LOVE IS WAR(M).

By h3avenonearth

20K 2.5K 1.2K

Childhood enemies and academic rivals, these are the words that perfectly define Laurice Concepcion and Sebas... More

Author's Note
Simula
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Wakas

23

367 57 3
By h3avenonearth

Laurice.

After I clocked in upon arriving at the hospital, I immediately proceeded to the nurse's station to receive a report from the night shift nurse about her patients last night who will become my patients today. I went straight to the medical room after getting the report about my patients so I could finally begin my morning rounds. It's going to be a long day once again since I'm a pediatric nurse with a 12-hour shift and 8 children will be under my care today. I'm hoping that this day is going to be smooth and well unlike yesterday.

I was carrying some medical stuff that I'll be needing to check on my first patient for today along with the child's information as I walked towards the patient's room. My patient is a girl age 10, who is clinically diagnosed with type 1 diabetes. According to the information that I got, her father has it too so it is likely that she inherited the disease from her father.

A smile immediately formed on my lips as I entered the room of my patient. She has blonde wavy hair, blue eyes, and pale skin. She looks like she's a sweet child, her cheeks has freckles that only made her look more adorable. Tama nga ang report na nareceive ko tungkol sa batang ito, mukhang hindi nga talaga siya isang pasaway na bata. Mukhang madali siyang pakiusapan.

"Hi, my name is Laurice, and I will be your registered nurse for today." Pakilala ko sa bata at nakangiting lumapit ako sa kaniya habang inilalagay ang mga kagamitang dala ko sa side table kung saan siya nakahiga. Tinitigan muna niya ako ng ilang segundo bago niya naisipang magsalita, mukhang inabsorb niya muna ang impormasyong narinig niya.

"Oh..." Maikli namang sagot ng bata ngunit hindi nagtagal ay muli siyang nagsalita. "Thank you for checking on me even if we're not related to each other, nurse Laurice. People like you are the best!" Nakangiti na siya ngayon, mukhang masaya dahil sa nalaman niyang nandito ako para alagaan siya kahit na hindi kami magkaano-ano.

Napaisip ako sa sinabi niya. In my 6 years of being in the field, I've already encountered different patients with different families. As a pediatric nurse, there's more exposure to the family of our patients compared to an adult nurse. Some are grateful for us keeping an eye on their children, but for some, they see us as someone being paid to watch on their children so some are unavoidably ungrateful. Yes, it is our job and we're getting paid for what we do but it is our passion that keeps us moving to take care of the vulnerable.

Siguro hindi na maiiwasan ang mga taong sarado ang utak lalo na kapag sa hospital ka nagtatrabaho. I decided to be a pediatric nurse so I wouldn't have to deal with whiney adults but it turns out, mas exposed pa pala ako sa kanila sa propesyong ito. Minsan, minamaliit nalang kami lalo na pag medyo narrow-minded ang parents or gurdian ng bata. One time, I had a patient and her guardian was her grandmother. I was tasked to get a blood sample from the patient but her grandmother didn't let me because according to her, only a doctor could perform that such task. Nag-eskandalo pa ang matanda dahilan para magkaroon ng code gray sa hospital.

My patience was definitely tested when I finally achieved my dream. Hindi lang dahil sa mga taong mahirap pakisamahan kundi sa dami rin ng mga gawain kaya labis nalang ang inis ko sa mga taong hindi naaappreciate ang mga nurse, na akala nila ang trabaho namin ay maging assistant lang ng doctor, but being a nurse is more than that. May mga times nga na papasok ako kinabukasan ng walang sapat na pahinga, nakakaburnout. Kaya nakakataba talaga ng pusong makatanggap ng pasasalamat dahil sa ginagawa namin, katulad ng sinabi ng batang si Rebecca.

Umabot na ako sa puntong napaisip ko kung ito ba talaga ang pangarap ko, but as time passes by, I got used to it. I knew being a pediatric nurse is what I really want because I'm willing to give my all in this job, kahit maubos ako. It's worth all the effort when you know you can give your patients a glimpse of hope, especially children who have no choice but to fight a battle they never dreamed of having at a young age.

"It's my pleasure, Rebecca." Nakangiti kong sagot sa kaniya at napahinga ng malalim bago magpatuloy. "But we have to wait for mommy so we can start, ok?"

Magsasalita na sana ang bata nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad roon ang isang babaeng nasa mid 30's. Just like Rebecca, she has a blonde hair and pale skin too. Hindi ko na kailangang tanungin pa kung sino ang babaeng pumasok, she is obviously my patient's mother.

"Oh, look! Mommy's here already!" Masiglang sambit ng bata nang makita ang kaniyang ina, may hawak itong cup noodles sa kaniyang kamay.

Dumiretso naman ang paningin sa'kin ng babae. "I'm sorry! I got hungry so I bought food from the cafeteria. Did I take too long, nurse?" Nag-aalalang sambit ng babae.

"Don't worry, it's alright. I just arrived here few minutes ago." Nakangiti ko namang tugon sa kaniya.

"I'm nurse Laurice by the way, and I'm here to take Rebecca's blood sugar. Please allow me to do so." Pagpapakilala ko pa, sinabi ko na rin ang pakay ko para makapagsimula na kami.

"Go ahead, nurse. Anything for my baby." Agad niya akong binigyan ng pahintulot at umupo sa tabi ng higaan ng kaniyang anak.

"Thank you, mommy." Tugon ko sa kaniya at tsaka inilipat ang aking paningin sa bata.

"Hi there again, Rebecca. Nurse Laurice needs to take your blood sugar. Can you tell me your full name and date of birth?" Tanong ko sa batang tahimik lang na pinagmamasdan ang ginagawa kong paghahanda.

"My name is Rebecca Lorraine Anderson, my birthday is on April 10, 2022." The child obediently responded without any hesitation at all.

Nakakapanibago, most of my patients are chaotic and meeting a patient like Rebecca is such a rare find. One time, I had a patient who bit me so hard my hand got bruised because he was terrified to be injected with a needle since I was performing an IV insertion with him. It was so bad I ended up having a mandatory tetanus toxoid vaccine right after. It was such a crazy experience, but I've seen crazier stuff throughout my career so I just laugh it off whenever I remember it these days.

"Thank you, Rebecca." Sagot ko at tsaka inilapit ang sarili ko sa gilid ng higaan niya.

"Rebecca, it would be nice if you would show me your hand so we can take your blood sugar. Is that ok with you?" I gently asked her so she wouldn't be scared of what would happen next.

Napakurap-kurap siya sa harapan ko habang nakatitig sa'kin bago niya naisipang magsalita. "Why does my blood have sugar, nurse Laurice?" Nagtatakang tanong ng bata.

"Well, the sugar in your blood is not like what people put in their milk or morning coffee. When you eat, you get carbohydrates from the food and drinks that you consume. These carbohydrates eventually turns into glucose. Glucose is the sugar in your blood and it becomes your body's main source of energy." Paliwanag ko sa bata habang nagsasanitize ako ng mga kamay ko.

"And getting your blood sugar is a way of monitoring it so we can keep your glucose in a healthy range." Dagdag ko pa habang nagsusuot ako ng gloves. Unti-unting lumawak ang ngiti ni Rebecca habang nagniningning naman ang kaniyang mga mata matapos niyang marinig ang sinabi ko.

"I want to be healthy! I want to be healthy!" Paulit-ulit na sabi niya, excited. Siya na rin ang nagkusang itaas ang kamay niya para makita ko iyon.

"Wow, your daughter is such a good girl, Mrs. Anderson." Papuring wika ko para kay Rebecca at sa mommy niya na rin. It looks like her parents raised her well.

"Did you hear that, Rebbie? Nurse Laurice said you were a good girl." Mrs. Anderson teased her daughter and Rebecca let out a cute giggle dahilan para sabay kaming mapatawa ng mommy niya.

"Alright, Rebecca. This is going to hurt a little but it's just like an ant's bite and it's not going to last long." I informed the child so she wouldn't be surprised.

I reached for Rebecca's little hand and I started cleaning the side of her forefinger with an alcohol swab. As I let the alcohol dry on her skin, I inserted a test strip in the monitor.

"Here we go." I spoke in an encouraging voice as I pricked her forefinger with a lancet to draw blood.

"Ouch!" She immediately reacted as I gently squeezed her finger so I can place a small amount of her blood onto the test strip but she remained to stay still despite of the pain that she felt.

I ended up getting an insulin shot for Rebecca since her blood sugar is unfortunately... not in the healthy range. But I didn't tell her that, I don't want her to feel discouraged after getting her hopes high. There is currently no cure for her disease so what we can do is to keep on preventing the symptoms from worsening. Sobrang bata niya pa para biglain siya sa impormasyong iyon at kung kailangan niya mang malaman ang masaklap na reyalidad na iyon, I'm afraid it's not in my hands anymore.

I confirmed the insulin dose with the physician's order in the MAR. After properly preparing the insulin for my patient, I went back to her room so I can start the procedure. It didn't take too long since Rebecca was willing to take the shot because Mrs. Anderson already explained to her what's insulin for when I was gone, which is a good thing.

"I'm gonna let you get some rest and I'll come back and check on you in a little while. Call me if you need anything, alright?" Nakangiting sambit ko kay Rebecca matapos ang lahat.

"Ok nurse Laurice, thank you!" Masiglang sambit ng bata at tsaka umayos na ng higa sa kaniyang higaan.

"You're welcome, Rebecca." Tugon ko sa bata. Tinanguan ko naman si Mrs. Anderson at ganon din ang ginawa niya. Bago pa man ako tuluyang makalabas ng room ay narinig ko pa ang sinabi ni Rebecca sa kaniyang ina.

"Someday I want to be like nurse Laurice, mommy. I want to become a nurse when I grow up!"
















It's already 11AM and I finally got my first break after doing my morning rounds. This day is actually going pretty well, ang weird lang sa pakiramdam because it's usually not this peaceful here in the hospital. Everyone just seems to be cooperative. I hope it stays this way though, the day is not yet done so I'm still not sure if this day is meant to be a non-chaotic day for me.

I'm currently in a break room in the nurse's department, abalang kinakain ang pabaon ni mommyng dalawang boiled eggs at vegetable salad. I can't help but zone out as I chew my food in my mouth, terrified of the fact that I only have 30 minutes to eat. Hindi pa nga ako nakakahinga ng maayos ay magtatrabaho na ulit ako. Anim na taon na akong nurse pero hindi pa rin ako maka get over sa 30 minutes break ko. Pag may emergency, naaabala pa ang napakaikling break na 'yon. I barely have time for myself ever since I became a nurse.

Minsan hindi ko maiwasang mapaisip kung babalik na ba ako, kung itutuloy ko ba iyong balak ko noong highschool, ang maging isang school nurse pag malapit na akong magsettle. But honestly, I don't think it will be practical to quit my job here so I can work in the Philippines. I would have to take the board exams again so I can be a nurse there, the salary is not enough so I don't think it's worth it.

I already have saved enough because of the competitive salary here in the United States. Wala rin naman akong binabayarang monthly rent dahil si mommy na ang may-ari ng brownstone house nila lolo at lola ngayon at doon kami nakatirang dalawa. The title was given to her when they passed away...

I love my job here, but I'm also getting old and I don't want to be a slave to my hectic schedule forever. I don't want my life to revolve around my work forever. Noong naranasan ko na ang tumayo sa sarili kong mga paa, unti-unti ko nang naiintindihan ng kagustuhan ng dati kong kaibigan na si Samuel, the reason why he prefers a soft life. Hindi ko mapigilang mainggit pag nakikita ko ang mga kabatch ko noong highschool na kasal o may sarili ng pamilya, like Dwight and Arpia. They already got married last year, at ngayon, she's already with child. Pinapunta nga niya ako sa gender reveal nila next month kahit na hindi ako siguradong makakapunta ako. Those two were really meant to be from the start, huh?

Bigla akong natauhan nang mag ring ang phone ko mula sa bulsa ng aking scrub. At first, I thought it was my vocera so I panicked a little because I thought there was an emergency! Muntik pang mahulog ang stethoscope ko sa leeg dahil sa taranta. Napahinga ako ng maluwag nang marealize kong cellphone ko lang pala iyon.

When I already got my phone out of the pocket of my scrub, bumungad sa'kin ang 16 missed calls. Nang basahin ko kung kanino nanggaling iyon ay muli akong nagpanic. Right, si Cedric! Oh my God, I almost forgot about his entire existence. I'm so sorry!

I immediately called him back, isang ring palang ay sinagot na niya kaagad ang tawag ko.

"Hi, babe-" Hindi ko pa man natatapos ang pagsasalita ko nang bigla siyang sumingit.

"Do you even care about me?" I heard him sobbing from the other line. Saglit na napatakip ako sa bibig ko, oh my God, not again!

"Babe, I'm busy right now. I only have 10 minutes left from my 30 minute break, I'm not even done eating yet. C-can we just talk later?" Mahinahong sambit ko.

"There's nothing to talk about. I'm tired begging for your time. You didn't even attended my dog's birthday yesterday. You promised him you would come but you didn't!" Sunod-sunod na ani Cedric dahilan para sumakit ang ulo ko.

"Babe, I'm sorry ok?" Napabuntong-hininga ako dahil sa konsumisyon. "Let's meet tomorrow, it's my day off already remember? I'll make it up to you-"

"No, I'm so done with you. Let's end this already, you are so busy with that goddamn career of yours so be it! I hope you find a man who is crazy enough to deal with your busy ass! I doubt there will be someone for you though, you're cold as hell. You never care for people who care for you." Sermon niya pa bago ibaba ang tawag. Tatawagan ko pa sana siya ulit but he already blocked me on all of his social media accounts. Wow, he's such an asshole!

Padabog na sinara ko ang lunch box ko at tahimik na nagtungo pabalik sa nurse station, nawalan na ng ganang tapusin ang pagkain ko. Pagkarating ko roon, naabutan ko si Kyle na yakap-yakap ang isang unan habang impit na sumisigaw.

"What the hell happened to you?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya, masama pa rin ang loob dahil sa nangyari kanina sa break room.

"Code brown ba naman apat kong pasyente, sabay-sabay pa!" Reklamo niya, mukhang nababaliw na at tsaka napaupo sa kaniyang upuan.

Natawa tuloy ang iba naming kasamahang pediatric nurse dito sa department namin na Pilipino rin. Ang iba naman, mukhang may ideya na kung anong nangyayari kasi lahat kami rito ay naranasan na 'yon kaya natawa nalang din sila ng patago. Kung hindi lang din sana ako badtrip ngayon ay pagtatawanan ko rin siya.

"Kung hindi ko shift, 'di naman sila ganon. Feeling ko tuloy dinodogshow nalang nila 'ko." Dagdag niya pa at napasandal habang nakapatong sa kaniyang mukha ang unan.

Kinuha ko ang bag ko at nanggigigil na inilagay ang unfinished lunch ko sa loob noon. Mukhang napansin ni Kyle ang pagdadabog ko kaya tinanggal niya ang unan sa kaniyang mukha at napatingin sa ginagawa ko.

"Oh, ba't parang galit na galit ka? Code brown ka rin ba?" Nagtatakang tanong niya sa'kin.

"Wala na kami ni Cedric." Sagot ko sa kaniya. I mean, hindi naman talaga kami pero we've been dating for 3 weeks now. Actually, siya iyong pinakatumagal sa'kin so akala ko, siya na! Iyong iba kong mga nakadate, they barely last for a week. But look what happened, hindi lang ako naka attend sa birthday ng aso niya kahapon, tinapos na niya ang lahat.

Napatakip naman si Kyle sa kaniyang bibig habang nanlalaki ang mga mata.

"Gagi ka, pang 13 mo na 'yong lalaking 'yon ngayong taon ah!"

"Mamamatay yata akong single." Nangungunsumisyong dagdag ko pa.

"Bakit, wala na naman ba kayo noong bago mong kadate?" Tanong ni Veronica na kakapasok palang sa station.

Veronica Lim studied nursing in St. Augustus and she was a registered nurse in the Philippines but she decided to take the National Council Licensure Examination so she can pursue her nursing career here in the United States. She's 3 years our junior, but she herself is in a healthy relationship with her fiance. Kagaya niya ay may dalawa pa kaming kaibigan na Filipino pediatric nurses din pero wala pa sila rito sa station, maybe they're still doing their rounds. Si Veronica lang ang taken sa'ming lima. Kung sino pa ang pinakabata, siya pa ang nasa healthy relationship.

"Well, I can't blame them. Ako naman ang hindi makapagbigay ng time. Kung may time naman, I would rather take that time to sleep than to go out with them." I paused for a while.

"Aaaah, I'm really the problem. Maybe having a love life is not for me." Reklamo ko pa habang nagpapalit ng mask dahil back to work na ako maya-maya. Nagkatinginan naman sila Ver at Kyle dahil sa sinabi kong iyon. Napailing-iling naman silang dalawa.

"Ver, pashare naman ng tips na tinatago mo diyan. 'Di ba since 1st year college, kayo na? Pano 'yon?" Curious na tanong naman ni Kyle kay Veronica.

Napatingala naman si Ver na parang nag-iisip ng kasagutan roon, pero hindi naman nagtagal bago siya makaisip ng sagot dahil kaagad niya kaming hinarap. "Dilig is the key, siyempre!"

Napatakip naman ng tenga si Kyle nang marinig ang sinabi niya. "Ano ba 'yan, ang bastos ha?! Nagtatanong kami ng maayos dito!" Tila naeskandalo niyang sambit at tumalikod pa kay Veronica.

"Aba, sinagot ko lang din naman ng maayos ah!" Natatawa namang buwelta ni Ver.

Napabuntong-hininga nalang ako. Wala na siguro akong pag-asang magkaroon ng boyfriend. Sa lahat ng pwedeng mangyari sa adult life ko, ang tumandang dalaga ang never kong ineexpect na mangyari pero mukhang papunta na ako roon.



















Tila mabilis na lumipas ang oras at hindi ko namalayang hapon na pala dahil sa dami kong ginawa. It's already 5:50 in the afternoon at malapit na akong magclock out. I have already finished my rounds for today kaya pabalik na ako ngayon sa station so I can prepare to go home. Nothing chaotic happened in my shift today, or so I thought. Napatigil ako sa paglalakad nang makareceive ako ng tawag sa vocera ko.

"Nurse Laurice, I need an assistance here in room 301, patient is showing signs of having a seizure!" It was the newly hired CNA assigned to me, Hilary Patterson.

Mahigpit na napahawak ako sa clipboard na hawak ko at nagsimulang tumakbo habang kinakausap si Hilary sa vocera. "I'm coming. I want you to closely observe the time in case the seizure starts anytime before I get there."

"Copy that, nurse!" Sagot niya naman sa vocera.

"Nurse, what's happening to my son? Will he be ok?" Agad akong sinalubong ng ama ng pasyente pagkapasok ko ng room 301.

"He will be fine, sir. I am here to help him so I need you to calm down." Mahinahong sambit ko sa ama ng pasyente na mukhang naluluha na ngayon.

The patient's name is Nash Delacroix, 13 years old. He was just admitted here this afternoon and still is on observation. According to his record, he has been experiencing fever, vomiting, and headache that's why his father decided to finally bring him to the hospital. He just went through various tests with his doctor this earlier but the results are not yet out. He is suspected to have meningitis, but it is still unknown whether it's bacterial or viral. If he would have a seizure right now, it is most likely that he is infected with bacterial meningitis. I am not allowed to diagnose the patient so I would have to coordinate to his doctor as soon as possible.

I noticed the twitching of the patient's legs, his face seemed to be full of confusion. Nagmamadali akong napalapit sa pasyente nang magsimulang tumirik ang kaniyang mga mata. The patient's body started shaking uncontrollably, agad na napatingin ako sa wrist watch na suot ko para tingnan ang oras, the seizure has officially started at exactly 5:59PM.

"Hilary, close the doors." I calmly ordered my CNA as I prepared to assist the patient.

"Yes, nurse." Kaagad niya namang sagot at pumunta sa pintuan para isara iyon. She then went to assist the father who's currently crying as he helplessly watch the condition of his son.

I immediately maintained a patent airway by having oxygen and suction available. When I reached for the patient's body to move it to the left side lying position, para akong napaso sa init ng katawan ng bata.

"Call Dr. Evans right now! This is an emergency!" Natatarantang sigaw ko. The patient has to be evaluated as soon as possible. If this is really bacterial meningitis that we're dealing with, the patient has to immediately get the proper treatment for it before anything gets worse.

Habang tinatawag ng CNA ang doctor, I proceeded to protect the patient from potential injuries while he is experiencing a seizure. I put two of the padded side rails up and made sure all of the dangerous objects near the patient are removed. I also carefully put the bed in its lowest position to avoid the patient from falling.

I immediately reported my assessment findings on the particular patient when the doctor arrived. The case was soon out of my hands because my shift has already ended and I still need to report to the night shift nurse who's probably waiting for me at the nurse station already.

















Habang naglalakad ako papunta sa parking lot ay hindi ko mapigilang mapaisip at mag-alala sa huli kong pasyente ngayong araw, especially when his seizure lasted for more than 5 minutes. Everything turned into chaos just when I thought things were already going well. What do I expect? I'm working in a hospital.

Nang makarating ako sa parking lot ay naabutan ko pa si Kyle na papasakay na sana sa kaniyang kotse nang tawagin ko siya.

"Tristan!" Tawag ko sa kaniya.

Agad naman siyang napaharap sa'kin at bumungad ang nakakunot-noo niyang mukha. "Tristan? Very highschool amp!" Reklamo niya. Natawa naman ako dahil doon.

"Pangalan mo pa rin naman 'yon, duh." Tugon ko naman sa kaniya at tsaka pinindot ang susi ng kotse ko na nakapark sa tabi ng kaniya. Nang maunlock ang pinto noon ay lumapit na ako rito.

"Palagi mo nalang akong dinodogshow ah." Naniningkit niyang sabi sa'kin ngunit agad naman iyon napalitan ng pagtataka.

"Nga pala, delayed ata clock out mo. May nangyari ba?" Tanong niya naman sa'kin.

"I don't talk about work once my shift is done, Kyle." Ani ko at tsaka itinuro ang suot na wristwatch ko sa kaniya.

This is what I do to maintain a work-life balance. Parang noong student days ko lang, pinipilit kong pagkasiyahin lahat ng assignments at projects ko during weekdays so I have the entire weekend to myself. Pag may groupings naman noong college, I always do my part ahead of time so my blockmates wouldn't have to constantly bother me while I'm resting. Noon palang siguro ay sanay na akong balanced ang responsibilities at personal life ko kaya sanay na akong magset ng boundaries at sundin iyon.

"Oh, oo nga pala. Sorry, madam!" Awkward na napangiti si Kyle at tsaka napa peace sign.

"By the way, kailan ka ulit dadaan sa resto? Tagal mo na raw hindi bumibisita sabi ni mommy." Tanong ko sa kaniya.

"Nako, namimiss naman ako ni tita agad. Baka mamaya ipalit na niya 'ko sa'yo niyan." Pang-aasar niya at inilabas pa ang dila niya para asarin ako.

"Sorry, allergic si mommy sa pets." Nakangisi kong sagot sa kaniya. Tuluyan na akong natawa nang tila mawala ang pagyayabang sa mukha niya.

"HA HA." He laughed sarcastically. "May tinatago ka palang sense of humor, Lori? Pakitago nalang ulit, please."

I rolled my eyes at him. "I wish I was joking though."

Napahawak naman si Kyle sa kaniyang dibdib na parang sinaksak siya roon. Kahit kailan talaga, napaka exaggerated niya pa rin. He hasn't changed a bit!

"Ang sakit mo talagang magsalita!" Reklamo niya.

"Bakit kaya naging magbest friends tayo, 'no? I'm too good for this friendship, I deserve better!" Madrama niya pang sambit.

"Itsura." Nakairap na sambit ko at tsaka tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "If you deserve better, I deserve the best, then."

"Anak ng pato." Napahilamos si Kyle sa kaniyang bibig, hindi makapaniwalang nakatingin sa'kin. "Kahit kailan talaga, hindi ka nagpapatalo. Isusumbong talaga kita kay tita Ven!"

Kyle never changed. Kung ano siya noong highschool, ganon pa rin siya hanggang ngayon. Though none of us ever expected that we would become best friends. Natagpuan nalang namin ang isa't isa na nasa parehong room para sa Anatomy and Physiology subject namin noong first year kami. Roon ko naalala iyong sinabi niya sa'king sa New York na siya magcocollege noong senior highschool graduation namin. That's when an unexpected friendship started between us. Marami naman din kaming kaklaseng international students but the fact that we were from the same highschool and magkaklase pa noon, we found comfort in each other. It honestly became easier for the two of us to adjust in the environment knowing that we were with someone we knew since highschool. What a small world, right?

As time passes by, we became closer. We made friends in college together, we knew each other's secrets, our past, everything. Para na nga kaming magkapatid dahil palagi nalang kaming magkasama, maging ang pamilya niya at pamilya ko ay naging close din. Aliw na aliw pa noon sila lolo at lola sa tuwing bumibisita siya sa bahay. Ngayon, pati sa trabaho ay magkasama kami. Who would have thought that we will be this close?




We ended up going to my mom's restaurant. Umuwi muna kami sa kanuya-kaniya naming tahanan para maligo at magbihis.

"Mga anak ko!" Sabay kaming napalingon ni Kyle kay mommy nang lumabas siya ng resto para salubungin kami, chinat ko kasi siyang hindi kami makapasok dahil sa haba ng pila rito sa labas.

When I graduated in college, mommy decided to resign from being a nurse for good. She decided to stand a restaurant that serves Filipino cuisine here in New York instead. Naging patok na patok naman ang restaurant ni mommy dahil dinadayo ito ng mga Pinoy na narito sa America. I feel so happy for her achievements in life, she deserves all the good things in the world for being the best woman I've ever known.

Sinalubong kami ni mommy ng mahigpit na yakap, naka apron pa siya. Naglingunan pa ang ibang customers na nakapila at bumati, she's quite popular with the Filipinos residing here. Sa sarap ba naman ng luto ni mommy, sinong hindi makakalimot? At tsaka, marami rin talagang mga kababayan namin na narito ang hinahanap-hanap ang mga pagkaing lutong Pinoy.

"Hi, mommy." Nakapikit kong sambit at yinakap siya gamit ang isang kamay ko, si Kyle kasi ang nasa kabila.

"Hello, mama! Namiss din kita!" Masiglang biro naman ni Kyle kay mommy. Napaka assuming talaga, hindi nga nag I miss you si mommy e!

Hindi na kami nagtagal pa sa labas dahil nag-aalala si mommy sa'min dahil alam niyang hindi pa kami kumain at pareho kaming mukhang pagod galing sa trabaho. Nakapasok na kami agad paloob ng restaurant dahil siyempre, kasama na namin ang may-ari. Diniretso kami ni mommy sa roof top ng restaurant kung saan exclusive lang ang space para sa kaniya at sa mga employees niya.

"Dito na muna kayo, I'll get you kids some food." Sambit ni mommy habang nakatayo sa harap namin. Sabay pa kaming umangal ni Kyle dahil sa sinabi niya.

"Kami nalang, mommy. Kaya naman naming kumuha ng sarili naming pagkain."

"Huwag na po tita, si Lori nalang po. Pipila nalang po ako sa labas para mag order, baka unfair po sa iba."

Nakapamewang na tiningan kami ni mommy at napailing-iling.

"Laurice Anne my dear, I know you're already 28 years old but our age gap will never change. You're still my baby, ngayon lang kita mapaghahandaan ulit ng pagkain kaya huwag ka ng umangal. Alam kong pagod ka sa trabaho so just rest." Sermon ni mommy dahilan para mapakamot nalang ako ng ulo.

Tumanda nalang ako at lahat, binibaby pa rin ako ni mommy palagi. Minsan nakokonsensya ako because she's not getting any younger either yet she's still doing stuff for me. Ayon sa kaniya ay ganon naman talaga dapat ang gawin ng magulang sa kanilang anak, ang alagaan ito.

"Ikaw naman Kyle Tristan, para ka namang others. Anak na rin ang turing ko sa'yo, ano ka ba?" Si Kyle naman ang sinermonan niya ngayon dahilan para mapakamot nalang din ng ulo si Kyle at napayuko.

"Oh siya, bababa na 'ko. Ipapahatid ko nalang dito sa taas ang pagkain niyo, ha? I still have to help downstairs." Paalam ni mommy, ngiting tagumpay na ngayon dahil hindi na kami makaangal ni Kyle. Lumapit pa siya sa'kin para halikan ako sa noo, at kay Kyle para tapikin ang balikat nito bago siya tuluyang mawala sa paningin namin.

"Baby damulag ka pala e." Agad na pang-aasar ni Kyle sa'kin nang mawala si mommy sa harap namin. Aba, tingnan mo ang isang 'to? Napaka pakitang tao, parang kanina pahiya-hiya pa 'to, ah?

"Ikaw anong tawag sa'yo? Palamunin?" Nang-aasar na bara ko naman sa kaniya.

"Ayan, kaya siguro walang nagtatagal sa'yo kasi pangit ng ugali mo e." Umiiling-iling na sambi niya.

"Sa'yo rin naman ah?" Natatawa kong sagot sa kaniya dahilan para mapakibit-balikat siya.

"Sorry ka, araw-araw kaya may nagcoconfess sa'kin. 'Di lang ako interested." Taas kilay niya namang sagot.

Hindi nagtagal ay natigil na kami sa pag-aasaran dahil dumating na ang mga pagkain na ipinadala ni mommy rito sa taas. Ang dami naman nito, iba-iba ang mga ulam at may mga gulay pang kasama. Parang may fiesta e dalawa lang naman kaming kakain.

"Sasama ka ba sa Friday?" Tanong ni Kyle sa kalagitnaan ng pag-ubos namin sa mga pagkain na nakahain sa mesa. Akalain mo 'yon, mauubos pa yata namin ang lahat, hindi namin napansing gutom na gutom na pala kami. O pareho lang kaming nagsstress eating dahil sa trabaho? Parang ganon na nga!

"Oh, 'yong night club sa birthday ni Ver?" Tanong ko. Napatango-tango naman siya.

"Oo naman, baka mamaya magtampo 'yon." Natatawa kong sagot. Wala naman akong work sa araw na 'yon. MTW ang work ko sa hospital.

"Weh? Sasama ba talaga para hindi magtampo si Ver o para maghanap ng-" Hindi na natapos pa si Kyle sa pagsasalita niya ng takpan ko ang bibig niya gamit ang palad ko.

"Excuse me? I would never date someone I met from the club, 'no. Why would I date a man who goes clubbing?" Inirapan ko siya at tinanggal na ang kamay ko sa bibig niya.

"Pupunta ako roon kasi birthday ng kaibigan natin, the end." Sabi ko pa.

"Ang daming sinabi, hindi halatang defensive." Mahina niya namang sabi pero sapat pa rin para marinig ko.

"Don't project your intentions to me, Kyle. Ikaw siguro ang gustong makahanap ng jowa roon, pinapasa mo lang sa'kin." Ani ko naman at tsaka humigop ng sabaw galing sa bowl na may tinolang manok.

"Kung iisipin, I've never seen you date a girl, since highschool pa." Sambit ko, naniningkit. "Hindi kaya, oh my God?!" Napatakip ako sa bibig ko.

"A-ano?" Halata ang pagkabigla sa boses niya.

"Are you... are you gay, Kyle?" Mahina kong bulong aa kaniya, nag-iingat na baka may makarinig sa'min kahit na kami lang naman ang narito.

Tila nabulunan naman si Kyle sa sinabi ko dahilan para mapainom siya ng tubig. "What the heck, Lori?" Hindi makapaniwala niyang sabi.

"Akala ko naman kung ano na." Mahina niyang sambit kaya hindi ko iyon narinig.

"Huh?"

"Ah, wala! Sabi ko, sa angas kong 'to mapagkakamalan mo kong bakla? Bulag ka ba, Lori?" Agad niyang sagot at nagflex pa ng muscles niya sa harap ko. Napairap nalang ako sa kaniya. Pero sabagay, parang wala naman akong nakikitang sign na ganoon nga siya. Siguro ay hindi lang talaga siya interesado roon at mas priority niya ang career niya ngayon.
















Hindi nagtagal ay natapos na kami sa pagkain. Nauna nang umuwi si Kyle samantalang ako ay naghintay lang hanggang sa mag closing ang restaurant which is 11PM para sumabay kay mommy. Wala naman akong trabaho bukas dahil Thursday na.

"Anak, why did you wait for me pa? Pwede naman akong sumakay ng cab." Ani mommy habang naglalakad kami papunta sa car ko. Nagcocommute lang si mommy papunta at pauwi ng restaurant dahil malapit lang naman ito sa neighborhood namin.

"Gusto ko lang sumabay sa pag-uwi mo mommy, at tsaka ngayon lang naman kita maipagdadrive ulit, huwag ka nang umangal." Pag gaya ko sa sinabi ni mommy kanina noong pinakain niya kami.

"Ok, fine. Kung ito ang magpapasaya sa'yo." Natatawang sambit ni mommy at napailing-iling pa.

"Thank you for waiting me, anak." Sambit pa ni mommy at tsaka tinap ang ulo ko na parang bata.

Tahimik lang ang naging biyahe namin ni mommy. Napansin ko pang inaantok na siya sa rearview mirror dahil panay ang hikab niya. Mas binilisan ko ang pagmamaneho kaya naman ay nakarating agad kami ng bahay. Nagsisimula na rin kasi akong antukin dahil sa pagod mula sa trabaho, medyo nananakit na rin ang paa ko dahil ilang oras akong nakatayo o nakaupo lang.


"'Nak?" Tawag sa'kin ni mommy pagkarating namin sa bahay. I was taking my shoes off outside the door kaya si mommy ang naunang pumasok sa loob.

"Yes, 'my?" Sagot ko naman. Pumasok na ako sa bahay pagkahubad ko ng aking sapatos at inilagay iyon sa shoe rack. Napatingin ako kay mommy nang marinig ko siyang magbuntong hininga.

"Is there a problem?" Nag-aalala kong tanong nang mapansin ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

Sandali kaming nagkatitigan ni mommy. Parang nasense ko na kung anong ibig-sabihin niya habang nakatingin ako sa kaniya. "They called again?" Malamig na sambit ko.

"Can I ask you a favor, anak?" Mommy carefully asked.

"Araw-araw nila akong kinukulit tungkol doon, gusto ko ng makamove forward, anak. But the company keeps on bothering me about the house, kasi hindi mo raw pinapansin ang emails na pinapadala nila sa'yo." Patuloy pa ni mommy.

Napabuntong-hininga ako dahil doon, hindi mapigilang makaramdam ng inis. Hindi dahil kay mommy pero dahil sa ex husband niya. Sinira na nga niya ang pamilya namin, binigyan niya pa ako ng responsibilidad. Sa akin niya ipinangalan ang bahay when their annulment got granted, 2nd year college na ako noon. Ngayon, sa akin na tuloy nakasalalay kung ano ang gagawin ko sa bahay na iyon. Villafuerte Real Estates has been bothering my mom for the past few years about purchasing the house dahil hindi ko pinapansin ang pagrereach out sa'kin ng realtor nila. Kada buwan siguro ay tumataas ang offer nilang pera sa'min kaya naman ay umabot na sa 20 billion pesos ang offer nila. Hindi talaga sila sumusuko.

Based on what I know, gagawin nang mall ang lupa kung nasaan ang subdivision namin noon at ang dating tirahan nalang namin ang hindi pa naibebenta. Hindi raw masisimulan ang pagdedemolish sa mga bahay na naroon hangga't hindi napapasakanila ang lahat ng property na nakatirik sa lupa ng dating subdivisiong iyon.

The reason why I choose to set aside my responsibility to decide whether to sell or keep the house is because everything started in that house. Doon ako natutong maglakad, magbasa, magsulat, kumain, lumaki, lahat! Lahat nasaksihan ng bahay na iyon, maging ang lahat ng paghihirap at pagod ko para abutin ang pangarap ko, naging saksi rin ang bahay na iyon. Lahat ng saya, lahat ng kirot, lahat ng galit, lahat ng emosyong naranasan ko, naroon ako sa loob ng bahay na iyon. Now, how am I supposed what to do with that house? Bakit ba hanggang ngayon ay naiipit pa rin akong magdesisyon para sa mga bagay na hindi naman dapat ako ang magdedesisyon?

Pero kahit na ganoon, I don't want to go back either. That subdivision would be like a ghost town now. Maging ang mga kaibigan ko noon ay siguro, hindi na rin doon nakatira. Ano pa ang gagawin ko roon? Isa pa, I'm scared that I will have to relive the trauma that I got from the same house that gave me comfort as a child once I set my feet in front of it again.

Kaya ang hirap, hindi ko alam ang gagawin ko.

"If you don't want to sell the house anak, why don't you try going back?"

Napatingin ako kay mommy nang marinig ko ang sinabi niya.

"Maybe there's still a part inside you that's wants to go back. Biglaan ang naging pag-alis mo noon, Lori. Ni hindi ka nakapagpaalam sa mga kaibigan mo ng maayos, hindi ba?" Dagdag pa ni mommy dahilan para mapaawang ang bibig ko. Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko nang marinig ko ang mga katagang iyon.

Cassie, Felix, and Samuel, pinalaya nila ako kahit na labag iyon sa kalooban nila, kahit na wala silang kaide-ideya sa kung ano ba talaga ang nangyari sa buhay ko noon. Hinayaan nila akong umalis nang hindi itinatanong sa'kin kung bakit, hinayaan nila akong umalis kahit na naguguluhan sila. They prioritized my sanity over wanting to know the reason that changed the course of my life, our lives, forever. At the end, they were my real friends because they prioritized themselves over me. Hindi ko mapigilang mapaisip kung ako, naging mabuti rin ba akong kaibigan sa kanila dahil inuna ko ang sarili ko?

They didn't hold a grudge against me when I left, at ganoon din ako sa kanila. Nagkausap pa nga kami noong dumating ako sa New York, pero habang tumatagal ay nagsimulang maging tahimik ang gc naming magkakaibigan hanggang sa wala ng lumapag doon. We became distant from each other, the friendship between us was not maintained.

Or is it just me? Dahil ako ang malayo?

Baka magkakaibigan pa rin sila ngayon. Kung ganon, edi mabuti. I'm happy for them. I was the one who ruined our friendship anyways, I was the one who left. Deserve nilang maging masaya ng wala ako.

"Cassie just got engaged, nabalitaan mo ba?" Sambit pa ni mommy.

Yes, alam ko ang tungkol doon. Mag friends pa rin naman kaming lahat sa Facebook at finafollow pa rin namin ang isa't isa sa Instagram. Cassie ended up with her second boyfriend, her ex back in 10th grade. Alam ko dahil naabutan ko 'yon, ako nga ang naging sandalan ni Cassie noong naghiwalay sila noon.

"Baka ikasal na raw sila sa susunod na buwan sabi sa'kin ng tita Marilyn mo. Baka iinvite ka sa kasal." Nakangiting ani mommy, parang excited.

"Why would she invite me, mommy? We... we're not best friends anymore." Sagot ko naman.

"Paano mo naman nasabi iyan, anak? May pinagsamahan pa rin kayong dalawa, the two of you grew up together. You were inseparable." Sabi ni mommy habang lumalapit sa'kin. Nang makalapit siya ay hinawakan niya ang kamay ko.

"Pag-isipan mo ang sinabi ko, anak. You never took a vacation ever since you started working, you deserve to give yourself a break." Nakangiting sambit ni mommy at rinub ang chin ko.

"Maybe you're not meant to figure out what to do with the house in this place, maybe you're meant to discover the answer back home." Dagdag pa ni mommy habang hawak pa rin ang baba ko.



















Veronica's birthday came, hindi pa rin mawala sa isip ko ang pinag-usapan namin ni mommy noong gabing iyon. Para tuloy akong tangang abang ng abang ng chat ni Cassie, umaasang makakareceive ako ng online invitation galing sa kaniya. I found what I'm doing ridiculous so I decided to stop. Hindi pa nga sigurado kung next month na talaga sila ikakasal, at hindi rin naman sigurado kung maiinvite talaga ako. It's too good to be true to happen. Kung mangyari man iyon, sign na siguro iyon galing sa Panginoon na bumalik na talaga ako.

"Let's get ready to partaaay!" Sigaw ni Lucas nang papasukin na kami ng bouncer ng club.

"Yes, nakagala na rin at last! Let's fucking get it on!" Tili naman ni Alliana.

"Shutaaa, sana all party goer!" Nakikisigaw na sambit naman ni Kyle pero nakatakip ang magkabilang tenga gamit ang kaniyang mga kamay.

Agad na bumungad ang nakakaindak at napapanahong music sa paligid. Parang nayayanig pa ang sahig dahil sa lakas ng tugtog ng mga speaker dito sa club, siguro dahil na rin sa talunan ng mga taong sumasayaw sa dance floor. Napayuko nalang ako nang makakita ako ng mga naghahalikan sa bawat sulok ng club. 11PM pa talaga kami pumunta rito, kung saan pinaka buhay na buhay ang mga tao sa club!

Umakyat kami papunta sa second floor dahil puno na rito sa baba. Nagbalak kumuha ng vip room sila Veronica at ang fiance niyang si Dylan pero hindi itinuloy ni Veronica dahil boring daw kung ganon. Buti nalang at may nahanap pa kaming pwesto malapit sa railings kung saan makikita ang dance floor sa baba.


"Happy birthday, happy birthday, happy birthday Veronica!" Masiglang kanta namin habang hawak-hawak ni Dylan ang isang red velvet cake na may number candles para sa kaniyang fiance.

"Blow the candles now, blow something else later!" Sigaw naman ni Alliana kay Veronica matapos naming kumanta.

"Happy birthday, baby." Nakangiting bati pa ni Dylan kay Veronica bago niya ipaihip ang kandila sa kaniya.

"Thanks, my love!" Nakangiti namang sagot ni Veronica sa kaniya at napapikit para hipan ang cake. Matapos niyang hipan iyon ay agad silang naghalikan sa harap naming lahat.

"Wohooo, sana all may binoblow!" Kantsaw ko sa kanilang dalawa ngunit hindi na sila matinag ngayon.

"I got you girl, maghahanap tayo mamaya!" Tugon naman kaagad ni Alliana.

"Hoy, bibig mo!" Saway naman ni Kyle.

"Why, bro? Hindi ata candle iniisip mo e." Natatawa namang sambit ni Lucas at nakipag apir pa sa'kin ang loko.

Tila mabilis na lumipas ang oras. Hindi ko napansing nakatapos na kami ng limang bote ng tequila. Hindi na ako ganoon kadaling malasing dahil nasanay na rin naman ako dahil hindi naman ito ang unang beses na nagclubbing kaming magkakaibigan, anim din naman kaming uminom sa limang bote na iyon tsaka hindi rin madaling malasing ang mga kasama ko. Pero pucha, nagdagdag pa sila Veronica ng tatlong Bacardi!

"Walang uuwing hindi lasing ngayon!" Sigaw ni Veronica, nagsisimula nang sayawan si Dylan na nakaupo lang sa couch.

"Aye! Aye! Aye! Aye!" Pagccheer namin kay Veronica nang bigla siyang magtwerk sa harapan ni Dylan.

"Damn, baby. Baka makauwi tayo ng wala sa oras ngayon." Nakangisi namang sagot ni Dylan habang nakatingala kay Ver.

"Let's go everyone, bigyan natin ng privacy!" Sigaw naman ni Kyle at pinatayo kami isa-isa, giniya kami pababa ng dance floor.

"Tangina mo, Cedric! May kasayaw din sana ako ngayon!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapasigaw habang pababa kami ng hagdan papunta ng dance floor.

"Shut up girl, you deserve better anyways!" Sigaw naman ni Alliana na nakahawak sa kamay ko ngayon.

"Totoo, mukha namang kamote 'yon!" Gatong naman ni Lucas.

Maya-maya ay natagpuan nalang namin ang sarili namin sa gitna ng dance floor. Kahit na hilong-hilo na ako ay todo sa sayaw pa rin ako, na para bang maaalis lahat ng stress ko sa katawan sa bawat pag indak ko.

"Damn, Kyle. You're stiff as hell!" Reklamo ni Alliana nang makita kung paano sumayaw si Kyle dahilan para sumabog ako sa tawa. I don't usually laugh this easy, lasing na talaga ako!

"Tangina, mukhang kahoy!" Hindi ko na napigilang lumabas sa bibig ko ang mga salitang nagpoporma sa isip ko nang makita ko ang mga galawan ni Kyle.

"Bro, you better learn from me!" Si Lucas naman ang nagsalita at nag ala macho dancer pa sa harap namin. Sinabayan naman namin iyon ni Alliana ng giling.

"Tanga, 'di ko lang trip sumayaw. Baka malasing ako e. Baka mamaya kung pakitaan ko kayo pa magpaturo sa'kin!" Pangangatuwiran naman ni Kyle.

Hindi ko na napansin pa ang pinag-uusapan nila nang may lakaking lumapit sa'kin. Mukha siyang spanish, matipuno ang katawan, at moreno. Nakumpirma kong Spanish nga siya nang magsalita ito.

"Hola, senorita." Panimula niya. "¿Puedo bailar contigo?"

Mas lalo atang sumakit ang ulo ko nang marinig ang sinabi niya. Hilong-hilo na nga ako sa malikot na ilaw dito sa loob ng club at dahil sa kalasingan, dumagdag pa ang sinabi niya.

"I'm sorry, I don't understand Spanish!" Sigaw ko sa kaniya para magkarinigan kami.

Napangisi naman siya nang marinig ang sinabi ko. "Well, do you want to learn from me?" 

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko, pinipigilan ang sarili kong hindi mapangiti sa banat niya. Pucha, babanat lang pala.

"Just bring me back to Spain with you." Banat ko naman pabalik dahilan upang mas lumawak ang ngiti sa kaniyang labi. Natagpuan ko nalang ang mga kamay kong nakapulupot sa leeg niya, tila naging hudyat iyon para sa kaniya para hawakan din ako pabalik. He placed his hands on the sides of my waist.

Fuck, I don't do club guys! But I'm way too drunk to say no, and I'm not gonna lie, he's my type! Baka kaya walang nagwowork na relationship sa'kin dahil dito ko pala sa club makikita, hindi ba? Sige, Laurice. I-gaslight mo pa ang sarili mo!

"Fuck yeah, I would." Tawa niya naman at inilapit ang kaniyang mukha sa'kin, tiningnan niya pa ako sa mata, mukhang humihinginng permisyon.

Hindi na ako nagsalita pa at ako na mismo ang tumingkayad para abutin ang labi niya. The next thing I knew, we were already kissing! Nakapikit na napatingala ako nang maramdaman ko ang pagdausdos ng labi niya sa leeg ko. Fuck, this feeling brings back a lot of memories.

Bigla akong napadilat nang maisip ko iyon. What the fuck, Laurice?! Kung saan-saan dumadapo ang isip mo!

Napaawang ang bibig ko nang tumama ang paningin ko sa isang pares ng mga mata galing sa third floor. Halos malukot ang mukha ng lalaking iyon habang nakatingin sa'kin, tugpong-tugpo ang makakapal nitong mga kilay. May hawak pa siyang flute wine glass sa kaniyang kamay.

"Sebastian?" I unconsciously said, nanlalabo na ang paningin ngayon ngunit pilit akong naniningkit para makita ng maayos ang mukha ng lalaking iyon.

"Wow, how did you know my name, sweetie?" Tila amused na sambit ng lalaking humahalik sa leeg ko pero hindi ko iyon pinansin at nanatili lang akong nakatitig sa lalaking nasa third floor. Mukhang wala rin namang balak ang taong iyong ialis ang kaniyang paningin sa'kin.

But it can't be him, the man's features are more defined than the man I was in a relationship with a decade ago. Tuluyan na akong napapikit sa inis, bakit ba sa tuwing nalalasing ako ay nakikita ko ang mukha niya? Kailan ba ako lulubayan ng mga alaala ko sa kaniya? Ginawa ko naman ang lahat, ah? Pinapagod ko ang sarili ko sa trabaho para hindi ko na siya maisip, I even dated a lot of guys so I can finally forget him totally. But why am I seeing him again? Nag improve pa ang itsura ngayon, hindi tulad dati na kung ano ang itsura niya noon nung huli ko siyang nakita, iyon ang nakikita ko paglasing ako. Tangina, ang lala ko na.

Tuluyan ko nang inialis ang paningin ko sa floor na iyon at muling hinarap ang lalaking nakahalikan ko.

"Let's go to your place." Matapang na sambit ko sa kaniya, hilong-hilo na ngayon dahil tuluyan nang umeepketo ang ilang bote ng tequilang ininom namin kanina. Idagdag na rin ang pagsasayaw ko rito sa dance floor at ang ilaw dito.

"Are you sure, babe?" Tanong naman ng lalaki sa harap ko.

"Yes, let's do it there." Straightforward ko namang sagot.

Siguro pag mahigitan na ng ibang tao ang ginawa naming dalawa noon ay makakalimot na ako. Tama, baka kaya siguro ay hindi ako makalimot dahil hindi ko pa iyon nagagawa kasama ang ibang tao. Baka tuluyan na akong makalimot sa kaniya pag magawa ko na sa iba ang higit pa roon.

Hinayaan ko ang lalaking kahalikan kong hatakin ako palabas ng dance floor. Muntik pa akong matapilok dahil pagewang-gewang na ang paglalakad ko ngayon dahilan para mapatingin ako sa may hagdan. Parang gusto ko nalang mapasigaw sa inis nang makita ko na naman ang lalaking nakita ko kanina sa third floor, nagmamadali siyang bumaba ng hagdan. Putangina, mas nagiging realistic na ang mga imagination ko pag lasing, ah?

Napayakap ako sa sarili ko sa lamig nang makalabas kami ng lalaki sa club. Nakasuot lang ako ng brown tube dress ngayon at black stilettos, naiwan ko pa ang trench coat ko sa loob kaya naman ay agad akong binalot ng lamig pagkalabas namin.

Agad namang hinubad ng lalaki ang sweater na suot niya at inabot iyon sa'kin. Wala sa sarili ko namang inabot iyon, hindi alam ang gagawin doon. "Just wait here, alright? I'll go find my car at the parking." Paalam ng lalaki bago siya tuluyang mawala sa harapan ko.

Wow, he's such a gentleman. That man is really my ty— Tila natigilan ako nang biglang may humawak sa palapulsuhan ko mula sa likod.

"So this is what you do here in New York, huh?"

Tila na estatuwa ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. The only difference that it sound raspier than the last time I heard it. Natatawang napalingon ako sa pinaggalingan ng boses na iyon.

"Fuck Bacardi, ang realistic ng mga nakikita ko. In fairness, pati boses, kopyang-kopya!" Wala sa sariling tawa ko at napatingala sa lalaking nasa harapan ko. Hindi na ako nagulat nang makita ko ang mukhang sa third floor ko lang nakikita kanina.

"At ngayon, nasa harapan ko na, pucha talaga!" Sambit ko pa at tsaka inabot ang mukha ng lalaki at pinisil iyon.

"At nahahawakan ko pa? What the actual fuck is happening?!" Naguguluhang tanong ko habang nakatingin sa lalaki na nakakunot lang ang noo sa'kin ngayon, sa hawak ko.

Napatakip ako sa bibig ko nang hablutin ng lalaking nasa harapan ko ang sweater na ipinahiram noong spanish guy kanina at ibinato iyon sa kung saan.

"What the fuck, wala ka pa ring pinagbago, 'no? Kahit sa kalasingan, ang pangit pa rin ng ugali mo!" Humahagikhik kong sambit, sinusubukang hanapin sa paligid ang sweater pero hindi ako makalayo dahil nanatiling nakahawak ang lalaki sa palapulsuhan ko.

"Yes, I'm still the same. But you? You've changed a lot." Madiing sambit ng lalaki.

"Seeing you making out with a stranger is the least I expected to meet you again. Putangina." He clenched his jaw, halata sa boses niya ang panggigigil.

Hindi na ako nakasagot pa nang may makita akong sasakyan na papalapit sa 'di kalayuan. Napailing-iling ako sa lalaking nasa harapan ko, tiningnan siya mata sa mata, for the last time.

"I am not drinking again." Pagod na sambit ko.

"Imbes na makalimot, mas naiisip pa kita. Dati nakikita lang kita e pero ngayon, nakakausap na. Why is alcohol such a traitor to me?" Natatawa ko pang dagdag pero sa hindi malamang dahilan ay unti-unti kong naramdaman ang paghapdi ng mga mata ko.

Hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot. We have already separated ways years ago. Siguro dahil sa susunod ay hindi ko na talaga siya makikita pa ulit kahit sa kalasingan man lang.

"Goddamn, Laurice." Rinig kong sagot ng imaginary na lalaki sa harap ko.

Napatingin ako sa kotseng huminto sa harapan ko. This must be the spanish guy! Maglalakad na sana ako para salubungin ang pagbaba niya nang biglang may humila sa'kin sa likod, natagpuan ko nalang ang sarili kong malalim ang paghinga habang nakatitig sa lalaking nasa harapan ko, nakatakip ang kaniyang kaliwang kamay sa bibig ko habang nakasandal ako sa pader ng club. Mukhang nasa gilid kami ng establishment ngayon kung saan walang makakakita sa'min.

"Babe? Where are you? Where did you go?" Rinig ko pang tawag sa'kin ng spanish guy ngunit hindi ako makasagot dahil hindi ko magawang ialis ang paningin ko sa lalaking nasa harapan ko. Ramdam ko na rin ang lalim ng paghinga niya ngayon na tumatama sa mukha ko.

How can he seem so real? Have I gone mad?

Ipinikit ko ang mga mata ko, hindi na namalayang naisandal ko na pala ang mukha ko sa dibdib ng lalaking nasa harap ko.

"I want to go home." I murmured, inaantok na.

"Do you think I'll let you go anywhere in this state?" The man said in his nagging voice.

Naramdaman ko ang kamay niyang pumatong sa ulo ko oara haplusin iyon. "Of course, you're going home."



"Oh my God, anak? Since when have you been here?!"

Bigla akong napadilat nang marinig ang boses ni mommy. Bumungad sa'kin ang nag-aalala niyang mukha at ang puting ceiling ng bahay. Parang umiikot ang paningin ko habang nakatingin sa view na nasa harapan ko.

Dahan-dahang inilipat ko ang aking paningin sa aking paanan. Mukhang nakasandal ako sa pinto ng bahay kanina at binuksan iyon ni mommy kaya ako nakahiga sa sahig ngayon. Nang bumangon ako ay mas lalong nanakit ang ulo ko, what on earth just happened to me?

"What time is it, mommy?" Lutang na tanong ko kay mommy habang inaanalyze ang buong pagkatao ko.

"It's 3:30AM, my dear. What on earth happened to you?"

That is the question, mommy. Mukhang wala namang masamang nangyari sa'kin. So far, my body parts are still intact and I'm still wearing what I was wearing when my friends and I went to the club. Naka tube dress pa rin ako, sandals, at blazer.

Wait, blazer?! I don't remember wearing a blazer, I also don't recall buying a blazer like this. And its size is clearly larger than me!

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay mommy nang may marealize ako.

"Whose blazer is this?" Nagpapanic na tanong ko kay mommy kahit na alam kong wala rin siyang ideya kung kanino ito kasi ako naman itong kung saan-saan nagsusuot. I also realized that my things are not with me.

Oh my God, did I got robbed in exchange for this blazer?!


















Ilang araw nanatili sa isip ko ang katanungan kung kaninong blazer ang iniuwi ko noong gabing iyon hanggang sa nag Monday nalang at may work na ulit ako. I even had my private part checked by an obgyn, scared of the probability that I had sex with a stranger that night, but I wasn't. I still have my v card, and I wasn't robbed that night too because my friends gave me my things later that morning. Muntik pa nga silang magreport sa police dahil hindi nila ako mahagilap, buti nalang at nagreach out muna sila kay mommy kaya nalaman nilang nakauwi na pala ako.

At iyon din ang problema ko. How tf did I get home when I don't recall myself booking an Uber? Because in the first place, how can I book an Uber if I didn't have my phone with me? At tsaka anong ipambabayad ko roon? Jusko po!

"Baka naman kasi si Cedric 'yon, baka naman pala nagkabalikan kayo noong gabing 'yon tapos 'di mo lang sinasabi sa'min." Pang-aasar ni Lucas. Pareho kaming may hawak na clipboard ngayon. Kakatapos lang magrounds at lunch break na kaya pabalik na kami sa station.

"Excuse me? Pag tapos na, tapos na 'no. Wala ng balikan, I don't recycle." Banat ko naman kay Lucas. Binigyan naman ako ni Lucas ng fine-if-you-say-so-look.

Napabagal ang paglalakad namin nang mapansin naming may kumusyon sa harap. Nagkukumpulan ang mga babaeng nurse sa harap ng isang room dito sa ward namin, mukhang hindi sila mapakali at ang iba ay impit pang napapatili habang nakasilip sa loob ng room na iyon.

"Hey, what's going on?" Naguguluhan kong tanong sa isang nurse doon. It was Patricia Maxwell. Excited at lakad-takbong lumapit siya papunta sa direksyon namin ni Lucas. Hinawakan niya pa ang magkabila kong braso at pinisil ang mga iyon.

"A pretty kid just got admitted, Laurice." Mukhang tuwang-tuwa niyang sabi sa'kin. Nagkatinginan naman kami ni Lucas. What? Anong nakakatuwa roon?

"What's so exciting about that? The kid is sick, Maxwell." Naniningkit na sambit ni Lucas. Loko-loko ang isang 'to pag kaming mga kaibigan niya ang kasama pero pagdating sa trabaho ay seryoso siya.

"Chill, bro! Of course I'm not happy because a child was admitted." Depensa naman ni Patricia sa kaniyang sarili.

"Her father is just too handsome. Look at the girls, they're all going crazy!" Turo pa ni Patricia sa mga taong nakikiusisa sa room. Hindi lang mga tulad naming nurse ang napapatingin sa loob kung dumadaan doon, pati rin ang ibang mga guardians ng ibang pasyente!

Napasapo nalang si Lucas sa kaniyang noo. "Girls, really." He scoffed in disbelief.

"Come, Laurice! You'll see what I'm talking about!" Hindi pa rin mawala ang excitement sa sistema ni Patricia na hindi na napansin pa ang sinabi ni Lucas. Wala na rin akong nagawa nang hilain niya ako papalapit sa room!

"I know we don't stand a chance with this man, he must be married because he already has a child." Ani Patricia habang hinihila ako.

"But just see for yourself! I have never seen a fine daddy like that, girl!" Dagdag niya pa.

Nang mapahinto kami sa gilid ng room na tinutukoy ng lahat ay unang dumapo ang paningin ko sa isang batang mukhang 5 years old. Mahaba ang itim at tuwid nitong buhok, makakapal ang kilay, singkit ang mga mata, button shape nose, and red lips. For a moment, her face reminded me of someone I used to know...could it be?

Sunod na lumipat ang paningin ko sa isang matangkad na lalaking nakahalukipkip na nakikipag-usap ngayon sa isang doctor. He was wearing a corporate attire. Mula rito ay kitang-kita ang mukha ng lalaking iyon dahil nakatalikod naman ang doctor sa amin. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ang lalaking iyon.

Tila tuluyang nahugot ang hininga ko nang mukhang mapansin niya na may nakatingin sa kaniya. At sa dinami-rami ng mga taong nakatingin sa kaniya ngayon, sa akin pa tumama ang paningin niya. Parang malulukot na ang clipboard sa kamay ko dahil sa higpit ng pagkakahawak ko rito, sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko ngayon na animo'y gusto nitong kumawala.

Napansin ko ang pagsuri ng kaniyang mga mata sa'kin mula ulo hanggang paa. Sa mga sandaling ito ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Matagal na naman kaming tapos, matagal nang naghiwalay ang landas naming dalawa, matagal nang nagpatuloy ang takbo ng buhay ko nang wala siya. Sampung taon na ang lumipas, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Akala ko kung makikita ko siya ulit ay magiging normal nalang ang reaction ko. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil maliban sa kaba ay ramdam ko rin ang tila pagtusok ng kirot sa puso ko.

Because the man standing in that very room was Sebastian Alejandre, my first love, my nemesis, my ex boyfriend, and the one who broke my heart. And even though years had already passed, I was never ready to run into him again, let alone discover that he already has a child.

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
356 133 85
Olivia Dela Torre purchased a charming pocket notebook and filled its pages with heartfelt pictures and cherished memories. She carefully documented...
167K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
2.1K 556 14
A collection of short stories | book one Days By Your Side Hindi akalain ni Stella an dahil sa kanyang pagkamamali ang dating pag-iibigan nila ni Sa...