MYRNA, THE GOOD DAUGHTER

By NassehWP

18K 721 74

Makakaya mo bang ipagpalit ang napakabait, napakasipag, maalalahaning at higit sa lahat napakaganda't simplen... More

Synopsis
CHAPTER 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Author's Messages
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52

Chapter 51

345 15 2
By NassehWP

CHAPTER 51

"Oy, Ano na Myrna? Kayo na ba uli ng jowa mo?"

Napahinto ako sa pag nguya ng mani at napatingin sa kaibigan kong si Wilma matapos marinig ang katanungang niya. Prenteng nakaupo siya sa mahabang upuan nila na gawa pa sa punong narra.

"Ha? Sinong jowa? Wala naman akong jowa ah,"

"Yung Jowa mong pinagpalit ka minsan sa kinakapatid niya? Hindi mo naging jowa 'yon?"

Nalukot agad ang mukha ko sa sinambit niya.

"Hindi! Ang ex ay past na!"

"Alam ko. Pero hindi pa kayo nagkakabalikan?"

"Hindi!"

"Hindi pa?"

"Oo! At bakit may Pa? Wala naman akong balak balikan ang negrong iyon eh!" Nakasimangot na saad ko.

Nagbago siya ng posisyon at tumagilid paharap sa akin.

"So mali ang kwento sa akin ng kapatid mo?"

"Ha?"

"Sabi sa akin ng Kapatid mong si Marlon. Binigyan mo raw ng chance ang Kuya Noli niya. Palagi pa nga daw sa bahay niyo. Doon naglalagi. Halos d'on na nga raw tumira eh." Prenteng paglalahad ng babae sa akin.

Umingos ako.

"Kung gano'n mali ang nabalitaan mo!" Patutsada ko.

"Baka ikaw."

"Anong ako?"

"Mali-mali ang sinasabi ng bibig mo pero sa puso't isipan mo ay gustong-gusto mo ng magkaroon kayo uli ng unawaan ng minamahal mong Negro."

Lalong nalukot ang mukha ko sa pinagsasabi ng kaibigan ko. Bakit ba biglang nagbago ang pananaw niya sa amin ng negrong iyon? Dati-rati naman ay galit siya kasi sinaktan ako ng lalaking iyon. Pero bakit ngayon lubos-lubos ang pagsisimyento niya? Hindi naman kaya may alam na siya sa pag-ibig? O baka naman may unawaan na din sila ni Mark? O baka naman sila na!

"Kayo na ni Mark 'noh?"

Agad niya akong binago ng isang pares ng kaniyang tsinelas ng tanungin ko 'yon sa kaniya.

"Gaga! Hindi kami talo!" Sikmat pa niya.

"Hindi kayo talo?"

"Oo! Panget siya! Maganda ako!"

"Edi bagay kayo."

Binato uli niya ako ng natitirang pares ng tsinelas niya.

"Hindi ako ang topic dito gaga!"

Umingos lamang ako sa sinabi niya.

Umayos uli siya ng posisyon. Tumihaya siya ngunit ang dalawang braso ay ipinailalim sa kaniyang ulo.

"Alam mo Myrna...hindi masamang balikan ang taong nagsisi na sa ginawa."

Napatitig ako kay Wilma ng marinig ang sinambit niya.

Bumuka uli ang kaniyang mga labi.

"At hindi ring naman masamang amining...siya pa rin ang nilalaman ng puso mo."

Mabilis kong iniwas sa kaniya ang paningin ng bigla siyang sumulyap sa akin. Ang kaniyang mga mata ay tila may gustong iparating.

"H-hindi na siya ang nilalaman ng puso ko Wilma," wika ko sa mahinang boses at kahit hindi ko siya tignan alam ko na ang reaksyon ng kaniyang mukha. Nakataas ang isa niyang kilay habang nakatingin sa akin ng may panguuyam. Dahil ganon naman talaga si Wilma.

"Tingin mo...mapapaniwala mo ako sa sinasabi mo?" Hamon na sabi pa niya. "Myrna, Sa loob ng ilang buwan na pagbabalik ni Noli alam kong naramdaman mo uli ang puwang niya sa puso mo. Ngunit, pilit mo lamang binabalewala iyon dahil sa ginawa niyang pananakit sa 'yo sa nakalipas na taon. Pero ang totoo...nariyan parin siya. Sa puso mo..."

"H-hindi totoo ang lahat ng sinasabi mo." Mariing sabi ko sa babae. "Huwag kang magimbento ng salita Wilma. Kaibigan kita dapat ay alam mo ang totoong nararamdam ko."

"Oo nga, kaibigan kita at alam na alam ko ang nararamdaman ng kaibigan ko. Kapag nasasaktan siya, Nagtatago siya at iiyak. Pero kapag kaharap na niya ang taong iniibig niya, Ang mga mata niya'y walang tigil sa pangingislap. Aminin man niya o hindi. Mahal pa rin niya ang lalaking iyon. At ganon ka Myrna." Mahabang simyento ni Wilma.

Huminga ako ng malalim at muling ibubuka sana ang mga bibig ko nang mapalingon ako sa pamilyar na boses na aking narinig mula sa labas ng bakuran nila.

Kunot ang noong lumingon ako sa may-ari ng boses na iyon, At doon biglang bumilis ang ritmo ng aking puso!

"Mahal! Kanina pa kita hinahanap naririto ka lang pala!" Wika ni Noli pagkalapit sa kinaroroonan namin. Habol pa nito ang hininga.

Napalunok ako at wala sa sariling pinagmasdan ang lalaking nakatayo sa harapan ko. Pawisan ang buong mukha. Magulo at may ilang mantsa na ang suot nitong damit dahilan ng paghuhukay.

At noon ko lang napansin na nagbago ang kulay ng kaniyang balat sa mukha. Ang dating maitim at sunog ngayon ay maputi at makinis na. Bakit nga ba hindi ko iyon napansin noong dumating siya? Siguro ay dahil abala akong umiwas sa kaniya?

Sumimangot ako kunwari upang maibsan ang kakaibang nararamdaman kong iyon at baka mahalata pa niya.

"At bakit mo naman ako hinahanap? Bakit? Nawawalang kalabaw ba ako?" Kunwaring paasik sabi ko rito.

Ngumiti siya ng malapad. Kasing lapad ng kaniyang noo.

"Hindi sa nawawalang kalabaw ka Mahal,"

"E ano?" Patanong na sabi ko.

"Kundi, Ayoko lamang mawala ka sa paningin ko."

At ayun nga!

Nangapal at Naginit ng todo ang mukha ko! Lalo na nang sabayan pa nang pangaasar ng mga kaibigan nitong kararating lang.

"Yun naman pala eh!"

"Tunguno Pare! Marunong kana talagang pumik-up line!"

"Aba syempre! Kapag nagmamahal ka kailangan lagi kang may baong pick-up line!" Sabing iyon ni Denver na may malawak na ngisi sa mukha at saka ako sinulyapan at kinindatan.

Si Wilma ay biglang natahimik sa isang tabi ngunit sa sulok ng aking mga mata kitang-kita ko kung gaano kataas ang sulok ng kaniyang labi. May pangaasar tulad ng mga lalaki.

"Manahimik nga kayo! Puro kayo kalokohan eh!" Sikmat ko sa magkakaibigan.

"Asus! Hindi naman kalokohan ang pag-ibig sa 'yo ni Noli, Myrna. Masyado ka naman ano diyan!" Depensa ni Denver.

"Oo nga naman Myrna, Ikaw na nga itong iniibig ng matagal ikaw pa itong pakipot-kipot!"

"Heh!"

Narinig ko ang pagtawa ng negro kaya naman binalingan ko ito at binigyan ng masamang tingin.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?!" Nakasimangot na saad ko.

Tumaikhim siya at Inayos niya ang sarili.

"Wala naman Mahal—HUWAG MO NGA AKONG MAMAHAL-MAHAL DIYAN!" Kaagad na putol ko sa iba pa niyang sasabihin.

Nanlaki ang mga mata ko at napaatras bigla ng bigla siyang tumungo at inilapit ang mukha sa akin.

"At bakit hindi? E totoo namang mahal kita."

"Pota naman! Ang cheezy Pare!"

"Sige lang Pre! Ipaglaban mo ang pagmamahal mo sa minamahal mong si Myrna!"

"Bakit hindi kana lang kasi mag-propose Noli para naman paniwalang-paniwala ang pag-ibig niya sa 'yo puro ka naman kasi matamis na salita lang." Ungot naman ng kaibigan kong si Wilma mula sa pwesto nito.

"Soon Mare!"

Init na init na ang pakiramdam ko. Pati yata dugo ko sa talampakan ay umakyat na sa mukha ko!

Dahil hindi ko na kaya ang kahihiyang pinamamalas sa harapan ko, Ako na mismo ang tumayo at nagpaalam sa kanila.

"Uuwi na ako!" Wika ko at umalis sa harapan nila at mabilis na tumakbo paalis.

"Mahal!" Tawag sa akin ni Noli pero hindi ko siya pinansin.

"Hoy Myrna! Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos dito!" Narinig ko pang sambit ni Mark.

Tuloy-tuloy ang pagtakbo ko paalis ng tarangkahan nila Wilma. At pagabot sa kanto sa may poste doon lang ako huminto at sinandal ang likuran sa poste at pili na hinahabol ang hininga.

"Mahal!"

Naipikit ko nang mariin ang mga mata.

Bakit pa siya sumunod!

"Mahal okay ka lang?"

Hindi ako nagsalita. Hinintay ko lamang maibalik sa normal ang hininga ko.

"Mahal? Kaya mo pa ba?"

Pagmulat ng aking mga mata ang nagaalalang mukha niya ang nabungaran ko.

"O-okay ka lang?" Paguulit niya sa unang tanong kanina.

Lumunok muna ako bago siya sagutin. Ngunit sa aking lalamunan ay tila ba may nakabara kaya naman muntik na akong masamid.

"Mahal! Anyare? Okay ka ba? Sabihin mo sa akin!" Magkakasunod na tanong ni Noli habang hinihimas ang aking likuran ngunit hinawi ko lamang ang kaniyang kamay.

"O-okay lang ako." Pilit ang sabi ko at saka hinabol ang hininga.

"Mukha namang hindi eh!" Asik niya.

Tinignan ko siya.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Ba't ka sumunod?"

"Syempre, Hinabol kita! Yon lang naman ang pwede kong gawin 'di ba?" Pagingos niya.

Bahagya akong natigilan at natameme nang marealise ang salitang 'hinabol'. Humakbang ako palayo sa kaniya.

"O saan ka na naman pupunta? Tatakbuhan mo na naman ako?"

Muli ko siyang tinignan. Hindi kaagad nakaumang.

"Kapag hinahabol kita saka ka naman tatakbo." Mababa ang boses na sabi niya.

"H-hindi ko naman sinabing maghabol ka." Wika ko at iniiwas sa kaniya ang paningin.

"Wala ka ngang sinabi pero iyon ang gusto ko!"

"Hindi mo naman kailangan gawin 'yon ah? Ikaw lang naman etong gumagawa ng kung ano-ano! Papansin ka masyado!" Sikmat ko.

"Tangina naman! Kaya ko nga ginagawa ang lahat ng iyon dahil mahal kita Myrna! Mahal na mahal kita kaya ako naghahabol sa 'yo. Ginagawa ko ang lahat para maibalik ko ang dati mong nararamdaman. At kahit nga na pinagtutulakan mo ako. Sinasabihan ng masasakit na salita. Sumuko ba ako? Hindi! Kasi ganon kita kamahal!"

Hindi ako nakapagsalita lalo na nang kunin niya ang dalawa kong kamay at inilapit sa kaniyang nga labi.

"Mahal na mahal kita Myrna, At kahit pa na anong gawin mong pagtataboy at pagtutulak sa akin? Hahabulin at hahabulin pa rin kita. Kasi ganon kita kamahal."

"N-Noli..."

"Kung luluhod man ako sa harapan mo at magmakaawang bumalik ka sa akin, Gagawin ko 'yon."

Nakatitig lang ako sa kaniya habang ang mga mata'y naguumpisa nang manubig. Ang mga labi ko ay nanginginig na ding.

Bahagya akong napalunok nang may pumasok sa aking isipan.

Ang mga salita niya.

Naguumpisa nang sakupin ang puso ko.

NASSEHWP

Continue Reading

You'll Also Like

33.3K 525 51
What the title said. You are a Worker Drone BTW Slow Updates because My motivation is dying.
18.2K 625 27
the story takes place in Nevermore where Wednesday meet a tribrid that is Hope's twin sister who was misplaced at birth. her name is Faith Mikaelson...
141K 14.7K 75
මට ඕනේ හැමදාම... නුඹෙ තුරුලටම වී ඉන්න... 🌹 TaeKook Non Fanfiction #1 roses #1 marshmallows #1 nonfic #1 nonfanfiction #1 nonff #1 nonfanfic 2023.1...
66.2K 1K 7
နိုရာနဲ့ပထွေးဖြစ်သူတို့ဘယ်လိုမျိုးဇာက်လမ်းဖြစ်ကြမလဲ 21+ရိုင်းပါတယ်နော် ကလေးများမဖတ်ပါနဲ့