine that my mom gave me but it's either that or I'll be stuck at home while my friends are happily playing outside. So I endured taking the medicine so I could finally join my friends again." Dagdag ko pa. Parang nakuha ko naman ang attention ni John doon dahil halata namang nakikinig siya sa sinasabi ko, and the frown on his face is gradually disappearing.

"And right after consuming my medicine for a few days, it was magic!It's like I miraculously healed from my illness. I also had a discovery that medicine taste naturally awful because they are meant to fight and scare the bad organisms inside of us that makes us sick." Sambit ko pa sabay turo sa tiyan ko.

"How are these bad organisms in our body supposed to disappear if our medicine tasted good, right? They might stay inside of us for a long time instead. I didn't want that to happen so I took my medicine despite of its awful taste." I smiled when I noticed how John's angry face transitioned into an amused look when he heard what I said.

Nakangiti akong lumabas ng room ni John matapos ko siyang mapainom ng gamot. He got convinced with my story and according to him, he doesn't want to feed the bad organisms inside of him anymore. He was scared that they won't go away so he took his medicine just like what I did in my story.

Ayon din sa kaniya, mahilig siyang maglaro ng puzzle kasama ang mga kaibigan niya ngunit ilang araw na niya iyong hindi nagagawa dahil nakaconfine siya rito sa hospital so I gave him a Spider-Man puzzle as a reward. Buti nalang at meron noon dito sa hospital. We have an exclusive room that have stuff like toys that us peds can use to bribe our patients if needed. I also told John that he can bring the puzzle home once he recovers so he can solve it with his friends. He was grateful and said he would take his medicine from now on.

I took my second break after that. We have two 15 minute breaks and 30 minute break for lunch. Nagamit ko na ang isa kong break kaninang umaga dahil sa konsumisyon sa parent ng isa kong pasyente, parang kasalanan ko pang hindi pa nagrounds 'yong doctor ng anak niya kaninang umaga. Ngayon naman, ramdam ko na ang pangangalay ng mga paa ko kaya gusto ko na munang maupo kahit saglit lang.

When I returned to the station, I saw some peds taking a short nap. Mukhang pagod na pagod din sila. My friends were not here, maybe their still doing their rounds at this moment. Tahimik na pumunta nalang ako sa pwesto ko at tsaka naupo roon. Ilang segundo akong tumunganga, nag-iisip kung anong gagawin ko. Hindi naman ako inaantok kaya kinuha ko nalang ang phone ko mula sa aking bag at nagscroll sa social media.

I opened my Facebook account that I haven't checked for ages. Ever since we migrated here, Instagram na ang naging main social media ko dahil iyon ang uso rito. Kahit si mommy ay ganoon din kaya sa Instagram na rin kami nagkakachat kung kailangan. Gumagamit pa rin naman ako ng messenger para makipagcommunicate sa mga kaibigan ko sa Pilipinas gaya nila Arpia at Bernadine. Ngayon ko lang ulit gagamitin ang Facebook ko matapos ng ilang buwan.

Bumungad ang iilang memes sa news feed ko. Medyo nalito pa ako sa mga button nito dahil hindi ko na madalas gamitin ang app at maraming updates na rin ang nagdaan simula noong huli ko itong ginamit few months ago.

Napatigil ako sa kakascroll nang makita ang bagong profile picture ni Cassie. It was her kissing her fiance habang hawak niya ang gilid ng mukha nito gamit ang kamay niyang may suot na singsing. Naka business class flight attendant uniform pa siya roon. Sa Instagram ko unang nakita ang picture na tulad nito pero iba ang pose nilang dalawa kaya nalaman kong engaged na siya.

I was contemplating whether if I should react on the picture or not. Maliban sa hindi na kami nag-uusap usap ay wala na rin kaming interaction sa social media, pero nakikita kong nagvview pa rin sila sa ig stories ko at ganon din naman ako sa kanila. In the end, I decided not to. Baka mamaya ay makita niya ang pangalan ko sa reactors at masira ang mood niya. Gusto ko rin sanang magcomment ng congratulations kaso natatakot akong baka hindi niya ako pansinin.

Magsscroll na sana ako pababa nang makita ko ang mga comments ng mga dati kong kaibigan dahil friends pa rin kami sa Facebook.

Samuel Brun edited ba 'to

Felix Tan alam na, flower girls daw sila baste at samuel ah!

Sebastian Marcelo Alejandre congratulations lol.

They really have maintained the friendship, huh? Masaya akong ganon ang nangyari. But I can't help but feel guilty because I already have established my own life here in New York and I also have my own circle now. Hindi ko mapigilang mapaisip ng what ifs kung hindi nabuwag ang pagkakaibigan namin. Pag iniisip ko ang mga what ifs na iyon, hindi ko rin mapigilang manghinayang sa mga pinagsamahan namin. Naiisip ko, galit kaya sila sa'kin dahil sa ginawa 'ko? Ano kaya ang naiisip nila sa tuwing nakikita nila ako kasama ang mga bago kong kaibigan? Araw-araw yata akong binabangungot ng pag-iwan ko sa kanila. We never had a proper closure as friends, after all.

Nagpatuloy ako sa pag scroll. Nakita ko ang isang post ni Samuel kung saan nakasuot siya ng isang white hard hat habang nakatingala sa isang building na hindi pa tapos gawin sa picture. Malawak ang ngiti niya habang nakatingin siya sa building na iyon. He became a civil engineer for real. Narinig ko rin kay mommy na naging CPA rin si Felix. I can't help but to feel proud of them, even if I'm miles away.

I was about to exit the app nang may mahagip ang mga mata ko sa baba ng screen ko.

Yssabel Falcon

with my date <33

[2 photos]

The photos were posted few weeks ago before I saw him here in the hospital with his kid.

Yssa and I were not friends on Facebook. Sa IG lang kami mutuals but since malawak na ang reach niya ngayon dahil isa na siyang sikat na model at vlogger sa Pilipinas at marami kaming mutual friends, dumaan sa news feed ko ang post niyang iyon. It was her and Baste in one frame. Mukhang nasa isang formal party sila dahil sa suot nila at ng mga taong nakapaligid sa kanilang dalawa. Nakapulupot ang kaniyang kamay sa braso ni Baste, she was smiling from ear to ear while he was just staring at the camera with a sly smile. Sa isang picture naman, Baste was leaning towards the side of her face like he was whispering her something. Nanatiling nakangiti naman si Yssa sa litratong iyon na parang nakikinig sa sinasabi ng katabi niya.

I see, she must be the mother of that kid.

"Iniistalk 'yong ex?"

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang may magsalita sa likod ko. Muntik ko nang mahagis ang phone ko nang bumungad ang mukha ni Kyle pagkalingon ko!

"O-of course not! It was Yssa's post, look." Agad na depensa ko naman sa aking sarili at pinakita pa kay Kyle ang phone ko.

His lips rose as he looked at the pictures on my news feed. "I heard they've been dating for a few years now." Sambit niya matapos niyang tingnan ang picture.

"Nakita ko nga siya noong nakaraan e, anak siguro nila 'yong batang inadmit niya rito. Did they took a vacation here in New York?" Sunod-sunod na sambit pa ni Kyle, parang nagtataka.

So nakita niya rin pala iyon. Of course, lahat ng female peds ba naman dito ay nagkagulo dahil doon. Sinong hindi makakapansin sa room na 'yon habang nandito sila?

"Grabe, napaka abangers ni Yssa 'no? Wala siyang pakealam kung ex ng dati niyang classmate 'yong pinapa—"

"Let her be, Kyle. It's been years ago since we broke up, he's all hers now. Pabayaan nalang natin sila." Pagod na puna ko kay Kyle at tsaka napatayo na sa kinauupuan ko para magtrabaho na ulit.

"Oh, sabagay. Sorry madam, 'di na po uulit." Agad namang sagot ni Kyle at parang tangang sumaludo pa sa'kin. Natawa nalang ako sa kaniya at napailing-iling bago lumabas ng station.


















Tila na mabilis na lumipas ang araw at hindi ko namalayang pagabi na pala. Matapos kong idocument ang shift ko ay naghintay pa ako sa mga kaibigan kong hindi pa tapos sa kani-kanilang shift. Sabay-sabay kaming uuwi ngayon dahil magpipizza house kami. Hindi pala nila tinuloy 'yong plano noong nakaraan dahil hindi ako kasama.

When they finished, we changed our clothes before leaving the hospital. We can't roam around in public with our scrubs on to avoid contamination.

Matapos naming umorder ay naghanap na kami ng upuan.

"Oh my God, let's sit there!" Tila excited na turo ni Alli sa kung saan. Sabay-sabay kaming napalingon sa direksyon kung saan siya nakatingin.

Dumapo ang paningin ko sa tatlong lalaking nagkukulitan sa kabilang dulo ng pizza house. They looked mixed, like fil-am. Napakunot ang noo ko nang medyo mamukhaan ko sila. I feel like I've already seen them somewhere but I can't seem to quite remember where I've seen them exactly.

Hindi ko na naisip pa ang tungkol doon nang hilahin na ako nila Veronica at Alliana papunta sa kabilang mesa kung saan nakapwesto ang mga lalaki.

"Sheesh, target locked na naman ba, Alli?" Natatawang sambit ni Lucas nang makaupo na kaming lahat sa pwestong ginusto nila Ver at Alli.

"'Di ko sure kung pizza talaga sadya natin dito, pre. Kaya pala 'di natuloy last week kasi 'di kasama si Lori." Saad naman ni Kyle kay Lucas.

"Shh! They might hear you!" Saway naman ni Alli sa boys.

"As if they would understand, they look like locals." Lucas rolled his eyes habang natatawa sa reaction ni Alli.

"Dumbass! Ngayon maiintindihan na talaga, magtagalog ka kasi!" Nasstress na sambit ni Alli at tinakpan pa ang bibig ni Lucas.

"Kailangan nilang kumayod para sa kinabukasan boys, hayaan niyo na." Natatawang sambit naman ni Ver. Habang ako, naguguluhan kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila!

"Kinabukasan ng Bataan, ganon?" Bara naman ni Kyle kay Ver.

Wala akong naintindihan sa sinasabi nila dahil lihim na nakatingin ako roon sa mga lalaki. Parang nangangati ang utak ko dahil hindi ko mafigure out kung saan ko nga ulit sila nakita! I'm sure I've already seen them before. Like a hundred percent!

Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin ang isa sa kanila sa'kin. To my surprise, the man's eyes widened too, na parang pamilyar din ako sa kaniya. That's when I realized where I've seen them!

Sebastian Alejandre's cousins! Sila iyong mga lalaking kasama niya sa story niya noong pasko few years ago! They look more matured now and this is the first time I've seen them in person but I'm a hundred percent certain that it's them!

Agad akong napaiwas ng tingin at napatayo sa kinauupuan ko. "Uhm, guys. Magccr lang ako." Nagmamadali kong sambit at hindi na ako naghintay pa ng tugon nila para umalis.

Lakad takbo akong pumunta ng comfort room at dale-daleng pumasok sa isang cubicle para magkulong doon. Nasanay na siguro akong magbreakdown sa comfort room ng hospital sa tuwing stressed ako kaya ganito. My God, what was that?! Why does the world seem to be smaller these days?!

Ilang minuto akong nanatili sa comfort room para pakalmahin ang sarili ko. When I felt like I'm already prepared to go out again, napagdesisyunan ko nang lumabas dahil baka maweirduhan na sa'kin ang mga kaibigan ko dahil sa tagal ko. I decided to wash my hands first before I went back to our table. Buti nalang at saktong may waiter na nakatayo roon para iserve ang pizzang inorder namin.

"Mahaba pila?" Tanong sa'kin ni Ver nang makaupo na ulit ako sa pwesto ko.

"Ah, oo e." Simpleng sagot ko nalang. Hindi na naman nagtanong pa si Ver at napatango-tango nalang.

Nasa gitna kami ng pag-uusap habang kumakain nang biglang maghiyawan ang magpipinsan. Pansin ko sa peripheral vision kong nakatingin sila sa may entrance ng pizza house na animo'y may dumating na kakilala nila.

"Yo, you're back again?! I thought you were joking!"

"Bro, it's only been 2 weeks!"

"This must be one of the perks of being an heir, huh?!"

Halos mabulunan ako sa kinakain ko nang marinig ko ang mga sinabi nila. Tuluyan na rin akong nataranta nang biglang impit na napatili si Alli.

"Oh my God, that man was the hot daddy from the hospital right?!"

"Parang siya nga 'yon. Are they related?" Tugon ni Lucas na nakiusisa na rin sa kanila.

"In fairness, mukhang maganda ang lahi nila ah." Mahinang sabi naman ni Veronica sa'min na ngayon ay nakiiusisa na rin.

Napansin ko ang pagpwesto ng isang pamilyar na pigura sa upuan ng magpipinsan na nasa kabilang side lang namin sa peripheral vision ko. Natatarantang napainom ako sa tumbler ko at napatingin kay Kyle na nanlalaki na rin ang mga mata ngayon.

"Your ex is here." He mouthed at me.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagpanggap nalang akong busy sa kinakain ko, ano naman kung nandito siya 'di ba? Wala akong pakealam. Nandito lang din naman kami oara kumain, hindi para batiin siya!

I was able to ignore what was happening when Alliana suddenly spoke. "Shit, we're not leaving here nang wala tayong nabibingwit sa kanila. They're just too damn fine to let go!"

Tuluyan nang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang bigla siyang tumayo sa tabi namin ni Ver ng walang pag-aalinlangan.

"Damn, she's at it again." Natatawa nalang na sambit ni Lucas na parang sanay na sanay na siya sa pagiging wild ni Alli. Maski si Veronica ay may pagpakpak pa ng kaniyang mga kamay para suportahan si Alli. Si Kyle naman, nanatiling nakatingin lang sa'kin, mukhang nag-aalala.

"Hey guys, are you single?!" Walang bakas ng pagkahiyang ipinatong ni Alli ang magkabila niyang kamay sa mesa ng magpipinsan.

Naguguluhang napalingon iyong nakatinginan ko kanina. He looks like he's the youngest. Sumunod na napalingon sa kaniya ang dalawa na parang hindi man lang sila nagulat doon. Mukhang sanay na silang nilalapitan dahil sa itsura nila. While the other one who just arrived didn't bother looking at her direction at all. Busy siyang maghati ng pizza na naroon sa riser stand.

Nagsimula na silang mag-usap doon pero hindi na ako nakinig pa at nagfocus nalang sa pagkain ko. Napapikit nalang ako sa inis dahil maski ang pagkain ko ay hindi ko manguya ng maayos dahil sa hindi malamang dahilan. Sira siguro ang pizza na 'to, hindi nagpapanguya ng maayos e!

I was about to eat another slice of pizza na kakatusok ko palang sa fork matapos ko itong hiwain gamit ang bread knife nang biglang lumapit si Alliana pabalik sa table namin at hinawakan ang wrist ko para itaas iyon.

"My friend right here is single too. Her name is Laurice!" Sambit niya sabay turo pa sa'kin.

Nanlalaki ang mga matang napatingala ako sa kaniya but she was looking at them. Tila bumagal ang ikot ng mundo nang mapansin ko ang sabay-sabay na paglingunan ng magpipinsan sa direksyon ko, and this time, kasali na siya roon.

"Shuta." Mahinang bulong ko sa sarili ko nang magtama ang paningin naming dalawa. Nakakunot na ang noo niya ngayon.

Nang dahil sa pagkataranta ay bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. Muntik ko pang maitulak ang mesa sa lakas ng pagkakatayo ko. "Ah, guys! Una na 'ko. Tutulong pa pala ako kay mommy sa restaurant!" Pagpapalusot ko.

"Aww, already?" Tila nalungkot na sambit naman ni Alliana.

"Yes, already." Pinanlakihan ko pa siya ng mga mata. Kasalanan mo 'to e!

"Oo nga, 'di ba tumawag si tita kanina bago umuwi? Marami raw customers ngayon e." I sighed in relief when Kyle backed me up. Mukhang naiintindihan niya ang gusto kong mangyari ngayon.

"Oh sige, mag-iingat ka ha. Bibisita kami sa restaurant ni tita next time." Nakangiti namang sabi ni Ver.

"Oo nga 'no? I miss tita Ven's cookings already." Nakapangulambabang sambit naman ni Lucas.

"Alright. I'll let her know that you'll be visiting next time. Ngayon, mauuna muna ako ha? Bye, guys!" Saad ko sa kanila at hindi na nagdalawang isip umalis mula sa pwesto namin.

Lakad-takbong lumabas ako ng pizza house habang hawak-hawak ang backpack, tumbler, at susi ko sa aking kamay. Tila nakahinga ako ng maluwag nang matanaw ko ang aking kotse sa 'di kalayuan.

Hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit nandito na naman siya. I thought he'll be gone for good. But he's here again! Is New York getting smaller for us to meet during unanticipated times like this over and over again? Kailangan ko na bang lumipat ng ibang lugar? Bakit ba kasi nangyayari 'to?




















Kinabukasan, late akong nagising dahil buong gabi yata ako tulala dahil sa nangyari kagabi. Mabuti nalang at wala akong pasok ngayon. Nagising ako nang maamoy ko ang masarap na amoy ng chicken curry na nanggagaling sa baba. Napatingin ako sa digital clock na nasa bedside table ko. It's already 10:30AM, is mommy not at the restaurant yet?

Papikit-pikit na bumangon ako at lumabas sa kwarto nang inaantok pa. I felt thirsty so I had no choice but to get up so I can drink water downstairs.

Pagkababa ko ay mas lalong naging matapang ang amoy ng chicken curry na nakasalang sa induction. Naka low heat lang iyon, mukhang iniwan na muna ni mommy saglit dahil wala siya rito. I even checked it kasi baka sunog na pero hindi pa naman. I went straight to the dish cabinet to get a glass so I can drink water right after. Matapos ko iyong lagyan ng mineral water ay inilagay ko na iyon sa may labi ko para uminom. Nakapamewang na dahan-dahan kong ininom iyon, medyo tulala pa dahil kakagising lang.

I was in the middle of drinking my water when I heard a door open. My brows furrowed when I realized that it came from the area of the house where the guest room is located and it has been unoccupied for a few months now. Si Kyle ang huling gumamit sa kwartong iyon.

Dahan-dahan akong naglakad sa direksyong iyon habang hawak-hawak pa rin ang baso. "Mommy?" I tried calling mom when I noticed the door slightly opened.

"Mommy? Are you there?" Ulit ko pa nang wala akong marinig na tugon mula sa kaniya. I started to have a bad feeling when I noticed that no lights were open from the inside.

Oh my God, did a robber broke in?!

Aatras na sana ako palayo nang biglang may lumabas mula sa guest room dahilan para mapasigaw ako sa gulat.

"AAAAAH!" Nanlalaki ang mga matang sigaw ko. Hindi ko na nakita ang reaction niya nang mahulog mula sa pagkakahawak ko ang baso. Dahil sa pagkataranta ay agad akong napaupo para pulutin ang mga basag na piraso ng baso na nagkalat sa sahig. Agad na nahagip ng mga mata ko ang pagguhit ng dugo mula sa balat ng isang daliri ko matapos kong hawakan ang isang bubog.

"What the fuck?" Rinig kong sambit ng pamilyar na boses na iyon at maging siya ay napaupo na rin sa harap ko para hawakan ang kamay ko.

Tuluyan nang napaawang ang bibig ko nang makita ko siya sa harapan ko. Mukhang kakaligo niya palang dahil tumutulo pa ang tubig sa basa niyang buhok.

"W-what the fuck are you doing here?" Wala sa sarili kong tanong habang nakatingin sa kaniya. Dahan-dahan naman niyang iniangat ang kaniyang paningin sa'kin.

"Nurse ka ba talaga? Bakit hinawakan mo 'yong bubog?" Tila naiirita niyang tanong sa'kin pabalik.

"What the fuck are you doing here, Baste?" Madiing ulit ko pa sa tanong ko. Hindi na maintindihan ang nararamdaman ngayon. Walang gana naman niyang binitawan ang mga kamay ko habang nanatili ang malamig na tingin niya sa'kin.

"I told you, I won't stop pissing you off until you sell that property to me, Lori." He icily stated.

"You are such an asshole. Don't you know that you are trespassing?" Nanggigigil na tugon ko sa kaniya.

"Who says I'm trespassing? Tita Venice allowed me to stay here." Pangangatuwiran niya naman na parang naoffend siya sa sinabi ko.

Hindi makapaniwalang napasabunot ako sa ulo ko. What? Why would mommy allow this in the first place? Did she... did she forgot that this man is the son of her ex husband's mistress?!

Parang sasabog na ako sa galit dahil sa nangyayari. Ito ba talaga ang nangyayari pag tinakasan mo lang ang problema mo noon? The problems that I've ran away from the past are slowly resurfacing at this point, and I feel like I'm being chased by those unresolved problems that I had before one by one with nowhere to hide.

Tuluyan nang napaawang ang bibig ko nang hawakan niya ang baba ko at matalim akong tiningnan. "So brace yourself, Ms. Concepcion. This is just the beginning."

Continue Reading

You'll Also Like

16.3M 184K 60
Meet Kathryn Bernado. Contented na siya sa buhay niya dahil for her, everything's more than perfect na. She's already happy with her family, with her...
1.4M 56.3K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
14.9K 399 44
❝I am NOT YOUR FANGIRL.❞ [COMPLETED]
2.6M 58.9K 52
SCSU: Venice Jayne Tyson - The Chubby Nerd All Right Reserved 2013